Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 35

Chapter 35

"SA WAKAS bumigay rin ang bitterela ng taon!" nakadipang deklara ni Marga pagkatapos niyang malaman ang tungkol sa pagbabalikan namin ng sperm donor.

"What's bitterela, Tita Marga?" inosenteng tanong ng anak ko habang kumakain ng sandwich na ginawa ko para sa almusal niya.

Sinenyasan ko si Marga na manahimik. Ngunit lumapad lang ang ngiti niya kahit na pinandilatan ko siya. Kaya pala sinulsulan niya akong sugurin si Sid sa kanilang bahay dahil isa siya sa mga kasabwat ng mga lalaking 'yon.

"Baby Sagan, ang ibig sabihin no'n nagpapakipot pero may gusto rin naman."

"Marga!" I clenched my fist.

"Oh!" Napatakip ng kanyang mga bibig si Sagan.

"Sagan, doon ka muna. Manood ka ng TV. Mag-uusap lang kami ng Tita Marga mo, ha?"

Saktong tapos na siyang kumain kaya't inalalayan ko siya pababa ng upuan. I glared at Marga. Patago ko siyang inambahan ng suntok.

"Okay, Mommy."

Mabuti na lang at masunurin ang anak ko. Minsan nga lang naiimpluwensyahan ng dalawang bakla kaya natututo nang gumawa ng kalokohan.

"Ikaw, nakakarami ka na!"

"Aray ko naman, besh! Huwag ang tagiliran ko."

Kinurot ko kasi siya sa tagiliran.

"Akala mo hindi ko alam na planado n'yo lahat. Alam kong pinagkaisahan n'yo akong pagselosin."

Inikutan niya ako ng mga mata.

"Ang arte mo kasi. Kung hindi ka pa pinagselos hindi ka pa aamin. Oh, ano? Takot ka ring ipagpalit ni Fafa Sid, 'no?"

I scoffed. "Wow! Fafa Sid na ulit? Parang kailan lang halos isumpa mo 'yung tao, ah."

"Siyempre, naka-move na ako, 'no! Ikaw lang naman ang parang sirang plaka na bitterela. Nagpakipot pa pero may feelings pa rin pala. Hay naku, masuwerte ka nga kasi loyal sa 'yo ang kubetang 'yon. Buti na lang hindi si Ronald ang nakatuluyan mo, kundi lalagpas ng bubong ang sungay ko," maarte niyang sagot.

Napabuntonghininga ako nang maalala ko sina Ronald at Tessa. Naaawa ako sa pinsan ko. Noong iniwan ako ni Sid ay sobrang nasaktan ako at napuno ng poot ang aking puso. I thought I had it worst but when I discovered about what happened to Tessa, it made me realize that life brings us lemons unannounced. Mas matindi ang paghihirap na pinagdadaanan niya ngayon kumpara sa paghihirap na pinagdaanan ko noon. Ipinagdarasal ko na sana ay bigyan siya ng lakas para malagpasan niya ang matinding pagsubok na ito sa kanyang buhay.

"Alam mo naman na kahit na minsan mahilig kang mambuwisit hindi kita matitiis. Salamat sa lahat ng naitulong mo, besh. Simula pa man noon ay naging sandalan na kita. Kahit na madalas ay naiistorbo na kita, lagi kang nandiyan para sa 'kin at kay Sagan."

"Wait, bakit parang naaamoy ko nang nagpapaalam ka? Don't tell me—"

"Sira."

"Etchus lang, besh. Ang drama mo kasi. Siyempre kahit minsan nakakairita ang kaartehan mo, mahal kita—"

Naputol ang pag-uusap namin ni Marga nang may maulinigan kaming tunog mula sa labas ng pinto. Parang tugtog ng gitara at may kumakanta.

Akmang tutungo na ako sa pinto nang maunahan ako ni Sagan. Mabilis siyang tumakbo roon at pinagbuksan ang kung sinumang nasa labas.

"I knew it! Daddy!"

Napatayo ako nang tuwid. Nagkatinginan kami ni Marga. Pansin ko ang pagkislap ng kanyang mga mata. Mas kinikilig pa siya kaysa sa 'kin.

"You're my sunshine. You're my best times. You're my anomaly."

Napapalakpak si Sagan.

Sid was directly looking at me while singing the song. Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa utak niya't nagbitbit ng gitara papunta rito gayong nakasuot siya ng pang-opisina.

I crossed my arms around my chest while staring at his fingers expertly strumming the guitar. Napako ako roon. He's still good at it, just like the old times.

"And I'd choose you in a hundred lifetimes. I'd choose you. In a hundred worlds I'd find you..."

His voice magically stole my heart. Napaluha ako. Tumatagos sa kaibuturan ko ang emosyon ng kanta at ang emosyon mula sa kanyang mga mata. Noong mga panahong nakakulong ako sa loob ng kahon na puno ng poot ay ni minsan hindi pumasok sa isip ko na darating ang araw na muli kaming pagtagpuin ng tadhana.

"And I'd say, "I do" for the rest of my life. With all that I have, I do. And I will. When the sky is falling I promise you I'm all in, no turning back. Everyday. Every moment, every breath you take... I choose you."

Mahina akong siniko ni Marga. Narinig ko iyong mahina niyang tili na tila sinisilaban sa puwet. Inilabas niya ang kanyang cellphone mula sa bulsa at itinutok iyon sa pintuan. Sagan, on the other hand, was happily watching his father serenade me.

"I promise you I'm all in, no turning back. Every day, every moment, every breath you take... I choose you..."

"Yehey!"

Nang matapos ang kanta ay mabilis na inagaw ni Sagan ang gitara mula sa kanyang ama. Inalalayan niya naman ito dahil muntik na siyang matumba.

"Sagan, dahan-dahan baka masira mo 'yan," suway ko. He's into keyboard and I did not expect him to be that excited when he saw the guitar.

Saglit na nawala sa pintuan si Sid ngunit agad din itong bumalik at ngayon ay may dala nang mga bulaklak.

"Ayan na, mukhang itatali ka na niya habang buhay kung makatingin sa 'yo, besh. Huwag ka agad um-oo, ha? Pag-isipan mo muna kung sigurado ka na ba talaga. Alam mo na, uso scammers ngayon."

"Marga, I heard you!" Sid hissed.

"Joke lang naman. Pikon ka pa rin hanggang ngayon. Naku, siguraduhin mo lang na hindi mo na paiiyakin 'tong bestfriend ko kundi matitikman mo ang lupit ng baklang api! Makaalis na nga!"

Natawa ako kay Marga. Dinuro pa nito si Sid bago nagmartsa palabas. Agad akong napatingin kay Sagan. Mabuti na lang at abala na ito sa pagkuskos ng gitara kahit wala sa tono.

"Love..."

Tinanggap ko ang isang pumpon ng bulaklak na inabot niya sa 'kin at ipinatong muna iyon sa ibabaw ng lamesa.

"Salamat, nag-abala ka pa."

"At kailan ka pa naging abala?" he pursed his lips.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na akin na ulit." Hinapit niya ko sa baywang.

Muli kong tiningnan si Sagan. Malakas ang tunog ng TV ngunit wala roon ang atensyon niya, kundi sa gitara. Paulit-ulit lang naman ang pinapanood niyang palabas na pambata kaya't minsan ay memoryado na niya ang mga linya ng mga karakter.

"B—baka makita tayo ni Sagan. Huwag kang gagawa ng masama," banta ko.

He chuckled.

"He won't. He's busy."

Tinaasan ko siya ng kilay. Napakapit ako sa kanyang dibdib nang lalo pa niya akong hinapit. Magkadikit na ang aming mga katawan.

"Hindi ako nakatulog kagabi. I've been thinking of you and our son. I was imagining you beside me," he said. His voice became hoarse.

Binalingan niya si Sagan.

"Son, mag-uusap lang kami ng mommy mo sa kuwarto. It's an adult thing you won't understand. Huwag kang lalabas. The guitar is yours."

"Really, Daddy?"

"Yes, son."

"Yes!"

Tuwang-tuwa naman ang anak ko. Halos kasing tangkad niya lang ang guitar pero balewala iyon sa kanya. He's into music just like his father.

"And one more thing, son. Huwag kang kakatok sa kuwarto. Hintayin mo kami, okay?"

"Yes, daddy!" mabilis na sagot ng anak ko nang hindi nakatingin sa amin. Patuloy ito sa pagbutingting ng gitara.

"Love, where's Marie?" mahinang tanong niya habang pinapasadahan ng kanyang daliri ang aking mukha.

"N—nasa palengke. Inutusan kong bumili ng—"

"Good."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong binuhat saka dumiretso sa kuwarto.

Isinandal niya ako sa likod ng pinto saka sinimulang halik-halikan sa mukha pababa sa aking leeg. I heard a click when he locked the door behind me.

"A—anong ginagawa mo?"

"Kissing you," balewalang sagot niya. He continued showering me with small kisses all over my face, down to my neck then his lips crawled up to my jaw until it reached my lips.

Napapikit ako nang sinakop niya ang aking mga labi. May gigil ang bawat hagod na ginagawa ng kanyang mga labi. Kumuyapit ako sa kanyang leeg para kumuha ng suporta. Hindi ko alam ngunit kahit nakasandal ako sa pinto ay nanghihina ang aking mga tuhod. Tila hinihigop ng bawat halik niya ang aking lakas.

"I love you," he said in between our kisses.

Habol-habol ko ang aking hininga. He cupped my face and looked directly unto my eyes.

"You didn't know how hard it was for me to watch you and our son from afar. Sa tuwing susubukan kong lumapit ay naduduwag ako."

I was surprised by his sudden confession.

"W—what do you mean?"

"Yes, Love. Matagal ko nang alam na may anak tayo. So I made a truce with Rafael and Marga. A year after Mom's surgery I went back here in the Philippines secretly. Hinanap kita—kayo. Pinuntahan kita sa dati mong apartment pero wala ka na ro'n. So I concluded na umuwi ka sa Bicol. Kaya rin ako napapunta roon. Pero wala ka roon. And they won't tell me about your new address. Kaya wala akong ginawa kundi ang lumapit kay Marga. God knows how I hardly got Marga's trust again. Sa tuwing nakikita ko siya, malayo pa lang minumura na niya ako."

Napaawang ako. He started kissing me again to my jawline and down to my neck. Naging malikot ang kanyang mga kamay.

"Why didn't you show up? B—bakit ka natatakot?"

"'Cause I know how much I've hurt you before. I regret that I hurt you but I did not regret that I chose to leave you for your freedom. Natakot ako na baka may mangyaring masama sa 'yo. I know dad when he's mad. He can destroy anyone with his money."

"A—akala ko itinulak mo ako palayo dahil galit ka sa 'kin at hindi ka naniwalang anak natin ang dinadala ko."

Natigilan siya at tumigil sa paghalik. Tiningnan niya ako diretso sa mga mata.

"Love, I h—have a confession to make. I—"

"What?" Kinakabahang tanong ko.

"I really thought you were seeing Rafael. I love you but I did not believe that you were carrying my son because I was clouded with jealousy. My pride was telling me that you cheated on me and that was my greatest downfall."

Bumalong ang mga luha sa aking mga mata.

"Pa-pa'no mo nalaman na si Rafael ay—"

"It was Marga who told me everything."

"Maniwala ka, mahal na mahal kita pero nasaktan ako. Hindi ako nakapag-isip nang tuwid dahil sa selos. What I've said to you was partly because of jealousy. Kung hindi lang ako tinakot ni daddy I wouldn't push you away. Kahit nasaktan ako sa nalaman ko ay susuyuin pa rin kita. I will never let you go."

Niyakap ko siya at umiyak sa kanyang dibdib.

"I'm sorry for hurting you, Love..." he whispered.

"And I'm sorry for not telling you the truth. May kasalanan din ako kung kaya umabot tayo sa gano'ng sitwasyon."

Hinaplos niya ang aking pisngi at kinintalan ng mabilis na halik sa labi.

"But it's all in the past now, Love. I want us to start again. Ikaw, ako, si Sagan at ang magiging mga kapatid niya."

Namula ako. Akma ko siyang hahampasin sa dibdib nang bigla siyang may inilabas na box sa kanyang bulsa. Nabitin sa ere ang aking kamay.

"Anong—"

Napatakip ako ng aking mga bibig. Lumuhod siya sa aking harapan.

"No more secrets, Love. Pipilitin ko ring hindi magselos kapag may lalaking umaaligid sa 'yo pero hindi ko maipapangakong hindi ko siya mapapatay. Ang tanging maipapangako ko lang, simula ngayon ikaw lang ang paniniwalaan ko. Simula ngayon kahit na galit ako ay papakinggan kita kasi ayaw kong mawala ka. Simula ngayon wala na tayong sasayangin na panahon. Simula ngayon itatali na kita para hindi ka na makawala. Love, please be my Mrs. Dela Vega..."

Iyong tahimik kong pagluha ay nauwi sa isang hikbi. Tila sa sasabog ang dibdib ko sa matinding emosyong nararamdaman ko ngayon. Magmula nang ipinanganak ko si Sagan ay tinuruan ko na ang sarili kong palakihin siya nang mag-isa. Tinuruan ko rin ang sarili ko na habang buhay akong hindi na makakasuot ng wedding dress. Sa fairytale lang nangyayari ang mga iyon. But this man in front of me proved me wrong.

"L—love?"

Bumalatay ang takot sa kanyang mukha nang hindi ako sumagot. My emotions were covering me up. I couldn't utter a word that I just nodded my head instead.

"Love? Please speak up. Atleast say a word," he begged.

"Y—yes. It's a yes."

He gasped then hugged my knees. Yumugyog ang kanyang mga balikat.

"Shit! I'm so damn happy!"

Hindi pa rin siya umaalis sa pagkakayakap sa mga tuhod ko. I combed his hair using my fingers. Pinahid ko ang sariling mga luha gamit ang kabila kong kamay.

"T—tumayo ka na diyan, baka mangalay ka."

Umangat siya ng tingin sa akin. My heart leaped when I saw his happy tears. He grabbed my hand and slid the diamond ring. Hinalikan pa niya iyon matapos maisuot sa daliri ko.

Nang tumayo siya'y bigla niya akong hinapit at sinakop ang aking mga labi.

"Welcome back to my life, Love..." whispered.

Napatili ako nang bigla niya akong binuhat at inihiga sa kama.

"Sid!"

Mabilis niyang tinanggal ang kanyang mga saplot at basta na lamang tinapon sa sahig. Napaatras ako sa headboard ng kama.

"This bed is too small for our love-making. Ililipat ko na kayo sa bahay bukas na bukas din."

Namilog ang mga mata ko.

"It's time to compensate the last six years of being celibate." Ngumisi siya saka kumaibabaw sa 'kin.

"Sid..."

Iniligay niya ang kanyang  kanang kamay sa aking uluhan at sinimulan akong halikan.

"B—baka marinig tayo ni Sagan," nauutal na sabi ko.

Ngunit nag-aalab ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Nope. The TV is too loud for him to hear us. And besides, he will understand that we will be making his playmate. We will start making Savannah."

Nangunot ako. "And who's Savannah?"

Unti-unti niyang tinanggal ang mga saplot ko. May pagmamadali sa bawat kilos niya.

"Our daughter," he answered.

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro