Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapitre Cinq




🤍🤍🤍🤍🤍🤍

His Home Her Shield

"Confused"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





DALAWANG linggo ang mabilis na nagdaan. Magkasama pa rin si Sofia, bilang Soki, at Benjie. Simula ng gabing tinanggap ni Benjie sa sarili niya na mahal nga niya ang dalaga, kahit sa unang pagkikita pa lang nila ay hindi na niya hinayaang mawala ito sa paningin niya. Hindi rin naman nagrereklamo si Sofia.

"Benj, are we going somewhere today?" Tanong ni Sofia.

Nandito sila ngayon sa isang two-bedroom bungalow na pasekretong binili ni Benjie sa isang maliit na barangay na malayo sa sentro ng bayan.

"Saan mo ba gustong pumunta?" Tanong nitong ubod tamis kung ngumiti. Katakot-takot na mura ang inabot ni Benjie sa isip ni Sofia.

"CHE!!" Singhal niya dito at mabilis na tinalikuran ang binata bago pa siya mapaihi sa sobrang kabang nararamdaman.

Malakas na tawa lang narinig niya mula dito kaya malakas niyang ibinalandra ang pinto ng kanyang kwarto, diretso sa bintana para makalanghap ng hangin. Hindi siya makahinga.

Gusto niyang balikan si Benjie at kutusan ngunit hindi niya sa sayangin ang oras. Kahit na dalawang linggo na sila dito pero parang kahapon lang sila dumating. Nagagandahan pa rin siya sa lugar na ito. Sariwang-sariwa talaga ang hangin dito. Malapad ang mga lupain at sakahan na berdeng-berde ang mga kulay na hitik sa halos handa ng anihin na mga palay at iba pang pananim.

Sa ganda ng kapaligiran, wala kang maitulak kabigin na titigan, lahat kaayaaya sa mata at puso. May isang downside nga lang ang lugar na ito, mahirap makasagap ng signal, cellphone man o wifi.

Halos lahat ng merong cellphone sa lugar na ito ay pumupunta pa ng bayan o di naman kaya ay lalapit ng bahagya sa cell tower sa bukana ng bayan para magamit ang kani-kanilang cellphone.

May kuryente ang Brgy. Maligaya at hindi rin naman pahuhuli sa pagiging moderno ang barangay na ito, kaya lang malayo lang ng isa't kalahating kilometro sa pinakamalapit na cell tower. Mantakin mo 'yon?

Nasanay na siya sa kadalasang ganap lingguhan dito katulad ng mga tagarito. Gigising sila ng maaga, pupunta ng bayan para mamalengke ng mga kakailanganin sa buong linggo at gawin ang dapat gawin sa bayan.

May mga maliliit din namang sari-sari store at Talipapa dito para sa mga ibang walang kagamitan para mag-imbak ng mga pagkaing katulad ng ng isda at karne, at doon na sila Benjie at Sofia bumubili.

Para sa kanilang dalawa, sa tuwing punta nila ng bayan ay dumidiretso na agad sila internet cafe na bahagi ng B&B na kanilang palaging pinupuntahan para buksan ang kanilang mga emails, sagutin ang mga ito, alamin kung ano na ang mga bagay na dapat nilang malaman at masubaybayan. Minsan naman ay manonood ng sine, kakain sa iba't ibang karinderya at sa gabi naman ay night market.

Katulad ng nakagawian nila, mag-o-overnight sila sa B&B na ito para makapagsimba kinabukasan, kakain uli sa kung saan sila ituro ng mga tao, bibili ng ilang personal na kailangan at pagkatapos ay uuwi na rin.

"You are such a hot mess, Sofie!" Tahimik niyang sermon sa sarili. Ipinilig na lang ang ulo, humi nga ng malalim at maragsang bumuga. "How long are you gonna keep this up?" Dugtong pa noya bago nagbihis.

PRENTENG nakaupo si Sofia sa sementong upuan sa ilalim ng puno ng sampalok sa plaza ng bayan. Hindi sila nanood ng sine ngayon dahil mas gusto nilang panoorin ang pagparoo't parito ng mga tao. Kung titingnan sa panlabas, parang panatag na ang kalooban ni Sofia at yun ang gusto niyang maramdaman ng matagal na panahon.

Hindi na siya gaanong nakakaramdam ng kahungkagan nitong mga nagdaang araw. Kahit parang may kulang pa rin, ramdam niya yung parang hindi na siyang isang robot na kumikilos. Pakiramdam nga niya sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon siya ng damdamin, meron siyang purpose. Hindi siya namamanhid.

Nalulungkot pa rin naman siya, hindi naman maiaalis yun sa kanya, pero pakiramdam niya ay hindi na katulad ng dati na para siyang de susi na gigising sa umaga, maliligo, papasok sa trabaho, mag-o-overtime, uuwi, iiyak o di naman kaya magpapakatulala sa kawalan at kinabukasan ganun na naman.

Hindi niya maalala kung saan banda niya naisisingit ang pagkain at pakikisalamuha sa ibang tao o sa mga kapatid niya. Lahat ng mga ginawa o ginagawa niya ay parang isang usok na dumaan lang. Pero iba ngayon. Gigising siya na parang may pakay, may patutunguhan, may kabuluhan.

Muli siyang humugot ng malalim na paghinga, pinakiramdaman ang sarili. Kampante at kontento siya nitong mga nakaraang araw. Hindi na de susi o de-numero kung kilos. Kahit pagabi na ay naaalala niya ang mga ginawa pati na ang mga putaheng naihahain sa kanila. Pansin niya ring magan na siyang kumakain.

Ang maganda pa nun, kinabukasan ganun na naman. Napangiti siya ng bahagya ng maalala ang mga sinasabi ng Ate Alea niya sa kanya noon. Parang malayo na siya doon. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang binitawan.

"Tama na, Sofia ang pag-eemote." Sermon niya sa sarili at inayos ang sarili. Lalabas siya at ititigil niya ang kanyng paglulungkot-lungkutan.

Paglabas ay nakita niya kaagad si Benjie papalapit sa kanya. Bigla ay bumalik ang lungkot na dati niyang nararamdaman. Kung dati ay wala siya pakialam sa mga naiisip dahil agad niyang nababalewala pero ngayon ay iba na. Hindi niya alam, pero iba na.

"Not now, Benjie." Sabi niya lang dito at nilampasan ang binata.

"Soki, let's talk." Sabi nito. Nilingon niya ang binata.

"Let's not." Maikli niyang sagot at tuluyan ng umalis. Nagtataka man ay hinayaan siya ng binata.

Habang nalalapit ang pagbabalik ni Benjie sa Manila, naiisip pal ang niya ay sumisikip na ang kanyang dibdib. Parang hirap na hirap siyang huminga. Gosh! May sakit na ba ako sa puso? Nag-aalala siya para sa kalusugan na baka dahil sa kanyang mga pinaggagagawa ng mga nakaraang taon ay may hindi na pala maayos sa kalusugan niya.

Kinakabahan man para sa sarili ay mas kinakabahan siya sa pag-alis ng binata. Una, alam niyang di na sila muling magkikita nito. Natatakot siyang maiwan. Why? Dahil natatakot siya na baka sa pag-alis nito ay hindi na siya maalala ng binata? Again, why? Natatakot siyang muling maramdaman ang dating kawalan, kahungkagan, kakulangan.

Pakiramdam kasi niya kapag bumalik na si Benjie sa Manila ay babalik na rin siya sa dati. Mawawala ang proteksyong bumabalot sa puso niya dahil kay Benjie. Mawawala na ang pananggalang na hindi niya namalayang binuo ng binata sa puso niya.

Walang sila ni Benjie, pero yung presensya ng binata sa araw-araw mula ng magkakilala sila ay siyang nagbigay sa kanya ng kapanatagan. Alam na alam niya yun at ramdam na ramdam pa. Siya lang ito at hindi ang binata.

"Hey! Are you okay?" Bahagya pa siyang nagulat sa pagbangga ni Benjie ng balikat nito sa balikat niya. Nakaupo na ito sa tabi niya. Ayan na naman yung kaba.

"What are you doing here?" Wala sa loob niyang tanong. Ikinisap-kisap niya ang mga mata. Natawa tuloy si Benjie dahil sa kanyang naging reaksyon.

"You seemed so out of this world. Ang lalim ng iniisip mo. Are you okay, Soki?" Nakangiti pa nitong tanong. Ayan na naman ang nag-iisang dimple ng binata na kanyang pinaka gustong nakikita dito at iniiwasan kahit na nakakawala ito ng problema para sa kanya.

Ang ngiti kasi ni Benjie ay napakatotoo. Kahit pa siguro wala ang nag-iisa nitong dimple. Para itong isang bata kapag ngumingiti o tumatawa, abot hanggang sa pinaka loob-looban ng mga mata nito na umaabot hanggang sa puso ng kausap.

Si Benjie, sa obserbasyon niya, kahit na anong hirap ng ginagawa nito, na hindi niya talaga naiintindihan kung ano ang trabaho nito, hindi mo makikitaan ng hirap o lungkot sa buhay. Parang puro lang saya na nakapagbigay ng liwanag ng aura nito. Ang gaan tingnan. Naiinggit siya.

Ang mga ngiti kasi ni Benjie ay nakakadala, nakakahawa, nakakalunod, nakakalalag... humugot siya ng malalim na paghinga.

"That was deep." Sabi nito na may ngiti pa rin.

Ang ngiti ni Benjie ay ang ngiti na parang gusto niyang makita bago siya matulog sa gabi at kauna-unahang makikita paggising niya sa umaga. Natutop niya ang kanyang bibig.

"Soki!" Untag nito sa kanya. Tumikhim siya dahil parang nabulunan siya na di mawari. Inayos ang sarili bago sumagot.

"Yeah? What happened?" Tanong niya dito. Natawa si Benjie dahil parang ngayon lang siya nagising kahit na buong araw siyang nakadilat. Daydreaming 'ika nga.

"As I was saying, you can take me wherever you want to take me." Malayo na pala ang mga nasabi ng binata habang siya nasa 'are you okay' pa lang ni Benjie.

Nakita niya ang kislap sa mga mata ng binata na para bang may gustong sabihin pero ayaw sabihin. Well, ayaw niya ring malaman. Ayaw niyang bigyan yun ng kahulugan. Better yet, ayaw niyang may mabasa dito at baka umasa pa siya. Iba kasi ang nakikita niya sa mga kilos ni Benjie at natatakot siya.

"Anong take you anywhere?" Tanong niyang nalilito. Pilit binabalewala ang mga ikinikilos. Ayaw niyang makapag-isip ito ng di maganda o hindi tama.

"I'm all yours." Malapad na ngiting sagot nito. Nagrambulan ang kanyang puso, baga at lahat na. Ayaw niya ang pinapahiwatig ng sinabi nito. Umaasa ang puso niya t malayo yun sa reyalidad.

"Well, I only have a week and a half left at wala pa tayong matinong gala, eh di gala tayo ngayon. Anywhere you want. May kotse naman, ako ang bahala sa gasolina at pagkain, kaya ayos lang na medyo gabihin tayo." Paliwanag nito sa sinabi. Ah. yun pala ang ibig sabihin nun.

"Marami pa kayong tatapusin di ba? You can't leave it with them." Pag-iwas niya gamit ang mga kasamahan at gagawin ni Benjie.

Nang makarating sila sa lugar na ito na lubos na hinangaan ng binata, nasa cell phone ito maghapon. Nakailang tawag p ito sa iba't ibang tao at matapos nga ang ilang araw ay sumunod dito sa kanila ang mga kasamahan ni Benjie.

Isang linggo at kalahati na lang silang magkasama ng binata, pagkatapos nito ay babalik na ito sa Manila. Siya? Hindi niya pa alam. Bigla ay naramdaman niya na para siyang isang tutang walang nagmamay-ari. Para siyang nawawala.

May nagmamahal man sa kanya pero parang hindi yun sapat para mabuo siya muli. Kulang na kulang. Kung hindi niya nagagawa ang kanyang mga extreme activities, kulang siya.

Bigla siyang nakaramdam ng kahungkagan. akala niya ay okay na siya. Ngayong nalalapit na ang paghihiwalay nilang dalawa ay parang mas lalo siyang nakaramdam ng kawalan. Magiging mag-isa na naman uli siya.

"I think we need to go back." Malungkot niyang saad, tumayo na siya at mabilis na umalis.

Nagmamadali namang humabol si Benjie sa kanya na may pagtataka. Hindi nito maintindihan kung bakit biglang nagbago ang mood ni Sofia. Bakit parang bigla na lang naging mailap ito na hindi mawari?

"Did I say something wrong?" Nalilitong usal ni Benjie.












___________
End of HHHS 5: Confused

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi. Tap the 🌟 to vote, and please share the story and give good vibes.

This story is the writer's original idea/creation, the image used on the cover made through Desynger, a Wattpad partner, so please be respectful and be kind. Do not copy any part or parts of this story. Let's enjoy reading the story.

💖 ~ Ms J ~ 💖
11.23.2018

His Home, Her Shield
©All Rights Reserved
November 20, 2018

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro