Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 27

Chapter 27

UMAWANG ang kanilang mga bibig at pinakatitigan ang aking anak kaya't itinago ko siya sa aking likod.

"K-kamukhang-kamukha niya si-oh, God! Lucio!"

Ma'am Leticia was shaking in horror. Nakatulala naman ang kanyang asawa na hanggang ngayon ay tila hindi pa rin makapaniwala. Para siyang tinuklaw ng sarili niyang alagang ahas.

"Pa'nong--teka."

Bagama't itinago ko sa aking likod si Sagan ay sumilip naman ito at binati pa ang mag-asawa.

"Hello! My name is Sagan Bautista," nakangiting sabi ng anak ko.

"H--hi..."

I saw how the tiny drops of tears fell from Leticia' eyes.

Akmang hahawakan niya si Sagan sa kamay nang mabilis kong hinila palapit sa akin ang aking anak. I heard her gasped.

"It's nice meeting you again, Ma'am Leticia, Sir Lucio. Pero may naghihintay po sa amin kaya kailangan na naming umalis. Excuse us," sabi ko at dali-daling hinila si Sagan palabas ng department store.

Hindi nakalagpas sa pandinig ko ang pagtawag ni Leticia Dela Vega ng aking pangalan.

"Serenity, wait!"

Mas binilisan ko pa ang paglalakad. I'm not afraid of them for I know they will eventually know about Sagan. Tanggap ko na iyon sa sarili ko. Ngunit kahit dulo ng buhok ng anak ko'y hinding-hindi ko papayagang mahawakan ni isa sa kanila.

"Mom? Why are we running?"

"We're not running, baby, we're just walking fast."

"You are walking but I'm running," my son whined.

Saglit akong natigilan at biglang natauhan. Ang isang hakbang ko pala ay katumbas ng tatlong hakbang niya. Bigla akong napatigil nang nasa labas na kami ng department store.

"Sorry, anak. Nagmamadali kasi si mommy. Naghihintay na kasi sa atin ang tita Marga at tita Rufa mo."

He just shrugged his shoulders in agreement, "Okay, mom."

Nang lumingon ako sa department store ay hindi ko na makita ang pigura ng mag-asawa. Marahil ay nando'n pa rin sila sa kinatatayuan nila kanina. Masyadong malawak ang lugar kaya't hindi mo makikita ang dulo kapag nasa kabilang dulo ka.

"Besh!"

Saktong pagpasok namin sa boutique ay palabas na rin ang dalawa. Nagpasalamat ako sa pagkakataon.

"Kumain na muna tayo? Nagugutom na ako," sabi ko.

Pinandilatan ko silang dalawa. I fished out my phone and sent the same text message to both of them.

We need to leave this floor, ASAP. We accidentally met the Dela Vega couple inside.

Marga's mouth formed a perfect O. Nanlaki naman ang mga mata ni Rafael at tiningnan si Sagan.

"Nakita nila?" pasenyas niyang tanong at inginuso si Sagan.

Tumango ako. He gasped in surprise.

Sinenyasan ko silang umalis na kami. Mabuti na lang at walang kamalay-malay ang anak ko sa nangyayari.

"Baby? Gusto mo bang kargahin na kita para 'di ka na mapagod?" suhestiyon ni Marga kay Sagan ngunit mabilis na tumanggi ang bata. Mabagal kasi kaming maglakad dahil malilit ang kanyang hakbang.

"Thanks, Tita Marga, but I'm strong, remember? I can even run!"

Natawa ako. Napakamot na lamang sa ulo si Marga. Wala kaming nagawa kundi ang dahan-dahanin ang aming mga hakbang para hindi mapag-iwanan si Sagan. Mabuti na lamang at nakarating kami agad sa restaurant nang hindi nagku-krus ang landas namin ng mag-asawang Dela Vega. Not that I'm afraid of them. Ayaw ko na talaga silang kausapin dahil gusto ko na silang ibaon sa limot nang tuluyan.

We ordered the food as requested by Sagan. Habang naghihintay ng order ay pinasakan ni Marga ng earphones ang tainga ng anak ko at ibinigay ang cellphone niya rito para panoorin ang isang pambatang palabas.

"Magkuwento ka nga, besh. Ano'ng nangyari? Ano'ng reaksyon nila nang makita nila ang carbon copy ng kanilang anak?"

I shrugged my shoulders, "Ayun, nagulat."

"Did they ask about the--you know..." Rafael trailed off.

Bumuntonghininga ako. Marahil ay na-realize nilang kamukha ng nag-iisa nilang anak si Sagan. I still memorized the reaction from Leticia Dela Vega's face. She looked shocked and bewildered.

"Ano na ang balak mo ngayon niyan? Tiyak na hindi papayag ang mag-asawang 'yon na hindi mapupunta sa kanilang nag-iisa nilang apo."

"They will never have my son, Marga!" I exclaimed.

Nagpupuyos ang kalooban ko sa isiping kukunin nila ang aking pagkatapos ng pagtatakwil na ginawa nila.

"Hindi naman siguro makakapal ang kanilang mukha para kunin ang hindi nila pagmamay-ari, hindi ba? Hindi ko papayagang mangyari iyon. Kailangan muna nila akong harapin."

They both stared at me and nodded in agreement. Pansin kong may pag-aalangan sa mukha ni Rafael.

Uminom ako ng tubig para pakalmahin ang aking sarili. Mga fifteen minutes pa bago ma-i-serve ang order kaya't nagbasa-basa muna silang dalawa ng magazine.

"What's that?"

Mabilis na inilayo sa akin ni Marga ang hawak niya na ikinakunot ko.

"What's the matter?"

Kinuha ko ang face towel sa loob ng bag at pinahid ang namumuong pawis sa ilong ni Sagan. Naalala ko na namang pati 'yung pagpawis ng tuktok ng kanyang ilong ay namana niya sa sperm donor. Hindi ko napigilang umirap sa kaloob-looban ko.

Hindi naman ako tinugon ng dalawa kaya't inagaw ko ang magazine na pinag-aagawan nila. Hindi ko lang alam kung saan nila nakuha iyon. Mukhang sa staff ng kanilang botique.

"Serenity!"

Nabigla yata si Marga sa ginawa ko sapagkat napansin ko ang biglang pagkataranta niya. Tinawanan ko siya. Akmang aagawin niya iyon sa 'kin ngunit mabilis kong itinago sa aking kandungan.

Binuksan ko iyon gamit ang kanang kamay habang hinaharangan sila gamit ang aking kaliwang kamay.

Nanlaki ang aking mga mata nang mabungaran ko ang mukha ng lalaking nasa magasin.

My heart skipped a beat. His pair of eyes were darting with less emotion. His perfectly-pointed nose was perfectly got by Sagan. There is something in his well-defined jaw. It's as if his mad when this photo was taken.

I blinked. I hate myself for loving this sperm donor before. Muntik ko nang maitapon ang magazine lalo na nang mabasa ko ang ilan sa mga bahagi ng interview sa kanya.

Relationship Status:

Single. Sid Dela Vega never had into a serious relationship. Is he planning to marry the lucky girl of his first serious relationship just in case?

It was no other than my ex. Ang kapal ng pagmumukha ng sperm na 'yon!

"Mom? Are you okay? You looked pissed."

Napabaling ako kay Sagan. Wala na itong suot na earphones. Pinandilatan ko si Marga. Bakit niya tinaggal agad?

"Mommy' fine, Sagan. Nagugutom lang. Are you hungry yet?"

"Hmm... A little."

"Sandali na lang, baby, ha?"

Inosenteng tumango ang anak ko. Nang nilipat ko ang aking mga mata sa dalawang bakla ay panay silang nakangisi sa 'kin na tila nang-aasar.

"Kunwari hindi affected pero parang mambabasag na ng kubeta 'yan," pabulong na deklara ni Marga. Ngising-ngisi ang bakla na parang nanalo sa lotto.

Sinipa ko 'yung paa niya sa ilalim ng lamesa.

I mouthed whatever to him. He just smirked at me teasingly.

Pagkatapos ng ilang minuto ay na-i-serve na rin ang in-order namin.

...


"Mommy, are you leaving yet?"

"Yes, baby ko. Huwag kang pasaway kay ate Marie mo, ha?"

"Yes, mommy. You take care, I love you!"

"I love you too, baby ko."

Hinalikan ko sa ulo ang aking anak. Medyo tinanghali ako ng gising dahil halos madaling araw na ako nakatulog sa kakaisip tungkol kay Sagan. Nagtatapang-tapangan lang ako ngunit may parte sa aking natatakot sa maaaring kahihinatnan ng pagkakita sa kanya ng nga Dela Vega.

My life depends on my son now. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang mabuhay kung sakaling mawala siya sa 'kin. Ipaglalaban ko siya kahit ba ano'ng mangyari.

"Marie, tawagan mo agad ako kung may importante kayong kailangan o 'di kaya kung nagyayayang lumabas ang anak ko, ha?"

"Yes, ate. Ingat ka po."

I glanced at my son who's now playing his toys. Nagsimula na naman siyang magkalat. Pero mas okay na iyon kaysa naman magpasaway siya kay Marie.

Hindi kagaya ng luma kong apartment ay mas malaki itong nilipatan namin at mayroon dalawang maliliit na kuwarto. Magkasama kami ni Sagan sa isa at sa kabila naman ay si Marie.

I took a cab going to the office. Late na ako nang trenta minutos. Hindi bale, ibabawas ko na lamang iyon sa lunch break ko mamaya.

Pagkarating ko sa office ay tapos na nga ang flag ceremony. Tuwing lunes kasi ang nagtitipon ang mga officers at staff ng MIU sa quadrangle para sa flag ceremony. Nagbibigay rin ng mensahe ang administrative president.

"Oh, akala ko absent ka ngayon, Serenity? First time mong na-late, ah," puna ni Tita Jocelyn. Isa siya sa mga admin clerks na kasama ko.

"Hindi ko kasi puwedeng iwan si Sagan, Tita. Umaga na kasi bumalik si Marie kaya walang magbabantay," palusot ko.

Ang totoo'y kanina pa madaling araw nakarating si Marie.

"Aw, kawawa naman si Sagan namin walang magbabantay. Sana pala dinala mo na lang siya ulit rito. Nami-miss ko na ang napaka-cute na batang 'yon."

"Naku, Tita, baka wala akong matapos na trabaho kapag dinala ko ulit 'yon dito. Alam mo naman, saksakan nang kulit 'yon."

Natawa si Tita Jocelyn sa sinabi ko. Noon ay madalas kong dinadala rito si Sagan, lalo na kapag may importanteng lakad si Marie at walang magbabantay. At sa buong araw na 'yon ay halos wala akong natapos na trabaho dahil sa kakulitan niya. Mantakin mong pinag-du-drawing-an niya ng kung anu-ano ang mga papeles sa ibabaw ng tray ko. Imbis tuloy na maipapirma ko na ang mga iyon ay inulit ko pang i-print.

Kung sasawayin mo naman ay tatakbo siya palabas at magsusuot kung saan-saan. Tandang-tanda ko pa 'yung araw na pumasok siya sa girls' restroom at pinagtatanggal ang mga tissue sa lahat ng cubicle at nilagay niya lahat sa basurahan. Nakaltasan tuloy ako sa sahod dahil doon.

Sinimulan ko na agad ang pagta-type ng mga kakailangang dokumento. Knuha ko na rin ang mga kakapasok lang mga files for signature ng boss. Nilalagyan ko isa-isa ng post it para madaling makita ng pipirma.

Ganito araw-araw ang routine ko. Tambak-tambak na papeles ang kailangan kong i-check bago i-forward sa Office of the Administrative President. Kaya naman hindi puwedeng dalhin ko rito si Sagan lalo na't habang lumalaki siya'y lalo siyang nagiging makulit.

I've been planning to leave the university and look for a job outside. Minsan kasi naghahanap din ako ng bagong environment. Kaya lang noong nag-regular employee na ako'y tinaasan ang sahod ko kaya nagdalawang isip ako kung tutuloy pa ba o hindi. Sa huli ay nanatili ako dahil nawalan ako ng oras na maghanap ng panibagong trabaho dahil kay Sagan.

Kinahapunan ay eksaktong alas singko ako lumabas ng office. Dumaan ako muna ako sa pinakamalapit na supermarket para bumili ng karagdagang stocks sa bahay. Napansin ko kasi kaninang kakaunti na lamang ang laman ng ref.

Una kong pinuntahan ang meat section bago dumaan sa mga gulay. Kakaunti lang ang tao dahil Lunes. Kadalasan kasi ng mga namimili ay tuwing weekend.

Dire-diretso akong lumabas pagkatapos kong bayaran lahat sa counter ng binili ko.

Napansin kong twenty seconds pang naka-red light ang stoplight kaya may sapat na oras pa akong tumawid ng kalsada kung saan puwede akong mag-abang ng dyip sa kabila pauwi ng bahay.

Ngunit nakadalawang hakbang pa lamang yata ako nang mabitawan ko ang dala-dala kong eco bag. Lumuwa ang ilan sa mga laman niyon kaya't dali-dali ko iyong ibinalik papasok saka tumayo.

Hindi ko na napansing na dalawang segundo na lang pala at nag-green na agad ang traffic light.

May isang sasakyan na mabilis ang pagpapatakbo at alam kung kahit na tunakbo pa ako ay hindi na ako aabot pa sa kabila. Nanlaki ang mga mata ko't napapikit na lang saka iniharang ang magkabila kong brasi sa aking mukha.

"Ahhh!"

Bumilis ang pagbayo ng aking puso sa sobrang kaba at takot. Hinintay ko na lamang na tumama sa katawan ko ang bumper ng sasakyang ilang pulgada na lamang ang layo sa kinatatayuan ko.

Ngunit imbis na matinding salpok ay isang malakas na pagpreno ang narinig ko. Napatakip ako ng magkabila kong tainga.

Napatulala ako. Hindi pa man ako nakakatayo mula sa pagkakaluhod nang biglang lumabas ang driver ng sasakyan na galit na galit.

"What the hell! Magpapakamatay ka ba?! Stupid!"

I gasped. Dahan-dahan akong tumayo at hinarap ang galit na mama. Ngunit gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makilala ang lalaking lumabas sa magarang kotse.

"Dela Vega..."

My both hands balled into fists automatically. Halo-halo ang aking nararamdaman. Halo-halong klase ng pagkamuhi.

Saglit akong napaawang at napatulala nang daha-dahan siyang humakbang palapit sa 'kin. At ang unang salitang lumabas sa mga bibig niya pagkatapos ng anim na taong naming hindi pagkikita ay tila nagpayanig na aking pagkatao.

"Love?"

Napakurap ako. Did I hear it right?

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro