Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 15

Chapter 15

"AT sino ka naman?"

Agad akong binitiwan ni Ronald. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Hinaplos ko ang namumulang braso ko. He almost gripped me to death.

Mariin silang nagtitigan. Kung kanina'y napakalakas ng kabog ng puso ko sa takot, ngayon naman ay napakabilis ng tibok nito dahil sa presensya ng taong hindi ko inaasahang pupunta rito.

Anong ginagawa niya rito sa labas ng apartment ko?

"You do not touch a woman like that," he declared. Nagtatagis ang kanyang mga ngipin.

"Ano'ng pakialam mo?" maangas na balik-tanong ni Ronald.

Napapiksi ako nang akmang susuntukin siya ni Sid.

"Huwag!" Hinawakan ko siya sa kamay at pumagitna sa kanilang dalawa.

"Pakiusap, umalis ka na, Ronald," mahinahong sabi ko. I can feel the fast-breathing of Sid behind me. Hawak-hawak ko pa rin ang kamao niyang handa nang manuntok kay Ronald.

"Siya ba ang ipinagmamalaki mo, Serenity? Siya ba ang ipinalit mo sa 'kin?" maanghang na tanong ni Ronald. He even spit beside him.

"Ayaw ko ng gulo, Ronald. Tapos na ang kung anuman meron tayo noon. Kailangan ka ni Tessa kaya't umuwi ka ng Bicol."

"Fck your excuses, Serenity!"

"Ronald!"

Napahigpit ang hawak ko kay Sid nang akmang susugurin niya na naman si Ronald. Tuluyan kong iniharang ang katawan ko sa kanya.

"Step away, Serenity. No one can talk a shit on you! This asshole needs a lesson," he commanded. But I tightened my grip on his fist.

"Tama na, please?" pakiusap ko. He looked down on me. Nakita ko kung paano siya nagpipigil na sugurin si Ronald.

Hinarap ko si Ronald habang nasa likod ko si Sid.

"Siguro pinagkaisahan n'yo ako ng pinsan mo, 'no? Siguro ikaw ang nag-utos kay Tessa na akitin ako noong lasing ako para may dahilan ka nang hiwalayan ako," aniya.

"Hindi totoo 'yan!"

"I know better, Serenity." Nag-aalab man ang kanyang mga mata sa galit ay halatang may mga luhang nagbabadya roon. Nanikip ang dibdib ko.

"Panalo ka man ngayon, sisiguraduhin kong pahihirapan ko si Tessa. Siya ang sasalo ng lahat ng galit ko sa 'yo, Serenity. Hinding-hindi kayo magtatagumpay! Itaga mo 'yan sa bato!" mariin niyang wika bago umalis. Sinipa pa niya ang pasong nadaanan niya.

Napahagulgol ako't napaupo sa sahig. Bumalatay sa puso ko ang pag-aalala para sa pinsan ko.

Diyos ko, tulungan n'yo pong huminahon si Ronald. Pinagsalikop ko ang aking mga kamay at piping nagdasal. Mali man ang ginawang panghihimasok ni Tessa sa relasyon namin noon ni Ronald, hindi naman ibig sabihin no'n ay wala na siyang karapatang sumaya. Nagmahal lamang siya.

Anyone can do wicked things because of love. Nagkataon lamang na siya ang naging biktima ng pagkakataon.

"Stop crying. You look hilarious."

Natigilan ako at napatingala sa pinanggalingan ng boses. Muntik ko nang makalimutang naririto pala siya. Yumuko ako't pinahid ang aking mga luha gamit ang aking kamay.

"A—anong ginagawa mo rito?" nakayukong tanong ko. Bigla akong tinubuan ng hiya. Tiyak na ang sagwa ng ayos ko ngayon lalo na't kagigising ko lang.

"Can you atleast stand up?" he darted. Nakalahad ang kanang kamay niya sa akin.

Pagkatapos kong mapahid ang aking mga luha'y tumayo ako at nagpagpag. Hindi ko inabot ang kanyang kamay.

"Stubborn as usual," he murmured. Pinanlisikan ko siya.

"Ano'ng sabi mo?"

"Nothing." Ibinaba niya ang kanyang kamay at inilagay sa kanyang bulsa.

"B—bakit ka nandito?" muling tanong ko. Umiwas ako ng tingin.

Seriously? I did not expect to see him here. Maliwanag pa sa ulo ng panot ang sinabi niya kaninang ayaw niya akong makita, tapos makikita ko siya ngayon rito?

"Napadaan lang," maikling tugon niya. Lumikot ang kanyang mga mata.

"Napadaan? Nasa second floor itong apartment ko, napadaan ka lang? Talaga?"

I stared at him suspiciously.

"Tss. You should be thankful I was here to save you from your ex."

Tinikom ko ang aking mga bibig. Hindi ko pa rin talaga makakalimutan ang sinabi niya kanina. Bumalik sa akin ang pamilyar na sakit. Parang may dumaang kidlat sa aking dibdib.

"Maraming salamat kung gano'n. Mabuti na lang napadaan ka." Pinilit kong ngumiti.

Hindi siya sumagot. Nakapamulsa pa rin ang kabilang kamay niya at nasa batok ang kabila. Parang may inaayos doon.

"S—sige, pasok na ako."

Hinawakan ko ang doorknob. Akmang papasok na ako nang bigla niya akong tinawag.

"A—ahh, Serenity..."

Lumingon ako, "Bakit?"

Napakamot na naman siya sa batok at hindi makatingin nang diretso sa akin.

"Ano'ng sasabihin mo?" pag-uulit ko.

"N—nothing. You can get inside."

Bumuntonghininga ako. Medyo nag-expect pa naman ako na may sasabihin siyang importante o 'di kaya babawiin niya lahat ng sinabi niya kanina sa akin sa cafeteria. Siguro'y katulad ng nangyari sa amin ni Ronald, kailangan ko na ring kalimutan ang lalaking ito. Kailangan kong tanggapin na kahit sa panaginip ay hindi na kami magkakaayos.

"S—sige."

Pumasok na ako sa pinto nang mabigat ang loob. Ngunit bago ko pa iyon maisara ay muli niya na naman akong tinawag.

"Ahhh, wait! Serenity!"

Kinunutan ko siya ng noo at nagtatakang tiningnan siya.

"Bakit? May nakalimutan ka?" tanong ko.

"N—nothing. Mas guwapo pala ako sa ex mo," aniya.

Binagsakan ko siya ng pinto.

...

"SERIOUSLY? May gana pang sumugod sa 'yo ang Ronald na iyon pagkatapos ng ginawa niya?" hindi-makapaniwalang bulalas ni Marga.

Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari sa labas ng apartment noong Biyernes. Gaya ng inaasahan ay tila umuusok na naman ang ilong niya sa inis. Hindi niya talaga bet si Ronald.

"May pinanggalingan ang galit niya, Marga. Hindi pa niya lubusang natanggap ang nangyari. Sana lang ay huwag niyang pagbuhatan ng kamay ang pinsan ko. Magkakaroon na sila ng anak."

"Naku, ha! May gana ka pang ipagtanggol ang tarantadong 'yon? Ano'ng gusto niya? Kay Tessa siya nagtanim ng binhi tapos pati ikaw aanihin niya? Sana bago siya nagtanim ng sperm niya sa pinsan mo, inisip niya munang hindi iyon tutubo sa ibang tiyan. Gago!"

"Watch your mouth, Marga. Chill ka nga lang," pagpapakalma ko. Namumula na iyong pisngi niya sa gigil. Napailing na lamang ako.

"Kasi naman, meym, nakakagigili 'yong ex mo. Pasalamat siya't hindi pa nagtatagpo ang landas namin, kung hindi, ipapalapa ko siya sa doggy ko."

"Hayaan na lang natin siya, Marga. Siguro naman iyon na ang huling pangangambala sa akin ni Ronald. Ipinagdadasal ko nga na sana maliwanagan na ang pag-iisip niya. Lalo na at kailangan na kailangan siya ng magiging mag-ina niya."

Marga and I sighed in unison. Pinuntahan niya ako rito sa Student Council Office para makapag-usap kami. Tuwing vacant period at wala akong gagawing research ay dumidiretso ako rito para mag-encode ng mga resibo ng mga ibinayad ng mga estudyante sa council fee ngayong semester.

"Maiba tayo. Ano naman ang balak mo ngayon kay Fafa Sid?"

"Kakalimutan ko na siya, Marga, At saka, nag-usap na kami, 'di ba? Wala naman kaming pinanghahawakan sa isa't isa simula't sapol. Hayaan na natin iyong taong manahimik."

Tila may bumikig sa lalamunan ko nang sabihin ko iyon.

"Sus! Lokohin mo lelang mo, Serenity. May pagkamasokista ka rin, ano? Huwag ka ngang hard sa sarili mo. Pagkatapos kang lokohin ng ex mo, ikaw pa 'yung uuwing talunan sa inyong dalawa. Aba'y, double kill na 'yon, ha! You deserve to be happy."

"Masaya naman ako, ah."

"Kailan pa naging masaya 'yong naiiyak?"

Napahawak ako sa ilalim ng aking mata. I realized there were tears that were about to fall. Kahit anong pigil pala ang gagawin ko kung puso na mismo ang nasasaktan, kusa iyong tutulo.

"A—akala ko madali lang. Akala ko kapag tinanggap ko na sa sarili kong wala nang patutunguhan ang nararamdaman ko para sa kanya, unti-unti ko rin siyang makakalimutan. Pero bakit gano'n, Marga? Hindi siya basta nawawala sa isip ko. Minsan, gusto ko nang ibalik ang oras. Na sana mas maaga ko siyang nakilala kaysa kay Ronald."

"Malandi ka kasi noon, eh—aray!"

Binatukan ko siya.

"Panira ka ng moment," singhal ko sa kanya. Pinahid ko ang mga luhang tumulo sa aking pisngi.

"Napakaseryoso mo kasi, meym. Naiiyak na rin tuloy ako. Ito lang masasabi ko, hindi naman basehan kung sino ang una at huling dumating sa buhay natin para sabihing siya ang nararapat sa 'tin. May mga taong kailangan mawala sa atin para magkaroon ng espasyo ang totoong taong kukompleto sa pagkatao natin."

Napangiti ako kay Marga. Kahit minsan ma-epal at may pagkataklesa siya, hindi talaga kumukupas ang mga payo niya. Hindi ko nga alam kung saan niya nahuhugot ang mga iyon. Pero siya ang ang tipo ng kaibigan na nakakaasar ngunit maaasahan mo sa oras na lugmok ka.

"Salamat, besh, ha? Kahit abnormal ka, may silbi ka pa rin pala—aray!"

Binatukan ako ni Marga.

"Maka-abnormal ka naman. Kung hindi lang talaga kita bff, inagaw ko na sa 'yo si Fafa Sid. Sayang kasi siya."

"Hindi naman siya akin, ah. E, 'di agawin mo."

"Gaga! Pa'no ko naman aagawin 'yon sa 'yo, e aakyatin no'n ang Mayon ng Albay para lang sa 'yo."

"Whatever, tara na nga. Ang mabuti pa magpa-cafeteria muna tayo. Nagugutom na ako kaka-drama. Huwag mo nang i-insist sa akin ang Dela Vega na iyon dahil ayaw na niya sa 'kin. Gusto nga niya akong kalimutan, 'di ba?"

Tumayo na ako sa swivel at niligpit ang bag ko bago lumabas. Mamaya-maya ay tiyak na darating din si Elza para mag-take over sa akin.

Habang naglalakad sa lobby ng building ay napansin kong makakasalubong namin si Leslie, kasama niya iyong mga alepores niya. Mariin siyang nakatingin sa akin.

"Serenity, bilisan natin kasi ang sangsang ng amoy ng mga assumera," pagpaparinig ni Marga. Kumikembot din siya habang naglalakad.

"Ano'ng sabi mo?" maanghang na tanong ni Leslie. Tumigil ito sa aming harapan.

"Wala, ang sabi ko, hindi kayo bagay ni Fafa Sid kaya tigilan mo na ang pagpapansin sa kanya," nakangiting tugon ni Marga. I sensed the sarcasm floating in the air.

"How dare you!" Nanlisik ang mga mata ni Leslie.

"Oh, I really dare you!" Marga provoked. Hinatak ko na siya paalis.

"Tumigil ka na nga, besh. Tara na."

"Ang lakas ng loob mong maliitin ako. Look at yourselves. You two look pathetic and cheap," Leslie butted in. Nakahalukipkip na ito.

Nagpanting ang tainga ko ngunit pinanatili kong tikom ang mga bibig ko. Ayaw ko ng gulo at lalong ayaw kong isa ako sa dahilan ng simula ng gulo.

"Sino kaya sa atin ang cheap? Halata namang ginagawa mo ang lahat para mapansin ka ni Fafa Sid. Well, sorry ka na lang dahil kahit ano'ng pagpapakintab ang gawin mo sa sarili mo, si Serenity pa rin ang babaeng pinakamakinang sa mga mata niya. Assumera!"

"You bitch!"

"Bitch ka rin! Assumerang palakang bitch! Tse!"

"Halika na, Marga."

Buong-lakas ko siyang hinatak palayo kina Leslie. Natatakot akong makaagaw kami ng pansin ng ibang mga estudyante, nakakahiya iyon. Isa pa, responsibilidad naming council officers na maging role model sa mga estudyante. Tiyak na magkaka-sanction ako kapag nagkagulo dahil sa 'kin.

"Dahan-dahan naman, meym! Kinakaladkad mo na ako, oh..." reklamo niya.

Binitawan ko siya't naglakad nang sabay sa kanya.

"Ikaw naman kasi. Huwag mo namang i-provoke nang gano'n si Leslie. Wala naman siyang ginagawang masama sa 'yo, ah."

"Anong wala? Inaakit niya si Fafa Sid kaya. Nalaman niya lang na binasted mo 'yung tao, eeksena siya. Nalaman kong matagal na pala 'yan nagpapapansin kay Fafa Sid. Ngayon lang naglakas-loob dahil wala ka na. Hindi ako makakapayag, 'no. Tinutupad ko lang ang pangako ko kay Fafa Sid na i-ship kita sa kanya."

"Ano?!"

Napangiwi siya at napatakip ng bibig.

"Ay, may sinabi ba ako? Ahh—ang ibig kong sabihin, suportado ko kayo ni Fafa Sid. Okay na lang na hindi niya ako magustuhan basta kayo ang magkakatuluyan."

I sighed in disbelief. Marga is actually one of a kind, I mean a rarely kind of annoying friend.

Pagkatapos ng break ay inantay naming pumatak ang oras ng susunod na klase. Gustong-gusto ko talaga iyong may pasok at maraming pinapagawa ang mga professors dahil iyon lang ang oras na matatakasan ko ang pag-iisip tungkol sa taong gusto ko nang kalimutan.

I also tried my best not to cross paths with Leslie, na minsan malayong mangyari dahil iisang department lang kami.

Dumaan muna ako ng library para manghiram ng libro bago umuwi sa apartment kinahapunan. Reading helps me a lot. Kapag nagbabasa ako'y okupado ang utak ko. I wanted to flood my mind with school-related things to atleast forget about him.

Mahirap siyang kalimutan dahil minsan ay nakikita ko siya sa loob ng university—na kasama si Leslie. I don't know what's the real score between them but I'm not even interested to know. Masasaktan lang ako.

Bitbit ang libro'y nagpaalam na ako kay Marga na mauna na akong umuwi. Sumakay ako ng tricycle. Limang minuto lang naman ang biyahe dahil hindi naman gano'n kalayo.

Pagkabayad ay agad akong bumaba. I entered the gate slowly. Sinasabayan ko sa utak ang kantang kanina ko pa pini-play sa cellphone ko.

Pagkaakyat ko sa taas ay nagulat ako sa nakita kong nakasandal sa pinto ng apartment ko.

Agad kong tinanggal ang earphones sa tenga ko saka dahan-dahang lumapit doon.

"A—anong ginagawa mo rito?"

Pansin kong may nakasalpak ding earphones sa tenga niya. Tinanggal niya iyon nang mapansin niya ang presensya ko. Pansin ko ang pangingitim ng ilalim ng kanyang mga mata. Maputla rin siya.

"B—bakit ka narito?" nauutal kong tanong.

"You're here."

He looked tirelessly handsome. Nagsimula na namang maghurumintado ang puso ko. Sinikap kong magmukhang walang pakialam sa presensya niya.

Tila dumaan ang prusisyon ng mga anghel sa haba ng katahimikang bumalot sa amin. Hindi ba siya nangangalay sa kakatayo? From the looks of it, mukhang kanina pa siya nakatayo rito.

"Napadaan ka lang ba ulit?" pagbabasag ko ng katahimikan.

I saw how his eyes glinted. His lips formed a lopsided smile.

"Damn, how can you be so less affected of my presence?" he desperately exclaimed.

Nangunot ako.

"A—akala ko ba gusto mo na akong k—kalimutan?" sabi ko.

"Pero bakit ka pa nagpapakita? Ano ba talaga ang gusto mo, Dela Vega?"

"I'm sick, Serenity," he interrupted me.

"I went to the States to be treated, but I realized life's too short to spend with medication for nothing."

Inatake ako ng takot. I examined him further. Kaya pala ang putla niya at medyo nangayayat, may sakit pala siya! Oh, God!

Nilapag ko ang bag at ang hawak kong libro sa gilid saka sinuri siya mula ulo hanggang paa.

"A—anong sakit mo? A—are you okay? Ano'ng sabi ng doktor? Gagaling ka pa naman, 'di ba? Hindi ba magagaling ang mga doktor sa Amerika? Sana nanatili ka na lang doon para magamot ka."

Parang sasabog ang dibdib ko sa kaba at sobrang pag-aalala. Iniisip ko palang na may mangyayaring masama sa kanya ay parang ikamamatay ko na. Mas maigi na rin palang lumayo lang siya sa kin, huwag lang siyang tuluyang mawala. It would wreck my whole world.

He held me in both of my hands.

"I came back because I did not find the right treatment there. Nandito sa Pilipinas ang magpapagaling sa 'kin."

Nagugulumihang tiningnan ko siya. Nabasa ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"I am a man of words, Serenity. I always keep what I promised... and wanted to keep my promise to you that I will no longer disturb you but---" he trailed off.

"B—but?" tanong ko. Ngunit tila lalabas na ang puso ko sa dibdib anumang oras.

"I have this rare condition called obsession," he paused.

Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi. Namumungay ang kanyang mga matang nakatingin nang diresto sa akin.

"Obsession with Serenity Bautista," he continued.

Napasinghap ako.

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro