
CHAPTER 24
Chapter 24
"H—HINDI ko sinasadya. Hindi ko sinasadya, Marga!"
Nanginginig ang bawat buto sa loob ng aking kalamnan. Halos hindi ako makahinga sa bilis ng tahip ng aking dibdib. Hindi ko sinasadya pero kasalanan ko kung bakit siya nahulog sa hagdan. Kasalanan ko kung bakit siya nag-aagaw buhay ngayon.
"Besh, kumalma ka lang. Huwag mong i-stress-in ang sarili mo. Tandaan mong buntis ka. M—magiging maayos din ang lahat, okay? T—tahan na..."
Niyakap ako ni Marga habang pareho kaming umiiyak. Sinugod sa pinakamalapit na ospital si Tita Leticia. Naestatwa lang ako sa kinatatayuan ko kanina at hindi ko na alam kung paano sila nakaalis sa mansyon patungo sa ospital. I saw how Sid carefully carried his Mom—full of blood. Malakas ang pagkakabagok niya sa puno ng hagdan at natatakot ako sa maaaring mangyari sa kanya.
Diyos ko, huwag naman sana. Kahit ayaw sa 'kin ni Tita Leticia ay hindi ibig sabihin no'n na ginusto kong mapahamak siya. Nirerespeto ko siya katulad ng pagrespeto ko kina Mama at Papa.
"M—marga, paano kung malala ang lagay niya? P—puntahan natin siya, please? G—gusto kong malaman ang kalagayan niya. N—natatakot ako. Hindi kakayanin ng konsensya ko. M—makukulong ako, Marga. Oh, God!"
Impit akong humagulgol. Iniisip ko pa lamang ang mangyayari sa akin ay parang pinapatay ako sa takot. Handa akong panindigan ang kasalanan ko pero hindi ako handa para kina Mama at Papa, sa kapatid, at sa magiging baby ko. Paano na sila kapag nakulong ako? Mahihirapan sila.
"Serenity, huwag nang matigas ang ulo. Buntis ka. Kung hindi ka concerned sa sarili mo, atleast kahit sa bata na lang na nasa tiyan mo. Bawal sa 'yo ang stress kaya't dito ka lang, okay? Huwag kang mag-alala, babalitaan kita. Dito ka lang."
Marahan akong hinawakan ni Marga at pinaupo pabalik sa sofa.
"Besh, please lang, huwag kang masyadong mag-isip ng kung anu-ano. Nandito lang ako para sa 'yo. Tahan na..."
But how can I stop crying when Marga's crying with me as well? Alam kong may mali at hindi ako mapalagay hangga't hindi ko nalalaman ang kalagayan ngayon ni Tita Leticia. Kailangan ko siyang puntahan. Kailangan kong masiguro na okay siya.
"S—sorry, Marga. Pero hindi ako patatahimikin ng konsensya ko. Kailangan kong pumunta sa ospital. Kahit silip lang, kahit saglit lang, matatahimik na ako."
"Pero, Serenity..."
"Si Sid. Kailangan niya ako. Kailangan niya kami ng magiging baby niya. P—puntahan natin siya please?" I begged.
Marga sighed in defeat. Niyakap niya ako nang mahigpit at dahan-dahang tumango pagkakalas niya sa 'kin. Ngumiti ako sa tuwa kahit hilam sa luha ang aking mga mata.
Hindi na ako nag-abalang ayusin ang sarili ko. Magulo ang aking buhok at namumula ang ilalim ng aking mga mata. Gano'n pa man ay hindi ko magawang bigyan ng halaga ang ayos ko. Gustong-gusto ko na agad makarating ng ospital. Gusto kong makita si tita at makausap si Sid.
Dumiretso ako sa backseat ng kotse ni Marga, habang katabi naman niya ang kanilang driver. Pinagsalikop ko ang aking mga kamay. Para bang hindi ako makapaghintay na makarating sa pupuntahan. Sinusubukan kong kong pagaanin ang pagtahip ng aking didbib ngunit hindi ko magawa. The image of Tita Letica helplessly falling off the stairs keeps on playing in my mind. Tila nakakulong ang malakas na sigaw ni Sid sa aking tainga na hanggang ngayon ay tila dinig na dinig ko pa.
Halos takbuhin ko ang entrance ng ospital pagkababa ko ng kotse. Hindi ko inalintana ang pagtawag sa 'kin ni Marga.
"Dahan-dahan naman, Serenity!"
Kandatakbo ako sa information at nagtanong.
"Miss, nasaan po si Leticia Dela Vega?" nanginginig kong tanong.
"Kaanu-ano n'yo ho ang pasyente?"
Saglit akong natigilan at tiningnan ang receptionist na para siyang alien na biglang tinubuan ng sungay.
"Ahhh—girlfriend po ako ng anak niya."
Kinunutan niya ako ng noo ngunit sumagot din naman pagkatapos niyang magtipa sa computer.
"Kaka-transfer lang po sa ICU ng pasyente."
Napatda ako. Bumalong ang luha sa aking mga mata. Kahit hapding-hapdi na ang mga ito'y tila hindi maubos-ubos ang aking mga luha.
"Besh? Ano raw?" Si Marga. Hinawakan niya ako sa magkabilang kamay.
"Nanlalamig ka. Ano'ng sabi ng receptionist?"
Nanginginig ang boses kong sumagot kay Marga, "N—nasa sa ICU si—"
Suminghap siya't nanlaki ang mga mata. "Mahabaging Emre!"
Nagpatianod ako sa kanya nang marahan niya akong hinila papunta sa aming sadya. Bawat hakbang ko'y pabigat nang pabigat. Hinihila ako ng sahig na inaapakan ko.
Nang tuluyan kaming makarating sa aming pakay ay parang pinipiga ang aking puso nasaksihan ko. Sid was pacing back and forth in front of the ICU. Gulong-gulo ang kanyang buhok at para siyang biglang tinalikuran ng mundo.
Bumagal ang aking paghakbang habang papalapit sa kanya. Napatakip ako ng aking bibig nang sa wakas ay napansin niya ang presensya ko.
Ilang segundo kaming nagkatitigan bago ako napapiksi sa biglang pagdagundong ng kanyang boses.
"What are you doing here?"
"S—sid." My lips parted.
"Leave!" he yelled as he pointed the exit. Humagulgol ako.
Hinawakan ako ni Marga sa braso upang suportahan.
"G—gusto ko lang naman makita si Tita."
Sid gasped with sarcasm. Nameywang siya't napasentido. Tila lalamunin niya ako nang buhay.
"I don't understand how you even managed to show yourself here after what happened. Well, you wanted to make sure you've succeeded?"
Napaatras ako nang bigla niya akong dinuro.
"She's there, fighting for her life! Are you happy now?"
"Hindi ko sinasadya, Sid. Please, makinig ka naman sa 'kin." Sinubukan ko siyang hawakan ngunit umiwas siya.
"Hindi sinasadya?" he laughed sarcastically.
"Lahat na lang hindi mo sinasadya. Pati ba ang panloloko mo sa 'kin ay hindi mo sinasadya? How dare you make a fool out of me!"
"Sid, please..." pagmamakaawa ko. I tried reaching him out but he pushed me away.
"Besh, tara na." Hinawakan ako ni Marga ngunit mabilis akong tumutol.
"Leave, Serenity. Umalis ka na habang napipigilan ko pa ang sarili ko. Leave and don't ever show yourself again."
Umiling ako. "K—kailangan ka namin. Kailangan ka namin ng magiging anak mo."
Natigilan siya't nagtatakang tiningnan ako. Kahit lumuluha'y binigyan ko siya ng maliit na ngiti. Sunod-sunod din akong tumango.
"Yes, Sid. Buntis ako at ikaw ang ama."
Napaawang siya't pinakatitigan ako.
"M—magkakaanak na tayo," mahinang dugtong ko sa aking sinabi.
Biglang tumalon ang puso ko nang bigla niya akong nilapitan at marahang hinawakan sa panga. Our eyes meet and we stared at each other for few seconds.
Ngunit bigla akong napangiwi nang humigpit ang pagkakahawak niya sa aking panga.
"S—sid, anong ginagawa mo--?"
He mocked at me.
"I defended you against my mom, Serenity. I did not believe everything that she said about you," hirap niyang sabi.
"Sid..."
"But look what happened." Dumilim ang kanyang mukha.
"Mom was totally right. You're a conniving bitch."
Napaawang ako nang biglang dumaan ang isang patalim sa aking dibdib.
"And now you're claiming that you're pregnant?" umigting ang kanyang panga.
"Tandaan mo, hindi lang ako ang lalaki mo."
Marahas niya akong binitawan sa panga. Huminga ako nang malalim para hugutin ang matulis na patalim na nakabaon sa aking dibdib ngunit naunang bumuhos ang luha sa aking mga mata.
"Wala kang karapatang pagsalitaan ng ganyan si Serenity!" Marga warned.
"Don't get yourself involved here, Marga. Ilayo mo siya sa harapan ko ngayon din!"
"Talagang ilalayo ko siya kung gaganyanin mo lang din pala ang bestfriend ko. Pagkatapos mo siyang tikman at buntisin, ano? Kalimutan na lang? Thank you, goodbye. Gano'n? Aba! Ibang klase ka!"
"Marga, tama na..." I murmured. Ni hindi ko rin narinig ang sarili kong boses. I felt too weak to even speak. Tagusang nakatarak sa puso ko ang bawat salitang binitawan ng lalaking mahal ko.
"Hindi, besh! Naiintindihan ko kung galit siya dahil sa nangyari pero ang akusahan ka ng mga bagay na hindi mo ginawa ay hindi ko kayang palampasin!" Marga threw a dangerous glare at Sid.
"Wala ka pala, eh! Ipinagkatiwala ko sa 'yo ang bestfriend ko tapos gaganituhin mo lang? Sana pala hindi na lang kita tinulungang mapalapit sa kanya! Pakyu hanggang sa dulo ng mundo!"
Marga flipped her hair before raising her middle finger. Blangko lang siyang tiningnan ni Sid.
"Tara na, besh. Sinasabi ko na nga ba, sana hindi na lang kita sinamahan dito."
Hindi ko alam kung paano ako nakarating hanggang sa tapat ng koste nila Marga. Tila nakalutang ako sa hangin at hindi ko nararamdaman ang pag-apak ng aking mga paa sa sahig. Naninikip ang dibdib ko't hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko.
Tulala ako sa buong biyahe. Kahit nang makarating na kami sa tapat ng apartment ay hindi rin ako gumalaw sa kinauupuan ko. It was Marga who helped me out. Tila tumigil sa pagbomba ng dugo ang aking puso dahil ayaw makisabay ng aking katawan.
"Besh, uy. Magsalita ka naman. Kausapin mo ako, ano ba?!"
Ayaw ko. Hindi ko kayang ibuka ang aking mga bibig. Ramdam ko iyong may kalakasang pagyugyog sa 'kin ni Marga ngunit parang wala iyong bearing sa nararamdaman ko.
Umuukilkil sa utak ko ang mga sinabi ng taong mahal ko. Bakit? Paano? Paano niya nakayang baliwalain ako?
Hindi ba siya masayang magkaka-baby na kami? Akala ko ba ako lang ang pangarap niyang maging ina ng mga anak niya? Bakit parang nauupos akong kandila habang inuulit-ulit sa utak ko ang kanyang mga sinabi?
"Besh, huwag mo nang isipin ang sinabi ni Isidoro, okay? Nandito naman ako. Hinding-hindi kita pababayaan kaya kausapin mo 'ko."
Naaawa ako kay Marga ngunit kahit ano'ng gawin kong pagbukas ng aking bunganga aya wala man lang na lumalabas na mga salita. Tila naumid ang aking dila.
"Serenity Bautista, magsalita ka!"
Iniisip ko iyong nasasaktang mga mata ni Sid. Alam kong masyado ko siyang nasaktan sa nangyari. Siguro'y nabigla lang siya dahil sa nangyari.
Kahit ano'ng mangyari, hindi-hindi ko siya susukuan kahit na ang katumbas no'n ay ang pagsuyo ko sa kanya araw-araw.
Marahan kong hinaplos ang promise ring na ibinigay niya sa 'kin. Napangiti ako nang maalala ko ang araw na ibinigay niya ito sa 'kin. Our promises to each other were engraved on this ring. At katulad ng gintong singsing na ito'y hindi matitibag ang pag-asa sa puso kong magiging maayos din ang lahat.
I will never give up on you, Sid.
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro