Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SPECIAL CHAPTER

SPECIAL CHAPTER

"DON'T you think it's too much? Ayaw ni Sagan na may laging nakasunod na guwardiya sa kanya, Love. Not to mention na may Yaya pa siyang kasama lagi."

"Love, this is the best way to secure their safety. Besides, panandalian lang naman ito. Kapag maayos na ang lahat ay wala nang bodyguard na sunud-sunuran sa mga anak natin."

Napabuntonghininga ako. I really don't think it is necessary. Kahit ako ay kinuhanan din ni Sid ng bodyguard. Kaya kahit saan ako magpunta ay may nakabuntot din sa akin na bantay. I don't really mind at all but I'm worried about the kids.

"O, sige nga. Ano ngayon ang isasagot ko sa mga anak mo? Sagan has been asking why there's a bodyguard out of the sudden. Ano'ng sasabihin ko? Na may banta sa mga buhay nila? Gano'n? Love, this idea is scaring them off."

Napahawak ako sa aking noo habang nakapaweywang. Sinundan ko ng tingin ang asawa ko nang hinubad nito ang kanyang suot pang-opisina. Kanina ko pa nga siya balak tawagan sa opisina pero pinili ko na lang na hintayin siya sa pag-uwi para hindi ko siya maistorbo.

"Love, please? Hindi ako mapalagay kapag wala kayong apat sa tabi ko. Paano kapag balikan ka ni Ronald? He's crazy. I'm afraid he might hurt you and the kids."

Nilapitan niya ako at hinapit. Agad kong naamoy ang matapang niyang pabango. His smell could really calm my nerves down. Nawawala ang takot ko kapag naaamoy at nakikita ko ang aking asawa.

"Ilang beses ko ba dapat sabihin sa 'yo na hindi mangyayari ang iniisip mo? Ronald is not into me anymore. He's chasing my cousin."

It's true. I was actually surprised how the tables turned. Si Ronald na ngayon ang naghahabol kay Tessa. Ngunit hindi ko pa alam kung ano'ng binabalak ng pinsan ko. Ang huli naming pag-uusap ay annulled na ang kanilang kasal. May dalawa silang anak ngunit parehong nasa custody ni Tessa ang dalawa.

Sid gave me a peck on the lips. Isinabit niya sa likod ng tenga ko ang mga takas na buhok sa aking pisngi.

"I'm sorry, Love. Hindi pa rin magbabago ang isip ko. Who knows he's just pretending? Running after Tessa could just be part of his scheme so he could steal you from me."

Sumimangot ako. Hindi ko alam kung kikiligin ako o maaasar sa kapraningan ng asawa ko. I am pretty sure that Ronald has finally found his love. Hindi naman siya siguro magmamakaawa kay Tessa kung hindi niya ito mahal. Naikuwento sa akin ni Kyesha ang nangyari noong huling tumawag siya.

"Bakit ba takot na takot kang baka may gawin sa amin si Ronald? I'm telling you, wala na siyang pakialam sa 'kin. He's not into revenge. Napaka-unfair naman doon sa tao sa tao na pinag-iisipan mo siya ng masama."

Saglit siyang natigilan dahil sa sinabi ko. Umiwas siya ng tingin.

"Please let me handle this, Love. I assure you, this is just temporary."

"Pero natatakot ang mga bata. Kahit hindi rin nagsasalita ssi Savino, I know he has sensed something," I argued but my husband started to shower my face with kisses.

"I'll talk to the kids, hmm?" he mumbled before claiming my lips.

"But-"

"Stop arguing and just kiss me back, Love."

Napapikit na lamang ako nang tuluyan niyang sinakop ang aking mga labi. Parang sabik na sabik pa rin siya kahit na walong oras lang kaming hindi nagkita. Muntik na akong matumba ngunit mabilis niya akong hinapit sa bewang at idiniin sa kanyang sarili. I kissed him back. Kumuyapit ako sa kanyang leeg nang mas pinalalim niya ang aming halikan.

Napangiti ako sa gitna ng aming halikan. My husband really never fail to make feel like I'm the most beautiful woman in his eyes. Araw-araw ay walang sawa niyang ipinapakita kung gaano niya ako kamahal.

"I missed you, Love..." he whispered in between our kisses.

Marahan ko siyang itinulak nang maramdaman kong nasa dibdib ko na ang kanyang isang kamay.

"Dinadaan mo na naman ako sa mga galawan mo, Dela Vega. Siguraduhin mo lang na kakausapin mo ang mga anak mo dahil hindi ko alam ang ipapaliwanag sa kanila."

Napakamot siya ng ulo.

"Love, how could you ruin the moment? Aish!"

"Heh! Nakakarami ka na, ha! Late ka na nga pumasok kaninang umaga dahil umisa ka pa."

Napangisi siya dahil sa sinabi ko. Nagsisi tuloy ako na ipinaalala ko pa. Pinagod niya ako magdamag kaya halos tanghali rin ako nagising kanina.

"Sorry, my lovely wife. I forgot. You must be still tired of our session last night."

Pinamulahan ako ng mukha. Tumawa siya saka tuluyang hinubad ang kanyang polo sa harapan ko. I gulped. My husband's body gets toner as he gets old. May sarili siyang gym dito sa bahay kaya't tuwing umaga ay nagkakaroon siya ng pagkakataon para magpapawis.

"My wife is blushing," he teased. Tumalikod na ako.

"Sumunod ka na lang sa baba. Ipapahanda ko na ang hapunan."

Mabilis kong tinungo ang pinto.

"Love, wait!"

I ignored him.

Nang makababa na ako ay naabutan kong nasa harap ng piano si Sagan. Napangiti ako habang pinapanood siyang tumutugtog. His eyes were closed while his fingers expertly run through the keyboard. We did not enrol him in the piano lessons. Ang daddy niya mismo ang nagturo sa kanya hanggang sa nakabisa na niya ito.

Napatingin ako sa isang sulok ng sala. Naglalaro na naman ng lutu-lutuan si Savannah. Si Savino naman ay nakasalampak sa sahig habang kaharap na naman ang kanyang gamit pangguhit. He has this unusual passion for art. Mahilig siyang gumuhit at magaling din siya sa Math.

Pumalakpak ako nang matapos tumugtog ng isnag kanta si Sagan. He's now playing the keyboard like a pro. Ni hindi nga siya tumitingin habang pumipindot. Mabilis at matalas ang memorya niya pagdating doon.

"Good job, anak! Parang mas magaling ka pa ngayon sa daddy mo." Ginulo ko ang kanyang buhok.

"Really, Mom?"

"Yes, anak!"

"Daddy said I'm gonna be the vocalist of Zero Degree when I grow up!"

I agreed. Operational pa rin naman ang Zero Degree bar na itinayo ng asawa ko kasama ang mag kaibigan niya. In fact, may sarili na rin itong recording company pero si Levi ang nangangasiwa. Nagpa-audition din sila ng mga bagong singers para sa kanilang bar kaya't naging malakas ang pangalan nito. Hindi na rin sila masyadong nakakatugtog dahil abala sa kani-kanilang mga trabaho.

Nilapitan ko si Savino. Tutok na tutok siya sa kanyang iginuguhit kaya't hindi niya agad napansin ang paglapit. Yumuko at sinilip ang kanyang ginagawa ngunit gano'n na lang ang pagkagulat ko nang mapansing isang batang babae ang iginuguhit niya.

"Si Savannah ba ang dinu-drowing mo, anak?" mahinahong tanong ko na nagpatigil sa kanya. Agad niyang tinakpan ang kanyang ginagawa.

"N-nothing, Mom."

Napangiti ako. Kapansing-pansin ang pagkailang niya sa 'kin. Marahil ay ayaw niyang makita ko ang kanyang iginuguhit. Kahit hindi siya vocal sa nararmdaman niya ay sobrang protective niya sa kanyang kakambal kaya't nagpapasalamat ako na hindi rin niya pinapabayaan si Savannah.

"Mamaya mo na 'yan tapusin, anak. Bababa na ang daddy ninyo. Maghahapunan na tayo."

"Y-yes, Mom."

Agad niyang niligpit ang kanyang mga gamit saka ibinalik iyon sa kanyang personal drawer dito sa sala. Sa kanilang tatlo si Savino rin ang pinakamasinop at maayos sa gamit.

"Savannah, tama na muna 'yan, anak. Magdi-dinner na tayo."

"I'm not hungry, Mom," she replied without giving me a glance. I sighed. Napakahirap pakainin ni Savannah. Minsan kailangan pa siyang takutin para kumain. Tanging ang daddy niya at si Savino lang din ang nakakakumbinsi sa kanya. I don't know but the two have mutual understanding. Maybe that's because of their connection as twins.

"Savannah, kaunti lang ang kinain mo kaninang breakfast at lunch. Kailangan mong kumain ng dinner."

"But I'm not hungry," she whined.

"Princess, you need to eat your dinner or else you'll get sick. You wanted to be sick?"

Napatingin ako sa likod ko. Nakababa na pala ang asawa ko.

"Okay, daddy," mabilis na tugon ni Savannah. Napailing na lamang ako.

Hinanda ko na ang hapunan sa tulong ni Marie. Dinala ko na rin siya rito sa nilipatan naming bahay pagkatapos ng kasal namin noon ni Sid. I was actually one month pregnant with the twins when we got married. Na-postpone tuloy ang honeymoon namin sa Europe dahil maselan ang pagbubuntis ko noon. Hindi na rin ako pumayag na mag-travel kami pagkatapos kong manganak dahil mas gusto kong tutukan ang mga bata.

Pagkatapos ng hapunan ay tinulungan ko si Marie na magligpit at maghugas ng mga plato. May sariling Yaya ang kambal kaya pinapanhik ko na muna para makapagpalit sila ng pantulog.

"Kumusta na nga pala ang pag-aaral mo, Marie? Hindi ka naman ba nahihirapan?" tanong ko nang patapos na ako sa pagpunas ng mga baso.

"Medyo marami lang assignments at projects, ate. Pero kaya ko namang i-manage ang oras at sa mga Gawain dito sa bahay. Hindi naman gano'n kabigat ang trabaho. Nahihiya na nga ako sa inyo ni Kuya Sid, eh. Ang laki ng matrikula ko tapos may suweldo pa ako rito sa trabaho."

"Bakit ka naman mahihiya? Bata ka pa at marami ka pang mararating sa buhay kaya huwag mong isipin ang gastusin. Kabilang ka na sa pamilyang ito kaya huwag kang mahihiyang magsabi kung may kailangan ka, okay?"

Nahihiyang tumango si Marie. Marahan ko siyang tinapik sa balikat.

"Unahin mo lagi ang pag-aaral mo. Ang mga Gawain dito sa bahay puwede namang gawin ng iba para sa 'yo."

"Salamat talaga, ate. Napakasuwerte ko talaga sa inyo ni Kuya Sid."

I gave her a sincere smile. It was Sid's idea to support Marie's college schooling. Natutuwa naman ako kasi sa ilang taon naming pagsasama ay ipinakita niya sa akin ang pangako niyang babawi siya. Pero mukhang hindi lamang siya bumabawi sa akin kundi pati na rin sa mga taong nasa paligid ko.

I also stopped working as an Admin Clerk at MIU and focused in being a plain housewife. Pero paminsan-minsan ay ako ang nag-i-interview sa mga aplikante sa kompanya. Ako rin lagi ang sumusundo sa mga bata sa eskuwelahan.

"Pagkatapos mong malinis ang kitchen counter magpahinga ka na, Marie. Mauuna na ako sa 'yo."

"Sige, ate."

Pumanhik na ako sa taas para makapagpalit na rin ng damit. Sinilip ko muna ang mga bata sa kani-kanilang kuwarto ngunit tanging si Savino lang ang naabutan kong nakasalampak sa kanyang kama. Mukhang nasa banyo pa ang dalawa.

Dumiretso ako sa kuwarto naming mag-asawa kundi hindi ko mahagilap ang presensya ng asawa ko. Binuksan ko ang kuwarto ngunit wala siya roon. Wala rin siya sa walk-in closet.

Nangunot ako.

"Sid?"

Kahit nakasara ang pinto patuno sa veranda ay binuksan ko iyon. At hindi nga ako nagkamali. Nakatayo siya habang nakatalikod. Nasa kabilang tenga niya ang kanyang cellphone. Wala naman sana akong intensyon na pakinggan ang pag-uusap nila ng kung sinumang kausap niya ngunit natigilan ako sa aking narinig.

"My wife will surely get mad. Damn it! I don't want to tell her just yet."

My mind was suddenly clouded with confusion. Sinong kausap niya? At bakit ako magagalit?

"Yes, I already hired bodyguards for my children and for my wife but it's not enough. Baka masalisihan tayo ng Ronald na 'yon. I don't believe he's into Tessa. Of course, I did not regret everything that we have planted from the start. If we did not drug Tessa that night, they won't happen. Baka hanggang ngayon nililigawan ko pa rin ang asawa ko kung hindi sila naghiwalay ng Ronald na 'yon. Mabuti na lang pala at nabuntis siya kaagad."

I gasped. Tila nanikip ang dibdib ko sa aking narinig. Napatakip ako ng aking bibig. Dahil doon ay napansin ng asawa ko ang aking presensya.

"L-love?"

Bigla siyang nataranta at agad niyang pinatay ang tawag saka nilapitan ako.

"K-kailan mo balak sabihin sa akin ang katotohanan? At p-papa'no mo nagawa iyon sa pinsan ko?" Gumaralgal ang boses ko.

"Love, please let me explain-" Iwinaksi ko siya nang akma niya akong hahawakan.

"My God, Sid! Sinira mo 'yong buhay ng tao! Sumira ka ng relasyon!"

Hindi ko na napigilang pagtaasan siya ng boses. Hindi ako makapaniwalang nagawa niyang manipulahin ang lahat. Ang akala ko'y tinrayidor ako ng sarili kong pinsan.

"I just did it because I wanted you to be mine. I'm sorry, Love, but I did not regret a tiny bit of what I did in the past. I got you and Ronald investigated the first time we met. Matagal na ring may pagtingin si Tessa kay Ronald but she did not push it because she didn't want to ruin your relationship with him, so I had to make them happen."

Sunod-sunod akong umiling. Alam ko ang hirap na dinanas ni Tessa sa piling ni Ronald kaya't niragasa ng konsensya ang aking dibdib.

"Dahil sa 'yo nasira ang pag-aaral niya. Nabuntis siya nang maaga at ang masaklap, hindi siya pinanindigan ni Ronald. You ruined her!"

Napahagulgol ako. Sinuntok ko siya nang paulit-ulit sa kanyang dibdib.

"I'm sorry, Love. Kung hindi ko 'yon ginawa, sa tingin mo ba sa akin ka ikinasal?"

I stiffened.

"Inuulit ko, wala akong pinagsisihan sa ginawa ko. By any chance, do you regret that we happened?" Mapait siyang ngumiti. Pinalis ko ang aking mga luha.

"Hindi gano'n ang ibig kong sabihin, Sid, alam mo 'yan. But why did you have to drug Tessa? K-kaya ba may nangyari sa kanila ni Ronald?"

Parang piniga ang puso ko nang marahan siyang tumango.

"P-pinalagyan ko ng gamot ang inumin nila ni Ronald then we locked them up in a room."

Nasapo ko ang aking ulo.

"God! H-hindi ako makapaniwalang nakaya mong sumira ng buhay ng tao!"

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon sa asawa ko. Naghahalo ang pagkadismaya sa kanya at pagkakaawa ko sa sarili kong pinsan.

"Kung hindi ko 'yon ginawa, sa tingin mo ba magkasama tayo ngayon?" mapait niyang tanong. I just shook my head.

"Kung tayo talaga ang nakatadhana, mangyayari at mangyayari 'yon. Hindi ka na dapat nangdamay ng ibang tao," I retorted.

"To hell with the destiny! Kung hindi ako gumawa ng paraan ay hindi ka naging akin. I am very sorry, Love, pero tatanggapin ko kahit araw-araw mo akong susumbatan ngayong alam mo na ang totoo."

Nanghina ako. Hinayaan ko siyang ikulong niya ako sa kanyang mga braso. Humagulgol ako sa kanyang dibdib.

"Naaawa ako kay Tessa. Nakokonsensya ako sa mga nasabi ko noon sa kanya."

"Shh... Don't worry, Love, I already did something para makabawi sa pinsan mo. Just don't cry anymore."

Hinalikan niya ako sa tuktok at niyakap nang mahigpit.

"A-anong ginawa mo?"

"I can't tell you right now but I assure you that Tessa will be in good hands."

Kinalma ko ang aking sarili. Ayaw ko namang maging malalim ang pag-aaway naming mag-asawa. Ayaw kong maapektuhan ang mga bata. Isa pa, kahit ano'ng gawin ko ay hindi ko na maibabalik ang pangyayari. Nangyari na ang hindi dapat mangyari.

"Kung gano'n, ano'ng kaugnayan ng pagkuha mo ng mga bodyguards?" tanong ko nang kumalas na ako sa kanyang mga bisig.

He sighed heavily.

"Ronald already found out the truth. The owner of the bar told him everything."

"What?" Naestatwa ako. Ginagap ni Sid ang aking mga kamay.

"Listen, Love, I want you to be safe. I can always protect myself but Ronald will surely get even with me. Pero baka kayo ang balikan niya."

"P-pero hindi natin dapat ito pinapatagal. Kailangan natin siyang kausapin at humingi ng dispensa," sansala ko ngunit umiling ang aking asawa.

"Let me handle this mess, Love. Okay? I'm sorry for not telling you early. Naghahanap lang ako ng magandang pagkakataon."

Bumuntonghininga ako. Wala naman na akong magagawa. Ang kailangan ko na lamang gawin ay kausapin si Tessa o si Ronald kahit labag sa loob ni Sid.

Kampante naman akong hindi na kami guguluhin ni Ronald dahil kung may balak man siya ay malamang na sumugod na siya rito. Matagal na rin naman kaming hindi nakapag-usap.

Nang gabing iyon ay agad akong nagpadala ng mensahe sa Bicol para kamustahin ang pinsan ko kay Kyesha. Ngunit ang sabi niya ay wala na raw siya roon. Umalis nang walang pasabi kaya hinahanap ni Ronald.

...

KINABUKASAN, kagaya ng nakagawian ay sumama ako sa paghatid ni Sid sa mga bata. Idinaan namin sila sa eskuwelahan ngunit may kasunod kaming mga bodyguards. Mukhang seryoso nga si Sid na ituloy ang pagpapabantay sa amin ngunit hindi na lamang ako umangal pa. Mabuti na rin siguro iyong doble ingat. After all, hindi pa rin naman kami nakapag-usap ni Ronald. Hindi ko alam kung tama nga ang mga niri-report sa akin ni Kyesha.

"Love, can you just come with me today? I wanted to have lunch with you later," wika ni Sid matapos naming tinanaw ang mga bata papasok sa kanilang mga classroom. Pinagbuksan niya rin ako ng pinto ng kotse.

"Magkikita kami nina Marga mamaya," tanggi ko. Actually, may kaunti pa akong tampo kay Sid dahil sa nalaman ko kagabi ngunit gusto ko munang makausap ang mga kaibigan ko. Tingin ko'y mas maiintindihan nila ang nararamdaman ko.

I heard my husband sighed. Mukhang naramdaman niya ang panlalamig ko sa kanya. Umikot siya sa kabilang pinto ng kotse.

"Can you just do it after lunch date?" he suggested then started the engine. Ibinaling ko sa labas ng bintana ang aking paningin.

Hindi ko pa naman talaga nakakausap si Marga. I sent him a text message last night but I did not get any reply. Gano'n din si Rafael. I wonder ano'ng pinagkakaabalahan ng mga bakla.

"Okay," I shrugged. Ramdam ko ang panaka-nakang pagsulayap niya sa akin habang nagda-drive. Ginagap niya rin ang kaliwang kamay ko.

"Are you still mad at me?" mahinang tanong niya.

Bagama't hindi ko binawi ang kamay ko ay hindi ko sinagot ang kanyang tanong. Kung hindi lang siguro dahil sa tunog ng radio ay magiging awkward kami sa loob ng kotse.

Nang makarating kami sa opisina ay nauna ako sa kanyang maglakad. Hindi ko rin siya binigyan ng pagkakataon na mahawakan ako kagaya ng nakagawian niya.

"Ma'am Serenity!" bulalas ng sekretarya niya pagkarating namin sa tapat ng kanyang opisina.

"Good morning, boss!" bati nito kay Sid.

Nginitian ko si Marissa. Mas matanda siya sa akin nang ilang taon pero mukha siyang kasing-edad ko. Ang alam ko'y may asawa't anak na rin siya. Maliit kasi siyang babae at may itsura kaya hindi halatang may anak na.

"Good morning, Marissa! Kumusta kayo rito?"

"Ito, busy-busy-han ang peg pero maganda pa rin." I laughed at her remarks. She has this contagious smile.

"Ay, nga pala, boss, nandito na si Mr. Monteverde. Pinahintay ko muna siya sa visitor's lounge kasama ang sekretarya niya."

"Alright, Marissa. Just tell them. I'll be there in five minutes."

"Yes, boss."

Magalang na nagpaalam sa akin si Marissa. Mas close pa nga yata siya sa akin kaysa sa amo niya. Ilag siya kay Sid, hindi ko alam kung bakit. Masyado sigurong strikto itong asawa ko sa mga empleyado niya.

"Love, just wait for me in the office, okay? My meeting will just be quick. Forty-five minutes will do," pakiusap niya sa akin. Saglit siyang pumasok sa opisina niya ngunit hindi ko siya sinundan.

Naglakad ako sa pakaliwa at kinumusta ang mga empleyadong nadadaanan ko.

Napadpad ako sa vistor's lounge. Nakita kong kausap ni Marissa ang mag ka-meeting ng asawa ko. Nakatalikod siya sa 'kin at natatakpan niya ang kasama ng lalaking kausap niya. Iyon siguro si Mr. Monteverde.

"Do you want some coffee or juice habang naghihintay kay Sir?" masiglang tanong ni Marissa.

"Don't bother. We're just fine," baritonong sagot ng lalaki. Sa tantiya ko'y kaedad lamang siya ni Sid. He's good-looking and obviously coming from a rich family.

"Alright, then. My boss will be in the meeting room in five minutes. The meeting room will just be this way, Sir..." turo ni Marissa sa direksyon ko. Napatingin silang lahat sa 'kin.

"Oh, by the way, Sir, I'd like you to meet his wife." Ngumiti sa akin si Marissa. Humakbang ako palapit sa kanila.

"This is Ma'am Serenity Dela Vega, my boss' wife, Sir."

"Ma'am Serenity, this is Mr. Monteverde and his secretary."

Tumayo ang Mr. Monteverde ngunit hindi nito binitiwan ang kamay na hawak niya. Gano'n na lang din ang gulat ko nang makilala ang sekretarya niya.

"Tessa?"

Nanlaki ang mga mata ko. Agad siyang napabitaw sa kamay ni Mr. Monteverde.

"S-serenity?"

"You knew each other?"Mr. Monteverde exclaimed surprisingly.

"Ahhh-"

Tessa stuttered. She bit her lower lip. I examined her. My cousin is really a beautiful woman. Kaya siguro eventually ay nahulog na rin ang loob sa kanya ni Ronald.

"She's my cousin," I answered.

"What a small world!" bulalas ni Marissa. Ngumiti ako sa kanya.

"I'm David Monteverde." Inilahad ng lalaki ang kanya kamay. Tinanggap ko iyon at pagkatapos hinawakan ko si Tessa.

"I really think we need some time to catch up. If you don't mind, I'll borrow my cousin, Mr. Monteverde."

"I don't mind. Go on. Mauuna na ako sa meeting room. Besides, kailangan lang naming mag-usap ni Mr. Dela Vega. Enjoy yourselves, girls."

"Thanks!"sabi ko saka hinila na si Tessa.

Dinala ko siya sa opisina ni Sid.

"Love? Tessa?" gulat na bulalas ng asawa ko. Sinimangutan ko siya.

"Mag-uusap lang kami. Puntahan mo na ang ka-meeting mo," sabi ko saka marahan siyang itinulak palabas ng opisina.

"Wait--!" Pinagsarhan ko siya ng pinto.

Pagkapasok sa loob ay pinupo ko si Tessa sa couch.

"Serenity..." Napayuko siya.

"Enlighten me, please? May relasyon ba kayo ni Mr. Monteverde?" diretsahang tanong ko. I just saw their fingers entertwined earlier.

"Tessa, mapagkakatiwalaan mo ako. Magsabi ka ng totoo. Papa'no si Ronald? H-hindi mo na siya mahal?" Hinawakan ko siya sa kamay.

Biglang bumalong ang luha sa kanyang mga mata.

"M-masaya ako kapag kasama ko siya, Serenity. Ipinaramdam niya sa 'kin ang klase ng pagmamahal na hindi ko naranasan noon kay Ronald."

I sighed. Hindi naman ako nagulat na nagkagusto sa kanya ang Mr. Monteverde na iyon pero nag-aalala pa rin ako.

"Pero paano ang mga anak mo? Alam ba nila? At alam ba ng lalaking 'yon na may mga anak ka na? B-baka masaktan ka lang ulit, Tessa."

"Alam niya, insan. Tanggap niya ako at ang nakaraan ko. Tanggap niya ang mga bata."

Nakahinga ako nang maluwag. Kakaiba ang kislap sa mga mata ni Tessa. Siguro'y panahon na rin para bigyan niya ng isa pang pagkakataon ang kanyang sarili.

"But what about Ronald? I heard he's been looking for you lately." Natigilan siya. Dumaan ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Hindi mo na ba siya mahal?" tanong ko. Umiwas siya ng tingin. Tila may bumikig sa kanyang lalamunan.

"Napagod na ang puso ko sa kanya, insan. Paulit-ulit niya akong sinaktan. Tinapos niya na rin ang lahat sa amin kaya wala siyang karapatang maghabol. Hindi ko naman ipagdadamot sa kanya ang mga bata."

"Ayaw mo ba siyang bigyan ng isa pang pagkakataon? At saka sigurado ka na ba sa Mr. Monteverde na 'yan?"

Alanganin siyang tumango. Her face is glowing. Siguro'y umiibig nga siya sa Mr. Monteverde na 'yon. Natuwa naman ako na tanggap pala siya ng lalaki. Pero gayunpaman ay hindi madali ang kanilang sitwasyon. Magkalayo ang agwat ng kanilang buhay at higit sa lahat ay may mga supling na si Tessa.

"Totoo bang nakikipagbalikan sa 'yo si Ronald?"

Marahan siyang tumango. "Pero hindi ko alam kung kaya ko pa siyang balikan pagkatapos ng lahat, insan. Everything is too late for him. Hindi ko na siya kayang mahalin pa ulit."

Tumango-tango ako. Hindi ko naman masisisi si Tessa. Saksi ako sa pambababae ni Ronald habang sila pa.

"Basta kahit ano'ng mangyari nandito lang kami sa likod mo. Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako, insan. At anuman ang maging desisyon mo ay susuportahan ko."

Napaiyak siya't niyakap ako. Niyakap ko siya pabalik.

"S-salamat, insan. Salamat."

I rubbed her back gently. Gusto ko sanang ipagtapat sa kanya ang nalaman ko ngunit parang hindi ito ang tamang panahon. She's still in a vulnerable state right now.

Pagkatapos ng iyakan namin sa loob ay niyaya ko siyang mag-retouch. Nagkuwento rin siya tungkol sa unang pagkikita nila ni Mr. Monteverde. Mukhang mahal na iyon ng pinsan ko at masaya ako dahil tanggap siya nito. Sana lang ay malagpasan nila ang mapanghusgang mga mata. Nasa mayamang angkan si Mr. Monteverde kaya't tiyak na maraming mga matang nakaantabay sa kanya at sa sinumang babaeng involved sa kanya.

"Are you two okay?" salubong na tanong sa amin ni Sid pagkalabas namin ng kanyang opisina. Mukhang saglit lang ang pag-uusap nila ni David Monteverde.

"Babe? Did you cry?" tanong ng lalaki kay Tessa. Nakita ko kung paano nito tingnan ang pinsan ko. Halatang mahal na mahal niya ito.

Bahagyang ngumiti si Tessa.

"Napalalim lang ang pag-uusap namin ni Serenity, but I'm okay. Are we leaving?" pag-iiba ni Tessa.

"Yes, babe..." sagot ng lalaki at hinawakan sa kamay ang pinsan ko.

"Thanks, man. Tawagan mo lang ako kapag may gusto ka pang ipa-check bago pirmahan ang kontrata."

"My secretary will take care of it. Thanks for taking care of my wife's cousin, by the way..." Hinapit ako ni Sid pagkatapos niyang sabihin iyon. Saglit lang ang meeting nila. Ano kayang pinag-usapan nila?

"Bye, insan. Dalawin kita minsan sa inyo."

"Sige ba, dalhin mo rin ang mga bata para makalaro ng mga anak ko."

Bumitaw ako kay Sid at muling niyakap ang pinsan ko bago sila tuluyang nagpaalam. Kumaway pa siya bago pumasok sa elevator.

"They looked good together, do they?" my husband commented.

I nodded in agreement.

"I'm happy for Tesa. Atleast natanggal 'yong tinik sa dibdib ko."

"So, bati na tayo?" hirit niya. Iniukutan ko siya ng mga mata.

"Come on, Love." Bigla niya akong hinila papasok sa loob ng kanyang opisina. He locked the door.

"A-ano'ng ginagawa mo?"

Napasinghap ako nang bigla niya akong sinandal sa likod ng pinto at sinimulang halikan.

"Bati na tayo so puwede na ulit ako maka-score," tatawa-tawang sabi niya. Tinampal ko siya sa dibdib.

"It's office hours-"

"I'll make it quick, Love. Please? Hindi mo ako pina-score kagabi," tila nagtatampong saad niya.

"Wala ka pa ring pinagbago, Dela Vega. Mautak ka pa rin," sumusukong sabi ko at tinugon ang kanyang halik. Hindi ko naman talaga kayang humaba ang tampuhan namin.

"I missed my babies," humihingal na sabi niya bago sinakop ng kanyang mga kamay ang magkabila kong dibdib. I moaned.

Bigla niya akong binuhat at pinahiga sa couch. Hindi ko alam kung paano sa isang iglap lang ay natanggal na niya ang mga saplot ko sa katawan.

Naglakbay ang kanyang mga kamay sa kaselanan ko. I gasped. My husband is insatiable. Kahit yata anong posisyon namin ay may panggigil pa rin ang bawat pag-angkin niya sa 'kin.

Nang tuluyang mag-isa ang aming mga katawan ay napagtanto kong hindi pa rin talaga siya nagbabago. He's still obsessed with me.

"I love you, my lovely wife..." he chanted while plunging himself to me.

Diyos ko. Mukhang magiging kambal na naman itong ipinagbubuntis ko.

-WAKAS-

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro