Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 19

Chapter 19

Para kang pringles, once you pop, you can't stop. I missed you, Love.

"Kaya naman pala nagkakamatis ang kutis ni madam!"

Mabilis kong itinago ang cellphone ko nang bigla dumungaw si Marga. Muntik pa kaming magkauntugan dahil nasa uluhan ko lang pala siya't nagbabasa ng text sa 'kin ni Sid!

"Bruha ka!" bulalas ko.

Nasa mini-forest kami at naghihintay ng ibang mga signatories para sa clearance namin. Patapos na ang semester kaya't abala ang lahat sa patungo't parito kakapapirma ng clearances.

"Sus! Ang damot mo pagdating kay Fafa Sid. Nakikikilig na nga lang ako sa love life n'yo, pinagdadamot mo pa!"

Inirapan ko siya. Ugali niya talaga magbasa ng mga mensahe sa cellphone ko. Minsan nga mas nauuna pa siyang magbasa. Kunwari hinihiram niya kasi makiki-text lang, 'yon pala nakikibasa na ng inbox ko! Malala pa minsan dahil nag-te-text pa ng kahalayan kay Sid!

Hinding-hindi ko makakalimutan 'yung tinext niya minsan kay Sid na, I missed your lips at I missed hugging you. Kaya magmula noon ay hindi ko na siya pinapahiram ng cellphone ko kahit anong gawin niyang palusot. Buti na lang at simpleng marupok din 'yung boyfriend ko kaya hindi niya napansing mahalay ang mga texts para sa kanya.

"Bakit hindi ka na lang kasi mag-jowa na rin para kiligin ka? Hindi 'yung pinag-ti-tripan mo kami ni Dela Vega."

"Ang problema kasi, ako lang ang nagpapakilig, hindi ako pinapakilig! Hmp!"

"Matuto ka kasing magpakipot para kikiligin ka rin kapag nag-effort 'yung tao sa 'yo."

"Ang tanong, mag-e-effort ba? Hay naku, huwag mo na akong pangaralan, besh. Kung walang magkakagusto sa 'kin, pake ko? Hindi naman mga boys ang nag-po-produce ng oxygen sa mundo. Kaya mabubuhay ako kahit wala sila!"

Maarte niyang pinagkrus ang kanyang hita. Napailing ako.

"Pero maiba tayo, ano'ng balak mo sa third monthsary n'yo ni Fafa Sid? Sosorpresahin mo ba siya?"

Natigilan ako nang maalalang March 28 na pala bukas. It's our third month of being official. Kaybilis ng takbo ng panahon. Sa loob ng tatlong buwan na iyon ay wala akong maalalang nagkaroon kami ng malalim na away. Sid has always been very thoughtful and understanding. Kahit na naging abala siya sa pag-comply ng mga requirements para sa graduation niya ay hindi pa rin niya nakakalimutang maglaan ng oras para sa 'kin. In fact, he's been extra sweet and caring.

He'll be graduating tomorrow. Kasabay niya ang tatlo niyang kaibigan na sina Levi, Elliot, at Theo. Kami naman ni Marga ay isang taon pang magbubuklat ng mga libro bago matanggap ang diploma.

Pumangalambaba ako sa ibabaw ng sementong lamesa. Ano nga ba? Wala akong maisip.Hindi naman kasi ako talaga nagbibigay ng regalo. Ayaw ni Sid na gumagastos ako. Alam niyang sakto lang sa pangangailangan ko ang allowance ko kaya't ayaw na ayaw niyang binibilhan ko siya ng anumang gamit.

"The best gift for me is when you said yes. Ikaw ang kailangan ko, Love. Hindi ang mga materyal na bagay."

Natatandaan ko iyong sinabi niya noong first monthsary namin. Tinipid ko kasi ang baon ko noon para lang makapag-ipon at maibili siya ng regalo. Nalaman niya iyon kaya't pinagsabihan niya ako.

"Alam ko na!"

Pumitik sa ere si Marga.

"Bakit hindi mo na lang siya gawan ng banner para sa graduation niya bukas? Yung may background na kalapati at puting mga ulap—aray, besh!"

"Not funny!" I scowled at Marga.

"Hindi mo ba alam na uso 'yan ngayon? Trending nga 'yan sa social media. Ang arte mo talaga."

"Hindi ibig sabihin na trend siya ay makiki-trend ka rin. Hindi kami mga batang hamog na kahit magmukhang pathetic e gagawin ang lahat para lang mapansin."

Ang totoo'y mas iniisip ko kung ano na ang mangyayri sa amin ni Sid pagkatapos ng graduation niya. He will surely be a lot busier once he landed a job. Samantalang ako isang taon pang magiging estudyante.

Bumuntong hininga ako.

"Ang lalim no'n, senyora. Bakit parang pinagsakluban ka ng langit? Hindi ba dapat masaya ka kasi magta-tatlong buwan na kayo ni Fafa Sid pero hanggang ngayon patay na patay pa rin siya sa 'yo?"

"Hanggang kailan? Paano kung lumawak na ang mundo niya? Hindi malayong makakakilala siya ng bagong babae sakaling magsimula na siyang magtrabaho. Paano kung mapagod siya sa 'kin?"

Pinanlisikan ako ni Marga.

"Ang problema sa 'yo, ang dami mong what ifs. Nakakasira lang 'yan ng relasyon. Alam mo kung may tiwala ka sa kanya, hindi ka mag-iisip ng ganyan. Ang unfair naman kay Fafa Sid na pinapangunahan mo 'yung feelings niya. Huwag kang paranoid, nakakasira 'yan ng pag-iisip."

I sighed again. Marga was right. Hindi ko dapat pinag-iisipan ng masama ang relasyon namin ni Sid. Isa pa, hindi niya kailanman ipinaramdam sa 'kin na maaaring magkagusto siya sa ibang babae. There's a lot of girls aiming and salivating about him but he never cared at all.

"Alam mo ang mabuti pa mag-mall na lang tayo para makapag-relax ka. Next week na lang ulit tayo magpa-sign. Malay mo, baka may maisipan ka pang iregalo sa jowa mo."

Tumango ako kay Marga saka tumayo. Minsan nakaka-guilty rin na nag-iisip ako nang masama tungkol kay Sid samantalang wala naman siyang ginagawang masama.

Mabuti na lang at naisipan kong magsuot ng casual ngayong araw, hindi nakakahiyang maglibot-libot sa mall.

Sa pinakamalapit na mall kami bumaba. Isang sakay lang ng jeep mula sa MIU.

I sent a text message to Sid na huwag na niya akong sunduin mamaya. He's been very busy pero halos araw-araw pa rin naman niya ako sinusundo at hatid sa apartment. Kanina nga lang ay umalis siya kaagad pagkasundo at hatid niya sa 'kin dahil kailangan niyang sunduin and daddy niya sa airport.

Yes, his parents are coming back here in the Philippines to attend his graduation. Pabalik-balik kasi raw ang mga iyon sa labas ng bansa dahil sa negosyo.

"Are you sure you're going to be fine, Love?"

Agad niya akong tinawagan pagkatapos ng ilang segundong mai-send ko ang mensahe. Simple gesture yet it's one of the reasons why I am loving him deeper everyday.

"Oo naman. Saka, huwag mo nang abalahin ang sarili mo. Makikisabay raw ako mamaya sa sundo ni Marga."

I heard him sighed in relief on the other line.

"Alright, then. Enjoy yourself there. Please keep me updated every hour, okay?"

Natawa ako.

"Okay. Sige na, mag-iingat ka."

"I love you, Love. I'll see you tomorrow morning."

"I love you, too. See you."

Nang maibaba ko ang tawag ay nakabusangot na mukha ni Marga ang bumungad sa 'kin. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Minsan nakakairita rin 'yung pagka-protective sa 'yo ni Fafa Sid. Pa'no tayo mag-e-enjoy kung tawag siya nang tawag sa 'yo? Hay naku!"

Bumelat lang ako at sinundan siya ng lakad

We strolled on different boutiques. As expected, puro mga signature items na naman ang pinagkakaabalahan niya.

I tried looking for something para kay Sid ngunit halos lahat na yata ng naisip ko ay mayroon na siya.

It's really hard to think about a gift for someone who already had almost  everything. Hindi ko rin naman afford 'yung mga mamahaling relo kasi for sure mas mahal pa sa kaya kong bilhin ang suot niya.

"Alam mo, Serenity, hindi importante kung mamahalin o mumurahin ang ibibigay mo sa kanya. It's the thought that counts. For sure naman hindi tatanggihan ni Fafa Sid kahit bigyan mo 'yun ng brief na tig-150. Adik sa 'yo 'yon, e."

Namula ako at tinampal si Marga.

Lumipat na kasi kami sa men's section ng department store pero wala pa rin akong mahanap.

"Tara na nga muna. Mag-milktea na lang tayo. Nai-i-stress na ako sa 'yo."

Nagpahila ako sa kanya sa Chatime saka naupo roon.

Siya ang um-order at pagbalik ay iniwan niya sa 'kin ang resibo at maliit na order buzzer.

"Wash room lang muna ako. Babalik ako kaagad. Na-ji-jingle na talaga ako, besh," aniya at halos patakbong lumabas ng Chatime.

Agad kong kinuha sa counter ang order namin nang umilaw na 'yong order buzzer.

"Enjoy your milktea, Ma'am!"

"Thank you!"

Ngumiti ako sa crew saka tumalikod para bumalik sa puwesto namin kanina. Ngunit napasinghap ako nang  malakas akong bumangga sa kung sinuman.

Natapon ang milktea. At ang malala pa'y natapon ito sa damit ng nakabangga ko.

Mabilis na dumalo ang crew sa amin.


"I'm sorry, hindi ko sinasadya. P--pasensya na talaga," nahihiyang sabi ko.

Taranta kong pinahid ng tissue ang milktea na tampon sa kanyang damit. He's wearing while polo-sleeves pa naman. Nakatupi sa siko nito ang laylayan. He looked so manly and authoritative.

"It's okay, Miss..." aniya. Inalis niya iyong kamay ko sa kanyang damit.

"But I don't accept apologies. You have to pay me for this. Look, I have an important meeting today tapos gaganituhin mo lang ang attire ko? Pinaghirapan ko rin 'to, ha."

I checked his clothes. I knew those were signature clothes at hindi ko afford bayaran. Kung magkagipitan man ay tatakbo na lang ako, bahala na. Mauuna akong umuwi kay Marga.

"Pasensya na pero wala akong pambayad. Hindi ko naman sinasadya."

"Hmm..." Nag-isip siya.

"May naisip ako kung pa'no mo ako mababayaran. Halika."

Bigla niya akong hinatak kaya't nataranta ako.

"Wait! Saan mo ako dadalhin?" Hinatak ko pabalik ang kamay ko.

"My mom and her friend are waiting for me in the restaurant. Tiyak na pipilitin na naman nila akong i-date ang kung sinu-sinong babaeng napulot nila. They're desperate for me to have a girlfriend. You will save my day today, I will introduce you as my girlfriend para tantanan nila ako. Don't worry, pagkatapos nito hindi mo na ako makikita. Mga 30 minutes lang na pakikipagplastikan ang gagawin then bayad ka na sa utang mo," dire-diretso niyang sabi na ikinanlaki ng mga mata ko.

"What?" hindi-makapaniwalang tanong ako.

"You head it right, Miss. Kaya sumunod ka na lang sa 'kin kung ayaw mong pagbayarin kita ng dinumihan mong damit ko."

Was he serious? Ni hindi ko nga siya kilala. Buong lakas kong binawi ang kamay ko sa kanya.

"I'm sorry, hindi kita kilala. Isa pa, m--magagalit ang boyfriend ko."

"Ay! Grabe ka naman, ateng! Hindi naman kita aagawin sa jowabels mo. Wala akong gusto sa 'yo, 'no! Like eww!" nandidiri niyang tugon.

Napatakip ako ng bibig.

"Yes, I'm gay. At nandito ngayon sa mall ang mommy ko at ang amiga niya. Nag-alibi kasi akong may date ako with my girlfriend para hindi niya ako pilitin na sumama. Sige na, sissy, kahit 30 minutes lang. Magpapanggap ka lang naman then tsupi ka na. Ako na bahala magtapos ng kuwento pagkatapos nito."

Pinagsalikop niya ang mga palad niya at nag-puppy eyes. Bumuntonghininga ako.

"Fine, but I don't even know you--"

"My name is Rafael but you can call me Rufa 'pag tayo lang dalawa."

Tinanggap ko iyong kamay niyang nakalahad.

"Serenity."

"Ay! Bongga! Ang virgin ng pangalan!"

Napangiwi ako.

Sumama ako sa kanya sa Level 3 ng mall. At habang papunta roon ay binigyan niya ako ng instructions para sa mga dapat gawin.

Okay, Serenity. Thirty minutes lang naman.

I just sent a message to Marga na mauna na ako dahil may biglaang lakad. Tawag siya nang tawag pagkatapos no'n pero hindi ko na nasagot.

Sa isang mamahaling restaurant kami pumasok. Dinala kami ng waiter sa pang-apatang lamesa kung saan may dalawang ginang na nakaupo. Based on their looks, they're crazy rich!

"Mommy." Tumikhim si Rafael. Lihim akong natawa dahil biglang naging lalaking-lalaki ang boses niya.

"Rafael!"

Sa tingin ko'y nasa late 50's na iyong ginang. She's wearing signature clothes and expensive diamonds.

"Tita Leticia!"

Humalik si Rafael sa isa pang ginang na mukha kaibigan ng mommy niya.

"Glad you made it here, iho! Mabuti na lang pala at dito kami dumiretso ng mommy mo."

"Yes, Tita. Sinamahan ko lang ang girlfriend ko." Marahan akong hinila ni Rafael palapit sa kanya.

Napangiwi na naman ako. What did I get myself into?

"Mom, Tita... This is Serenity, my girlfriend."

Kumislap iyong mga mata ng mga ginang.

"Oh my God! She's so beautiful, son!"

Halos yakapin ako ng mommy niya no'ng bumeso siya sa akin. Sa kaloob-looban ko'y nakokonsensya ako. Ngunit naaawa rin naman ako kay Rafael. I know that it's hard for him to reveal himself just yet.

"S--salamat po."

Pati iyong kumare ng mommy niya na si Leticia ay nagustuhan din ako para kay Rafael dahil tuwang-tuwa rin ito.

"Kaya pala ilang beses mo nang tinanggihan ang mga nirereto namin ng mommy mo sa 'yo, iho, dahil napakaganda pala nitong girlfriend mo. Sana ipinakilala mo siya kaagad sa amin."

Pinaghila ako ni Rafael ng upuan matapos umupo ng mga ginang.

"Oo nga naman, anak. Unfair naman kay Serenity na nirereto ka namin sa iba samantalang kayo na pala."

"Mom, it's okay. At saka, naging busy rin sa school si Serenity. Isa pa, kasasagot niya lang sa 'kin last week."

Tumango-tango ang mga ginang. Ang smooth magsinungaling ni Rafael infairness.

Marami pang itinanong ang mommy niya at ang amiga nito pero puro si Rafael ang sumagot dahil baka mabisto.

True to his words, hindi umabot ng 30 minutes ang kuwentuhan dahil umalis din kami kaagad.

Rafael thanked me big time at inihatid pa ako sa sakayan pauwi.

"Tatanawin ko itong utang na loob. Maraming salamat, Serenity."

"It's okay. Atleast bayad na ako sa utang ko. Pero sana soon enough ay masabi mo na sa kanila ang totoo. They deserve to know the truth."

May dumaan na lungkot sa kanyang mga mata.

"I know naman, sissy, pero hindi pa talaga ngayon. Salamat talaga for saving my day!"

He hugged me lightly. Ang gaan ng loob ko sa kanya kahit kakakilala ko pa lang sa kanya. Maybe because I have a gay bestfriend as well.

Pagkauwi ko ng bahay ay saka ko binuksan ang cellphone ko. Puro missed calls galing kay Marga at Sid.

Nagpadala na lamang ako ng mensahe kay Marga na nakauwi na ako. Ayun minura ako dahil 'yung milktea niya naging tae.

Sinagot ko kaagad 'yung tawag nang biglang nag-ring ang cellphone ko.

"Love? What took you so long to answer my calls?"

"Ahh... S--sorry, Love, nasa washroom kasi ako kanina. At saka nawili rin ako kakalibot pero nakauwi na ako."

Napapikit ako. This is the first time that I lied to him and I swear it's awful.

"I see. Good. We're heading home as well. Kasama ko na si dad. I'm sure they will like you. You will meet my parents tomorrow."

"What?"

Nagulantang ako at napahawak sa aking dibdib.

"Yes, Love. Is there any problem? Don't worry, they will surely love you, specially Mom."

"Ha? K--kasi, hindi ba masyado pang maaga para makilala ko sila?"

This guy really never fail to surprise me. Rinagasa ng kaba ang puso ko.

"Love, they will love you, okay? Trust me."

Bumuntonghininga ako. I'm not prepared for this.

Hindi tuloy ako masyadong nakatulog kinagabihan. Halos madaling araw n2 ako natulog.

...

Sabog pa ako kinaumagahan nang bumungad sa pinto ng apartment si Sid. His bright perfect welcomed my eyes. May bitbit siyang isang bungkos ng preskang mga rosas.

"Good morning, my sunshine!"

Napaatras ako nang bigla niya akong niya akong hinalikan.

"Hindi pa ako nagmumog!" Bulalas ko.

Tawa siya nang tawa.

"Seriously, Love? You look lovely in my eyes kahit hindi ka pa naliligo."

"Tse!" Inirapan ko siya at pumasok sa banyo para maligo.

He waited for me. He shared breakfast with me as well. May dala siyang pagkain mula sa kanila. Sabay kaming pumunta ng MIU para sa graduation.

Pagkarating ng eskuwelahan ay niragasa na naman ako ng kaba.

"Relax, Love."

Inalalayan niya akong bumaba ng kotse. Sabay kaming pumunta ng stadium para sa graduation rights. Ngunit bago pa man kami makarating doon ay may mag-asawang sumalubong sa amin.

"Anak!"

A man in his 60's called his attention. Namangha ako. Kamukhang-kamukha niya si Sid. Ngunit ang nakapagpagulantang ng pagkatao ko ay ang asawa nito.

"Mom, Dad, this is Serenity, my girlfriend."

Inakbayan ako ni Sid. Inihanda ko iyong ngiti ko para sa kanila ngunit gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makumpirma ko ang kutob ko.

"She's your girlfriend?"

Pinakatitigan ako ng mommy niya mula ulo hanggang paa. Gustong-gusto ko na lang matunaw ngayon sa kinatatayuan ko.

"Yes, Mom. Isn't she lovely?" malambing na wika ni Sid at hinapit pa ako lalo. Halos marinig ko na iyong tibok ng puso ko.

Parang lalasunin ako ng mommy niya sa klase ng tingin nito sa 'kin. Napayuko ako't napapikit nang mariin.

"Mom?" Sid asked politely.

Biglang nagbago ang timpla ng mukha ng mommy niya. Ngumiti ito nang malapad sa 'kin. Nabigla na lang ako nang bumeso siya.

"She's not just lovely, son. I like her, she's beautiful and looks decent," she declared.

Pinagsisisihan kong pumayag ako sa pamimilit ni Rafael kahapon sa mall na magpanggap na girlfriend niya.

'Yung Tita Leticia niya at ang mommy ni Sid ay iisa!

©GREATFAIRY


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro