Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 26

Chapter 26

"SAGAN!"

"Sagan, careful!"

Napahawak ako sa aking dibdib. Aatatakehin talaga ako sa puso dahil sa kakulitan ng batang ito. Inisa-isa kong dinampot ang nagkalat na mga laruan sa sahig at inilagay sa malaking drawer. Abot-kamay niya ang lagayan ng laruan kaya't kapag gising siya'y wala siyang ibang ginawa kundi ang magkalat.

Minsan nga'y sumemplang si Marga pagkapasok niya ng pinto dahil hindi niya agad napansin na nando'n pala ang maliit na bola sa bungad. Naapakan niya at ayon, nakipaghalikan siya sa sahig. Kinabahan pa ako dahil akala ko nabalian na siya ng buto samantalang 'yung anak ko naman tawa nang tawa.

"Mommy, catch!"

Hindi ko agad napaghandaan iyon kaya't nasapol ng bola ang noo ko. Muntik na akong matumba sa sobrang pagkagulat. Pumikit ako't hinilot ang aking noo.

"Mommy? Are you okay? Sorry, Mommy..."

Mabilis na tumakbo sa 'kin ang anak ko't yumakap sa mga hita ko. Lumuhod ako para magpantay ang aming mga mukha.

"I'm fine, baby. Just be careful next time, okay?"

"Yes, Mommy. I'm sorry."

'Yung ilalim ng mga mata niya ay namumula na at pinipigilan lang niyang umiyak.

"I'm sorry, Mommy. Did it hurt?"

Worry was written all over his face. Napangiti ako. Nakakatunaw talaga ng puso kapag tinitingnan ako nang ganito ng aking anak.

Hinawakan ko siya sa pisngi at hinalikan doon.

"Mommy's fine, baby. Kiss mo na lang ako dito para mawala na. Hmm?"

Yumuko ako para maabot niya ang aking noo. Isang matunog na halik naman ang iginawad niya roon.

"I love you, mommy!"

"Aw. I love you more, baby ko."

Pinisil ko siya sa pisngi at hinalikan.

"Ang bango-bango ng baby ko!"

Niyakap ko siya nang mahigpit. When his tiny arms hugged me back, it felt like I just touched the heavens. My son is my world and I can't thank God enough for giving me a son like Sagan.

Sa ganoong tagpo kami naabutan nina Marga at Rafael. Namilog ako nang mapansing may kanya-kanya na naman silang bitbit na mga malalaking paperbag. Tiyak na laruan na naman ang mga iyon.

"Ang sweet naman ng mag-ina na 'to."

"Tita Marga! Tita Rufa!"

Nang humiwalay sa akin ang anak ko'y mabilis itong tumakbo at sinalubong sina Marga at Rafael. Binuhat ito ng huli at niyakap.

"Ang bango naman ng inaanak ko. Bagong ligo?"

"Yes, Tita Rufa," tugon ng anak ko ngunit ang mga mata'y nakatuon sa mga pasalubong. Tiyak na excited na 'yang buksan ang mga 'yan.

Natawa ako't napakamot na lamang sa ulo nang magkatinginan kaming tatlo. Malapit sa dalawa ang anak ko sapagkat bukod kina Mama, Papa, at Kyesha ay sila na ang nakamulatan niyang tumulong sa 'kin sa pag-aalaga sa kanya.

"Thank you for the gifts, Tita Marga and Tita Rufa!" My son exclaimed.

"Diyos ko po, ang advanced mag-isip ng inaanak ko. Sige na, baby, buksan mo na 'yan tapos doon ka muna. Mag-uusap lang kami ng mommy mo, okay?"

"Okay, Tita Marga!"

Mabilis namang bumalik sa playstation niya ang anak ko. Kung hindi pagtugtog ng keyboard ay bola at kotse-kotsehan ang pinagkakaabalahan niya.

He's five years old yet he learnt to be independent—tipong hindi siya naghahanap ng kalaro. Ayos lang sa kanya na ako o sina Marga ang laging kasama niya.

"O, ito naman para sa 'yo, besh."

May inaabot si Rafael sa aking paper bag at nang tingnan ko ang loob niyon ay isang signature bag. Nanlaki ang mga mata ko.

"Rafael, maraming salamat pero ang mahal nito!"

"Sus, regalo 'yan hindi pautang, tangeks."

Kahit na 'no. They're like this. They're spoiling us with gifts. Halos lahat ng gamit dito sa loob ng bago naming apartment ay sila na nga yata ang bumili. Regalo lang daw ang lahat ng iyon.

"Naku, nag-abala pa talaga kayong dalawa. Sobra-sobra na nga ang naitulong ninyo noong nanganak ako tapos hanggang ngayon parang may balak pa kayong punuin ng regalo itong apartment. Baka naman pati ang kama namin ni Sagan mapuno na rin kasi wala nang mapaglagyan."

"Drama mo, 'te. Maliit na bagay lang 'yan kumpara sa damage na idinulot ko sa 'yo noon."

Natigilan ako nang bigla na namang binanggit ni Rafael ang isa sa mga bagay na gusto ko nang ibaon sa limot. Masaya na kami ng anak ko at wala na rin akong mahihiling pa. Ang tanging pangarap ko na lang ngayon ay makasama nang matagal ang anak ko at masubaybayan ang kanyang paglaki hanggang sa makapagtapos siya ng pag-aaral balang araw at magkaroon din siya ng sarili niyang pamilya.

"Rafael—"

"Rufa, besh. May galit ka pa rin yata sa 'kin hanggang ngayon kasi ayaw mo akong tawagin sa pangalan na gusto ko."

"Sira."

Tinampal ko siya sa braso. Hinila ko sila sa kusina para doon kami mag-usap. Sinigurado kong nakikita ko pa rin si Sagan na naglalaro habang nag-uusap kami.

"Rufa, ilang beses ko ba dapat sabihin sa 'yo na hindi kita sinisisi sa nangyari? It's not your entire fault. May pagkukulang din ako. At saka, 'di ba ang sabi mo'y sinubukan mo namang kausapin ang Dela Vega na 'yon? Pero sarado ang utak niya kaya wala na tayong magagawa pa roon. It was his choice after all."

Bumuntonghininga si Rafael. Pagkatapos ng graduation ko anim na taon na ang nakaraan ay bigla na lamang siyang nagpakita sa akin. Nalaman niya ang nangyari mula sa kanyang mommy kaya't humingi siya ng tawad sa akin kahit na hindi ko naman siya sinisisi. Eventually ay naging malapit kaming magkaibigan at ngayon business partners na sila ni Marga. May sarili na silang boutique sa isang malaking mall sa Quezon City at balita ko'y magkakaroon na rin sila ng branch sa mga provinces. Rafael is now one of the established designers in the Philippines.

"Kahit na, besh. Na-gi-guilty pa rin ako dahil sa nangyari. At hindi matutumbasan ng kahit anong tulong ko ang lahat ng paghihirap na pinagdaanan mo."

"Hindi naman talaga kaya't habang buhay kang magdudusa, Rufa!" sabat ni Marga. Tinampal ko siya.

"Abnormal ka talaga, besh."

Marga would always gang up with Rafael's mom to prank him. Naging malapit na rin kami ni Tita Janine magmula nang maging mag-bestfriend kami ng anak niya. Sobrang malapit din ang ginang kay Sagan kaya't lagi niya itong binibigyan din ng regalo.

It took a year for Rafael to save courage before telling Tita Janine about his gender preference. Ang akala niya ay itatakwil siya ng kanyang ina pagkatapos niyang sabihin iyon ngunit iba ang nangyari. Tinanggap siya nito nang buong-buo. Nagalit pa nga ito noong una dahil kinailangan pa akong gamitin ng anak niya para pagtakpan ang tunay niyang pagkatao.

"Pero ang totoo kaya kami nandito para ibalita sa 'yong bumalik na sa Pilipinas ang kanilang pamilya. Nakakalakad na raw nang maayos si Tita Leticia pagkatapos ng ilang series ng therapy," pagbabalita na Rafael.

Saglit lang akong natigilan bago siya binigyan ng isang tango.

"Ah, okay."

Nagkatinginan silang dalawa at namimilog ang mga matang nakatingin sa akin.

"Tengene, naka-move on na siya, besh," komento ni Marga.

"Naka-move on o bitter pa rin? Pagkatapos kong mag-effort magbalita sa 'yo, ah okay lang ang sasabihin mo? Ang taray ng bangs ni madam!"

Sabay pa silang namaypay ng kanilang mga kamay na tila hindi pa rin makapaniwala sa itinugon ko. Kinunutan ko sila ng noo.

"E ano'ng gusto n'yong sabihin ko? Na excited na akong makita siya? Na naghihintay kami sa pagbabalik niya? Walang gano'n. E 'di umuwi siya kung umuwi, hindi naman ako ang uuwian niya."

Muli silang nagkatinginan at humagalpak ng tawa na parang isang malaking joke ang sinabi ko. Napahawak pa si Marga sa kanyang tiyan kaya pareho ko silang binatukan.

"Aray naman! Ang epic ng mukha mo, besh. Masyado ka namang defensive. Sigurado ka bang wala ka nang nararamdaman para sa kubetang 'yon?" Si Marga.

Umiling ako.

"Hindi naman basta-basta mawawala 'yon, aaminin ko. Pero hindi ako tanga, 'no. May anak na ako ngayon na iisipin kaya wala akong pakialam kung bumalik siya."

"Sus, e kahit pagbaliktarin mo pa ang Earth, ama pa rin siya ng anak mo," mahinang bulong ni Marga.

Tila isang bomba iyon na biglang nagpa-usbong ng nakatagong galit sa aking puso.

"Hindi. Dahil kahit isaksak ko pa sa baga niya si Sagan, hindi naman niya aangkining anak niya ang bata. Kaya wala na akong pakialam sa mga Dela Vega. Itinuring ko na silang isang bangungot na bumaon sa akin sa lusak. Magmula nang itakwil niya kami ni Sagan ay patay na siya para sa 'min."

Kumuyom ang aking kamao. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na itinanggi niyang anak niya ang dinadala ko. That was the darkest part of my life. Pakiramdam ko pinaglaruan lang niya ako at hindi totoong pagmamahal ang lahat ng ipinakita niya sa 'kin dahil kahit isang salita ko'y hindi niya man lang nagawang pakinggan.

"Pero, besh, paano kung susuyuin ka niya at gusto kang balikan? Handa ka bang tanggapin siya ulit?"

Marahas akong umiling.

"Hinding-hindi ako susugal lalo na kung ang nakataya ay ang anak ko. Ayaw kong makasama niya ang mga taong unang nagtakwil sa kanya, Marga. Isinusumpa kong hinding-hindi magiging Dela Vega ang anak ko."

Sa isang kurap lang ay namalisbis ang mga luha sa aking pisngi. Everytime I stare at my son, it feels like I'm staring at the younger version of Sid Dela Vega. Ang korte ng mukha, ang mga mata, ilong, at mga labi niya'y kuhang-kuha. Siguro kung pagtatabihin silang dalawa, unang tingin pa lang ay iisipin mo na agad na mag-ama sila. Ni wala man lang namana sa 'kin kahit hugis ng kuko. Minsan nga'y kinakausap ko siya habang natutulog, ang unfair naman sa 'kin ng anak ko.

"Besh, sorry na at pinaalala ko pa. Ang akin lang naman e may karapatan si Isidoro kay...kay Sagan."

"Matagal na niyang tinanggal ang karapatan na 'yon, Marga. Siya mismo ang nagtanggal ng sarili niyang karapatan kay Sagan. Isa pa, sperm lang ang inambag niya, ako ang umire at nagpalaki," mariin kong tugon.

Niyakap nila akong dalawa. They're always like this when I'm breaking my emotions down.

Hindi naging madali sa 'kin ang anim na taong pakikibaka sa buhay lalo na't sa unang taon ko sa trabaho ay buntis ako. Noong magwawalong buwan na ang tiyan ko'y nag-maternity leave ako dahil hindi ko na kayang lumabas ng bahay. Mabigat na ang tiyan ko para magtrabaho. Lumuwas din si Mama para alalayan ako. Naiwan naman sina Papa at Kyesha sa Bicol dahil nag-aaral ang huli.

"Ano ba 'yan, ang drama natin. Ang mabuti pa lumabas na lang tayo tutal weekend naman. Mag-mall na lang tayo nang makapagliwaliw ka naman. Puro ka na lang kasi trabaho."

Balak ko na rin naman talagang ipasyal ang anak ko mamaya kapag bukas na ang mga mall. Alas diyes kasi kadalasang nagbubukas ang mga iyon. Umuwi na rin muna ang yaya niyang nagbabantay sa kanya kapag nasa trabaho ako. Si Rafael ang nag-suggest na mag-hire ako ng yaya para hindi na ako mahirapan. Mabuti na lang din at may kakilala silang mapagkakatiwalaan kaya't panatag akong iwan si Sagan kay Marie kapag papasok ako sa trabaho.

"Basta kahit ano'ng mangyari at kung anuman ang desisyon mo para sa 'yo at para sa inaanak ko, susuportahan kita, besh..." Rafael added.

I am grateful that I have them during my darkest times. Hindi nila ako hinayaang mag-isa. Ni halos sila na nga ang magbantay kay Sagan noong nanghihina pa ako. Si Mama naman ang tagaluto at tagalinis ng apartment. Pero nang lumaki na si Sagan ay pinauwi ko na rin siya sa Bicol. Hindi ko rin naman balak na magtrabaho rito habang buhay sa siyudad.

Kapag napagtapos ko na ng kolehiyo si Kyesha ay uuwi na rin ako ng probinsya at doon na lang magtrabaho. Kakaumpisa pa lang din naman niya sa kolehiyo kaya apat na taon pa akong mananatili rito at mag-ipon ng sapat na halaga para makapagsimula sa probinsya. Ang sabi nga ni Papa hindi ko na raw kailangan suportahan si Kyesha at mag-focus na lamang ako kay Sagan dahil sila na lang ang gagawa ng paraan para mapagtapos ang kapatid ko pero tumanggi ako. Hangga't kaya ko ay tutulong ako.

"Sagan, tama na muna 'yan, anak. Bibihisan na kita."

"Are we leaving yet, mommy?" he asked. Nasabi ko na kasi sa kanya na igagala ko siya ngayong weekend.

"Yes, baby. Kasama natin ang Tita Marga at Tita Rufa mo."

"Yehey!"

Napapadyak siya sa tuwa at mabilis na pinulot ang mga laruang kakabukas lang niya saka itinabi. Kumuha ako ng polo-shirt niya at denim shorts sa kuwarto saka binihisan siya.

"Are you excited, baby?" Rafael queried.

Sunod-sunod namang tumango ang anak ko.

"Yes, Tita Rufa. I will have a concert again, right?"

Natawa kami. Kapag nasa department store kami'y mahilig siyang pumunta sa mga appliance area at doon sa tapat ng TV ay kakanta siya. Ang unfair na talaga sa 'kin ng anak ko, kahit talento at hilig sa pagkanta ay minana niya sa sperm donor. Asar. Pero kahit gano'n ay mahal na mahal ko siya nang higit pa sa sarili ko. Wala akong hindi kayang gawin para sa kanya.

My son is adorable and advanced. Kaya nga hindi na siya dumaan sa Day Care. Dumiretso na siya kaagad sa kindergarten. Mabilis din siyang matuto dahil na rin sa mga itinuturo ng dalawang bakla sa kanya.

Matapos kong bihisan ang anak ko'y pumasok muna ako sa kuwaryo. Sa sala naman and dalawang bakla. I just wore a fitted white blouse and square tokong pants. Tinernuhan ko iyon ng flat sandals. Tiyak kasing maghahabol na naman ako mamaya kay Sagan sa sobrang kakulitan niya.

"Mommy?"

"Yes, baby?"

Nasa backseat na kami ng kotse ni Rafael. Si Marga naman ay nasa harapan katabi ng huli. Kahit may dala rin siyang sariling kotse ay iniwan niya na lang sa tapat ng apartment. Mas gusto niya kasing makadaldalan itong anak ko.

"Are we gonna buy toys?"

I pouted. At nagkunwaring nag-iisip.

"Marami ka naman na toys, 'di ba?"

"Yes, mom. Hmm... I just want chicken joy instead. Can we buy one later?"

"Promise muna na magbi-behave ka."

"I promise, mom." Itinaas niya ang kanang kamay. Ginulo ko ang kanyang buhok at hinalik-halikan. Nakakagigil talaga ng anak ko kahit lagi kaming magkasama.

Nang makarating kami sa parking ng mall ay excited siyang lumabas ng kotse kung hindi ko lang siya napigilan. Saktong magtatanghali na kaya dito na lang din kami kakain. I always wanted to have quality time with my son. That way, maramdaman niyang buo ang pamilya niya kahit may kulang.

Sa tapat lang din ng department store ang boutique nina Marga at Rafael kaya pumasok muna sila roon para mag-spot check ng mga staff. Hinila naman ako ni Sagan sa loob ng department store at hinanap 'yung free videoke. Nang matagpuan niya iyon ay agad niyang kinuha ang microphone. Pumuwesto siya at nagsimulang kumanta.

"I've been reading books of old, the legends and the myths,  Achilles and his gold, Hercules and his gifts, Spider-Man's control and Batman with his fists. And clearly I don't see myself upon that list..."

May mga iilang mga customers ng mall ang napapatigil at pinapanood siya. Napangiti ako nang makitang napapangiti sila habang pinagmamasdan ang aking anak.

"He's so adorable," dinig kong komento ng isa.

"But she said where d'you wanna go?
How much you wanna risk? I'm not looking for somebody with some superhuman gifts. Some superhero, some fairytale bliss. Just something I can turn to, somebody I can kiss..."

I just watch my son as he sang the lyric of the song. Kinuha ko ang cellphone sa loob ng aking bag at kinuhaan siya ng video.

"I want something just like this
Do do do do do do do
Do do do do do do do
Do do do do do do
Oh I want something just like this"

I felt proud while watching him. Sa totoo lang ay wala namang nagturo sa kanya no'n. May mga times lang na nakakapanood siya ng videos ng kanta at ginagaya niya. He's exploring things on his own.

Nang matapos siyang kumanta ay pinindot ko ang stop button ng video para mag-save sa cellphone ko. Ini-lock ko iyon saka ibinalik sa loob ng aking bag. Akmang hahakbang na ako palapit kay Sagan nang  maunahan ako ng dalawang matanda.

Tumahip ang aking dibdib at saglit na natigilan nang makilala sila. Umiling ako't inayos ang sarili ko.

"What's your name, iho?" Umawang ang dalawang matanda nang humarap sa kanila ang aking anak.

I didn't waste a second. Hinawakan ko sa kamay si Sagan.

"Tara na, anak. Inaantay na tayo ng mga tita mo," sabi ko. Binalewala ko ang presensya ng mag-asawa.

Dinig ko kung paano suminghap ang ginang nang makilala ko.

"S—serenity? A—anak mo?"

Matapang ko siyang tiningnan at sinagot.

"Yes, Ma'am Leticia. Anak ko."

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro