Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 8

Chapter 8

HALOS araw-araw akong nakakatanggap ng mga bulaklak at tsokolate mula kay Sid. Lantaran siyang nagpapapansin sa akin. Kaya naman tinutukso na ako ng mga ka-blockmates ko at ng mga co-officers ko sa Student Council. Araw-araw niya rin akong hinahatid pauwi, hindi literal na hinahatid, kundi sinusundan pauwi. Ilang beses ko siyang tinatanggihan na ihatid ngunit ayaw niyang magpaawat, He's too persistent and it's making me frustrated.

"That's Serenity, right? Siya ba 'yong nababalitang nililigawan ni Sid?"

"Oo, siya nga. Ang ganda niya, 'no? Bagay sila ni Sid. Pero hindi ko maintindihan kung bakit nagpapakipot pa 'yan, e. Kung ako sa kanya, sasagutin ko na kaagad si Sid."

Inis kong tinapunan nang masamang tingin ang mga babaeng nagbubulungan malapit sa amin ni Marga. Nagbubulungan o sadyang gusto lang akong paringgan?

"Haba ng hair mo, meym. Sayang at taken ka na. Akalain mo, isang Sid Dela Vega ang patay na patay sa 'yo! Jeske! Binarang mo ba 'yon?"

Sinamaan ko rin ng tingin si Marga. Kasalukuyan kaming naglalaka sa gilid ng Quadrangle patungong library ng university para ibalik ang mag hiniram kong libro. Katatapos lang ng klase namin sa isang major subject. Patapos na ang semester kaya't hindi naman na masyadong nagkaklase. More like submission na lang ng mga projects at research.

"Alam mo, Marga, kung ipapabarang ko man siya, hindi para akitin siya, kundi para layuan niya ako. Masyado siyang mahangin, akala niya yata makukuha niya ako sa pabulaklak at tsokolate niya. Nagkakamali siya."

"Arte nito. Hindi lang naman ako makapaniwalang sa dinami-dami ng babae rito sa university, ikaw pa ang napusuan niya. Oo nga, maganda ka, pero marami rin naman iba pang magaganda rito at sopistikada pa. 'Di ba dapat ay maging grateful ka pa rin na nagustuhan ka ng isang kagaya niya?"

"Ewan ko sa 'yo. Bakit kaya hindi mo siya barangin para sa 'yo siya magkagusto?" pabalang kong sagot at binilisan ang paglalakad.

Naiirita ako sa tuwing may nakakasalubong akong mga kababaihan dahil agad silang titigil at titingnan ako. Pagkatapos no'n ay magbubulungan sila. I'm not quite sure if they're throwing their death glares behind my back.

"Ito naman, ang sungit. Parang lagi kang may dalaw. Bakit kaya hindi mo siya bigyan ng chance? Magmamahalan lang naman kayo, e. Ano'ng mali ro'n?"

Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ang baklang kasama ko. Napaawang ako sa kanyang mga tinuran.

"Are you serious, Marga? Naririnig mo ba ang sarili mo? Are you suggesting that I will cheat on Ronald or break up with him?" hindi-makapaniwalang tanong ko.

"Hindi gano'n." Ngumisi siya.

"Hindi mo naman hihiwalayan ang dyowa mo, e. Dadagdagan mo lang siya."

"What?!"

"Biro lang." Tumawa siya nang malakas. Inis na hinampas ko siya ng clear folder na hawak ko.

"Hindi nakakatawa ang biro mo. Hindi ako gano'ng klaseng babae, alam mo 'yon. Oo nga't nagkakalabuan kami ni Ronald ngayon dahil masyado kaming abala sa kanya-kanya naming buhay pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi namin mahal ang isa't isa."

"Oo na. Ikaw na ang banal mag-isip, ito naman. Siyempre, kahit mas boto ako kay Fafa Sid, hindi naman ibig sabihin no'n na hindi kita susuportahan kung saan ka masaya. Pero sana nga tama ang desisyon mong ipaglaban ang relasyon n'yo ni Ronald. Hindi ako o si Sid ang kalaban mo rito Serenity, kundi ang sarili mo. Hindi ako bulag para hindi mapansin ang kakaibang kislap ng mga mata mo kapag nakakaharap mo 'yung Sid na 'yon, 'no."

Bumilis ang tibok ng puso ko at napatigil ang paghakbang ng aking mga paa. Saktong nasa tapat na kami ng library. Tila bombang sumabog sa utak ko ang sinabing iyon ni Marga. Ilang beses akong lumunok dahil biglang bumara ang lalamunan ko.

"Ano? Hindi ka makasagot? Tama ako, 'di ba? May epekto na sa 'yo si Fafa Sid."

"M—marga." Napasentido ako't umiling nang ilang beses.

"Hay, naku. Sinasabi ko na nga ba, tama ako," aniya. Napailing na rin siya.

"M—mali ito, Marga. Maling-mali. Hindi dapat ako magpapa-apekto sa Dela Vega na 'yon. Sisirain niya lang ang relasyon namin ni Ronald."

"Alam mo, meym, wala namang mali kung mahuhulog ka kay Fafa Sid, e. Hindi natin madidiktahan ang puso. Pero mas maling-mali kung paaasahin mo si Ronald na mahal mo pa siya gayong nahuhulog ka na sa iba."

Hindi ko alam pero nagsimulang bumalong ang luha sa aking mga mata. Those words really hit me hard. May punto siya. Ayaw kong tanggapin ngunit hindi mahirap mahalin ang isang kagaya ni Dela Vega. He's been very persistent. Sobrang ma-effort din siya para pasayahin ako. Even if I rejected him countless times, he did not stop. Mas lalo pa nga siyang naging makulit.

He's been courting me for a month now and I never missed a chance telling him that I don't like him. Ayaw kong masira ang tiwala sa akin ni Ronald at lalong ayaw kong masira kaming dalawa kaya't ginawa ko ang lahat para pigilan ang puso kong mahulog sa patibong ni Dela Vega. It was just unfortunate that his charm is like the venom, it's intoxicating.

"Hindi, mali pa ring pansinin ko ang nararamdaman kong ito. He's merely tempting me and I won't let myself fall for his trap."

Nauna na akong naglakad papasok ng library. Ngunit narinig ko pa ang naging sagot ni Marga.

"And hindi lang naman si Ronald ang niloloko mo, Serenity, kundi pati ang sarili mo."

Those were like bunch of needles that struck my being.

Hanggang sa nakauwi na ako't lahat ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Marga. Mabuti na lang at walang walang Sid na lumitaw at nagpumilit na ihatid na naman ako. Na siyang nakakapagtataka. Ngayon ko lang naaalalang hindi nga pala siya nangulit ngayong araw at ihatid ako. Ano kayang nangyari sa kanya.

Ipinilig ko ang aking ulo. Bakit ko ba siya hinahanap? I should be thankful na wala siya.

Naisipan ko na lang na magpahinga. I opened my phone and I was about send a message to Ronald when it rang. My heart jumped.

Napasandal ako sa gilid ng kama at nag-atubiling sagutin ang tawag. Before I could even slide the answer, it stopped ringing. But after a second it rang again. This time, sinagot ko iyon kaagad.

"H—hello?" I heard him grunt on the other line.

"God! I missed you, my lady! I'm sorry, hindi kita naihatid. May nakita kasi akong asong nasagi ngkotse sa daan. I had to bring it to the vet para malapatan ng gamot. Luckily, hindi naman pala siya masyadong napuruhan. It just got a cut on its leg. Not too deep."

Hindi ko napigilan ang mapangiti sa haba ng explanation niya. I did not expect him to explain though. That's one of the things I've learned about him. He's an animal lover. Ang akala ko ay puro lang siya paporma at mahilig kumanta.

"Hindi mo kailangan magpaliwanag. Isa pa, hindi mo obligasyon na ihatid ako araw-araw. Hindi mo ako kasintahan o kapatid."

"My lady..." He stuttered.

"Please stop doing this, Dela Vega. Huwag mo na akong obligahin."

"But I want to. You know why I'm doing this, right?"

"No. Please stop already. Hindi na magbabago ang desisyon ko, Sid. Hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ng relasyon namin ni Ronald. Maraming mas maganda at mas nababagay sa 'yo. Maraming nagkakandarapa sa 'yo kaya't huwag mong aksayahin ang oras mo sa 'kin. Hindi pa rin magbabago ang desisyon ko. B—bye."

Agad kong ibinaba ang tawag ang nagpakawala nang malalim na buntonghininga. Tila pinipiga ang dibdib ko sa sarili kong mga salita.

My phone rang once again, registering the same number. I immediately cancelled the call but after a second it rang again. I decided to just turn it off.

Habang maaga pa kailangan ko nang putulin ang namumuong damdamin na ito. Hindi ako naniniwalang pag-ibig ang magpapatatag ng isang relasyon. It's the commitment that keeps it.

Natulog ako na mabigat ang aking dibdib. Nagdadasal na sana pagkagising ko ay mawawala na itong kahibangang nararamdaman ko.

Sadyang wala sa bokabularyo ni Dela Vega ang sumuko dahil pagkabukas na pagkabukas ko pa lamang ng pinto ng apartment kinabukasan ay isang bungkos na ng preskang mag rosas ang sumalubong sa akin.

"Good morning..." Ngumiti siya. Iyong ngiting tila nakakahipnotismo.

"A—anong ginagawa mo rito?"

I struggled to gather my thoughts. His manly scent mixed with the scent of the flowers. Kasing presko niya ang mga bulaklak na kanyang dala.

I didn't know but my hand automatically wiped something at the side of my mouth. Diyos ko! Hindi pa ako nakakaligo. I was still on my pj's. And as far as I remember, it's 6:00 in the morning!

"Flowers for you, my lady."

Ngumiti siya ulit. There were glints of hope in his eyes. Paano niya nagagawang ngumiti at harapin ako pagkatapos ng mga sinabi ko kagabi?

I just stood there, unmoved. I did not dare to accept the flowers. Kahit pa gustong-gusto ko na iyong amuyin.

"Tinatanong kita, ano'ng ginagawa mo rito?" I fostered the coldest expression I could ever give. Surprisingly, it did not affect him. Tila nanunuyo pa lalo ang kanyang mga mata.

"Hindi mo ako pinatulog kagabi," aniya.

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro