CHAPTER 29
Chapter 29
"ANO? Lumuhod siya sa harapan mo?"
Tumango ako kay Marga. Ikinuwento ko sa kanila ang lahat ng tagpo mula sa unang pagkikita namin ni Dela Vega. Pareho silang gulat na gulat sa mga sinabi ko.
"N—nakita ba niya si Sagan?"
Umiling ako. Nakahinga naman sila nang maluwag. Pakiramdam ko paliit nang paliit ang mundo para sa amin ng anak ko. Hindi ko lang alam ang gagawin ko kapag ang anak ko mismo ang makakita ng kanyang ama.
"Naku, besh, tiyak na hindi ka na niya tatantanan. Alam na alam ko ang hilatsa ng bituka ng Dela Vega na 'yon, kapag may gusto siya, gagawin niya ang lahat makuha lang ito, by all means. Nakuha ka nga niya dati, 'di ba?"
Nasapo ko na lamang ang aking noo. Marga's right. My mind suddenly took a short trip down the memory lane.
Kahit anim na taon na pala ang nakaraan, preskang-preska pa rin sa utak ko ang bawat detalye na kasama ko ang Dela Vega na 'yon. Bawat ngiti, saya, at sakit ay nasa puso ko pa. Pero iyong pinakamasakit sa lahat ay ang mga pangakong ibinaon sa galit at limot.
"Tissue, besh."
Napahawak ako sa aking pisngi nang bigla akong inabutan ni Rafael ng tissue. Umiiyak na pala ako habang inaalala ang bawat pangakong napako. Pinrotektahan niya ako mula sa pananakit ng iba ngunit siya rin pala ang unang magbibigay sa akin ng pinakamatinding sakit. At ngayon, ang lakas ng apog niyang kunin sa akin ang anak ko?
"H—hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko, Rafael. I tried pushing him away but he seemed to be unstoppable. Duda akong titigil pa iyon kahit ilang beses ko siyang ipinagtabuyan."
Malungkot silang bumuntonghininga habang nakatingin sa akin. Nag-half-day na lamang ako sa trabaho ngayong araw dahil tinapos ko na ang mga importanteng dokumentong pipirmahan ni boss. Makakapaghintay naman iyong mga ibang papeles doon. We're currently at the mall. Sa loob ng paborito naming restaurant.
"What if kausapin mo na lang siya nang masinsinan, besh? Alam ko naman na hindi deserve ni Dela Vega na maging ama ng anak mo pero kasi kailangan nating tanggapin ang katotohanan na kung wala ang sperm niya, wala rin naman tayong Sagan ngayon. Paano naman ang anak mo? Hindi mo habang buhay maitatago sa kanya na buhay ang ama niya at hinahanap siya. Paano kung paglaki niya susumbatan ka niya na hindi mo man lang siya ipinakilala kay Dela Vega?"
Napatungo ako. Rafael was right. Am I too selfish if I wanted to keep Sagan my own? Madamot ako pagdating sa anak ko sapagkat matinding hirap ang pinagdaanan ko lumaki lang siya na malusog at matalino.
"H—hindi pa ako handa, Rafael. K—kasi paano kung hihingin sa 'kin ng anak ko na makasama ang ama niya? P—paano naman ako? Sa huli, ako pa rin ang mawawalan at si Dela Vega ang panalo. At hindi ko kayang tanggapin iyon."
Namalisbis ang mga luha sa aking mga mata. Halos maubos ko na iyong isang box ng tissue. Pagkatapos ng tagpong iyon sa tapat ng gate ay namuo ang takot sa aking dibdib sa maaaring susunod pang mangyayari.
"Alam mo, besh, wala ka namang dapat ikatakot. Ikaw ang ina at mas may karapatan ka kay Sagan. Puwede n'yo namang pag-usapan ang custody ng bata kung sakaling gugustuhin ni Sagan na makasama rin ang ama niya. Kay Dela Vega, madali mong mailayo sa kanya ang bata pero kay Sagan kaya mailalayo mo sa kanya ang kanyang ama? Kaya mo bang tiisin ang anak mo?"
Dahan-dahan akong umiling. Lahat kaya kong gawin at tiisin kung para sa kaligayahan ng anak ko. Lahat kaya kong isakripisyo para sa kapakanan niya.
"See? Kaya mag-isip-isip ka, besh. Alin ba ang mas matimbang sa 'yo, ang galit mo sa mga Dela Vega o ang kasiyahan ng anak mo?"
Huminga ako nang malalim at pilit isinaksak sa utak ko ang katanungang iyon. Mahal na mahal ko ang aking anak ngunit masasaktan siya kapag nalaman niyang ang pamilyang dapat magprotekta sa kanya ay ang unang nagtakwil sa kanya.
"Ang tanong, si Sagan nga lang kaya ang gustong makuha ni Isidoro o pati ang ina? Hindi ba't ang sabi mo gusto niyang balikan mo siya?"
I nodded to Marga.
"Ito, besh. Alam ko minsan na rin kitang natanong pero uulitin ko lang para magkalinawan na. Mahal mo pa ba siya?"
Mabilis akong umiling. Nagkatinginan naman silang dalawa.
"Infairness, hindi ka consistent, besh. Sabi mo noong nakaraan, hindi naman basta-basta nawawala ang feelings mo sa kanya. Ibig sabihin meron pa at baka natabunan lang ng galit. Ano ba talaga? Mahal mo pa siya o hindi na?"
"Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa tingin mo mahal ko pa siya? Sinaktan niya ako, Marga. Itinakwil niya ang sarili niyang anak. Higit sa lahat, hindi niya ako pinaniwalaan at itinulak palayo."
"Sus, ang dami mo namang sinasabi, besh. Oo at hindi lang naman ang sagot sa tanong ko."
Napipilan ako.
Nginisihan nila akong dalawa. I stomped my feet. Natigilan lang ako nang maramdaman ko ang pagtunog ng cellphone ko.
Agad ko iyong inilabas mula sa loob ng bag.
Si Marie ang tumatawag. Agad ko iyong sinagot.
"Yes, Marie?"
"A—ate..."
"Bakit?"
Napaayos ako ng upo nang mahimigan ang takot at ang umiiyak na boses ni Marie sa kabilang linya.
"Ate, s—si Sagan..."
Rinagasa ng takot ang aking dibdib.
"Bakit? A—anong nangyari sa anak ko?" Tuluyan na akong napatayo.
"A—ate, I'm sorry. Hindi ko napigilan. M—may kumuha sa kanya."
"What?!"
"A—ate, patawarin mo ako. Ginawa ko naman ang lahat para pigilan siya pero ang sabi niya, siya raw ang daddy ni Sagan."
"Ano?"
"Ate, pinigilab ko talaga pero sumama rin mismo si Sagan. Sorry, ate."
Bumilis ang tahip ng aking dibdib. Nanginginig ang buong katawan ko nang maibaba ko ang tawag.
"Besh? Ano'ng nangyari? B—bakit ka umiiyak? Ano'ng nangyari kay baby Sagan?" kinakabahang tanong ni Marga.
Naikuyom ko ang aking kamao. Marahas kong pinahid ang aking mga luha.
"K—kinuha niya si Sagan."
"What? Nino? Ni Dela Vega ba?"
Mariin akong tumango saka tuloy-tuloy na nagmartsa palabas ng restaurant.
"Wait, besh! Saan ka pupunta? Hintayin mo kami!"
I ignored the voices calling me. Tuloy-tuloy akong lumabas ng mall at dumiretso sa paradahan ng mga taxi.
Ibinigay ko ang address sa driver saka sumandal sa headrest. Kinuha kong muli ang cellphone sa loob ng aking bag at nagpadala ng mensahe kay Marie na ako na ang bahalang bumawi kay Sagan.
Nagpupuyos ang kalooban ko at hindi mapakali habang lulan ako ng taxi papunta sa lungga ng mga Dela Vega.
It's ironic that I once promised to myself that I will never set my foot again on that house yet here I am. Ako pa mismo ang manunugod sa tahanan nilang isinumpa kong hinding-hindi ko na babalikan.
"Ito ho ang bayad."
"Salamat po, Mam."
Hindi ko na kinuha ang sukli at bumaba na lamang ng taxi.
My forehead creased while staring at the huge mansion in front of me. It's been six long years since I set my foot in this house. Sinong mag-aakalang makakaapak pa pala ako muli rito.
Sunod-sunod kong pinindot ang doorbell. Hindi pa ako nakuntento, pinindot ko iyon nang pagkatagal-tagal hanggang sa bumakas ang maliit na pinto sa gilid ng gate.
Humahangos na katulong ang sumalubong sa akin. Pamilyar din ang kanyang mukha at nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala ako.
"Mam Serenity? Kayo po pala 'yan."
"Nasaan si Dela Vega?" mariin kong tanong.
"Po?"
"Nasaan ang magaling mong amo?"
Napatanga siya. "Ah, eh--"
Kandautal siya sa pagsagot at hindi makatingin sa akin nang diretso kaya naman pumasok ako sa loob kahit nabunggo ko ang kanyang balikat.
"Dela Vega! Ilabas mo ang anak ko!"
I marched all the way to the main door.
"M—mam S—serenity, w—wala po si Ser dito."
I ignored the maid and entered the widely-opened door.
"Sagan! Sagan, anak, nandito na si mommy. Tara na, umuwi na tayo," tawag ko sa aking anak at nagpalingga-lingga.
"Dela Vega, ibalik mo sa akin ang anak ko!" I exclaimed loudly.
Hinding-hindi ako makakapayag na makukuha ng lalaking iyon ang aking anak. Wala siyang karapatan.
"Minda, sino ba 'yung nag-doorbell na parang nagmamadali?"
Napatingala ako sa spiral staircase. Magkasunod na bumababa roon ang mag-asawang Dela Vega. Humigpit ang pagkapit ko sa aking bag.
Nang makaapak na sila sa pinakahuling baitang ng hagdan ay nanlaki ang kanilang mga mata nang makita ako.
"S—serenity?"
It was M'am Leticia who spoke.
"Nasaan ho dinala ni Isidoro ang anak ko?"
Natutop niya ang kanyang mga bibig. "A—anong. Teka, ano kamo?"
"Kinuha ni Isidoro ang anak ko at nandito ako para bawiin siya. Nasaan niya dinala ang anak ko?"
Tumaas-baba ang aking dibdib. Sabay na napalunok ang dalawang matanda habang nakatanga sa akin.
"Wala rito si Sid."
Si Sir Lucio ang sumagot. Sinalubong ko ang kanyang tingin at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Hindi ho ako naniniwala. Itinatago niya sa akin ang anak ko. Wala siyang karapatang kunin sa akin si Sagan! Dela Vega, ibalik mo sa 'kin ang anak ko!" I yelled. Baka sakaling marinig niya ako.
Tiningnan ko ang hagdan. Nasa itaas kaya sila?
Humakbang ako palapit sa unang baitang ng hagdan.
"Dela Vega, lumabas ka d'yan! Ibalik mo ang anak ko!"
"Serenity, huminahon ka. Hindi pa umuuwi si Sid," mahinahong wika ni Ma'am Leticia. Nilingon ko siya.
"Huminahon? Paano ako hihinahon kung nawawala ang anak ko dahil kinuha ng magaling na lalaking 'yon?"
Pinalis ko ang luhang nakatakas sa aking mga mata.
"S—serenity. Nasa ligtas na mga kamay naman ang anak mo. Hindi naman hahayaan ni Sid na may mangyaring masama kay Sagan. Isa pa, may karapatan naman si Sid sa apo ko."
Nagpanting ang tainga ko at marahas na umiling bilang pagtanggi.
"Karapatan? Apo?" I gasped sarcastically. Wala na akong pakialam kung magmukha akong bastos.
"Wow! Sa inyo pa ho talaga nanggaling 'yan?" Halos pumapalapak ako nang sarkastiko sa sobrang poot.
"Sa tingin n'yo ho ba papayagan kong mapunta ang anak ko sa mga taong unang nagtatwa sa kanya? Mawalang-galang na ho pero isang Bautista ang anak ko at hindi Dela Vega."
Napasinghap si Ma'am Leticia at pagkuwa'y tumulo ang kanyang mga luha.
"Serenity, iha. Pag-usapan natin ito—"
"Ang anak ko lang ho ang gusto kong makita at kausapin kaya kung maaari ay ilabas n'yo na siya," mariin kong putol sa sasabihin ng ginang.
"Serenity, alam naming nasaktan ka, pero sana naman ay maging bukas ang pag-iisip mo. May karapatan si Sid kay Sagan," mahinahon ding deklara ni Sir Lucio.
Tumawa ako nang pagak.
"Bakit ho? Naging bukas ba ang pag-iisip ninyo sa 'kin noong ako ang na ang humihingi no'n sa inyo? Hindi ho sarili ko ang ipinaglalaban ko rito, Sir Lucio. Nasaktan man ako noon, balewala na iyon sa 'kin. Ang anak ko ang ipinaglalaban ko rito. Sa tingin n'yo ho ba hindi siya masasaktan kapag nalaman niyang ang tingin sa kanya ng pamilyang dapat mag-aaruga sa kanya ay isa siyang bastardo?"
Napayuko si Ma'am Leticia habang yumuyugyog ang kanyang mga balikat.
"Serenity, hindi gan'on ang tingin namin kay Sagan," depensa ni Sir Lucio.
"Nasasabi n'yo lang ho iyan dahil nasa ibang pagkakataon na tayo. Hindi ninyo alam kung anong hirap at sakripisyo ang dinanas ko habang pinapalaki ko ang anak ko nang mag-isa. Mga magulang din kayo kaya dapat sana ay naiitindihan ho ninyo ako. I will fight for Sagan no matter what."
Humagulgol si Ma'am Leticia at inalo naman ito ng kanyang asawa. Pumaling ang ulo ko at nagulat ako nang makita kung sino ang papasok sa main door.
"Mommy!"
"Sagan?"
Napatakbo ako pasalubong sa anak ko.
"Mommy!"
"Diyos ko! Anak!"
Lumuhod ako at idinipa ang dalawa kong kamay. Patakbo siyang yumakap sa 'kin.
"Anak ko..." Napahagulgol ako. Tila nabunot ang lahat ng takot at agam-agam na nararamdaman ko kanina.
"I missed you, mommy ko!"
Pinugpog ko siya ng halik.
"Miss na miss din kita, anak. Huwag na huwag ka na ulit aalis ng bahay nang hindi ko alam, ha? Takot na takot si mommy kanina," naiiyak na sabi ko sa kanya.
"Don't worry, mom! I'm safe. Daddy's with me."
Napatingala ako sa lalaking kasunod ng anak ko. He's on his Armani suit. Ngunit nasira yata ang porma niya nang dahil sa towel ni Sagan na nakasabit sa kanyang kanang balikat.
Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa anak ko.
I wonder how he told my son about him.
Nakita ko ang pag-alon ng kanyang Adam's apple. Nanunuyo ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.
"Love, I'm sorry if I made you worry. Namasyal lang naman kami," aniya.
I gaped at him. "Namasyal?"
Tumayo ako at hinawakan si Sagan saka itinago sa likod ko.
"Ano'ng karapatan mong ilabas ang anak ko nang walang pahintulot mula sa 'kin?"
"Anak natin, Love..." pagtatama niya.
Marahas akong umiling sa kanya.
"Anak ko lang. Sagan is mine, alone." I stepped back.
Tiningan ko sila isa-isa.
"Gusto ko lang ipapaalala sa inyong lahat na walang sinuman sa inyo ang may karapatan na guluhin kami ng anak ko. Kayo na mismo ang nagtanggal ng mga karapatan ninyo anim na taon na ang nakaraan. Nananahimik na ako—kami. Hindi namin kayo kaanu-ano kaya't hayaan n'yo na kami."
"Serenity!" Sid called out when I started pacing towards the main door.
"Mommy? Are we leaving yet?" Sagan queried.
"Yes, anak." Binilisan ko ang paglalakad.
"But why? Aren't we supposed to be with daddy?"
Natigalgal ako.
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro