Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 7

Chapter 7

"WHERE would you like to go?"

"Ewan ko sa 'yo. 'Di ba, ikaw naman ang nagyaya sa 'kin? Dapat alam mo kung saan tayo pupunta." I furrowed my eyebrows. He won against me. Naisipan kong pumayag na lamang sa hinhingi niyang date para tigilan na niya ako. Isang liungoo ko ring pinag-isipan ang panggigipit niya bago tuluyang pumayag. Sa buong lingo na iyon ay hindi niya ako tinigilan sa pangugulit. He even tried to scare my co-officers that he will be taking half of the ticket sales kapag hindi ako pumayag na makipag-date sa kanya.

"Sungit. Meron ka ba?" Ngumisi siya. Pinigil ko ang sariling mabangasan siya.

Itinuon ko na lamang sa labas ng bintana ng sasakyan ang aking atensyon. We were riding his car to nowhere.

"Chill, my lady." He laughed at me.

"I just want to know, baka may iba ka palang gustong--"

"Talagang may iba na akong gusto, at hindi ikaw 'yon," putol ko sa sasabihin niya. Ngumisi na naman siya na parang timang. Ang lakas ng apog niyang yayain akong mag-date gayong kakakilala niya pa lamang sa 'kin.

"You're too blunt," he commented.

Umirap ako.

"Then stop pestering me, mag-drive ka na lang. Pinagbigyan na kita sa gusto mo kaya sana pagkatapos nito ay tigilan mo na ako gaya ng napagkasunduan natin."

Nanahimik siya pagkatapos kong sabihin iyon. Mabuti nga. Sana maisip niyang hindi ako basta-bastang mahuhulog sa bitag niya. Sa totoo lang ay nakokonsensya akong pinagbigyan ko siya ng date. It feels like I'm cheating on Ronald. Iniisip ko na lang na pagkatapos nito ay matatahimik na ako.

He turned the radio on instead, which was a good thing because I suddenly felt the awkwardness.

'Cause you're a sky, 'cause you're a sky full of stars. I'm gonna give you my heart.

'Cause you're a sky, 'cause you're a sky full of stars. And cause you light up the path.

Ramdam kong tinapunan niya ako ng tingin pagkatapos niyon. I ignored him and decided to hum the song inside my mind. Ngunit nagulat ako nang marinig kong sinabayan niya ang kanta.

"I don't care, go on and tear me apart. I don't care if you do, ooh...'Cause you're a sky, 'cause you're a sky full of stars. I think I saw you, ohh..."

Wala sa sariling napatingin ako sa kanya ngunit agad ding nag-iwas nang magtama ang aming mga mata. He was staring at me while singing the song!

"'Cause you're a sky, 'cause you're a sky full of stars.. I want to die in your arms. 'Cause you get lighter the more it gets dark. I'm gonna give you my heart..."

His voice was raspy yet emotional. Kahit ilang beses ko na siyang narinig kumanta ay hindi ko pa ring maiwasang hangaan ang kanyang boses. He should have taken singing seriously. Kung gagwin niyang propesyon ay tiyak na sisikat siya sa bansa. Oh, well... sikat naman na siya pero sa mga college campuses lang yata. I'm not sure if they're bringing their band up to a wider audience.

I slowly laid my head to the headrest then held my eyes close. He's still singing with the radio. And I hate this feeling that started to build from within. His voice was shaking something in me. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako habang nakikinig sa kanyang pagkanta.

Nagising ako dahil sa mahihinang tapik sa aking pisngi. Tinabig ko iyon dahil medyo inaantok pa ako. Ngunit agad akong nagmulat ng mga mata nang makarinig ako ng mahinang tawa at mainit na hininga sa may bandang leeg.

"Wake up, my lady. We're here."

Muli akong napapikit. He's too close to me. At isang maling galaw lang ay tiyak na magdidikit ang aming mga mukha. Huminga ako nang malalim. Gano'n ba katagal ang biyahe namin? Pakiramdam ko kasi ay malalim ang pagkakatulog ko kanina.

"Bababa na ako. Lumayo ka nga."

I earned another chuckle from him. Mabuti na lamang at sinunod niya rin ako. Nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Nang tuluyang makababa ay namangha ako sa aking nakita. I even blinked twice and turned around to see the lovely view.

Pawang mga puno ang aking nakikita. Malamig din ang haplos ng hangin sa aking balat. It felt so good.

"Nasaan tayo?"

"We're here in Bataan," simpleng sagot niya na ikinanlaki ng mga mata ko.

"What?"

"Yes, we are. What's wrong with that? Besides, I heard from Marga that you're into nature. That's why I brought you here. Why, my lady? Do you expect me to date you in a fancy restaurant like what you always read in books and watched in movies?" He grinned.

For a while, I stunned. I did not expect this kind of date though. He was right. I was expecting the usual date I saw in movies and even read in books. Isa pa, gano'n ang impresyon ko sa kanya.

"Kailan pa kayo naging close ni Marga?" tanong ko.

Lagot talaga sa akin ang baklang 'yon. Tiyak na marami na siyang naikuwento dahil kilala ko siyang madaldal, not to mention na may pagkatsismosa rin.

"We're not close. I just have to know your likes and dislikes so I would know when and where to place my ass off."

"At tsismoso ka rin pala gaya niya. Alam mo, hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niyaya mo akong mag-date gayong hindi mo naman ako kilala."

"Do I have to remind you again, my lady? I like you and you stole my attention the moment we first met. At kailangan mong panagutan 'yon," malambing niyang sagot.

Wait-what? Malambing?!

"And for the record, my lady, you don't have to fully know the person you like the first time you met her. Even the married couple does not know each other's negative side until one of them cheats. I like you and that's how I feel. Handa akong panindigan ang mga bagay na hindi ko magugustuhan sa 'yo kung meron man."

I sensed the sincerity in his words. I admit, those were enticing. May kakaibang haplos sa aking puso ang kanyang mga sinabi. I mentally chastised myself. Hindi dapat ako magpadala sa mga mabulaklak niyang mga salita. After all, those were just verbally expressed. Sabi nga nila, lahat nagbabago, lahat nawawala. Tiyak na magsasawa rin siya sa akin, at tiyak na darating ang oras na mari-realize niyang hindi naman talaga niya ako gusto.

"You're too good to be true, Dela Vega. Alam mo, 'yang nararamdaman mo, kalandian mo lang 'yan. 'Wag kang magpapaniwala lalo na kung hindi mo pa kilala ang sarili mo."

Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad. Napatigil lang ako nang mapansing nasa harap kami ng isang malaking villa. May naka-engrave na pangalan sa taas ng pinto.

Dela Vega Beach and Nature Club.

The exterior designs were modern and classy. Lalong pinatingkad ng mga halamang nakapalibot rito.

"A date in a beach?" Nilingon ko siya.

Nakapamulsa siya. Ngayon ko lang napansin ang suot niya. He was wearing a dark blue fitted polo shirt paired with cargo shorts. He looked good on it.

"Like what you see?" aniya.

Sinimangutan ko siya. I should stop praising him. Baka isipin pa niyang nagkakagusto na rin ako sa kanya.

"Bakit dito mo ako naisipang dalhin? Ang tagal ng ibinyahe natin."

I could imagine the long drive. Tiyak na pagod siya sa loob ng limang oras. Samantalang natutulog lamang ako. Sana'y hindi tumulo ang laway ko habang natutulog kanina.

"Don't you like it? I just wanted to give you a new breath of fresh air. Masyado ka raw kasing tutok sa pag-aaral. You need to relax sometimes, my lady."

"At kanina ko pa napapansin na ang dami mo nang sinasabi. Napakadaldal mo pala," pambabara ko.

Awtomatikong napakamot siya ng ulo. Tila tinablan ng hiya. Yes, I sensed it. Magmula no'ng naulanan siya't pinatuloy ko sa apartment ay naging makulit na siya at madaldal. Unlike our first encounter, he was a typical man of few words.

"Oh? Ba't natahimik ka?" pang-aalaska ko. Ngunit nawindang ako sa sumunod niyang sinabi.

"I only talk when it's something important, Serenity."

Naging seryoso rin ang kanyang mukha. Nilagpasan niya ako't binuksan ang magarang pinto. Napamaang ako bago siya sinundan.

"Uy, sandali."

Naabutan ko siyang kausap ang isang katiwala.

"Pupunta ba kayo roon, Sir? Tamang-tama at naipalinis ko na. Puwede na kayong pumunta ngayon."

"Yes. Thanks, Ate Lalaine."

"Oh, siye. Sige, mauna na ako."

Ngiti at tango lang ang iginawad sa akin ng hindi katandaang katiwala. Sinuklian ko naman iyon at nagpasalamat.

"We should eat first. You're starving," aniya. Nagbago na ngayon ang awra niya. Kanina'y pangisi-ngisi pa siya. Mukhang nagkamali ako sa pamumuna. And he was right, nagutom nga ako dahil sa byahe.

We settled on the round table full of foods. Mukhang pinaghandaan nga niya ang data na sinasabi niya. Pagkatapos kumain ay niyaya niya akong maglakad-lakad.

"That way is for the golfers," turo niya sa paakyat na daanan. Everything was green and it's refreshing to the eyes.

"Wow."

Malawak ang dinaanan namin kanina, at lalong malawak no;ng nadito na kami sa loob. I saw some golf carts passing by us.

Inalalayan niya akong umakayat sa matarik na parte ng daan hanggang sa makarting kami sa puno ng isang tulay. Namangha ako. It was a hanging bridge connected to a tree house!

"Come."

Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay. He guided me through the bridge until we reached the end of end. The tree house was built in the middle of a huge tree. It was not just an ordinary tree house. Mukhang gawa sa mga mamahaling muwebles ito dahil sa kintab. I felt like the nature just hugged me. Oh, God! I could live here forever...

"How did you know this place? Palagi ka bang nandito?" tanong ko.

He just smiled at me. At inaamin ko, iba ang dating ng ngiti niya sa 'kin. Was he trying to seduce my feelings?

"My family owns this place. Come on. Let's get inside."

The tree house was spacious. Mukhang malaki pa ito sa apartment ko. Mayroon siyang mini-living room at veranda.

"Stay here."

Pumasok siya sa isang maliit na kuwarto, naupo naman ako sa sofa. I was suddenly hit by the idea that his life is way far from my social status. At marahil ay malabong nagkakagusto talaga siya sa 'kin. Ang mga kagaya niya ay magkakagusto lang sa ka-level niya. He just wanted to add me in his collection of girls and I should not let him do that. Never.

Tinungo ko ang maliit na veranda. Lalo akong namangha dahil mula rito kitang-kita ang malawak na kakahuyan at sa ibaba ay dagat. This view is for keeps. Binuksan ko ang cellphone ko at kumuha ng ilang litrato. Marga will sure love this. I also took a selfie of myself.

"You like it?"

Nilingon ko siya. May bitbit siyang gitara.

"Kakanta ka?"

Marahan siyang tumango.

"I always go here if I wanted to stay away from the rugged face of the city. This is my haven. I have this built for me alone."

He settled himself on a wooden seat and started strumming his guitar.

"Crashing, hit a wall. Right now I need a miracle. Hurry up now I need a miracle."

Natutop ako nang magsimula siyang kumanta. He was staring at me while feeling the lyrics of the song. I can't help but to stare at his eyes. Tila nangungusap ang mga iyon.

"Stranded, reaching out. I call your name but you're not around. I say I call your name but you're not around."

"I need you, I need you, I need you right now. Yeah I need you right now."

Ayaw kong mag-assume ngunit pakiramdam ko'y kinakausap niya ako sa pamamagitan ng kanta. His eyes were expressing emotions I cannot fathom. Bumilis ang tibok ng puso ko. I lost the words to say that I remained silent the whole time. Hanggang sa kumanta pa siya ulit dalawa pang kanta.

His attention was with me the whole time. Hanggang sa pag-uwi namin ay hindi ko na nagwang kausapin siya. I'm afraid to say something. I'm afraid because I cannot let my heart cheat from my boyfriend. He's just a temptation I need to stay away from. Maling pinagbigyan ko siyang mag-date kami.

"Salamat sa paghatid," sabi ko nang makababa na ako sa tapat ng apartment. Agad ko rin siyang tinalikuran ngunit tinawag niya ang pangalan ko.

"Serenity?"

"Bakit?" Hindi ko siya nilingon ngunit tumigil ako sa paghakbang.

"Magugustuhan mo rin ako," sabi niya.

Wala man lang pag-aalinlangan sa boses niya. It's as if he's pretty sure it will happen soon enough.

I unconsciously covered my chest with both of my hands to protect my heart from slipping off out of my ribcage. I will never let myself fall for his charms.

"Do you think I will cheat on my boyfriend just for you, Dela Vega? Kilabutan ka sa mga pinagsasabi mo!" I hissed and faced him.

"Do you know why some students cheat during their exams, Serenity?" he uttered. His eyes were darted at me. Nagtatlong linya ang aking noo. 

"Because they don't know the right answer," he continued. Tumawa ako nang pagak. 

"At ano'ng kinalaman niyon sa akin? Na ikaw ang tamang lalaki para sa akin, gano'n?" I laughed. 

"Napakalayo ng logic mo, Dela Vega. I'm not someone who will cheat on her boyfriend just because he does not have quality time for me. Huwag mo akong igaya sa mga babaeng nakilala mo!"

Saglit siyang napatulala dahil sa aking mga sinabi. "You are really something, my lady. I'm sorry. I did not mean to tell you something like that. What I mean is--" 

"Umalis ka na!" putol ko sa kanyang sasabihin. Marahan siyang tumango. Namulsa siya pagkatapos niya akong hinaplos sa aking baba.

"I'm sorry, but just in case you change your mind," aniya. I just glared at him. Manigas siya!

Namalayan ko na lamang na nakapasok na siya pabalik sa kanyang kotse.

"Good night, my lady, dream of me." He winked at me before stepping on his car's engine.

Sumandal ako sa gate at tumingala.

Diyos ko, bigyan N'yo ng liwanag ang pag-iisip ko.

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro