Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 33

Chapter 33

"Happy birthday, Mommy!"

Masayang mukha ng aking anak ang bumungad sa akin pagdilat ko ng aking mga mata. Ginabi ako sa pag-uwi kagabi dahil tinapos ko na 'yung mga importanteng dokumento kaya't medyo tanghali na nang magising ako. Pansin ko iyon dahil lumulusot na sa kurtina ang sinag ng araw. Naka-leave ako ngayong araw sa trabaho dahil gusto kong makasama ang anak ko sa espesyal na araw na ito. Taun-taon kapag nagkakataong may pasok ako sa araw ng mismong birthday ko ay nag-f-file na agad ako ng leave.

"Thank you, baby ko."

Bumangon ako at naupo sa kama saka hinalikan ang aking anak.

"Where's my birthday kiss, baby?"

Tumingkayad naman ito at ginawaran ako ng matunog na halik sa pisngi.

"I love you, mommy!

"I love you too, baby. Thank you."

Pinisil ko siya sa pisngi. May bitbit siyang pulang balon na may nakasulat na Happy birthday, mommy!

"It's time to blow your candle, mommy!" excited pa niyang sabi. Iminuwestra niya ang pintuan at ngayon ko lang napansing nakatayo pala roon ang sperm donor. May hawak siyang chocolate cake na may nakasinding kandila sa gitna. Nasa likod naman niya sina Marga at Rafael na pawang may mga hawak na camera.

Humakbang siya papalapit sa akin habang maingat na bitbit ang cake.

Nagdadalawang isip ako kung hihipan ko ba 'yung kandila o iiwasan siya. Pansin ko 'yung maliit na pasa sa kanyang kaliwang pisngi. Napalakas yata ang suntok ko noong isang araw kaya nagkaroon siya ng remembrance.

"Besh, ano pa'ng hinihintay mo? Nangangalay na 'yong tao sa kakahawak ng cake, o," puna ni Marga. Malaki ang kanyang ngiti sa mga labi.

"Wait, Tita Marga, Mom will make a wish first," sansala ni Sagan.

Bumuntonghininga ako saka ipinikit ang aking mga mata. Pagkatapos ng ilang segundo ay dumilat ako saka dahan-dahang hinipan ang cake. I heard several clicks of the camera.

"Yehey! Happy birthday again, mommy!"

"Thanks, anak."

"Happy birthday, besh."

"Happy birthday, ate Serene..." bati rin ni Marie. May hawak din siyang kamera kagaya ng mga bakla.

"Salamat, Marie." Nginitian ko siya.

"Happy birthday, besh!" si Rafael.

I thanked them all except for the sperm donor. Hindi siya nagsasalita. Walang imik lang siya habang hawak iyong cake.

"Mag-aayos lang ako, anak. Maghintay ka na lang muna sa labas, ha?" I told Sagan.

"Yes, Mommy!"

Sinenyasan ko sina Marga na antayin na rin ako sa sala. Gano'n din si Marie.

Nauna nga silang lumabas. Nakita ko pang inabot ni Dela Vega ang cake kay Marie bago ito tuluyang lumabas.

Tuluyan akong tumayo sa kama at inayos ang pagkakasalansan ng mga unan.

"Why are you here?" I queried. Ramdam kong tinititigan niya ang aking likod.

Tumikhim lang siya. Napipi na ba siya?

"Hindi puwedeng basta-basta ka na lang pumupunta dito. Kailangan nating pag-usapan ang schedule natin kay Sagan," I added.

He remained silent. I could barely hear him breathe. Sa pagtataka ay nilingon ko siya.

Pulang-pula ang kanyang mukha at kita ko ang pag-alon ng kanyang lalamunan habang nakatingin sa akin.

Wala sa sariling tiningnan ko rin ang aking kabuuan. Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang mapagtantong nakasuot lang pala ako ng manipis na silk na damit pantulog. I don't have any brassiere on!

Napayakap ako sa sarili. I glared at him.

"Bastos! Lumabas ka nga!"

Ngunit ini-lock niya ang pinto at bigla niyang sinarado ang distansya sa pagitan namin saka hinapit ako papalapit sa kanya.

"Sa susunod, huwag mong ibalandra 'yang katawan mo sa harapan ko dahil baka hindi ako makapagpigil at masundan na agad ang anak natin," paos niyang sabi. Napaawang ako.

"L-lumayo ka nga!"

Sinubukan ko siyang itulak ngunit para lang akong nagtulak ng pader. He did not even flinch a bit.

"Bakit ba ang hirap-hirap mong paamuin? Gusto na kitang yakapin at halikan nang hindi ka nagpoprotesta. Magbati na tayo, please?"

Desperation is evident on his face. Hindi ako sumagot bagkus ay pinanatili kong blangko ang aking mukha.

"You wish, Mr. Dela Vega. Nandito ka lang para kay Sagan, hindi para sa 'kin. At simula ngayon, Lunes hanggang Miyerkules mo lang siya maaaring kunin dito at makasama. Sa akin siya simula Huwebes hanggang Linggo," mariin kong tugon.

I saw how his face turned darker this time. Iyong mukha niya ay may halo nang gigil.

"Hindi ako makakapayag na hatiin natin ang custody ng ating anak. Walang hatian na mangyayari."

Inilapit niya ang kanyang mukha sa aking mukha. Pinilit kong hindi magpatinag sa kanya. Sinalubong ko ang kanyang tingin.

"At sa tingin mo ibibigay ko siya sa 'yo nang buong-buo?" I scoffed.

"Wala kang alam sa pinagdaanan ko mapalaki lang siya sa kabila ng pagtatwa mo sa kanya noong dugo pa lamang siya! Magpasalamat ka nga pumayag pa akong maghati tayo sa oras niya. In the first place, wala ka naman talagang karapatan sa kanya."

Napapikit siya nang mariin sa sinabi ko.

"Just please, Serenity, huwag mo naman akong hainan ng kanin na walang ulam. Hindi lang si Sagan ang gusto kong makuha kundi pati ang kanyang ina."

Habol ko ang aking hininga nang magdikit ang aming katawan.

"I know I was a fool for leaving you alone six years ago but it doesn't mean that I'm no longer into you."

Nagliliyab ang kakaibang emosyon sa kanyang mga mata.

"Ikaw pa rin, Serenity Bautista. Ikaw pa rin at wala nang iba. Kaya hindi lang si Sagan ang kukunin ko, kundi pati ikaw. Sa ayaw at sa gusto mo mapapasa'kin ka ulit. Sagan will make me happy but you're the one that will make me complete, Serenity."

Iniwas ko ang aking mukha nang akmang hahagkan niya ako.

"Alam mo kung ano'ng mahirap sa pagsugal? Masarap lang sa una pero kapag natalo ka, wala kang ibang masisisi kundi ang sarili mo. At kapag naubusan ka na ng pantaya, uuwi kang luhaan."

Yumuko siya't binitiwan ang mga braso ko. Nameywang siya gamit ang isa niyang kamay saka sinapo naman ng kabila ang kanyang ulo.

"Pero paano kung mananalo ka? You will never know unless you play your cards again," nanghihina niyang tugon.

"Nag-iisa na lang kasi ang baraha ko, Dela Vega. Puso pa iyon, at kapag pati 'yon pipira-pirasuhin, paano na ulit ako mabubuo? Mali kasi ako noon, eh. Inilatag ko lahat kaya ayon walang natira. Kaya huwag ka nang umasang susugal pa ulit ako sa mga matatamis mong salita dahil matagal na akong natauhan."

I stepped back. Umangat siya ng tingin sa 'kin. I gasped when I noticed that his eyes were misty.

"Iyon nga ang problema, Serenity. Hindi ka pa man sumusugal pero panalo ka na."

Hinilot niya ang kanyang sentido. He does that when he's stressed. I did not utter a reply.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko para bumalik ka na sa 'kin. Pero kung kinakailangan kong suyuin ka rito araw-araw gagawin ko. Kahit araw-araw mo pa ako bangasan sa mukha tatanggapin ko. Kahit ipagtabuyan mo pa ako nang paulit-ulit, hinding-hindi ako aalis. Alam mo kung bakit? Kasi ikaw lang ang makakabuo at makakawasak sa 'kin. Ikaw lang."

Huminga siya nang malalim saka pinasadahan niya ako ng tingin bago niya pinihit ang pinto saka lumabas.

Ini-lock ko ang pinto pagkalabas niya saka sumandal doon. Napatakip ako ng aking mga bibig nang akmang kakawala ang isang hikbi.

Tumingala ako sa kisame para pakalmahin ang sarili ko. Pagkatapos ng ilang minuto ay naisipan ko nang pumasok ng banyo at naligo.

I planned to take Sagan to his favorite park today. Gusto kong sa araw na ito ay mapagbigyan ko siya sa kanyang hiling. He always wanted to spend some time in that park. Kaya lang hindi ko sila pinapayagang lumabas ni Marie nang hindi ako kasama. Lalo na kapag medyo malayo na at kailangan nan sumakay ng jeep. My instinct would always tell me to take precaution when it comes to my son.

"You're so pretty, mommy!" bulalas ni Sagan nang makalabas ako ng kuwarto.

I just wore a red jumper shorts. Sa loob ay knitted na puting long-sleeves. Iyong iniregalo ni Rafael na sling bag ang dinala ko.

"Buti naman at ginamit mo 'yang bag, besh. Bagay na bagay sa outfit mo," puna ni Rafael.

"Thanks," sabi ko. Nang may maalala ako ay hindi ko napigilang magtanong.

"Ang suwerte ko talaga sa inyong dalawa. Lagi akong nakakatanggap ng mga mamahaling bag at damit. Minsan nga parang hindi na kapani-paniwala na sa inyo ito galing, e. Masyado kasing ang mamahal. Iniisip ko tuloy na may sponsor kayo. Tama ako, 'no?"

Napaayos ng upo sa sofa si Dela Vega dahil sa sinabi ko. Si Rafael naman ay lumikot ang mga mata. Huling-huling ko rin ang pagngiwi ni Marga at iyong pasimpleng pagsipa niya sa paa ni Rafael.

"A-ahh, ano ka ba! Minsan kasi 'yung mga sample sa release e ibinibigay sa akin ng mga kapwa designers ko. At saka, you deserve all those stuff, besh, kaya 'wag kang mag-alala marami pang darating," sansala ni Rafael.

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. It's confirmed.

"Gano'n ba?" sabi ko. Tinapunan ko ng tingin si Dela Vega.

"Salamat talaga sa inyong dalawa. Gusto ko nga pumunta minsan sa mga fashion show ng mga designs ninyo sa damit, para naman makilala ko 'yung sponsors ninyo."

Napaubo si Marga.

Kunot-noong tiningnan ko siya. "Okay ka lang?"

"Hindi, a-ahh, oo naman, besh. Pero bakit ba ganito ang topic natin? Kailangan na nating umalis. Kami ang bahala sa date ninyong mag-ina today so chill lang kayo diyan."

I shrugged. "Okay."

Sabay-sabay kaming bumaba sa apartment. Hindi ko tinapunan ng tingin ang sperm donor ngunit ramdam ko iyong mga titig niyang hindi man lang humihiwalay sa 'kin. Nagpakarga sa kanyang ama si Sagan habang pababa.

Pagkarating sa baba ay kanya-kanyang pasok sina Marga at Rafael sa kani-kanilang mga kotse.

"Marie, kay Rafael ka na lang sumabay. Dito kami kay Marga," sabi ko nang nasa baba na kami.

"Opo, ate."

Pinagbuksan ko siya ng pinto sa gilid ni Rafael.

"Kita-kita na lang tayo sa park, besh..." bilin ko. Rafael nodded.

Nang maisara ko na ang pinto ay saka ko na tinungo ang kotse ni Marga. Nakita kong nando'n na sa backseat ng kotse niya si Sagan. Napangiti ako. Excited talaga ang anak ko.

Mga ilang hakbang na lamang ako palapit sa kotse niya nang dumukwang si Sagan sa may bintana.

"Mommy, you ride with daddy. See you later. I love you!"

"Ha? T-teka, sandali! Marga!"

Napatakbo ako nang biglang sumara ang bintana at saka siya umatras pinaharurot ang sasakyan nang mabilis.

"Marga! Teka! Hintayin n'yo 'ko! Marga!"

Ngunit mabilis na nakalayo ang kanyang kotse. Napapadyak ako sa kalsada.

Ang mga walang hiya, pinagkaisahan na naman ako!

Mabilis kong inilabas ang cellphone ko mula sa bag at tinawagan siya ngunit hindi niya sinasagot.

"Arggg!"

Makakatikim talaga ang mga abnormal na 'yon, magkita lang kami mamaya! Pati ang anak ko idinamay pa nila sa naisip nilang kalokohan.

"Aalis pa ba tayo o babalik tayo sa taas para ma-solo kita?"

Napalingon ako sa sperm donor na ngayon ay nakasandal sa kanyang kotse habang hawak ang pintong nakabukas sa passenger seat. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ikaw na naman ang may pakana nito, ano? Napakapeste mo talaga!" gigil kong saad sa kanya.

"I'm innocent here. You should be grateful, I'm giving you a ride."

"Ride your face! Hinding-hindi ako sasakay sa 'yo! Magbu-book ako ng taxi!"

"Love, hindi ka naman talaga sumasakay sa 'kin. Ako ang sumakay sa 'yo, remember?" He grinned.

Binato ko siya ng sapataos.

"Aww!"

"Peste ka talagang animal ka! Bastos! Sirang-sira na ang birthday ko dahil sa 'yo!"

Pinulot ko ang sapatos at tiningnan siya nang masama.

"Itong peste na 'to ang magmamahal sa 'yo habang buhay."

"Tse!"

"Come on, Love. I promised our son that I will take you there sound and safe. Ikaw rin, sisitahin tayo mamaya pareho."

"Buwisit! Tabi!"

Isinuot ko ang sapatos ko saka itinulak siya. Pumasok ako sa backseat.

Nakita kong napakamot siya sa batok bago umikot papasok sa driver seat.

"Seriously? Gagawin mo talaga akong driver? Come on, Love, dito ka sa harap," aniya.

Inismiran ko siya.

"Manigas ka! Mag-drive ka na lang kung ayaw mong bababa na lang ako at sasakay ng taxi!"

Bumuntonghininga siya at umiling. Ilang segundo niya akong tiningnan sa salamin bago binuhay ang makina. Bumubulong-bulong din siya na parang timang.

"Sungit."

Hindi ko siya pinansin. I fished out my phone from my bag and plugged the earphones in my ears. Nakinig na lang ako ng mga kanta para hindi ko siya makausap.

Mga trenta minutos din siguro ang itinagal ng biyahe nang tumigil siya. Agad kong tinanggal ang earphones sa aking tenga. Nang tumingin ako sa labas ay gulat ako nang mapansing hindi kami sa park tumigil kundi sa isang malawak na parking lot at nakikita ko iyong matayog na building.

"T-teka, bakit dito mo ako dinala? Ano na naman 'tong kabaliwan, Dela Vega?" bulalas ko. Ngunit nakalabas na siya ng driver seat at ngayon at pinagbuksan na ako ng pinto.

"Come on, Love, they're waiting for us inside."

"What?!"

"Yes, Love. Hindi tayo sa park magsi-celebrate ng birthday mo. We'll dine out together. Nasa loob na ang anak natin."

"Ano?!"

He smirked. Napababa ako ng kotse at nameywang sa kanyang harapan.

"Love, please? I have a surprise for you."

"Wala akong pakialam sa surprise basta galing sa 'yo!"

Napasentido siya.

"Are you sure?" he challenged me.

"Kapag nalaman mo kung ano ang nasa loob, you will surely love it."

"Try me, Dela Vega. Asa ka pa." Inirapan ko siya at nagmartsa sa loob ng restaurant. Kukunin ko ang aking anak.

Sa isang magarang restaurant niya kasi ako dinala. Kung iniisip niya na na-appreciate ko ang gesture niya, puwes hindi.

Taas-noo akong pumasok sa loob. Pansin kong iisang lamesang malaki lang ang nasa gitna. May balloons. May fountain at mayroong decoration ng birthday party.

I walked faster. Alam kong nakasunod sa akin si Dela Vega.

Ngunit pagkarating ko sa gitna ay gano'n na lang ang gulat ko nang biglang may pumutok na party popper. Nagsilabasan din ang mga taong nakatago sa likod ng lamesa.

"Happy birthday!"

Napasinghap ako.

"Ma? Pa? Kyesha?"

I was surprised when I stared at them one by one. Nadito rin si Tessa at katabi niya sina Marga at Rafael na may hawak na party popper. Na kay Papa naman si Sagan. Saglit akong natulala sa kanila. Natauhan lang ako nang lumapit si Mama.

"Happy birthday, anak!"

Napahikbi ako at mabilis na sinunggaban ng yakap si Mama. Sunod ay si Papa at Kyesha.

"Ma naman, ginulat n'yo ko. Pa'no kayo nakarating dito?"

Ilang taon na rin kasing hindi ko sila nakakasama sa tuwing birthday ko.

"Kahapon pa kami nakaluwas, anak. Pinasundo kami ni Sid sa Bicol."

"Ha?" Lalo akong nagulat at napalingon sa lalaking nakasunod sa akin.

"P-papanong-"

"Oo, ate. Pinasundo kami ni kuya Sid sa probinsya. Sayang nga lang at hindi siya ang mismong sumundo. Busy raw kasi siya sa inyo ni Sagan. Hindi na tuloy ulit siya nakapasyal man lang doon. Ilang beses na kasi siyang nagpabalik-balik sa bahay natin," sagot naman ni Kyesha na siyang ikinaawang ko.

"A-ano?"

Napatanga lang ako nang nagmano si Dela Vega kay Papa at Mama.

"Glad you made it here, Ma, Pa..." aniya pa.

Kailan pa sila naging close?

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro