Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE

EPILOGUE

NAPABUNTONGHININGA ako habang kaharap ang adviser ng aking mga anak. Galit na galit ang mommy ng batang sinuntok ni Savino. Iyak daw nang iyak ang bata at nagsumbong. I was actually surprised when I received a call from the school. Nasa trabaho pa naman ang asawa ko at ayaw ko siyang istorbohin dahil lang sa pagpapatawag sa amin sa eskuwelahan.

"Pasensya na po talaga sa nangyari, Ma'am. Hayaan n'yo ho at kakausapin ko ang anak ko," mahinahong sabi ko. Ngunit tila hindi pa rin humuhupa ang galit ng nanay ng bata.

"No! You should pay for the damages! Nagkapasa ang anak ko at ayaw na niyang pumasok!" Dinuro niya ako.

"Huminahon ho kayo, Mrs. Rosales..." pagpapakalma ng teacher.

"Paano ako hihinahon e na-bully ang anak ko!"

"Sa pagkakaalam ko ho ang anak n'yo ang unang nam-bully sa anak ko. Savino just defended his twin sister."

"Walang ginagawang masama ang anak ko! Tinuturuan ko siya ng magandang asal! Sinungaling 'yang anak mo! Palibhasa kasi ugaling dukha! I even wonder pa'no kayo nakapasok sa eskuwelahang ito!"

"Hindi sinungaling ang anak ko! Magdahan-dahan kayo sa pambibintang! Kung hindi sana pinagdiskitahan ng anak mo si Savannah, hindi manununtok ang kakambal niya. At sino kayo para sabihing sinungaling ang anak ko?"

Hindi ko na napigilang tumayo. Tumaas-baba ang aking dibdib.

"Mrs. Rosales, Mrs. Dela Vega, huminahon ho kayong dalawa. Hindi natin ito mareresolba kung pareho kayong agresibo."

"Teacher Lyn, siya ang nagsimula. Murahin at apak-apakan n'yo na ang pagkatao ko, huwag lang ang mga anak ko. Hindi ko sila pinalaking sinungaling at bully. At hindi ko sila tinuruan na mang-apak ng ibang tao, pero tinuruan ko silang lumaban kapag naagrabyado."

I know I am becoming aggressive but I can't just say nothing when my children are being dragged down. Gagawin ko ang lahat para sa mga anak ko.

"At ano'ng gusto mong palabasin? Na ang anak ko ang sinungaling?" an'ya.

"Hindi nga ba?" maanghang kong tugon.

"Mrs. Rosales at Mrs. Dela Vega, kung ganito po ang takbo ng usapan natin ay wala akong magagawa kundi i-escalate ito sa guidance office at sa school director para maareglo," namumulang singit ni teacher Lyn.

I was about to apologize when a voice suddenly barged in.

"There's no need for that."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Sid?"

"Yes, Love."

Lumapit siya sa 'kin at ginawaran ako ng magaang halik sa pisngi.

"Why are you here?"

"Savannah phoned me that you're here."

Napasentido ako. Hinarap ko ang natulalang si Mrs. Rosales. Marahil ay nakilala nito ang asawa ko.

"Mr. Dela Vega..." Namutla si Teacher Lyn at biglang nagpabalik-balik ang tingin kay Sid at kay Mrs. Rosales.

"Bakit ka nagpunta rito? I can handle this."

"No. After what I've heard?" Dumilim ang kanyang mukha.

"How dare you point your filthy finger at my wife!"

Napasinghap ako.

"Love, usapang mga babae lang ito." Hinawakan ko siya sa braso upang pakalmahin. Ngunit hinawakan lang niya ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso saka hinarap si Mrs. Rosales.

"I can pay you triple for my son's damages. I can also buy this school in a minute. This woman you looked down is my wife."

Napayuko kaming mga babae. Sid can be very dangerous when he's mad. Iyon ang namana sa kanya na Savino. Mainitin ang ulo. Mabuti na nga lang at napakalma ko siya.

"I'll send my secretary to arrange the payment. Let's go, Love."

Marahan niya akong hinatak pagkatapos niyang sabihin iyon.

Pagkarating sa parking ay pansin ko ang panginginig ng kanyang mga kamay. He's gritting his teeth in anger.

"Love, kumalma ka nga."

Hinaplos ko ang kanyang braso at pinadausdos ang aking kamay sa kanyang kamay. I intertwined our fingers.

"How dare that woman point her finger at you!"

"Hindi naman ako nasaktan, ano ka ba? Isa pa, tumaas lang talaga ang boses namin pareho dahil pareho naming pinagtatanggol ang kanya-kanyang anak. That's mother's instinct. We can't blame her for acting that way."

"Pasalamat siya at nando'n ka. Kung wala ay baka kung ano pa'ng magawa ko sa kanya," he hissed.

Bumuntonghininga ako saka niyakap ang braso niya. Hinapit niya naman ako at hinalikan sa tuktok.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan saka inalalayan papasok. Ang bilis talagang magsumbong ni Savannah sa daddy niya. Nasapo ko na lang aking noo.

"Love, next time kapag ipinatawag ang parents sa school 'wag kang pumuntang mag-isa. Tingnan mo ang napala mo," panunumbat niya.

"A-akala ko kasi mapapakiusapan ko pa 'yung Mrs. Rosales na 'yon. Mali naman kasi talaga ang ginawa ng anak natin. Sinuntok niya 'yung kaklase niyang walang kalaban-laban. Nagkapasa tuloy ang bata. Napakaseloso talaga 'yang anak mo. Ayaw niyang may ibang batang lumalapit sa kakambal niya, lalo na kapag lalaki."

Hanggang sa pag-uwi ay iyon ang pinag-uusapan namin. Half day lang ang pasok ng kambal kaya naman nakauwi na sila bago pa man ako pumunta sa eskuwelahan na pinapasukan nila.

Hindi ko nga alam kung ano'ng ugali meron si Savino. Sa kanilang tatlo ay siya ang pinaka-unpredictable. Masyado siyang seryoso, hindi kagaya ng kuya Sagan niya na makulit at masayahin. Si Savannah naman ay saksakan ng arte. Palibhasa kasi bunso at minsan masyadong na-spoil ng kanyang ama. Idagdag mo pa ang mga lolo at lola nila. Lahat ng gusto nila ay naibibigay kaagad.

Savino is serious type. Madalang ko lang siyang nakikitang ngumiti. Kadalasan ay kapag naglalaro silang magkakapatid kasama ang daddy nila. Lately nga lang ay ina-isolate na ni Sagan ang sarili niya sa mga kapatid dahil nagbibinata na raw siya.

Sagan is now eleven years old, while Savino and Savannah are both five years old. Sa kanilang tatlo si Savino lang din ang hindi nakamana ng kinahiligan ng daddy nila, ang musika. Savannah is good in singing. Medyo matalim nga lang ang utak ni Savino dahil madalas ay mabilis nitong namimi-memorya ang mga bagay-bagay, ang mga itinuturo sa kanya at ang mga napapanood niya.

Nang makarating kami sa bahay narinig ko agad ng tili ni Savannah pagkababa ko pa lamang ng sasakyan.

"Mommy! Daddy!"

Agad siyang tumakbo sa 'kin at yumakap sa aking hita. Yumuko ako at hinalikan siya sa tuktok.

"How's my baby?"

"I'm fine now, mommy."

Agad siyang humiwalay sa 'kin nang makalapit na ang daddy niya. Napailing ako nang bigla itong binuhat ng kanyang ama at pinaikot-ikot sa ere. Savannah giggled.

"Where's your twin brother, Savannah?" kapagkuwan ay tanong ko.

"He's in his room, Mom. He won't go out."

"Why?"

"Because he said you're mad at him for punching Riley on the face-real hard."

"What?"

Nagkatinginan kami ni Sid. Ngunit imbis na mabahala ay nakangisi pa ang kanyang mukha. Pinandilatan ko siya.

"Bakit mukhang masaya ka pa d'yan, ha? Hindi mo ba napansin na nagiging bayolente na ang anak mo?" singhal ko sa kanya nang maibaba niya na si Savannah. Bumalik naman sa paglalaro ang huli.

"Nothing. I'm just proud of our son."

Kinunutan ko siya at hinila sa kuwarto para kausapin.

"Ikaw ba ang nagturo sa anak mo na basta-basta na lang manuntok?"

Nameywang ako sa kanyang harapan.

"Love, lalaki ang anak natin. At responsibilidad niyang protektahan ang nag-iisang prinsesa natin," aniya. Sinimangutan ko siya.

"Paano kung lumaki 'yang palaaway at bayolente, ha? Hay naku."

"Love, I'm pretty sure na hindi 'yon sa 'kin nagmana. Ikaw kaya ang mas bayolente sa 'tin," nakangising sabi niya.

Binatukan ko siya.

"Aww! Kita mo na? Sabi ko sa 'yo bayolente ka, e. Buti na lang tigasin ang katawan ko, kundi matagal na akong bugbog-sarado sa 'yo."

"Kausapin mo 'yung anak mong 'yon. Baka sa susunod hindi na pasa ang makukuha ng kaklase niya sa kanya."

He sighed then grabbed my waist.

"Don't worry I'll talk to him later, Love. For now, ikaw muna ang bubugbugin ko ng halik," aniya bago sinakop ang aking mga labi.

Kagaya ng nakahiligan niya ay nauwi sa mainit na tagpo ang sandaling iyon.

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro