Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapitre Dix






🤍🤍🤍🤍🤍🤍

His Home Her Shield

"Mission"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍






SAMPUNG araw bago magpasko, napagdesisyunan ni Lulana, Sirius at Benjie kasama ang inang si Selina, na tumulak sa baranggay na pagsasagawaan ng kanilang medical mission. Naging panata na ng kanyang ina na magkaroon ng medical mission isa o dalawang beses sa isang taon sa iba't ibang lugar sa Pilipinas, bagay na sinang-ayunan ng yumao niyang ama.

Ang ama ni Benjie ay isang magaling na neurosurgeon. Ang kanyang ina naman na si Selina na isang nurse practitioner bago pa ito nagretiro. Ang si Sirius naman ay isang kilalang cardiologist, habang si Lulana na isang obstetric-gynecologist na may sariling klinika. At siya? isang general physician at pediatrician din.

Sakay ng medical van si Lulana na minamaneho ng matalik nitong kaibigan/boyfriend na si Benedict, nagmamay-ari ito ng isang international based pharmaceutical company, kung saan nakasakay ang mga gamot at apparatus na kanilang kakailanganin sa mission. Sa likod nito nakasunod ang dalawang van na sakay ang ilang nurses, tatlong dentista, mga general doctors at mga volunteers.

Nakasunod naman sila Benije, Selina at Sirius sa naunang tatlong van. Tahimik lamang sa likod si Benjie. Iniisisp niya kung paano siyang makakaalis ng maaga para puntahan si Soki. Namimiss na niya ito ng sobra. Hope you are still there.

Halos tatlong buwan na rin nung huli niyang makita ang dalaga. Natagalan siyang makabalik, gayun pa man ay umaasa siyang naroon pa rin ang dalaga sa bahay na pinag-iwanan niya dito.

Hindi pwedeng wala ito doon dahil si Soki ang naging tahanan niya ng ilang linggo. Si Soki ang buhay niya ngayon. He lives and breathe for Soki, sigurado siya doon. Minsan lang tumibok ang puso niya at sigurado siya sa nararamdaman niya. Sa muli nilang pagkikita, hindi na niya pakakawalan pa ang dalaga.

"Tito, sinabi ba sa iyo ni Tita Lana kung saan ang medical mission?" Tanong ni Benjie. Hindi nasabi sa kanya ng kanyang tiyahin kung saan sila pupunta ngayon.

Ginawa niya ang pinagawa ng tiyahin sa kanya. Pumunta siya sa mga liblib na lugar na hirap na makapunta sa bahay para magpagamot o magpatingin. Kasama niya si Soki noon para makausap ang iba't ibang barangay leaders.

Nakipagkita sila sa mga ito para maipaliwanag kung ano mga gagawin nila at kung kelan pwede silang bumalik na kasama na ang medical van at staff. May mga lugar na rin siyang napuntahan noon pa bago niya makilala ang dalaga at maaaring yun ang mauuna.

"Naku, hindi ko alam. Basta ang sabi ng Tita mo ay sundan lang daw silang dalawa ni Benedict. If we want to make a stop over, tawagan lang daw sila para sama-sama tayong bumaba." Napapakamot na lang siya ng kanyang batok. Sa kauna-unahang pagkakataon, clueless siya sa kung saan sila pupunta kaya naiinis siya.

Kasalanan din naman kasi niya, naging masyado siyang busy sa ibang bagay pagkabalik na pagkabalik niya Maynila. Mabuti na lang at nakabakasyon siya ng tatlong buwan sa ospital na pagmamay-ari ng pamilya nila, pag-aaring namana nila sa kanilang mga Lolo. Dahil sa pagkaabala, hindi man lang niya nabalikan kaagad si Soki kahit isa o dalawang araw man lang.

"Bakit ba hindi ka mapakali?" Tanong ng nanay niya. Napangiwi siya ng makita niya ang abot-tengang ngiti nito.

"Wala, Nay. Gusto ko lang malaman." Tugon niya sabay tingin sa labas ng bintana ng sasakyan.

"Wow! Don't me nga, Benjie. Wag ako!" Bumungisngis si Selina na nagpataas ng kilay ni Benjie.

"Wag ka nga, Nay. Naninindigan ang mga balahibo ko sa inyo." Nangangaligkig na saad ni Benjie. Tumawa si Sirius sa pang-aasar ni Selina sa anak.

"Bakit? Ano ba ang sinabi kong nakakapanindig balahibo? Ang arte mo Benjamin!" Singhal ng ina na sinamahan ng malakas na tawa.

"Ewan ko sa inyo. Naging kayo lang ni Tito Sirius ang dami mo nang alam." Nakasimangot niyang turan. Mas lumakas ang ataw ni Sirius.

"Talagang marami akong alam. Una kaya akong ipjnanganak." Nakataas ang noong bigkas ng ina. Inirapan niya ito.

"Oo na, Nay. Kayo na ang maraming alam." Banat naman niya. Mabuti na itong makipag-asaran siya sa ina kesa manatiling nagmumukmok sa likuran.

"Sino ba kasi yang iniisip mo at para kang puang di maihi?" Tanong ni Selina na may halong pang-aasar.

"Ayan na naman kayo eh." Margsa niyang kinamot ang gilid ng ulo. Imbis na siya ang mang-aasar sa ina, siya ito ngayon yata ang naiinis.

"Oh, bakit? Wala ba?" Tanong nito. Tinitigan muna niya ang ina sa mula sa rearview mirror ng van.

"Wala!" Mataas ang tinig niyang sagot. "Tito Sirius, ano ba ang ipinaalmusal n;yo sa Nanay at parang ang daldal?" Pagbaling niya sa tiyuhin.

"Wag n'yo akong isali diyan sa lokohan n'yo ng Nanay mo." Saad naman nitong tatawa-tawa lang.

"Itong kasing mga tanong ni Nanay ay walang basehan." Namumula ang tenga ni Benjie sa inis, yamot at hindi niya alam kung ano pa. Bakit ba siya parang pikon ngayon?

"Chos! Kung kutusan kaya kita diyan? Kung wala kang iniisip, eh bakit para kang pusang di mapaanak diyan sa likuran? 'Kala mo di ko napapansin na halos tatlong buwan ka nang ganyan. Ang layo palagi ng isip mo." Patuloy na panunukso sa kanya ng ina.

"Ling, baka nagbibinata na 'yang binata mo." Tinapunan niya ng matalim na tingin ang tiyuhin.

"Pwede ba Tito Sirius, wag ka ng nakisali dito kay Nanay ng panunukso!" Nakangisi niyang singhal na tumatawa ng tiyuhin. " Naging girlfriend mo lang si Nanay naging corny ka na ring katulad niya." Padabog niyang dugtong. Mas lalong lumakas ang tawa ng dalawa. "Magsyotang mapang-inis." Bubulong-bulong niyang sabi.

"Kung wala kang tinatago sa amin eh, di hindi ka na sana namin tinutukso ngayon." Panimula ng ina na may nakakalokong ngiti pa rin sa labi nito. "Bakit ba kasi?" Dugtong pa nito.

"May gusto lang kasi akong puntahan pagkatapos ng medical mission bukas. I was hoping it'll be just close by total mukhang sa parehong probinsiya din naman ang punta natin." Ngumiti ang ina sa kanya sa rearview mirror. Pinilit na maging normal ang kanyang kilos at pananalita para hindi na siya tuksuhin pa lalo nito.

Pagkatapos ng napakahabang biyahe, sa wakas ay nakarating na rin sila sa Poblacion. Napangiti siya dahil hindi kalayuan ang lugar na gusto niyang puntahan. Limang araw ang mission nila dito at isa sa limang araw na yun ang pahinga tapos babalik na sila ng Maynila.

Umaasa siyang tatlong araw bago magpasko ay magkita na sila ni Soki. Maliksi siyang lumabas ng kotse at nilasap ang sariwang hangin ng paligid. Nagpalinga-linga siya sa buong kapaligiran, alam niya ang lugar na ito dahil kulang-kulang tatlong linggo din siyang nagpabalik-balik sa bayang ito kasama ang isang espesyal na tao na gustong-gusto niya ng makita.

Hindi naman sa ayaw niyang tumulong kaya lang, hindi na siya makapaghintay pa. Tatlong buwan nang wala siya naririnig mula dito. Hindi niya matawagan ang kakilala niya dahil walang signal sa Maligaya at kung meron man ay maghihintay pa ng ilang araw.

"Benjie, kung may gusto kang puntahan, sige na, lumakad ka na. Siguraduhin mo lang na nandito ka bukas ng umaga." Mabilis pa sa kidlat ang paglingon ginawa niya dahil sa sinabi ng nanay niya. Ganun ba siya kahalatado?

"Nay..." Naguguluhan niyang panimula. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin nito kahit na alam niya ang sinabi ng ina. Magulo di ba?

"Alexander Benjamin, for a man who graduated top of his class and first on the medical board, you sure are dumb and all of a sudden, slow." Napakunot ang noo niyang tinitigan ang inang nakatayo ngayon sa harapan niya. Nakakrus ang dalawang braso sa harap ng dibdib nito, nakataas ang kilay at halatang iritado sa kung anong kadahilanang hindi maintindihan ni Benjie. Maang-maangan 101 o tanga-tanga 101, Benj?

"Tito Sirius, what is Nanay talking about?" Tanong niya sa tiyuhin na nakangiting nakatayo sa likuran ni Selina.

May isang bagay lang siyang napapansin sa dalawa, mas maaliwalas ang ngiti ng mga ito ngayon kumpara sa dati at parang mas kampate na sila sa pag-uusap. Haay, nagagawa nga naman ng pag-ibig. Napapailing niyang isip

"Maang-maangan 101." Napataas ang kilay niya sa sinabi ng tiyuhin dahil yan ng nasa isip niya.

"Hindi." Sabat ng ina. "Tanga-tangahan 101!" Dugtongn ito na mas lalong nagpakunot ng noon niya.

"Mind readers lang?" Inis niyang turan. Alam na alam ng dalawang kaharap ang nasa isip niya.

"Benjie, we may be old but we were not born yesterday. Wag kami ng Nanay mo, uy." Matalinhagang tingin ang itinapon sa kanya ng tiyuhin. Napailing siya.

"Okay...I get that. But what are we talking about?" Tanong niyang mas hindi naging sigurado sa iniisip. Napapailing si Sirius sa pagiging clueless ng pamangkin.

"Kung gusto mo siyang puntahan, go right ahead. Use my car. Baka naghihintay na yun sa iyo, tatlong buwan na rin, diba? Baka mamaya napagod na yun sa paghihintay sa iyo, umalis na." Pahayag ng tiyuhin. Nakangiting nakamasid sa kanya ang ina. Tumango-tango ito.

"We know. Go. We'll talk about it later." Sambit ng ina. Mabilis na kinabig ang ina para akapin at halikan ito. Napatili na lang ng impit si Selina dahil sa ginawa ng anak. Natawa naman ang Tito Sirius niya dahil sa ginawa nito.

"Just be sure to be back here tomorrow morning before we start with the mission. Marami naman kaming nagse-setup dito. Hindi ka kawalan." Singit naman ng Tita Lulana niya na nagpalingon sa kanya. Hindi niya napansin ang paglapit ng tiyahin sa kinatatayuan nilang tatlo.

"Don't forget to bring her back with you." Bilin ng ina. Hinalikan niya ang dalawang babae sa buhay niya at nakipag-fist bump naman sa kanyang tiyuhin.

Itinaas ni Sirius ang susi at mabilis ng sumakay ng kotse. Nakangiti niyang inabay ang kalsadang patungo sa maliit na barangay para makitang muli ang babaeng kanyang pinanabikan ng halos tatlong buwan.

Naabutan niya ang walang katao-taong bahay. Binuksan niya ang pinto at isang nakabibinging katahimikan ang sumalubong sa kanya. Mabilis na pinuntahan ang kanyang kwarto, nandun pa ang kanyang mga gamit.

Mabilis na lumabas at tinungo ang kwarto ng dalaga. Naroroon pa rin ang iilang gamit nito ngunit halatang hindi naman natutulugan ng matagal na panahon ang kama nito. Lumabas si Benjie ng bahay at umikot sa likurang bahagi kung saan matatagpuan ang bahay ng kanyang kaibigan, si Mang Pidyo.

"Aling Miling! Mang Pidyo!" Sigaw niya. Mabilis namang may dumungaw ng bintana ang matandang mag-asawa.

"Benjie, hijo. Kelan ka pa dumating?" Masayang bati ng matandang babae.

"Uy, amang. Kelan ka pa dumating? Halina at pumasok ka dine." Sabat naman ng asawa nitosa likod ng bahay nanggaling.

"Ngayon-ngayon lang po." Inabot ni Benjie ang kamay ng dalawang matanda at umamen dito. "Si Soki po? Nasa bayan po ba siya?" Di na niya natiis pang itanong. Nagkatinginan ang dalawang matanda.

"Benjie, maupo ka muna." Iminwestra ni Aling Miling ang bangkito sa harap ng bahay. Umupo naman doon si Benjie at tumabi din sa kanya si Mang Pidyo.

"Nasaan po si Sergio?" Nagpalinga-linga siya, hinahanap ang siraulong kaibigan.

"Umuwi muna sa probinsya nila para dalhin dito ang mga magulang." Nakasimangot na pahayag ni Mang Pidyo.

"Kuu! Kung makasimangot ka naman ay para bang hindi na babalik dito ang mamanugangin mo." Panunukso ni Aling Miling.

"Eh paano kung hindi? Eh di habambuhay na napahiya itong anak mo!" Hindi na nakapagpigil ang matanda, nagtaas na ito ng boses. Napangiti si Benjie.

"Hindi po ganun si Sergio." Pagtatanggol niya sa kaibigan. "At kapag ginaawa niya yun kay Merly, ako mismo ang tutugis sa kanya." Matapat niyang saad sa lalaki.

"Ayan. Siguro naman ay matatahimik ka na, Pidyo?" Bigkas ni Aling Miling habang hinahain ang mainit na kape sa harap nilang dalawa.

"Salamat naman kung ganun, Benjie." Kumlama naman kaagad ang ginoo. "Maiba tayo. Bakit ngayon ka lang nabalik dito?" Tanong ni Mang Pidyo. Umupo si Aling Miling sa tabi ng asawa.

"Naku, amang. Kung ikaw ay napaaga ng pagbabalik, maaaring naabutan mo ang iyong kasintahan." Pahayag naman ni Aling Miling. Napayuko siya.

"Ang dami ko po kasing inasikaso. Nagpatulong din po ang Tita ko sa mga kakailanganin namin para bukas." Paliwaang niya.

"Naku! Eh bakit sa amin ka nagpapaliwanag?" Napapangiti si Benjie a tinuran ni Mang Pidyo.

"Eh paano ngang doon siya magpapaliwanag?" Pang-aasar ni Aling Miling.

Napangiti siya. Parang walang pinagbago ang mga ito. Siguro nga dahil sa tagal na nagpapasasama ng mga ito ay parang natural na ang inisan sa mga ito. Para siya at ang Nanay niya at ngayon nga ay kanyang Tito Sirius sa Nanay niya.

"Alam n'yo po ba kung saan siya nagpunta?" Direkta niyang tanong.

"Hindi ba kayo nagkita sa Maynila?" Tanong ni Mang Pidyo. Umiling si Benjie. May hinagap naman siyang umalis na si Soki dahil sa ayos ng bahay niya, tahimik at walang nakatira, pero gusto niyang marinig yun mismo sa dalawang matanda.

"Benjie, umalis na si Soki isang buwan matapos kang umalis. Iniwan niya sa akin ang susi ng bahay n'yo." Malungkot na pahayag ni Aling Miling. Tumayo ito para kunin ang sinasabing susi.

Naghintay pala talaga sa kanya ang dalaga. Masakit marinig na isang buwan pa bago umalis si soki pero wala naman siyang magagawa, hindi naman siya kaagad bumalik. Pwede naman siyang nag-text kay Sergio para pasubalian itong papaghintayin pa ng konti ang dalaga. O di kaya kaya hiningi sana niya ang numro nito.

Ano ba ang akala niya, maghihintay si Soki sa kanya ng ganun katagal? Sino ba siya para hintayin nito? Magkaano-ano ba sila? May iniwan ba siyang katibayan para merong mapanghawakan ang dalaga sa kanya maliban sa susi ng bahay? Napabuntong-hininga siya.

"Kelan pa po umalis si Soki?" Tanong niyang halos hindi na lumabas ang boses niya. Parang biglang sumikip ang kanyang dibdib.

"Mag-iisang buwan na." Maikling sagot ni Mang Pidyo. Nag-angat siya ng tingin.

"Nagtagal po siya dito?" Bigla ay parang sumigla ang puso niya sa narinig. Tumango ang mag-asawa.

"Bago siya tuluyang umalis, sinamahan ko pa siyang ipaayos ang kanyang sasakyan sa bayan nung isang buwan ng pag-alis mo. Si Sergio sana ang sasama kaya lang ay may tawag namang natanggap ang isang yun." Salaysay ni Mang Pidyo.

Napahugot siya ng malalim na paghinga. Naninikip talaga ang dibdib niya. Pagbalik niya sa bayan ng Poblacion ay magpapatingin siya sa tiyuhin.

"Isang linggo bago siya umalis, nagpatulong pa nga siya sa Aling Miling mo na linisin yang bahay n'yo." Dugtong pa nito.

"Benjie, masyadong naging malungkot si Soki nung umalis ka. Walang gabing hindi siya umiiyak, alam ko kasi nagdadala ako ng makakain niya minsan. Minsan naman ay sadya ko siyang binibisita dito at nakikinig lang sa may bandang pintuan ng kwarto niya hanggang sa mapagod na lang ako at ako na ang nagtatrangka ng bahayn 'yo sa gabi. Natakot kasi ako na baka may gawin siyang hindi maganda sa sarili niya kaya gabi-gabi ko siyang sinasamahan kahit hindi niya alam yung ibang mga gabi." Mahabang kwento ni Aling Miling.

"Alam mo bang doon siya natutulog sa kwarto mo? Tapos maghapon siyang uupo sa harap ng bintana at maghihintay sa pagbabalik mo. Tapos pagdating gabi doon na uli sa kwarto mo siya magmumukmok, iiyak hanggang sa makatulog. Tuwing gigising yun sa umaga, magang-maga ang mga mata. Kaya naman tuwing umaga ay may mainit na tubig na siya sa thermos at bimpo na nakahanda. Tinuruan ko siya ng gagawin niya para hindi gaanong halata ang pag-iyak niya.." Malungkot na salaysay ni Aling Miling.

"Minsan naman ay si Merly ang kasama niya diyan at nauwi na lang dito bago matulog." Dugtong ni Mang Pidyo sa kwento ni Aling Miling.

"Alam mo bang sising-sisi siyang hindi ka niya naabutan ng umagang umalis ka? Ano ba ang nangyari sa inyo at bigla ka na lang umalis kinabukasan?" Urirat ni Mang Pidyo. Hindi nakasagot si Benjie. "Kapitan ako ng barangay na ito at lahat ay nasusulosyunan ko pero yang sa inyo ni Soki ay maaaring hindi ko kayo matulungan diyna." Dugtong pa nito. Napayuko siya.

"Benjie, alam mo bang mahal na mahal ka ni Soki?" Mabilis siyang nag-angat ng tingin. Titig na titig kay Aling Miling.

YUN ang huling salitang tumatak sa utak niya. Hindi niya alam kung papaano siyang nakapagpaalam sa mag-asawa at kung paano siyang nakabalik sa bayan Poblacion. Tulala siyang nagmaneho buong gabi. Hindi niya namalayang dumaan sa Mariit.

Bago pa nakatulog si Benjie ay may kailagan pa siyang tapusin. Hindi magawa ni Benjie ang mga bagay na dapat niyang gawin. Mabuti na lang at naandiyan nakaalalay si Selina at Sirius kaya ito na ang sumalo sa ibang gawain ni Benjie hanggang sa natapos ang paghahanda.

Kinabukasan, unang araw ng misyon nila. Wala pa rin sa sarili si Benjie at kita yun ng mga kasamahan niya kaya naman alalay lang ang iba. Natuwa ang ina ni Benjie ng dumating ang kaibigan nitong si Sergio para tumulong.

"What is going on with you, son?" Tanong ng ina habang nagmimiryenda sila sa kabila lang ng mga lamesa ng mga gamot. Hindi siya sumagot. Tahimik lang na nakamasid ang tiyuhin sa kanya bago ito nagsalita.

"Oo nga, pamangkin. You've been that way since you came back from wherever you came from." Narinig niya ang lahat ng sinabi ng tiyahin pero hindi pa rin siya sumasagot.

Ano nga ba ang nangyayari sa kanya? Well, iisa lang ang alam niya. Si Soki. Si Soki ang nangyari sa kanya. Ang tanong ngayon ay kung saan niya hahanapin ang dalaga.

"Where are you, Soki?"

MABAGAL na lumipas ang limang araw na medical mission nila sa Poblacion. Halos hilahin ni Benjie ang mga araw para lang sa pagbabalik nila sa Maynila para sana mahanap ang dalaga.

Nakahinga ng maluwag si Benjie nang sa wakas ay uling araw nila sa Poblacion. Mabilis pa sa takbo ni Flash ang kilos ni Benjie. Halos hindi siya magkandaugaga na maibalik ang lahat ng mga ginamit nila. Pati na ang mga bakanteng maliliit na tray na pinaglagyan ng mga gamot na ipinamahagi sa mga tao ay naitabi na rin niya.

Atat na atat na siyang hanapin si Soki. Ilang araw na lang at pasko na. Ilang tulog na lang masisiraan na siya ng bait. Kailangan na talaga niyang makita ang dalaga dahil kung hindi, maagang darating ang susunod niyang buhay at baka hindi sila magpang-abot ng dalaga.

Ang talino niyang tao, magaling siyang doctor, matapang siyang negosyante at maabilidad siya sa lahat ng bagay, pero ang pagkuha lang ng kompletong pangalan ng dalaga na nakasama ng lagpas isang buwan ay hindi man lang niya nagawa alamin?

Hindi rin niya nagawang hingiin kahit ang numero man lang nito. Ano ang tawag doon? Eh di malaking katangahan at kabobohan. Patuloy niyang kinakastigo ang sarili dahil doon. Mabuti pa ang mga tambay sa kanto nakakakuha ng numero ng babae. Eh, ikaw, Benjie! Nganga! Paghihimutok niya.

Naibaba na nila ang ibang mga volunteers sa kanilang ospital. Maging siya ay sakay na rin ng kotseng iniwan sa parking lot ng hospital bago sila umusad para sa misyon. Sa ngayon ay nagmamaneho siya ng walang direksyon. Ni hindi man lang naipaalam sa ina kung saan siya pupunta.

Gusto na niyang umuwi dahil pagod at antok na siya, kaya lang parang may sariling isip ang katawan niya dahil mas gusto nitong magmaneho nito at magbakasakali na makita niya si Soki habang nasa kalsada. Nagbabakasakaling magkrus ang landas nila hanggang sa tumigil muna siya sa isang parking lot at nanalanagin.

Lord, ipinakilala mo siya sa akin, pwede bang tulungan mo naman akong makita ko siyang muli? Promise, I will love her and take care of her, til my last breath. Impit niyang dasal.

"Alexander Benjamin Gomez?"












___________
End of HHHS 10: Mission

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi. Tap the 🌟 to vote, and please share the story and give good vibes.

This story is the writer's original idea/creation, the image used on the cover made through Desynger, a Wattpad partner, so please be respectful and be kind. Do not copy any part or parts of this story. Let's enjoy reading the story.

💖 ~ Ms J ~ 💖
11.27.18

His Home, Her Shield
©All Rights Reserved
November 20, 2018

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro