Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapitre Huit







🤍🤍🤍🤍🤍🤍

His Home Her Shield

"Too Late"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍









TAHIMIK na tumalikod si Benjie, nakayuko, malungkot. Mahal niya ang dalaga at kung ito ang gusto nito ang rerespetuhin niya.

"But I will be back before you know it." Puno ng kasiguraduhan niyang sabi sa sarili.

Naririnig niya ang impit na hikbi nito sa kabila ng nakasarang pinto, nag-alala siya. Gusto na niyang buksan ang pinto at sugurin ng yakap ang dalaga. Gusto nyiang kalamayin ang loob nito ngunit pinili niyang pigilan ang sarili.

"Soki." Malumanay niyang tawag sa dalaga.

"W-what is it?" Napangiti siya, nabuhayan ng loob. Nakahinga ng maluwag si Benjie nang sumagot si Soki dahil isa lang ibig sabihin, may pag-asa pa para mapaliwanagan ito.

"I will leave but promise me one thing." Ayaw niyang umalis ang dalaga kaya may naisip siyang paraan.

"What?" Tanong nito sa mababang boses. Muli ay napangiti siya.

"Will you take care of my home till I get back?" Nagbabakasali niyang tanong.

Alam niyang suntok sa buwan ang ninanais niya epro maaari din naman itong pumayag. Hindi lang basta maaari... umaasa siyang papayag ito.

"I don't know, Benj." Sagot naman nito. Hindi niya mapigil ang pagngiti. Gusto niyang tumalon dahil kahit papaano ay kinakausap pa rin siya ng dalaga. Muli siyang umupo.

"Just till I come back." Katahimikan ang sumagot sa kanya.

"Benj..." Umiling siya na para bang nakikita siya ni Soki.

"And when I get back, I promise I will be your shield, I will protect you." Todo tahip ang dibdib ni Benjie. Hindi niya alam ang isasagot ng dalaga. "Only if you will let me." Matagal na sandaling hindi ng nagsalita ang dalaga. Kinakabahan si Benjie sa maaaring isagot nito.

"I-I promise." Mahina nitong sagot.

Gustong tumalon ang puso ni Benjie sa tuwa. Napasuntok siya sa hangin. Yun lang naman ang hinihintay niya. Masaya siyang uuwi bukas.

Matapos isumite ang kanyang reports ay Babalikan niya si Soki. Pangako niya ito sa sarili. Huminga siya ng malalim at banayad na bumuga.

"I will come back for you, Soki. Because in you, I found my home." Bulong niya sa hangin. Bulong niya sa hangin na narinig ni Soki.

LUMIPAS ang gabi na hindi na sila nagkita pa. Hindi na lumabas si Soki sa kwarto nito Hindi na rin lumabas ng kwarto si Benjie naghanda na lang ito ng iilang piraso ng damit. Sinadya ni Benjie na iwan ang ibang gamit, bahay niya ito kaya pwede niyang gawin yun.

Mainit ang panahon ngayon kaya isang t-shirt, isang short at dalawang underwear lang ang inilagay niya sa kanyang backpack. Iniwan niya ang halos lahat ng dala niya pati na rin ang iilang nabili nila sa bayan ng mga nakaraang linggo.

Gusto ni Benjie na isipin ng dalaga na babalik talaga siya. Buo sa sarili niya na babalikan niya ang dalaga dahil yun ang totoo, pero alam niyang nagdadalawang-isip o mas magaan niyang isipin na hindi ito naniniwala.

Maaaring nakaranas ito ng matinding sakit ng kalooban at naging dahilan ito ng hindi pagtitiwala sa sarili at kapwa. At kung tama ang kanyang hinala, gusto niyang siya ang magbalik ng tiwala nito sa iba.

Hating-gabi na ng nakatulog si Benjie ngunit maaga pa rin siyang nagising. Alas singko pa lang ay dadaanan siya ni Mang Pidyo. Ito ang maghahatid sa kanya sa bayan.

Nagluto siya ng almusal sa para sa kanya at sa dalaga. Iiwan na lang niya at tatakpan sa ibabaw ng mesa. Nag-init na rin siya ng tubig at inilagay sa thermos para hindi na mag-init pa ang dalaga sa paggising nito.

Maging si Soki ay madaling araw na nakatulog. Alam niya yun, kasi pinakikiramdaman niya ito ng buong magdamag. Hinihintay niya na lumabas ang dalaga para kahit papaano ay makita niya ito bago man lang siya umalis.

Nang matapos siyang kumain ay nilinis niya ang kusina ng tahimik. Nang makitang ayos na ang lahat ay inilabas na niya ang kanyang mga dalahin.

Sa tapat ng pinto ng kwarto ng dalaga, pinakiramdaman kung gising na ba ang dalaga sa loob ng kwarto nito ngunit wala siyang narinig na kahit na konting kaluskos man lang.

Sinubukan niyang pihitin ang siradora, nagulat siya ng bumukas ito ng walang nilikhang ingay. Itinulak niya ito ng pabukas. Napangiti siya ng makitang himbing pa ito sa pagtulog ngunit halata ang lungkot sa mukha nito. Napailing siya. Mukhang nakatulugan na ni Soki ang pag-iyak.

"May... Sino ka bang talaga? Bakit ang lalim mo? Bakit ang hirap mong kilalanin? Bakit ang hirap mong magbukas ng iyong sarili sa akin? Bakit ang hirap mong mahalin? Sino ka bang talaga? Bakit kilalang-kilala ka ng puso ko?" Kausap niya sa tulog na dalaga.

Banayad niyang hinaplos ang pisngi nito pababa sa mga labi nito. Mahinang umungot ang dalaga. kumibot at bahagyang naghiwalay ang mga labi nito. Hindi na niya napigil pa ang sarili niya at kinintalan ito ng isang banayad at puno ng pagmamahal na halik.

Ilang sandali pa ay iniwan na niya ang labi ng dalaga. Tumayo na siya at diretsong lumabas ng pinto ng hindi na nilingon pa si Soki. Natatakot siya na baka hindi na niya makayang iiwan ito.

Pangako niya sa sarili na hahanapin niya ang pamilya ni Soki para alamin ang dahilan kung bakit ganito ang dalaga, ngunit paano? Gusto niyang bumalik sa loob para silipin ang cellphone ng dalaga. Pabalik na siya nang binago ang isip. Hindi tama ang gagawin niya kaya mas minabuti na lang na tuluyan nang lumabas. Bahala na.

Magbabakasakali siyang mahanap ang ng pagkakaganito ng dalaga. May pakiramdam siyang may kulang sa buhay nito, sa pagkatao nito. Hindi siya naging magaling na negosyante at doctor kung hindi siya marunong bumasa ng tao.

Aalamin niya kung sino talaga si Soki, kung yan talaga ang tunay na pangalan nito, at sa pagbabalik niya dito sa bahay na ito, bubuuin niya kung ano ang kulang sa dalaga.

"SOFIA?!" Gulat ngunit pabulong na sambit ni Aleah ng pagbuksan siya nito ng pinto.

Masagana at malayang umagos ang mga luha ng kanyang Ate ng makita siya. Hindi ito agad nakahuma sa kinatatayuan. Hindi makapaniwalang makikita siyang muli ng kapatid. Hindi rin siya makapaniwala.

Patakbo siyang yumakap sa kanyang Ate Alea at malayang pinakawalan ang mga luhang ilang oras na rin niyang pinipigil habang nasa biyahe.

"Ali, sino yan?!" Narinig ni Sofia ang malaki at buong boses ng Kuya Einri niya mula sa loob ng bahay, sa kusina yata.

"Kuya! nandito na si Sofi! Bumalik na si Sofi" Hiyaw ni Aleah na parang bata. Napatawa ng wala sa oras si Sofia kahit hilam pa siya ng luha.

Mas lalong humigpit ang yakap ng kanyang Ate. Narinig nila ang mabilis na yabag ni Einri. Dinig niya ang eksaheradong pagsinghap nito pagkakita sa kanya. Hindi na rin napigil ni Einri ang sarili na mapaiyak. Alam niyang masaya ang mga kapatid sa kanyang pagbabalik, nakapagtataka man ay masaya siya.

Halos dalawang buwan din silang hindi nakitang magkakapatid. Natatakot na sila Einri at Aleah dahil walang paramdam si Sofia sa kanila. Ang akala ng mga kapatid ay may nangyaring hindi maganda sa kanya dahil wala man lamang siyang paramdam.

Hindi siya sumubok na tumawag kahit minsan man lang, walang credit card activities, walang kahit ano. Para hindi siya makita ay nag-deactivate din siya ng kanyang mga social media accounts.

Napag-alaman niyang ini-report siya ng mga kapatid sa pulis matapos ang dalawang araw na wala silang narinig o nabalitaan mula sa kanya. Nalaman din niyang ilang beses ding nagpabalik-balik sa condo building niya ang mga kapatid.

Hindi na sana pupunta sa pulisiya ang mga kapatid dahil ayon sa kanyang Kuya at Ate ay palagi naman niyang ginagawa ang mawala at babalik din makaraan ang ilang linggo ngunit may tawag siya sa mga ito. Nang umabot na ang apat na araw na wala siyang tawag ay nag-alala na si Alea kaya pinilit nito si Einri na kulitin na ang building supervisor para buksan ang unit niya sa pag-aalalang may nangyari na sa kanya sa loob.

"Bakit di n'yo ako tinawagan? Hindi ko naman pinatay ang cellphone ko." Inilahad niya ang kanyang cellphone sa harap ng mga ito. Ngumiti lang si Alea.

"Sa pagkataranta namin ni Kuya, hindi na namin naisip ang bagay na yan." Paliwanag nito. Nilingon niya ang kanyang Kuya Einri. Hinaplos-haplos lang nito ang braso niya.

"They made a preliminary investigation at doon nga namin nalaman na nagsara ka ng checking at savings account mo. Wala kang tinira." Mapait na tumawa si Einri. "Natakot kami sa maaari mong gawin." Nalungkot siya sa huling sinabi ng kapatid.

Tama nga ang balak niya ayon na rin sa kongklusyon ni Einri dahil may iba naman talaga siyang balak. Balak na mawala sa sirkulasyon, sa mundo.

"Natakot akong talaga kasi walang report na ginamit mo ang iyong passport, which means you did not go anywhere outside the country." Salo ni Alea. "The other report shows no activities na nagamit ang ID, birth certificate, transcript of records at kung anu-ano pa na nagsasabing may ibang gumamit nito." Patuloy na pahayag ni Aleah.

"Kaya alam naming nandito ka lang dahil iilang damit lang ang nawawala sa closet mo at isang maleta. Hindi nga lang namin alam kung saang parte ng Pilipinas ka naroon." Nagpatuloy sa pagkwento si Einri. Nakikinig lang siya sa dalawang kapatid na nagsasalit-salitan ng salita.

Hinanap siya ng mga ito sa lahat ng pwede niyang mapuntahan. Kahit na sinabi pa ng mga pulis na wala siyang flight out gayun pa man ay binisita pa rin nila ang malalapit na airports. Halos linggo-linggong pumupunta ang mga ito para magbakasakaling nasa flight manifest ang pangalan niya.

"We even went to Bali, your favorite place, hoping to bump onto you there." Malungkot na saad ni Einri. Puno ng panghihinayang na di siya nakita doon.

Pagkatapos ng tatlong linggong pag-iimbestiga at paghahanap, diniklara na ng mga pulis na missing person si Sofia. Naglabas pa ang mga ito ng all points bulletin o 'be on the look-out' sa iba't ibang istasyon ng pulis sa kabuuan ng Maynila at karatig siyudad pati na rin malalapit sa probinsya sa tulong na rin ng kanilang Tito Alston, kapatid ng Daddy nila.

Walang kaalam-alam ang pamilya ni Sofia na nasa isang maliit na barangay lang pala siya sa malayong probinsya sa norte na muntik ng hindi abutin ng kuryente.

"Oh Soki, we're glad you're back. Saan ka ba nanggaling? Nag-alala kami sa iyo." Nagulat siya sa biglang pagsasalita ng kanyang Kuya Einri habang ang kanyang Ate Alea naman ay patuloy lang sa pag-iyak.

What have I done? Usal niya sa isip. Napapikit siya dahil nahihiya siya sa mga ito.

Tiningala ni Soki ang kanyang Kuya at nakita niya ang pag-aalala sa mga mata at ang masaganang pamamalisbis ng mga luha nito. Parang sinuntok ang puso niya. Nakaramdam siya ng galit sa sarili.

Ganito na ba siya kasama para iparamdam sa mga kapatid niya ang kawalan niya ng kwentang kapatid dahil ikinulong niya ang sarili sa sampung taong walang kwentang pagluluksa? Bakit nga ba naisip niyang na mas mabuti pang mawala na siya para matapos ang sakit na nararamdaman niya?

Hindi man lang niya naisip na tama ang mga kapatid niya, na nasasaktan din ang mga ito. Nagluluksa pa rin ang mga ito sa pagkawala ng mga magulang nila tapos magluluksang muli dahil sa nawala siya. Patuloy na lang bang magluluksa ang mga ito kung sakaling siya ang naman mawala?

Bigla ay naisip niya si Benjie. Ang biglang pagdating nito sa buhay niya. Nalulungkot man siya sa paghihiwalay nila ng binata y may sayang dulot naman ito sa kanyang alaala. Mananatili itong tagapagligtas niya at simula ngayon, ito ang magiging pananggalang niya sa kahit na ano pang kanyang susuungin sa buhay.

Lahat ng pagsusumamo ng mga kapatid sa kanya na hindi niya binigyang pansin. Ni hindi man lang niya sineryoso kahit isa man lang ay isang malakas na bagyo na bumuhos at bumaha sa kanyang isipan. Why am I so ungrateful? Iyak ng isipan niya.

Nanliliit siya sa isiping binalewala niya ang lahat ng yun. Ang mga paalala at pag-aalala ng mga ito ay puno ng kasakimang inignora niya. Ang pagiging makasarili niya ang nagdulot ng sakit sa kanyang sarili na ngayon ay alam niyang mali. Ubod ng mali. Ang sama-sama ko talaga. Lalo lamang siyang naiyak sa isiping yun.

"Kuya Einri, I am so sorry. Hindi ko alam na naging sarado na ang puso ko sa katigasan ng ulo ko. I'm sorry din, Ate Aleah. Hinayaan kong balutin ng sama ng loob at hinanakit ang puso ko. Hindi ko intindi na nasasaktan din pala kayong katulad ko. I'm sorry po talaga." Nasapo ng mga palad niya ang kanyang hilam sa luhang mukha.

Inakap siya ng dalawa niyang kapatid. Walang hiya-hiya, tulo kung tulo ang sipon, luha at pawis. Naghahalo na. Hinayaan nilang mailabas niya ang lahat ng sakit ng nakaraan.

Ganun nga ang ginawa nila hanggang sa humupa ang sakit, lungkot, pait, at parang naubos na rin ang kanilang mga luha. Unti-unti ay gumaan ang pakiramdam ni Sofia. Nagulat pa siya na parang napapalitan na ng saya ang puso niya. So, this is how it is. Takang usal ng kanyang utak.

Ganito pala ang pakiramdam ng nakalaya na pagkakakulong ng kanyang sarili sa sakit at pait. Matagal din niyang inalagaan ang lahat ng negatibong damdamin. Yung kinimkim niya ang lahat ng sakit na siyang naging dahilan kung bakit hinangad niyang sumunod sa mga magulang. That was so wrong of you, sofia. Tugis ng kanyang isip.

Sa bawat panahon na nawawala siya at halos magpakamatay sa mga kalokohang kanyang pinaggagagawa, lalo na ang pag-iisip na magpakamatay nitong nakaraang buwan ay taos puso niyang pinagsisisihan.

Alam na niya ngayon na mali pala ang lahat na kanyang nagawa at naisip. Mula sa araw na ito, bilang pasasalamat sa tahimik niyang tagapaligtas, susubukan niyang baguhin ang sarili. Mula ngayon, bagong buhay, bagong kabanata.

Ngayong kasama na niya ang mga kapatid, susubukan niyang salubungin ang tunay na saya, lungkot, pait at tamis na dala ng buhay. Kung sino man ang darating o aalis sa buhay niya, tatanggapin at haharapin niya ito sa bawat araw na kasama ang mga nagmamahal sa kanya. Alam niyang mahirap pero susubukan niya... pipilitin niya.

Ngayon niya lang lubos na naiintindihan ang tunay na kahulugan ng pagmo-move on na pwede naman pala niyang gawin na hindi nakakalimutan ang mga magulang. Hindi naman kasi dapat kinakalimutan ang nakaraan, ang mga pait at sakit, ang mga alaalang masasaya at malulungkot, pero hindi rin naman ibig sabihin na hindi ka na mabubuhay sa ngayon. Lesson learned, Sofia.

Hindi porke't ginawa niya ang moving forward and live happily despite of the past struggles and pain ay mabubura na ang mga magulang sa isip at puso niya. Yayakapin niya ang alaala ng mapait na trahedyang naging dahilan ng maaga nilang pagkaulila at pagkawala ng masasayang panahon noong nakakasama pa nila ang mga magulang, na hindi nilulunod ang sarili sa kung ano-anong kalokohan. I hope you truly understood everything now, Sofia.

Aaminin niya, masaya siya ngayon dahil kasama niya ang mga kapatid, nabago na ang takbo ng isip niya. Masaya kasi sa kauna-unahang pagkakataon pagkatapos ng trahedya ay sasalubungin niya ang pasko na kasama ang mga kapatid. Ano pa ba ang kailangan niyang maintindihan sa salitang saya. Wala na di ba? Dahil ramdam na naman niya ito ngayon. Not fully 100%, but I am getting there.

"Hindi ka ba masaya, Bunso?" Tanong ng Ate Alea niya. Napatitig siya dito. Hindi ba kita ang saya niya.

"Masaya." Isang salita niyang sagot. Nagkatinginan si Alea at Einri. Napakunot ang noo niya, nagtataka, nalilito.

Hindi pa ba siya masaya? Paano ba ang sumaya? Napaisip tuloy siya. Ngingiti ka lang naman dahil natutuwa kang makasama ang mga mahal mo sa buhay. Di ba yun ang saya? Akala niya ay gets na niya ang tinatawag na saya, hindi ba kita? Hindi ba halata?

Naalala niyang bigla si Benjie. Ang palaging nakangiting mukha ni Benjie. Maaliwalas na parang walang dinadalang bigat sa balikat. Nasaksihan kasi niya ang mga ipinakita ni Benjie sa kanya sa probinsya. Oh Benjie, where are you? Impit na daing ng kanyang puso at isip.

"Masaya ako, Ate. Kuya." Ngumiti siya ng maluwag. Totoo ang ,mga ngiting ito dahil ngayon ay alam na niya ang kung ano talaga ang saya.

"We know." Saad ng Kuya Einri niya.

"For the first time, we can actually see your smile through your eyes." Mahabang pahayag ng kanyang Ate Alea. "Kung malulungkot ka uli, sabihin mo lang sa amin, sasamahan ka naming umiyak ni Kuya." Dugtong pa nito.

Masaya siya kahit na may konting lungkot pa siyang nararamdaman at alam din niya mawawala din ang lahat ng ito, pati na ang lungkot ng pangungulila kay Benjie. Konting panahon pa, lubusan na siyang lalaya.

Huli na kasi. Wala na ang binata ng mapagtanto niya na importante talaga ito para sa kanya. Wala siyang planong matulog nun pero ginupo siya ng sobrang iyak kaya tanghali na siya nagising.

"Alea si right. Mula ngayon, pagsasaluhan natin ang saya at mga luhang papatak mula sa 'yong mga mata." Nakangiting pahayag ni Alea. "Whenever your heart aches and you feel like you want to cry, we will cry with you. Bunso, Ate and Kuya love you so much." Madamdaming dugtong nito.

Tumango-tango lang si Sofia. Tanggap na niya ang lahat ngayon. Hindi na siya makikipagmatigasan pa sa buhay at katotohanan.

"Sasalubungin natin ang pasko katulad ng pagsalubong nila Mama at Papa noon. Itutuloy natin ang tradisyong sinimulan nila, kahit yun man lang ay maituloy natin sa mga darating pang pasko. Okay lang ba yun sa iyo, Bunso?" Salo ni Einri. Nangingislap ang mga matang ngumiti si Sofia. Tumango-tango bilang pagsang-ayon sa plano ng mga kapatid. Hinalikan siya ni Aleah sa noo na puno ng pagmamahal.

Napapikit si Sofia. Ngayon niya lang talaga napagtanto ang tagal niyang ipinagkait ang ganitong saya sa sarili at sa mga kapatid. Nalulungkot pa siyang isipin yun.

"Tama na yan." Bulalas ni Einri. Napatingala si Sofia sa Kuya niya. "Tara, kumain na muna tayo. Mamaya ka na magkuwento kung saan ka nakarating at kung anong adventure ang ginawa mo." Masayang dugtong nito. Napangiti siya.

Nagtataka man siya na hindi na nagtatanong kaagad ang mga ito kung saan siya nanggaling, kung ano ang mga kalokohan ang ginawa niya, katulad ng dati ay ikinatuwa na rin niya. Dati kasi kung ano-anong buwis-buhay ang mga ginawa niyang aktibidades at yun kaagad ang tanong ng mga ito sa pagbungad niya pa lang sa pinto.

"Mabuti pa nga, total magpapananghalian na rin naman na kaya mas mabuti pang sa hapag-kainan na tayo magkwentuhan." Sabat ng Ate niya. "Let's go?" Tumayo ang Ate Alea niya, nakalahad ang kamay sa kanya.

Umakbay si Einri kay Alea at hinintay siyang tumayo. Nang sa wakas ay nakatayo na siya ay pinagkabilaan sila ng mga kapatid. Naiyak siya, talagang na-miss niya ang mga ito.

Namiss niya yung mga simpleng bagay na ginagawa ng Kuya Einri niya sa kanilang dalawa ng Ate Aleah niya noong kamamatay pa lang ng mga magulang nila. Yung mga simpleng pag-akbay nito sa kanila, pagyakap, paghalik sa pisngi o sa noo. Yung simpleng pagtabi ng Kuya niya sa gabi lalo na kapag nananaginip siya ng hindi maganda o di kaya ay umuulan at may kidlat at kulog.

Lahat ng yun na dati ay hindi niya binibigyan-pansin, ngayon ay gustong-gusto niyang maulit muli. Huli na ba siya?

"Sofia!"





















___________
End of HHHS 8: Too Late

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi. Tap the 🌟 to vote, and please share the story and give good vibes.

This story is the writer's original idea/creation, the image used on the cover made through Desynger, a Wattpad partner, so please be respectful and be kind. Do not copy any part or parts of this story. Let's enjoy reading the story.

💖 ~ Ms J ~ 💖
11.23.18

His Home, Her Shield
©All Rights Reserved
November 20, 2018

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro