Chapitre Onze
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
His Home Her Shield
"Benjie & Sofia"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"ALEXANDER Benjamin Gomez?" Nagulat pa siya ng may magsalita sa tagiliran niya, para naman siyang natauhan. Dahil bukas ang bintana, tiningala niya ito. "Ikaw nga!" Dugtong pa nito na tuwang-tuwa.
"E-einri?? Einri Joel Martinez." Naguguluhan niya itong tinitigan. Nagpalinga-linga siya.
"What are you doing here?" Tanong ng kaibigan niya.
"I don't know. I was driving around aimlessly and for some odd reason I ended up here..." Halos pabulong na yung huli niyang sinabi at tiningala ang building sa harapan niya. "... in your clinic." Namamanghang dugtong ni Benjie. Hindi niya alam kung paano siya nakarating sa tapat ng clinic ng kaibigang dentista.
Naalala niyang nagkakilala silang dalawa sa isang medical and dental convention. Naging close sila dahil halos magka-edad at pareho pa ang kanilang pinasukang university noong nag-aaral pa sila, yun nga lang magkaiba sila ng building. Pediatric at General Medicine siya, dentistry naman ang sa kaibigan.
"Why are you here? May kailangan ka ba sa akin?" Tanong nito sa kanya.
" No. I mean, I don't know, Einri." Lito niyang sagot. Maging siya man ay nagtataka kung bakit siya nandito. "What about you? Why are you here?" Balik tanong niya dito. Nagtataka siya kasi alam niya na kapag ganitong mga panahon ay sarado na ang clinic nito at nasa probinsya na nila, kaya nga madalas itong hindi nakakasama sa medical missions nila bago sumapit ang pasko.
"Oh, I just came by to pick up a few documents while I'm on vacation. I won't be back till after New Year's. Kailangan kami ng bunso namin eh." Sagot nito sa kanya.
"Bunso? Si Aleah? Siya ang bunso n'yo di ba? Bakit? Ano ang nangyari sa kanya?" Ngumiti ito sa sunod-sunod niyang tanong.
"No, she's okay. Yung isa pa naming kapatid na babae. Yun yung pinaka bunso namin. I don't think you know her kasi she's always with my Tita Bridget." Kwento nito sa kanya.
May kapatid pa palang isa ang kaibigan. Si Aleah lang ang kilala niya. Hindi niya alam kung bakit pero gusto pa niyang makipagkwentuhan sa kaibigan.
Hindi makwento si Einri tungkol sa pamilya nito kaya yun lang ang alam niya dahil nagkataon lang na nakilala niya rin si Aleah nung bumisita ito kasama ang boyfriend nitong dentista din, na kakilala din niya, sa isang mission work dati, apat na taon na ang nakaraan.
"May nangyari ba sa kanya?" Kyuryoso niyang tanong. Mabilis siyng lumabas ng kotse para magkausap sila ng kaibigan ng maayos.
"Wala namang masamang nangyari. Kababalik lang kasi nito after being gone for more almost three months." Kwento naman nito. Nakangiti pa rin.
"Saan galing? Abroad?" Hindi niya alam pero gusto niyang malaman. O mas magandang sabihin na gusto niya na may makausap para maipahinga muna ang isip.
"Not really. Hindi naman daw siya nangibang bansa. Hindi maliwanag angkwento eh, di ko gaanong naintindihan. Ang mahalaga sa amin ngayon ay nakabalik siya ng maayos." MAsigla nitong pahaya. "Yun nga lang, mukhang brokenhearted eh. Kaya ayun, nagmumukmok sa bahay. I have to close up my clinic for now at pagbakasyunin ang mga tauhan ko para matutukan namin siya ni Aleah. She's still mourning the passing of our parents ten years ago, tapos nasabayan pa ng pagkabigo sa pag-ibig yata." Patuloy lang si Einri sa pagkwento. Na-curious lalo si Benjie.
"Brokenhearted? Ang gago naman ng lalaking yun para paiyakin ang kapatid mo." Nag-init ang ulo niya. Sa lahat kasi ng ayaw niya ay may naaagrabyadong babae, kahit hindi pa niya ito kilala.
"Well, ganun talaga. May wagi sa pag-ibig, may bigo rin." Simple nitong pahayag. Nagsalubong ang kilay ni Benjie.
"Hindi ba naisip ng lalaking yun na may pinagdadaan at masasaktan ang bunso n'yo?" Nakaramdam ng inis si Benjie sa kwento ni Einri. Mabuti na lang at wala siyang kapatid dahil kung meron ay maaaring nakapatay na siya ng tao sa pagpapaiyak ng kapatid niya.
"Sana ganun nga. Kung sila nga nung lalaki at kung alam nito ang pinagdadaanan ni Bunso, pero hindi naman kasi sila eh." Nagsalubong lalo ang kilay ni Benjie. Hindi dahil sa inis kundi nalilito siya.
"Paanong naging heartbroken, eh hindi naman pala sila?" Wala sa loob niyang tanong. Nagiging tsismoso na siya. Natawa tuloy si Einri.
"Huli na kasi para ipaalam doon sa lalaki na mahal niya ito kaso wala na ito." Nagkibit-balikat si Einri. "Well, it was probably not meant to be." Humugot ng malalim na paghinga si Einri.
"Ano ang gagawin mo ngayon sa kapatid mo?" Tanong niya.
"Eh di wala. Ano ba ang magagawa namin? Aleah and I decided to take an emergency leave just to be with her. We want to make it up to her baka mamaya bumalik na naman yung pag-e-extreme sport nun. This time eh matuluyang kami na lang talagang dalawa ni Aleah ang maiwan, hindi na yata namin yun kakayanin." May pait sa tawa nitong sabi ngunit hindi naman umabot sa mga mata ang ngiting yun.
Biglay ay parang may naalala siya sa kwento ni Einri, parang si Soki lang. Mas lalo niya tuloy na miss ang dalaga. Nakaramdam siya ng konting paghigpit ng kanyang puso, parang panandalian siyang kinapusan ng hininga.
"This sucks." Wala sa loob na nasabi ni Benjie. Napalingon si Einri sa kanya at napailing.
"Ikaw, ano ang balita sa iyo?" Tanong nito. Sumandal ito sa kotse niya at ganun na rin ginawa niya. Humugot siya ng malalim na hininga. Nakaharap silang dalawa sa kalsada.
"Well, aside from just barely coming back from another medical mission in a place that was my home for almost one month, I think I finally met the girl of my dreams but unfortunately, I let her slip away." Naawa naman ang kaibigan sa kanya. "Really sucks." Dugtong niya.
"That's something... and yeah that sucks. You found her pero nawala pa siya sa iyo? That was very sad, Bro?" Hinimas nito ang baba niya.
"I just wish I could go back in time and stay with her. Or maybe bring her back with me." Parang nanaginip na saad ni Benjie. Lagpasan ang tingin sa mga nagdaraang mga sasakyan. Napailing si Einri. Bigla siyang nagkaroon ng ediya.
"Uhm... Benjie, do you have any plans for the eve or Christmas day?" Bigla ay tanong ni Einri sa kanya. Mabilis siyang napatingin sa kaibigan.
"Well, I had but not anymore. Tita Lulana was with her new boyfriend and Nanay left to go to El Nido with my Tito Sirius and I was on a search for this girl---" Natigil siya sa pagsasalita.
"Whoaw! Hold on. Your Mom? And your Tito Sirius? Seriously?" Pagsingit nito sa kwento niya. "Wow. After all these years, naging sila din pala?" Napatitig siya ng may pagtataka sa kaibigan. "At ano itong searching?" Dugtong pa nito.
"Teka. How did you know about Nanay and Tito Sirius? Kung ako nga few months ago ko lang nalaman. Aksidente pa." Pinagkrus niya ang kanyang mga braso. Pilit na tinatantiya ang kaibigan.
"Tol, grabe ka sa pagka-dense mo. Don't tell me na hindi mo napansin kung paanong pahalagahan ni Doc Sirius si Nurse Selina? Kaming lahat kita namin ang talim ng tingin ni Doc Marcus kay Doc Sirius dati kapag nakikita niyang nagkukwentuhan ang sila ni Nurse Selina." Laglag ang panga ni Benjie sa narinig mula sa kaibigan.
Siya na lang ba talaga ang walang kaalam-alam sa nangyayari sa paligid niya? Sa mga magulang niya dati? Ganun na ba siya kamanhid? Tanga Benjie. Tanga ang tawag dun.
Kaya ba hindi siya nakayang mahalin ni Soki dahil sa pagiging clueless niya sa mga nagaganap sa paligid o mali lang siya ng approach sa buhay? Nabalik na naman ang isip niya sa mailap na dalaga. Isang malalim na paghugot ng hininga ang ginawa niya para mapawi ang mukha ng dalaga sa kanyang sistema.
"Wait, so you know all along na may pagtingin ang Tito Sirius ko sa Nanay ko?" Tumango si Einri ng may pagmamalaki.
"Lahat kaming mga dental intern ay nahalata yun noon pa. Sinabihan ako ni Doc Luna na wag iapgsabi ang nalaman ko. Akala ko nga alam mo na eh." Umiling si Benjie.
"I didn't even see the signs na may ganun pala." Pag-amin niya. Sumandal si Einri sa kotse niya bago nagtuloy ng kwento.
"Minsan kasi naabutan ko si Doc Marcus na kausap si Doc Sirius. I was looking for Doc Lula that time. Narinig kong pinag-uusapan nila si Nurse Selina. Humihingi yata ng sorry ang Tatay mo sa kanya sa paglalayo ng mga kaibigan ni Nurse Selina sa kanya." Napatitig si Benjie sa kaibigan. Iniisp kung kelan ba sila huling nagsama-sama sa iisang clinic.
"Ang tagal na nun ah. Internship n'yo pa yun sa hospital namin." Kunot ang noong sabi niya. Ang tagala na nun para maalala niya ito.
"First month ng internship namin." Tumango-tango siya.
""I wasn't here that time." Pag-amin niya. Wala siya sa bansa nung mag-internship ang mga ito dental side ng hospital nila. Sa Japan kasi siya nag-intern.
"Narinig kong humihingi rin ng sorry si doc Marcus kay Doc Sirius. Natakot akong umalis kasi baka makagawa ako ng ingay. Ang natatandaan ko noon ay nagalit si Doc Sirius kay Doc Marcus." Nagsalubong ang kilay niya.
"Bakit hindi ka na lang umalis." Para naman kasi siyang nahiya para sa ama at tiyuhin.
"Ikaw kaya ang ma-stock sa dalawang nag-uumpugang kidlat, makatayo ka kaya?" Sabi nitong ikinatawa niya. Oo nga naman.
"Sabihin mo, dahil diyan sa pagiging clumsy mo, na-stock ka sa ilalim ng lamesa at di na makatayo." Natayo silang pareho, nag-high five.
"Kidding aside. nahiya na lang talaga akong tumayo nun kaya di ako makaalis. They didn't even know I was there." Patuloy ni Einri. "Narinig ko ang lahat. Ang paghingi ng sorry ang Daddy mo. Ang panunumbat ni Doc Sirius sa ginawa niyang panloloko sa kakya bilang kapatid. In the enf, hindi rin napagbigyan ni Doc Sirius na patawarin ang Daddy mo." Napapailign na salaysay ni Einri.
"I didn't even know that there was that animosity between brothers. Ang akala ko lang suplado lang talaga si Daddy at bilang panganay na anak, he has to be strict and serious." Napapailing niyang pag-amin.
"Hey, you know what, while we were in this conversation, I heard from that confrontation that your mom is a friend to my mom. They were college friends. I wasn't able to tell you then kasi wala ka nga. By the time na magkita naman tayo, nawala na sa isip ko yun. I just remembered right now.
Mahaba pa silang angkakwentuhan sa parking lot na yun hanggang sa nakatanggap ng text si Einri at kailangan nitong umalis,
"Well, anyway. I really have to go. Kailangan ko pang sunduin si Sofia at si Alea." Wala sa loob na tumango na lang siya. Iniisip ang m kanyang natuklasan.
"Okay." Napapadalas na ang kanyang pagiging wala sa sarili.
"Oh pa'no? Kita na lang tayo after the new year's?" Natahimik si Benjie. Nakatitig lang siya kay Einri. May ibang gustong gawin ang puso niya, parang iba ang plano ng puso niya ngayong pasko.
"Uhm... Einri, I have a ticket to fly tonight to El Nido to follow Nanay, but I don't feel like flying anywhere nor staying home by myself. May I..." Alanganin siyang nagpapahiwatig sa kaibigan. Ngumiti ito sa kanya at may tinipa sa cellphone nito. Ilang sandali lang ay tumunog ang cellphone niya. Sinipat niya yun at ngumiti.
"See you tonight then?" Nakangiting tumango si Benjie. Hindi niya alam kung bakit pero napuno ng saya ang puso niya.
"Thanks, Bro." Iniabot niya ang palad para makipagkamay dito. Natatawa namang tinanggap ni Einri yun.
"Anytime, Bro. Para naman kahit papaano ay mawala yang kamalasan mo sa chikababes na yun." Napailing na lang si Benjie at nagpaalam na sa kaibigan niya.
"Thanks, Bro. I owe you one." Sumaludo ito sa kanya. Naghiwalay silang dalawa ng kaibigan na magaan ang puso niya. Hindi niya alam kung bakit pero yun ang naramdaman niya.
"BENJIE, akala ko ba ay susunod ka dito sa amin ng Tito mo? This trip is for you not for me, anak." May himig pagtatampo at pag-aalala sa boses ng ina. Napangiti si Benjie sa tinuran ng ina sa telepono.
"Nay, okay lang ako dito. Kayo ni Tito ang mag-enjoy diyan. You both deserve it." Masaya siya para sa Nanay niya.
Lahat ng sinabi sa kanya ni Einri kaninang bago sila maghiwalay ay isang eye-opener para sa kanya. Hindi lang pala sapat ang mahal mo ang isang tao, dapat pala ay pakiramdaman mo rin ito. Maaaring yun ang mali niya kay Soki kaya hindi nag-abot ang kanilang nararamdaman kahit pa mahal nila ang isa't isa.
Maaaring hindi na sila magkita sa buhay na ito, dalangin lang niya na sana sa susunod na buhay ang magkita sila. Sisiguraduhin niyang ipaalam dito ang tunay niyang nararamdaman sa simula pa lang at higit sa lahat, ipapakita niya rin, pakikiramdaman ito para hindi siya nanghihinayang ng katulad ngayon.
Pakikinggan niya ito dahil yun ang nararapat. Marami siyang dapat na malaman sa buhay pag-ibig sa mga darating pang panahon. Nagkamali man siya sa buhay na ito ay hindi naman siya nagsisisi dahil naipaalam niya dito, kahit papaano, na mahal niya ang dalaga at nalaman niya mula kay Aling Miling na mahal din pala siya ng dalaga.
Hindi man niya napangalagaan si Soki sa buhay na ito, hindi man siya ang magiging pananggalang nito sa ngayon katulad ng hinahangad niya, ngunit iisa lang ang alam niya, si Soki ang magiging kanyang tahanan hanggang sa maging handa ang puso nito.
Alam niyang hindi kailanman mangyayari na magkita pa sila nito sa buhay na ito. Alalagaan niya sa kanyang puso ang dalaga at hangga't hindi sinasabi ng tadhana na hindi sila pwede, maghihintay lang siya na ipahayag ng tadhana na sila nga.
"Benjie? Anak? Nandiyan ka pa ba?" Nagising siya sa mula sa pananaginip ng gising.
"Yes Nay, nandito pa po ako. I'm sorry po." Mabilis niyang sagot. Magpapaalam na sana siya ng maalala niya ang kaibigang si Einri. "Nay, may kakilala ka bang Aimon at Elysia Martinez?" Tanong niya dito. Isang pagsinghap ang kanyang narinig mula sa kabilang linya.
"O-oo, anak." Nauutal na sagot ni Selina. Nariringgan niya ito ng kaba ngunit may himig kagalakan din.
"Well, I guess you got your early Christmas present from Santa." Sagot naman niya.
"Nakita mo na ba sila? Nak, yan yung pinahahanap ko sa iyo. Please, anak, cut the excitement." Nangunot ang noo niya at natawa. Napailing siya.
"Nay, ang ipinahanap n'yo sa akin ay isang Mon at Lizzy Martinez. Yan ang mga pangalan na ibinigay mo sa akin. Pero ang nahanap ko ay Aimon at Elysia." Panunukso niya sa ina. Narining niya ang paghugot ng hininga nito sa kabilang linya. Senyales na naiinis sa pang-aasar niya.
"Umayos ka nga, Alexander Benjamin Gomez! Kung nasa tabi lang kita ngayon baka nakutusan na kita!" Singhal ni Selina sa kakulitan niya. Bahagya niyang inilayo ang cellphone sa kanyang tenga at tatawa-tawa pa.
"Wow, Nay, ikaw pa galit ha. Kaya nga hindi ko makita ang pinahahanap n'yo dahil iba pala ang tunay na pangalan nila." Narinig niya ang pagbubusa ng kanyang ina sa kabilang linya. Natatawa man ay pinigilan na lang ang sariling dahil siguradong hindi makakapagpahinga ang tenga niya pagbalik ng ina.
"Aimon ang tunay na pangalan ni Mon at Elysia naman kay Lizzy. I'm sorry, anak. Nakasanayan ko na kasi yun eh." Tuluyan ng natawa si Benjie dahil doon. Hindi siguro naisip ng nanay niya na sa paghahanap ng tao kailangan ang tunay at buong pangalan nito. "Nakita mo na ba sila, nak?" Excited nitong tanong.
"Hindi pa Nay eh, pero nakita ko yung anak niya." Bahagya niyang pinagbuti ang iba pang sasabihin. "Nay, kilala mo siya." Pahiwatig niya.
"Ano ang ibig mong sabihing kilala ko siya?" Alam niyang excited ito sa naririnig pero hapon na at medyo malayo pa ang probinsiya nila ni Einri. "Uy, Tisoy! Kung isa ito sa mga kalokohan mo, ihinto mo na. Hindi nakakatuwa! Pinagtitinginan na ako dito sa airport dahil mukha na akong timang!" Singhal ng ina. Narinig niya ang tawa ng kanyang Tito Sirius. Ito naman ang hinarap ng ina para sermunan kaya mas lalo siyang natawa.
"Nay, let's talk about it pagbalik n'yo ni Tito, but for now, enjoy your first Christmas with Tito Sirius. At pwede ba Nay, magpakasal na kayo diyan bago kayo bumalik dito. Naalibadbaran ako sa setup n'yong dalawa eh." Tumawa siya. Tumawa din ang ina.
Sa likod ng nararamdaman niyang lungkot at kakulangan ay bahagya namang sumaya ang puso niya ng marinig ang tawa ni masayang tawa ni Selina. You are really happy now, Nanay.
"Alexander Benjamin Gomez! Multuhin ka sana ng Tatay mo!" Tili ng Nanay Selina niya sa kabilang linya. Tinawanan niya lang ito.
"Susmaryosep Nay. Nanakot pa eh. Hindi ako mumultuhin ni Tatay." Pang-aasar niya sa ina. Narinig niya ang madaliang pananalangin ng ina.
"Kaya nga hindi pwede!" Sagot nitong nahihindik. Napailing siya.
"Wag ka nga, Nay! Ang arte mo!" Panunukso niya dito. "Nagtiis at nagsakripisyo na kayong pareho ni Tito Sirius ng 26 years, it's about time na sarili n'yo naman ang harapin n'yo. Promise Nay, hindi magmumulto si Tatay. Takot lang nun na sumbatan ko siya." Panandaliang natahimik ang kabilang linya. Akala niya ay nagbaba na ng tawag ang nanay niya, pero bahagya siyang nagulat ng ang kanyang Tito Sirius na ang nagsalita.
"Thank you, Banjie." Seryoso ang dating ngunit masaya ang tinig nito. Hindi man niya nakikita ang tiyuhin ay alam niyang bukal sa pusong ngiti ang nasa mga labi nito ngayon.
"You're welcome po. Just love my mom the way you always have, Tito. I wanted her to really smile this time, genuinely smiling." Alam niyang hindi man sila magkaharap ngayon ay nagkakainitindihan naman ang kanilang mga puso.
Nagkwentuhan pa sila ng medyo matagal hanggang sa narinig niya ang boarding announcement sa PA ng airport. Nagpaalaman na sila pagkatapos ng konting bilin at paalala. Pinatay na niya ang tawag at ipinasok ang cellphone sa bulsa niya.
Bitbit ang isang backpack na palagi niyang dala-dala kahit saan siya magpunta, sakay ng kanyang kotse tinahak niya ang kalsadang nakaguhit sa kanyang GPS.
Inabot din siya ng halos limang oras dahil sa higpit ng traffic kahit alanganing oras na ng gabi. Nagmamadaling araw na ng makarating siya sa kanyang pupuntahan. Nag-text siya dito at humingi ng paumanhin dahil inabot siya ng hindi siyam-siyam, kundi sampu-sampu pa.
Ayaw pa sana niyang gisingin ang kaibigan, plano niyang magpalipas ng gabi sa isang motel na lang muna kahit ngayon lang at pupuntahan na lang ito kinaumagahan para hindi na nakapang-istorbo pa ngunit bago pa man nagawa yun ay nakatanggap siya ng tawag.
"Tumuloy ka na lang dito, bro. I am still up, can't sleep eh. Hinihintay talaga kita. Alam ko naman talagang aabutan ka ng sampung dekada dahil sa traffic." Sabi nito sa telepono.
"Thanks, bro. I'll be there in a few minutes." Sabi niya dito at nagbaba ng tawag.
Hindi naman siya nahirapan na hanapin ang bahay ng kaibigan. Nagulat pa siya nang makitang nakabukas na ang malaking gate. Ipinasok niya ang kotse at ipinarada sa tabi ng isang pamilyar na kotse ang kanyang sasakyan.
Ipinilig niya ang kanyang ulo dahil hindi naman ito maaari. Maraming sasakyan ang magkakatulad, magkakamukha. Maaari ngang nasisira na ang tuktok niya sa pagkasabik sa dalaga kaya lahat na lang ng nakikita niya ay naiiuugnay niya dito.
Itinuon na lang ang isip sa pagpa-park. At dahil may kalakihan ang driveway, nagkasya ang limang sasakyan, kasama na ang kanya at katabi nga ng sasakyan kamukha ng kay Soki. Napahugot siya ng malalim ng hininga.
Napangiti siya ng mkitang nakatayo ang kaibigan sa harapan mismo ng kanyang sasakyan. Pinatay na ang makina at mabilis ngunit maingat na umibis.
"Thank you talaga, Brod." Pinagbangga nila ang kanilang mga kamao na parang katulad lang noong bagong magkakilala silang dalawa sa isang convention years ago.
Hindi sila matatawag na matalik na magkaibigan ni Einri pero sa tuwing nagkikita sila ay parang normal lang na ganito sila kalapit sa isa't isa. Sa tuwing nagkikita naman sila ay they pick up where they left off, 'ika na at patuloy na sa kani-kanilang buhay pagkatapos.
"Ayos lang yun, Bro. Tara, hatid na kita sa guest room." Nagpatiuna na si Einri sa pag-akyat sa ikalawang palapag ng bahay.
"Alam ba ng mga kapatid mo na may makakasama kayong iba sa pasko?" Curious niyang tanong.
"Nope. Hindi ko sinabi, kasi hindi naman ako sigurado kung darating ka nga." Sagot nito. " I'll just tell them tomorrow morning." Ngumiti si Einri at nagpatiuna ng umakyat sa hagdan.
Nasa taas na sila patungo sa pinakadulong kwarto, nadaanan nila ang isang pang kwartong bahagya nakabukas. May narinig siyang kumikilos sa loob nito. Napatingin siya sa kaibigan.
"Akala ko ba sabi mo tulog na ang lahat ng tao sa bahay n'yo. Naka-istorbo yata ako sa inyo, Brod." Pabulong na sabi niya na para namang napapahiyang sabi ni Benjie.
"Ay naku, wag ka nang mahiya. Si Bunso lang yan. Ganyan yan sa gabi, hindi kaagad nakakatulog, kadalasan ay inaabot na ng madaling araw." Nakangiti ngunit nakabulong din na sagot nito. Tumigil muna sila sa mismong harap nito. Kinatok ito Einri."Bunso... Bunso?" Tawag ni Einri.
"Yes, Kuya. Come in!" Sagot nito mula sa loob. Parang isang nakapalaking maso ang humampas sa dibdib ni Benjie. Sobrang lakas ng kaba niya. Kilala niya ang boses na yun. Hindi siya pwedeng magkamali, kilalang-kilala niya.
Halos natulos siya sa kanyang kinatatayuan. Pigil-hiningang hinihintay na lumabas ang may-ari ng boses na yun.
"Bakit gising ka pa, Sofia?" Tanong naman ni Einri. Hindi niya nakikita ang mukha nito dahil natatabingan siya ng malaki nitong ulo. Parang nanlumo pa ng mapagtantong hindi ito si Soki, ibang pangalan eh.
Baka masyado nga niyang iniisip ang dalaga kaya kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya at kung ano-ano na rin ang nai-imagine niya.
"I don't know, Kuya." Sagot nito na hindi man lang lumalabas sa kwarto nito. "I am feeling antsy and over the edge, I can't sleep. I don't know why... feeling ko may mangyaya---" Hindi na natuloy ni Sofia ang sasabihin nang labasin niya ang kapatid. Nagulat siya sa nakitang nakatayo sa likod nito.
"Soki?!/Benjie?!" Sabay nilang bigkas. Kasabay nun ang pag-agos ng mga luha ng Sofia. Nagulat si Einri na magkakilala pala ang dalawa.
"Oh, my God, I've been looking all over for you. I'm sorry for not coming back right away and when I did, you weren't there anymore." Mabilis na paliwanag ni Benjie. Hindi siya makapaniwala na ang babaeng nasa isip niya at ipinagdadasal na sana ay makita niyang muli ay nasa harapan na niya ngayon. "Aling Miling told me---"
"You guys know each other? Paano?" Nalilito man ay natatawa naman si Einri sa nakikita sa harapan niya. Umiiyak man ang kapatid ay may kakaibang tuwa na makikita sa mga mata nito.
"Siya yung kinukwento ko sa inyo ni Ate Aleah, Kuya." May kislap sa mga mata nito habang nagsasalita. Masagana mang umaagos ang luha niya ay masasabing kislap ng lubos na kaligayahan yun na sumasalamin din sa mga mata ni Benjie.
"Siya yung nameless na lalaking nakasama mo sa probinsiya?" Manghang tanong ni Einri. Tumango lang si Sofia.
"Siya yung sinasabi ko sa iyong nakilala ko doon sa probinsiyang pinuntahan ko." Saad naman ni Benjie na hindi inaalis ang mga mata sa dalaga.
"Wow! Look at the odds." Sabi niyang nangingiti. Parang alam na niya ang mangyayari ngayon.
"Show him the guest room, Bunso." Sabi niya, tumango lang si Sofia. Hindi man lang nito tinapunan ng tingin ang kapatid. "Or maybe not." Nakangiting nitong sabi at tumalikod na.
Wala ng nagawa si Einri kundi iwanan ang dalawa sa harap ng kwarto ni Sofia dahil hindi na siya pinapansin ng mga ito. Mukhang mura lang ang mundo ngayon sa palengke, dahil sa nakikita niya sa dalawa, maaaring nakabili na ang mga ito at ang nakakatawa pa ay parang walang ibang makakapasok dito kundi si Sofia at Benjie lang.
"Good mornight!" Sabi pa ni Einri. Hindi na hinintay pang sumagot ang kahit na sino sa dalawa. Alam naman niyang walaa na sa mundong ito ang dalawa.
Naiiling na lang ang kapatid, matanda na ang bunso nila, alam na nito ang ginagawa, basta ngayon nakikita ni Einri na masaya ang mga mata ng kapatid ay ayos na yun sa kanya.
" See you in the sunrise!" Pahabol nitong sigaw bago tuluyang pumasok ng sariling kwarto.
"I miss you." Madamdaming sambit ni Benjie, kinuha nito ang kamay ng dalaga. Napangiti si Sofia dahil sa itinawag sa kanya ni Benjie.
"I miss you, too." Umiiyak at nakangiting ganti ni Sofia.
"I have been looking all over for you, Soki." Hindi na talaga napigil ni Benjie ang sarili. Inakap na ang dalaga.
"About that." Panimula ni Sofia. "My name is not Soki. I am Brea Sofia Martinez and I am sorry for not accepting who I am and I am also sorry for pushing you away. I am also sorry for not waiting for your return." Masaganang umagos ang mga luha ni Sofia. Awang-awa naman si Benjie. Hindi maikakailang masasaya ang kanilang mga puso.
"That's a nice name and nice meeting you, Brea Sofia. I love it." Natawa si Sofia panandalian. Nakangiti din si Benjie. Inipon niya ang mga kalat na buhok ni Sofia sa likod ng tenga nito at mainit na hinalikan ang noo ng dalaga.
"Don't cry, please. Nandito na ako. Hindi na ako mawawala. Hindi na ako aalis kahit ipagtulakan mo pa akong muli. I love you." Buhos-puso niyang sambit.
Hindi na siya magpapaliguy-ligoy pa. Hindi na niya hihintayin ang susunod na buhay kung narito na ngayon sa harapan niya ang dalaga. Tadhana na ang naglapit sa kanila.
Si Sofia naman ay laglag-balikat ngunit masayang tinanggap ang init ng yakap ni Benjie. This is it, Soki.
"I love you, too, Benjie. I always have. I have fallen for you the day I heard you talk behind me in the line and I just don't want to admit it. I was too afraid then." Kumikislap ang mga mata ni Benjie sa narinig mula kay Sofia.
Punung-puno ng tuwa ang puso niya. Kinalimutan na nila kung ano ang nasa paligid nila. Hinila ni Sofia si Benjie papasok sa kanyang kwarto at ini-lock ito. "Merry Christmas, Mahal." Madamdaming bati ni Sofia.
"Merry Christmas, too, my future Mrs. Gomez." Napuno ng sobrang saya ang puso ni Sofia. Napagtanto niya na ganito pala ang tunay na saya.
Sa mismong oras na yun, kinalimutan na ni Sofia ang lahat ng lungkot na nagdaan sa kanya. Nawala na ang lahat ng alinlangan. Ibibigay niya sa sarili ang layang matagal na niyang ipinagkait sa sarili.
Tama nga ang mga kapatid niya, hindi niya kailangan kalimutan ang mga magulang dahil nag-move on na siya. Ang kailangan niya lang ay ang mag-move forward para mabuhay ng masaya at patuloy na mahalin mga ito at akapin ang alaala ng namayapang mga magulang.
Habang tinititigan niya ang mga mata ng binata, nakikita niya ang sariling repleksyon na ni minsan ay hindi niya nakita sa sarili. Masaya at kontento siya sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng ilang taon. This is nice. Isip niya.
"Hey, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Benjie dahil bigla na lang natahimik ang dalaga. Ngumiti lamang si Sofia at tumango.
"Yes, Benjie. Never been better." Yun lang ang tangi niyang nasabi.
Nagsanib ang mga mainit nilang mga labi. Handa na siyang salubungin ang bukas na kasama ang lalaking bukod tanging nagpaalala sa kanya na hindi masama ang umasa, mangarap at magmahal. Ayos din lang ang masaktan dahil kasama yun sa buhay.
Ang importante ay matuto siya sa mga ito at maging matapang na bumangon. Sabi nga sa English, there's always light at the end of the tunnel. Pero sisisguraduhin niynag hindi yun ilaw na nanggagaling sa isang tren.
Para kay Sofia, si Benjie ang kanyang protektor, tagapag-alaga, pananggalang sa lungkot ng buhay. He's her shield.
Para naman kay Benjie, si Sofia ang kanyang kanlungan, ang tahanan ng kanyang puso at ng kanyang bukas. She's his home.
Simula sa oras na yun, pinag-isa nila ang kanilang mga puso at tahimik na nangako na hindi na muling maghihiwalay pa.
"Merry Christmas, Mahal." Madamdaming bulong ni Benjie sa tenga ni Sofia.
His home, her shield...
~ The End.
___________
End of HHHS 11: Benjie & Sofia
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi. Tap the 🌟 to vote, and please share the story and give good vibes.
This story is the writer's original idea/creation, the image used on the cover made through Desynger, a Wattpad partner, so please be respectful and be kind. Do not copy any part or parts of this story. Let's enjoy reading the story.
💖 ~ Ms J ~💖
11.26.18
His Home, Her Shield
©All Rights Reserved
November 20, 2018
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro