Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapitre Quatre




🤍🤍🤍🤍🤍🤍

His Home Her Shield

"Meeting You"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍






"NO, really. It's okay. Somebody is coming to pick me up." Nahimigan ni Sofia ang pag-aalinlangan sa tinig nito.

"Oh come on. Maghihintay ka dito? Gaano katagal? You can just call them and meet you wherever you are heading to." Nagulat si Sofia sa pagiging forward niya.

Extreme crazy sita pero never pa niya nagawa ang bagay na ito kahit kailan, ni hindi niya kilala ang lalaki ito tapos eto siya? Nag-offer pa siya na isakay ito? Paano kung bigla na lang siya nitong barilin o di naman kaya ay saksakin? Paano kung rapist ang lalaking ito? Parang inihain niya dito ang Bataan, ng walang kalaban-laban, worse, ang buhay niya. Well, huli na para umatras siya.

"Miss..." Natahimik ito ng sandali, nilingon niya uli ang lalaki at nginitian.

"So--- Soki. Just call me Soki." Matapang niyang pakilala kahit pa sabihin na hindi niya ito totoong pangalan.

Oh, you're so losing her mind, Sofia! Tama. Nawawala na nga siya sa kanyang sarili. Nagtatapang-tapangan siyang imbitahan ang lalaki tapos takot din pala siyang magpakilala ng maayos. Natulala siya ng wala sa oras dahil ngumiti ang lalaki at lumabas na nag-iisang dimple nito. Haaayy...

"Uhm... Soki, hindi ka ba natatakot na baka masamang tao ako? For God's sakes, I am a stranger after all, paano kung..." Pinutol niya ang sasabihin pa nito. Alam naman niya yun eh. Marami na ngang nakahihindik na senaryo ang naglalaro sa isip niya.

"A stranger na nagmagandang-loob na bayaran ang lahat ng binili ko, naiwan PA ng bus dahil sa akin, then to top it off, I overheard you saying your sweetest I love you to your Mom over the phone. A bad man won't think of doing something heinous to another person... and that is something." What?! Nagulat siya sa mga lumabas sa kanyang bibig.

Wala na talaga. Nabaliw na ngang tuluyan si Sofia Martinez. Hindi na tuloy niya alam kung ano ang laman ng kanyang ulo. May utak pa ba siya? Parang nawawala na ang itinuro sa kanya ng kanyang mga magulang noon na stranger danger at don't talk to a strangers. \

Nakita niya ang pag-iling ang lalaki na magpahanggang ngayon ay hindi niya alam ang pangalan Pero heto siya at bestie-bestie na sila. Wow lang talaga, Sofia!

"You're right. I am not a bad guy. And I don't feel right taking your money, Ang laki kaya niyan." Ngumiti uli ito sa kanya. "I'm Benjamin Gomez nga pala. Just call me Benjie." Inilahad nito ang kamay sa kanya at matamis na ngumiti.

Kinuha naman niya agad ang kamay nito ngunit mabilis na binitawan. Ang lakas ng pagkislap ng kuryente sa pagitan nila na agad na dumaloy sa buo niyang braso. Para siyang napaso.. Bigla tuloy siyang naging awkward sa harap ng binata. Napansin ni Sofia na ganun din ang ang nangyari kay Benjie.

Pareho silang nakatayo sa gilid ng kalsada, magkaharap, nagkakailangan. May kung ilang metro ang layo nila sa kotse ng dalaga. Sa pagkailang, napayuko na lang si Sofia, mata sa lupa at hindi alam ang gagawin. Ang isa naman ay palinga-linga sa paligid, hindi rin alam ang gagawin o sasabihin. Hanggang sa hindi nakatiis si Benjie.

"Uhm... if I get a ride with you, would it be okay if I drive?" Hindi malaman ni Sofia kung bakit, pero iba ang dating nun sa isip niya. "Nakakahiya naman kasi na nagmagandang loob ka nga na isakay ako, tapos gagawin pa kitang chauffer."Dugtong nitong paliwanag.

Wala siyang karanasan sa bagay na ito. Kauna-unahang pagkakataon niya tiong ginawa at ang masama pa kung ano-ano ang pumapasok sa isip niya. Hindi naman masama, pero bakit ganun? Dahil nagiging mahalay ka, Sofia! Kastigo niya sa sariling isipin. Lihim niyang ipinilig ang kanyang ulo. Pilit niyang iwinawaksi yun sa kamalayan.

"Saan ka ba pupunta?" Mas minabuti aa lang niyang ilayo ang usapan sa tumatakbo sa utak niya. Tumikhim muna si Benjie.

"Papunta ako ng norte. I was going to do some ocular visits to a few places for our company's christmas retreat slash mission for next year, and while I'm on it, magso-soul searching na rin. A thing I do every year to keep me sane before the holidays. What about you?" Hindi makasagot si Sofia sa tanong ni Benjie dahil hindi niya naman alam kung saan talaga siya papunta. Gusto niya lang magpakalayo-layo.

"I don't know." Pag-amin niya. "I have no specific destination. I just wanted to drive and see where my gas leads me to." Nabigla si Benjie sa sinabi ni Sofia. An aimless traveler. Naisip ng binata.

"What? You don't have anywhere to go?" Titig na titig si Benjie sa kanya. Naiilang si Sofia sa tingin na ibinibigay sa kanya ng binata. Binata pa nga ba ito?

"No." Simple niyang sagot dahil yun ang totoo. "I mean, yes, I do, but not at the moment." Dugtong niya paliwanag. Lumamlam ang tingin nito sa kanya. Mas lalo tuloy siyang kinabahan.

"Uhm... Soki, if you... if it's okay with you... uhm... would you want to go with me?" Napatingin si Sofia sa kanya. Nag-aalangan ang isip niya ngunit gustong-gusto ng puso niya. "I promise you, I will make sure to be good and do you no harm." Parang may kung anong humaplos sa puso niya. Ora mismo, napagtanto niya ang kakaibang kabang yun ay simula ng kakaibang tibok nito sa ngalan ng... pag-ibig. Pag-ibig nga ba?

Sumakay na sila sa kotse ni Sofia, sa passenger side siya, si Benjie naman ang nag-drive.

Alas otso ng gabi, nasa kalsada pa rin sila. Si Benjie ang nagda-drive.

Hindi na namalayan ni Benjie na nakatulog na pala si Soki (Sofia). Napangiti siya nang makitang tulog na ito. Nakahinga siya ng maluwag dahil pakiramdam niya ay nagtitiwala sa kanya ang babae.

Panaka-naka ay nililingon niya ito. Hindi niya maiwasan na humanga sa mala-anghel nitong mukha, ang labi nitong parang ang lambot at may natural na pula. Alam niya ang babaeng may bahid ng makeup kahit konti dahil ganyan ang Tita Lana niya.

Napahugot siya ng malalim na paghinga at malumanay na bumuga. Minsan na siyang nakaramdam ng ganito pero hindi kasing tindi ngayon.

Unang kita pa lang niya sa dalaga kanina sa stop over ay para na siyang nabubuang. Ang lakas ng dating nito sa kanya. Agad na tumibok ang puso niya para sa babae na para bang at home siya sa piling nito kaya nung inimbitahan siya nito, nag-alanganin man ay pumayag na siya.

Hindi niya alam kung bakit, pero gusto niyang maging pananggalang nito, maging proteksyon nito lalo pa't nalaman niyang wala palang direksyon ang biyahe nito, walang pakay na lugar. Ibig sabihin, kung saan lang abutan ng gabi. Delikado.

For some odd reason, wonderful reason, he wants her to be his home, he feels like to be her shield. May kung anong sinasabi ang mga mata ng dalaga kanina, para bang may kulang sa buhay nito na gusto niyang siya ang pumuno.

Ang mga mata nito puno ng lungkot, gusto niyang siya ang magpapawi nito at magbibigay saya dito. Pero paano?

Binunot niya ang kanyang cellphone at tinitigan ito. Gusto niyang tawagan ang kanyang Tito Sirius para humingi ng payo, ngunit nagdadalawang isip naman siya dahil baka magising ito.

Hindi tuloy siya makapag-isip ng mabuti, nababaliw na yata siya. Nagdadalawang-isip man mas pinili pa rin niyang tawagan ang tiyuhin. Gamit ang kanyang bluetooth, hinintay niyang mag-ring ang kabilang linya at sumagot ito.

"Hello?" Sagot ng kabila.

"Tito Sirius..." Bigla ay parang nagsisi siyang tinawagan ito.

"Benjie? Hello? Is everything okay?" Tanong nito. "Dumating na ba ang mga tauhan ng Tita Lana mo." Nag-alangan siyang sumagot dahil hindi naman niya alam kung pumunta nga yung mga yun para sunduin siya. Isa pa, hindi niya naalalang nagpadala siya ng impormasyon kung nasaan siya.

Iba ang tawag na ito at hindi niya ito pwedeng ipagpabukas dahil kung hindi ay baka ilaglag na lang niya ang sasakyan sa kasunod na banging madaanan at hindi yun pwede. Mabuti kung siya lang isa sa sasakyan, may kasama siyang anghel. Mahirap na baka maimpyerno pa siya.

"Tito... uhmm..." Nawala yat ang kakayahan niyang magsalita o mismong boses niya ng naglaho. Ibinuka niya ang bibig ngunit walang lumabas.

"How do you know if you are falling in love with someone when in fact you just met her, you don't even know each other's last names?" Sa wakas ay lumabas na rin ang mga salita sa bibig niya.

Kinabahan siya dahil sinagot lamang siya ng katahimikan na galing sa kabilang linya. Bumuntong-hininga siya, naninikip ang kanyang dibdib. Papatayin na sana niya ang tawag dahil parang siya ang mamatay sa nerbyos nang magsalita si Sirius.

"Well, hindi ko talaga alam kung paano, basta ang alam ko lang, mabilis lang ang tibok ng puso ko. Sa tuwing nalalapit ako sa kanya o nakikita ko siya kahit malayuan o sa tuwing nalalayo siya sa akin o isipin ko lang na mawawala siya akin ay parang sasabog na ang puso ko sa sakit at panghihinayang, parang hindi ako makahinga." Hindi na niya pinatapos pa sa pagsasalita ang tiyuhin.

"Ganyan ba ang naramdaman mo noong una mong makita si Nanay?" Bigla niyang tanong dito. Panandaliang katahimikan ang muli niyang narinig sa kabilang bago ito muling nagsalita.

"Yes." Diretso nitong sagot na ikinangiti niya. "She's my everything. She's my star. My bright star, my moon goddess. When your dad told me that he likes your mom, I stepped back because I knew he needed a bright star to guide him. Your father has a... temper and only your Mom can appease him. I teased your mom and pestered her all the time so she gets annoyed and can turn her feelings towards your dad and I succeed. It was painful, but I got them together." Narinig na niya ang parte ng kwentong ito pero hindi yung unang bahagi.

"Stepped back?" Tanong ni Benjie. Nako-curious siya ngayon.

"Yes. I stepped back." Matatag na sabi ni Sirius.

"How?" Nalilito siya.

Ang alam lang kasi niya, ayon sa pahayag ng Nanay at Tito Sirius niya, hindi naging seryoso ang tiyuhin. Palagi itong nang-iinis at nung bandang huli, bigla itong nawala.

"Nalulong ang Kuya sa alak at droga noon at palagi itong high, galit, nagwawala o di naman kaya ay naghahanap ng gulo. Nakapagtatakang nag-iiba ang ugali niya sa tuwing nakikita niya si Selina. Yang ang totoo. At para magkalapit silang, umalis ako." Ngayon buo na ang kwento. May ganito palang kwneto? Akala niya sa pelikula o teleserye lang nangyayari ang mga ganito.

"Kaya ba hindi na kayo nag-asawa?" Tanong niya dito. Hindi ito kumibo.

Buong buhay ni Benjie nakita niya kung paanong naging mabait ang Papa niya sa kanyang Mama. Nakita niya ang laki ng pagmamahal nito sa kanyang ina, ganun din naman ang Mama niya sa kanyang ama.

"I could never find another woman like your mother. She may have married my brother all these years but she's here in my heart. She remained to be my brightest star." Naramdaman na lang ni Benjie ang pagtulo ng kanyang luha. If this isn't true love then he doesn't know what else it would be.

Punong-puno ng saya ang puso niya na malaman na may tunay na nagmamahal sa kanyang ina at handang magsakripisyo para dito at sa mahal nito sa buhay dahil maging siya ay naramdaman niya yun. Gusto niyang maging katulad ng Tito Sirius niya, he became his father's shield and his mom's protector.

Nagpasalamat siya sa kanyang tiyuhin bago pinatay ang tawag. Hindi man siya sigurado kung yun nga ang sagot sa tanong niya, pero iisa lang ang sigurado siya... mahal niya ang babaeng may-ari ng kotseng minamaneho niya na kasalukuyang tulog at walang eksaktong pupuntahan. Pwede pala yun.

Tama, sigurado siya dahil pagkatapos niyang aminin sa sarili na mahal niya si Soki, na kakikilala lang niya ng ilang oras ay naging panatag na ang kanyang puso mula sa paghuhuramintado mula pa kaninang makilala niya ito.

"No, I am not only falling for her, I already AM in love with you, Soki."




















___________
End of HHHS 4: Meeting You

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi. Tap the 🌟 to vote, and please share the story and give good vibes.

This story is the writer's original idea/creation, the image used on the cover made through Desynger, a Wattpad partner, so please be respectful and be kind. Do not copy any part or parts of this story. Let's enjoy reading the story.

💖 ~ Ms J ~ 💖

His Home, Her Shield
©All Rights Reserved
November 20, 2018

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro