CHAPTER 12
Chapter 12
When a man cheats— he's lustful but when the woman cheats— she's unfaithful. Who do you think went wrong? The answer is neither. Neither the man nor the woman. God created love to unite a man and woman and created lust to incline them in order to produce offspring which later on can expand unto a community. Love and lust should always be of equal amount because an excess against the other is a limbo. A relationship with more lust than love is frangible while a relationship with more love than lust is futile. Thus, producing an emotional phenomenon called heartbreak.
Heartbreak weakens the ego but it strengthens the heart. No book can teach you the steps of moving on because no two hearts can have the same wounds...
Marahan kong itiniklop ang librong binabasa ko. It's a newly published book by my favourite writer—Greatfairy. Natuwa ako dahil naabutan ko pa ang kaisa-isang kopya nito sa bookstore. I've been collecting her books for two years now. The Epilogue is her latest novel and I did not regret buying the copy. The feeling is still the same everytime I read her works. It feels like I am reading an adventure of my alter ego.
Wala akong ginawa sa buong linggo kundi ang magmukmok at magbasa ng libro. Minsan ay nakikipag-usap ako kay Marga, nakikibalita tungkol kay—
Bumuntonghininga ako. Kahit anong iwas kong mabigkas ang pangalan niya'y hindi ko magawa. Pakiramdam ko'y nawala ang napakalaking parte ng pagkatao ko. Sa tuwing tumutunog ang cellphone ko'y halos hindi ako magkakaundagagang buksan ito, baka sakaling tumawag siya o text man lang, ngunit wala. It's been one hell of a week without that annoying sweet guy.
"Anak?"
Napalingon ako sa pintuan. Nando'n si Mama, nakatayo.
"Oh, Ma? Nakauwi na pala kayo. Si Papa?"
"Ayun, nagkakape sa labas." Naupo siya sa gilid ng kama ko.
"Sa makalawa luluwas ka na naman para makapag-enroll sa second semester pero hanggang ngayon hindi ka pa rin lumalabas ng bahay. Wala ka bang balak mamasyal man lang kasama ng mga pinsan mo?"
"Wala ako sa mood, Ma. Isa pa, may binabasa ako nobela."
Mama looked at me unconvinced.
"May binabasang nobela o iniiwasan mo lang na magkrus ang landas n'yo ng pinsan mo?" aniya. Natahimik ako.
Nang tuluyan na akong naka-recover ay hindi ko naiwasang magsalita ng saloobin ko.
"Ma, alam mo namang kailangan kong mag-focus sa pag-aaral, 'di ba? Ayaw ko muna silang isipin sa ngayon. Saka na kapag naka-graduate na ako," tugon ko. Sumandal ako pader ng kuwarto.
"Anak, kung nasasaktan ka pa rin, bakit ayaw mong ilabas? Hindi ako mapakali dahil ilang araw ka nang hindi masyadong nagsasalita. Hindi ka rin nakikipaglaro sa kapatid mo, kagaya ng nakagawian mo," puna ni Mama.
It's true. Pansin ko ring naging mabilis ang pagbabago ng mood ko. Minsan mabilis akong mairita lalo na kapag tinatanong ako tungkol sa maga bagay na wala naman akong interes.
"Huwag kang mag-alala, Ma, tanggap ko na ang nangyari. At napatawad ko na rin silang dalawa. Kahit maglupasay pa ako, hindi ko naman maibabalik ang dati, 'di ba?"
Umiling si Mama bilang pagtutol.
"Hindi, anak. Alam kong binabagabag ka pa rin ng pangyayaring iyon. Naiintindihan ko naman dahil hindi naman talaga basta-bastang makakalimutan iyon. Bata ka pa, mas marupok ang puso mo ngayon. At kahit anong sabihin mo, hindi ako naniniwalang ayos ka na. may bumabagabag sa 'yo."
Lihim akong napahanga kay Mama. Ang totoo'y naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Naghahalu-halo ito. Kalahati ng puso ko'y nasasaktan pa rin dahil sa nangyari sa amin ni Ronald ngunit kalahati rin ang nawawala. Tila may malaking puwang sa puso ko na kailangan punan.
"A—ayos lang talaga ako, Ma. Salamat sa inyo ni Papa dahil sinusuportahan n'yo ako. Pero huwag n'yo na akong isipin, kaya ko ito. Huwag kayong mag-alala, kapag nagtapos na ako ng pag-aaral, hindi na kayo magtatrabaho."
Napangiti si Mama habang tumatango. Ngunit pansin ko pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Siya nga pala, pumunta na naman kanina si Ronald dito. Ang akala ko ba'y nag-usap na kayo? Bakit parang ayaw ka pa rin niyang tigilan?"
"Huwag n'yo na siyang pansinin, Ma. Nagi-guilty lang iyon. Huwag kayong mag-alala, kapag handa na ako ay kakausapin ko siya ulit."
"Kung iyon ang desisyon mo, anak, ikaw ang bahala. Basta, tandaang mong nandito lang kami ng Papa mo."
"S—salamat, Ma."
Nagyakapan kami ni Mama. Dahil doon ay medyo gumaan ang pakiramdam ko.
Ronald has been texting and calling me over the phone. Halos araw-araw ay pumupunta rin siya rito para kausapin ako ngunit hinaharang siya ni Papa. Ayaw ko na rin naman siyang kausapin ngayong magulo rin ang utak ako nang dahil sa isang tao.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ba dapat ay maging masaya ako ngayong tinigilan na niya ako? Ngunit bakit parang baliktad ang pangyayari?
I hate to admit but I'm longing for Sid's presence. Halos hindi ako nakakatulog gabi-gabi dahil iniisip ko ang sinabi ni Marga tungkol sa kanya. Talaga bang umalis na siya ng MIU? Babalik pa ba siya? Babalikan pa ba niya ako?
At bakit ka naman niya babalikan? Sino ka ba sa buhay niya?
Agad na kinontra ako ng isang bahagi ng utak ko. I dumped him, right? I do not have the right to miss him. Pero bakit parang ayaw niyang mawala sa isip ko?
Hanggang sa ihatid ako nina Papa sa terminal ng bus pabalik ng siyudad pagsapit ng makalawa ay tuliro pa rin ang utak ko. Gusto ko sanang ikuwento iyon kay Mama kaya lang ay baka katulad ko'y lalo pa siyang maguluhan.
"Mag-iingat ka roon, anak. Tumawag ka kaagad kung may kailangan ka," bilin ni Papa. Napangiti ako.
"Pa, tatlong taon n'yo na 'yan sinasabi sa 'kin sa tuwing ihahatid n'yo ako rito sa terminal. Hindi pa ba kayo sanay na malayo ako sa inyo?"
Natawa rin siya.
"Naku, anak. Alam mo naman na pagdating sa inyo ni Kyesha ay wala akong hindi kayang gawin. Basta mag-iingat ka. Alam naman ng Mama mo kung gaano ka kasipag mag-aral pero huwag mo masyadong paguron ang sarili mo roon, ha?"
Isang mahabang yakapan at paalam ang nangyari bago ako tuluyang pumanhik sa bus.
"Ba-bye, ate Serine!" ani Kyesha.
Kumaway ako sa kapatid ko. Nakasanayan na niya akong tawaging Serine simula pa noong natuto siyang magsalita. I find it sweet though.
Ipinikit ko ang aking mga mata nang umusad ang bus. Hindi ko mabilang sa kamay ko kung ilang beses kong sinubukang i-dial ang numero ng lalaking bumabagabag sa isip ko ngunit hindi ko magawa. Naduduwag ako. Hindi ko maiwasang isipin kung sasagutin kaya niya ang tawag ko at mga mensahe?
Nakaidlip ako sa isiping iyon.
...
Agad akong nag-enroll pagkatapos ng isang araw kong pahinga sa apartment. May pasukan na agad sa susunod na linggo ngunit mayroon pa rin namang naka-schedule na enrolment para sa mga humahabol at mayroon ding Changing and Dropping of subjects for irregular students.
"What?!"
"Hinaan mo nga ang boses mo," saway ko kay Marga.
Niyaya ko siyang kumain muna sa cafeteria dahil ginutom ako kakapila sa enrolment. Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari sa amin ni Ronald kaya't tila umuusok ang ilong niya.
"Sino ba ang hindi magugulat, meym? Pagkatapos mo siyang ipaglaban kay Fafa Sid, ibang tiyan ang pinalubo niya. Hayop siya!" histirikal niya.
"Ingay mo, sana hindi ko na lang ikinuwento," irap ko.
"Ito naman. Hindi ba puwedeng na-fu-frustrate lang ako? Hinayaang kong lumubog ang barko ko sa inyo ni Fafa Sid dahil faithful kang dyowa tapos sasaktan ka lang pala niya. Anak ng kalabaw 'yung dyowa—este ex mo! Sana tinodo ko na lang pala ang pag-ship sa inyo ni—aray!"
Binatukan ko siya.
"Sige, ituloy mo pa." Sinamaan ko pa siya ng tingin.
"Whatever! Pero, blessing in disguise na rin naman pala na split na kayo, ibig sabihin puwede na ulit kitang i-ship kay Fafa Sid."
Bumuntonghininga na lamang ako sa kadaldalan niya. Ang totoo'y kanina pa bumibilis ang puso ko dahil sa kabibigkas niya ng pangalan ng lalaking ilang araw ko nang iniisip.
"Pero, sige na nga. Ito, seryosong tanong, meym. Kung sakali bang babalik si Fafa Sid, may chance bang maging kayo?" aniya.
Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain. Bumalik sa isip ko 'yung mga araw na binubuwisit ako ni Dela Vega sa apartment. 'Yung maga araw na sinusundan niya ako pauwi. 'Yung mga araw na halos araw-araw may preskang rosas na nakasabit sa locker ko. 'yung mag araw na binlackmail niya ako para lang makipag-date sa kanya.
"Ay! Ngumiti ka! Ibig sabihin may chance!"
Sinundot ako ni Marga sa tagiliran kaya't muntik na akong mahulog sa upuan. Hinampas ko siya sa braso.
"Gaga ka talaga!"
"Ay, teka lang, nakita mo na ba 'yung video niya bago siya umalis?"
"Video?" Nagtaka ako.
"Ay, hindi ka man lang kasi nagbukas ng social media no'ng nasa bundok ka. Oo, kumanta siya at naka-upload sa Facebook group ng MIU. Teka, hanapin ko."
Inantay ko siyang i-scroll ang cellphone niya. Ngayon ko lang naalalang hindi nga pala ako nagbukas ng social media accounts magmula nang umuwi ako kaya't wala rin akong balita sa mga nagyayari rito sa university. Masyado magulo ang utak ko noon kaya't ginugol ko na lamang sa pagbabasa.
"Ito na."
Marga pushed her phone towards my front. Ikinabit niya rin ang earphones sa loob sa tainga ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siya kahit sa screen lang. He looked handsome as usual. Nakasuot siya ng putting long-sleeves polo at cargo shorts sa video. Mukhang nasa loob sila ng isang bar.
"There goes my heart beating, 'cause you are the reason I'm losing my sleep. Please come back now."
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. The camera was focused on his face while he was singing. Malinaw ang kuha kahit gabi. Malinaw ang pangingitim ng ilalim ng kanyang mga mata. Did he even sleep?
"There goes my mind racing, and you are the reason that I'm still breathing. I'm hopeless now..."
Parang pinipiga ang puso ko. Tumatagos sa kaibuturan ko ang bawat katagang sinasambit niya.
"I'd climb every mountain and swim every ocean, just to be with you, and fix what I've broken. Oh, 'cause I need you to see that you are the reason..."
Tutok na tutok ako sa screen ng cellphone ni Marga nang mapansin nang mapansin kong may pumatak na luha sa gitna. Napatakip ako ng sariling bibig.
"Oh, ito tissue." Marga handed me one.
"There goes my hand shaking and you are the reason my heart keeps bleeding.
I need you now..."
Inilipag ko ang cellphone niya sa lamesa at tinanggal ang earphones sa magkabila kong tainga.
"Oh? Ano'ng nakakaiyak? Affected ka ba sa kanta? O na-realize mo nang mahal ka talaga ng lalaking 'yan? Alam mo bang usap-usapan ang pambabasted mo sa kanya? Kaya puro pangalan mo ang nasa comment section," ani Marga.
Sunod-sunod akong umiling at napaluha.
Damn you, Sid Dela Vega! Mahal na kita...
© GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro