Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 10

Chapter 10

He's wearing a navy blue tux matched with a golden vest. Tiningnan ko si Marga at napansin ko ang mahiwaga niyang ngiti. His triumphant smile made me think that he did something behind my back. Siniko ko siya.

"Ano'ng nginingiti mo d'yan?" pabulong kong sita ngunit isang ngiti lang ulit ang isinukli niya sa 'kin.

"Kita mo na? Kahit sa outfit nag-match kayo ng kulay. Sign na 'yan," pabulong niya ring tugon.

"You looked dashingly beautiful."

Sid's eyes were still fixed on me. Pakiramdam ko tuloy ay hinuhubaran niya ako sa klase ng kanyang titig. I felt uncomfortable all of the sudden.

Tumikhim ako, "You look good yourself."

"Bagay na bagay talaga kayong dalawa. Sayang at manhid 'yung isa," komento ni Marga. Sinamaan ko siya ng tingin. Tiyak akong may kinalaman siya kung bakit naging magkakulay ang kasuotan namin ni Isidoro Dela Vega. Humanda sa akin mamaya ang baklang 'to.

"Thanks. Shall we?"

He offered his right arm which I accepted with hesitation. Pasimple nga lang inangkla ni Marga ang braso ko sa braso ni Sid kaya't hindi agad ako nakapalag. Hindi nakalagpas sa pandinig ko ang mahina niyang bulong.

"Enjoy-in mo na lang. Huwag ka nang mag-inarte kasi masisira ang gabi n'yo pareho. Minsan lang 'yan."

I gritted my teeth. Nakakagigil talaga ng baklang 'to!

"By the way, thanks, Marga."

Bahagya nitong nilingon si Marga. Parang sinilaban naman ang bakla dahil kumindat pa ito.

"You're most welcome, Fafa Sid. Ingatan mo 'yung kaibigan ko, ha? Nag-iisa lang 'yan."

"I surely will. Mauna na kami?"

"Sige, susunod ako sa inyo. Tatawagan ko lang ang mga bakleta para sunduin ako," tugon ni Marga na ang tinutukoy ay ang iba pa niyang kaibigang bakla.

Sinenyasan ko si Marga na sumabay na sa amin ngunit itinaboy niya kami na parang mga manok. Hindi niya yata naintindihan ang punto ko. Iniiwasan kong mapag-solo kami ni Isidoro dahil tiyak na kukulitin na naman niya ako.

I sighed in defeat. I hope this night will be over soon enough.

Pinagbuksan ako ni Isidoro ng pinto nang marating namin ang tapat ng kotse niya. Nang makapasok ako'y nagmamadali siyang umikot patungo sa driver seat. Hindi ako nag-abalang kausapin siya.

The environment suddenly became awkward, hindi naging maganda ang huli naming pag-uusap. I wonder if we were thinking about the same thing. Nagkunwari akong busy kakadutdot ng cellphone para hindi niya ako kausapin.

Marami nang tao pagkarating namin sa venue. Taun-taon ay natutuon na pagtatapos na ng semester ang anniversary kaya't nagsisilbi itong despidida party para sa maikling bakasyon ng mga estudyante bago magbukas ang susunod na semester.

Nakatutok sa amin ang lahat ng mga mata pagkapasok pa lamang namin ng event hall. There were also executive and board of directors in front. Nagulat ako dahil doon kami patungo. Napatigil ako sa paglalakad na siyang ikinatigil din niya.

"Why? What's wrong, Serenity?" Ngayon ko lang napansin na parang ang seryoso ng kanyang mukha ngayon. Parang ang lalim ng iniisip niya mula pa kanina sa loob ng kotse.

"Pu—puwedeng dito na lang tayo banda sa likod?" mahinang bulong ko.

"No. I need to introduce you to my friends," he declined.

"Is that even necessary? Kung gusto mo, ikaw na lang ang maupo roon. Maiiwan na lamang ako rito."

Akma kong babawiin ang kamay ko sa pagkakawahak niya ngunit agad niya itong nahuli.

"You are my date tonight, remember? Come on, Serenity. Hindi naman nangangain ang mga kaibigan ko. And besides, ayaw kitang iwan dito. I brought you here so I will take you home later as well.

From the looks of it, mukhang buo na ang kanyang loob. Wala na akong nagawa kundi ang magpahatak sa kanya.

Nang makarating na kami sa harap ay nagsitayuan ang mga kaibigan niya saka nagsibatian sa isa't isa.

"Iba ka rin talaga, Dela Vega."

Narinig ko ang pasaring sa kanya ng kaibigan niyang si Elliot. Marahil ay may ideya silang binlackmail na naman ako ng kaibigan nila para maging ka-date nito.

"Hindi mo man lang ba siya ipapakilala sa amin?" komento naman ni Levi. Sinamaan sila ng tingin ni Sid.

"Stop, you two. You knew her already, right?"

Ngumisi lang ang dalawa at binati ako.

"Good evening, Miss Serenity. You looked dashing tonight. Tiyak na hindi maaalis sa 'yo ang mga mata ng kaibigan namin," ani Elliot. Napailing ako.

"Shut up, Madrigal," giit ni Sid.

"Good evening, Serenity. Buti naman pumayag kang i-date ng kaibigan namin tonight," bati ni Theo. Siya lang yata ang matino sa kanilang grupo.

Ngumiti ako pabalik. Ngumiti rin sa akin nang tipid ang katabi nitong babae. She has an innocent looks yet sophisticated. Naalala kong ito iyong babaeng nasa pageant night.

"By the way, this is Arianne, my girlfriend," he introduced.

"Baby, this is Serenity, Sid's date for tonight."

"Nice meeting you, Serenity," she greeted. Lalo siyang gumanda sa paningin ko nang ngumiti siya. Bigla tuloy akong na-conscious sa sarili ko.

"N—nice meeting you too, Arianne."

I extended my right hand for a handshake which she took delightedly. Ang suwerte ng babaeng ito dahil matino ang boyfriend nito at mukhang mahal na mahal din siya. I can sense the way Theo looked at her. It's as if she's the only woman he sees tonight.

Pagkatapos ng ilang minutong pagdadaldalan ay nagsimula na ang programa. Naroon si Mr. Micaller, ang may-ari ng university na siyang ama rin ni Levi para magbigay ng mensahe. Marami itong sinabi tungkol sa mga programa ng unibersidad, isa na roon ang scholarship program na kinabibilangan ko. I'm glad they have opened their doors for someone like me who needs financial assistance in studies.

Pagkatapos ng speech ng president ay nagsimula ang dinner. Sid has been very attentive about me. Halos subuan niya na ako. Although our food were served by the waiters, he did not let anyone get near me.

"Ang clingy, shet," rinig kong bulong ni Levi. Hindi tulad nina Theo at Sid ay wala silang kasamang date. Hindi ko lang alam kung bakit ni-require ni Isidoro ang sarili niya na magdala ng ka-date gayong hindi naman ito prom.

"Hayaan mo na, dude. Inlababo ang kaibigan natin. Tingnan mo, para siyang timang."

Wala sa sariling napatingin ako kay Sid na katabi ko.

"Hindi ka ba gutom?" Hindi ko napigilang magtanong. Pansin kong walang halos nabawas sa pagkaing nasa harap niya.

"Paano makakakain 'yan, e, abala sa kakatitig sa 'yo. Parang anytime mawawala ka sa paningin niya," deklara ni Levi. May halong pang-aalaska ang boses nito.

"Shut it, Micaller," banta ni Sid.

Napansin ko rin ang pagtinginan nina Theo at Arianne then they looked at me in unison. Muli silang nagkatinginan at nagngitian. I felt the wave of awkwardness all of the sudden.

Napansin kong nakasandal sa likod ng upuan ko ang kaliwang kamay ni Isidoro. Para na rin niya akong inaakbayan sa gesture nito. Levi was actually right, hindi nito nagalaw ang pagkain niya kakaasikaso sa 'kin. More like kakatitig sa 'kin.

Kanina ko pa hinahanap si Marga ngunit hindi ko man lang napansin. Saan kaya pumwesto ang isang iyon? Sana pala ay hindi ko na siya hinayaan kanina. Sana pinilit ko na lang siyang sumabay sa amin para may makausap man lamang ako.

"Just finish your food."

Sid's voice was sweet yet intimidating. Lalo pa akong naaasiwa dahil ramdam ko ang titig niya habang kumakain ako.

"Of course, this night will not be complete without our very own Zero Degree members! Are you guys ready to hear them sing again?"

Napatingin ako sa may bandang harap. May emcee na nagsasalita habang kumakain kami.

"Yes, please!"

Naging maingay ang loob ng hall.

"Alright! To serenade our lovely ladies tonight, I would like to call on our Zero Degree boys!"

Nagsitayuan sina Elliot at Levi. Kumaway pa ito nang tinawag sila ng emcee. Lalong umingay tuloy ang mga kababaihan.

"Babe, 'wag kang aalis dito," mahinang bilin ni Theo kay Arianne. Tumango naman ang huli at nginitian ang nobyo. Theo kissed her light on her temple before standing from his seat.

"Good luck, babe."

"Thanks, babe." Pinisil pa ni Theo ang kamay nito bago tuluyang pumanhik sa stage na nasa harap.

"I'll be right back, my lady. I will take you home later. Huwag kang aalis."

Bahagya akong lumingon kay Dela Vega. He's still beside me. Ang akala ko'y umalis na ito. Hindi ko agad napansin ang presensya niya dahil naagaw ang atensyon ko ng magnobyong Theo at Arianne. They two are the sweetest and they looked good together, I can't help it.

"Okay, sige na. Umakyat ka na," pagtataboy ko sa kanya. Ngunit tiningnan niya lang ako. Nag-aayos na sa harap ang mag kasamahan niya at napatingin na rin ang mga ito sa gawi namin.

"Inaantay ka na nila. Pumanhik ka na do'n," dagdag ko pa.

"Aren't you going to wish me luck? Or just atleast give me a good luck kiss?" he asked. Tila nagpapaawa pa ang boses nito. Pinandilatan ko siya.

"Sumusobra ka na, Dela Vega. Puwede bang umalis ka na sa harapan ko bago pa ako maalibadbaran sa 'yo? You're not even my boyfriend to demand for a kiss!" I hissed.

"Just a kiss on the cheeks, please?" he begged. Muntik ko na siyang masabunutan.

"No. Umalis ka na sa harapan ko. Huwag kang feelingero, puwede ba?"

Bumuntonghininga siya at padaskol na tumayo at tinungo anhg stage. At may gana pa siyang magalit?

Napayuko ako nang maalalang nasa harapan pala namin nakaupo si Arianne. She must have heard everything I've said.

"I'm sorry about that," I apologized. Napangiti siya.

"That's fine. I clearly understand, ano ka ba?. I'm just wandering, bakit hindi mo pa sinasagot si Sid? I'm telling you, he's a good guy. Besides, you really looked good together."

Umiling ako, "Hindi ko siya gusto. At saka may boyfriend na ako."

"Aww, that makes sense. I feel sad for Sid. Anyway, thanks for granting his request then. Let's just watch them? Shall we?"

Tumango ako. Tumayo siya at saka umupo sa upuang inuupuan kanina ni Sid para magkatabi kami. Itinuon ko sa harap ang aking atensyon. The students became wild. Lalo na nang magsimulang tumugtog ang apat.

Sid was on the front and holding the microphone.

"Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan, pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?"

He was looking at my direction when he started to sing. It's my first time hearing him singing a Filipino song. Hindi ko maiwasang mamangha. Malapig iyon at ma-emosyon gaya ng dati. Ngunit pakiramdam ko'y mabigat ang bawat katagang kinakanta niya.

"Kung hindi ikaw ay hindi na lang, pipilitin pang umasa para sa 'ting dalawa..."

"Giniginaw at hindi makagalaw. Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw..."

"Kung 'di rin tayo sa huli, aawatin ang sarili na umibig pang muli. Kung 'di rin tayo sa huli, aawatin ba ang puso kong ibigin ka?"

Arianne held my hand. Napatingin ako sa kanya nang pinisil niya iyon. Alam kong iisa ang laman ng iniisip namin. Sid never shifted his gaze. Nakatutok lamang sa akin ang kanyang mga mata.

"Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan, pipiliin bang umiwas ng hindi na masaktan. Kung hindi ikaw ay sino pa ba ang luluha sa umaga para sa 'ting dalawa?"

"Bumibitaw dahil di makagalaw, Pinipigilan ba ang puso mong ibang sinisigaw?

"Kung 'di rin tayo sa huli, aawatin ang sarili na umibig pang muli. Kung 'di rin tayo sa huli, aawatin ba ang puso kong ibigin ka?"

Tila binibiyak ang puso ko sa kanta. I sensed the sadness in Sid's voice. Kahit nakakairita siya'y hindi ko maiwasang makonsensya. Ako ang dahilan kung bakit siya malungkot. Only if I could do something about it, but I can't.

The intensity of his voice became deeper as he sang the remaining lines, with Theo's voice blending with his. Tumayo ako at nagpaalam kay Arianne.

"A--aah, magre-restroom lang ako. "

"Sure."

Halos takbuhin ko ang banyo para matakasan ang mga matang umuusig sa puso ko. I can't explain the pain. Did I already fall for him? Bakit ako nasasaktan nang ganito?

Tininngnan ko ang sarili sa salamin. I can see the cloud of tears that will fall in any second. Nangangatog ang tuhod ko dahil sa halu-halong nararamdaman ko.

I screamed inwardly. Pinagsisihan kong pumunta pa ako sa party na ito. Hindi ko matanggap ang mga bagay nan a-realize ko sa sarili ko. I can't fall in love with somebody else other than Ronald.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko'y mabilis akong lumabas. I exited the hall without a trace. Hindi ko na kayang harapin ang Isidoro na iyon dahil baka tuluyan na akong bumigay sa kanya.

I decided to go home instead. I just sent him a message para hindi niya na ako hanapin.

Agad kong inayos ang mga gamit ko para maaga akong umalis bukas. I need to talk to Ronald. Siguro'y mawawala rin itong magulong pakiramdam ko kapag nagkita kami. I missed him already.

Tama. Siguro'y nangungulila lang ako kay Ronald kaya't naakit ako sa atensyong ibinibigay sa akin ni Sid. I'm seeking for Ronald's attention through him. Naguguluhan lang ako. At naniniwala akong mawawala lang ito kapag nagkita kami ni Ronald.

Pagkatapos kong mag-ayos ay napansin ko ang pag-ilaw ng cellphone ko. Naka-silent iyon kanina kaya't hindi ko naramdaman ang tawag.

Sixteen missed calls from Sid.

May mga text messages din siyang ipindala. Binuksan ko iyon.

Why did you leave without me? May usapan tayo.

Nasa apartment ka na ba? I'm going there.

Nanlaki ang mga mata ko kaya't agad akong nagtipa ng reply.

Nakauwi na ako. Salamat sa pag-aalala. Pero magpapahinga na ako kaya huwag ka nang pumunta rito.

Muling nag-ring ang cellphone ko. He was calling again. Kahit labag sa kalooban ko'y sinagot ko iyon. Ayaw kong pumunta pa siya rito.

"Why did you leave early?"

Nakagat ko ang ibabang labi. Nahimigan ko ang lungkot at panghihinayang sa boses niya.

"Pasensya ka na. Sobrang inantok na kasi ako. A—ang totoo niyan matutulog na ako."

I heard him sighed.

"You should have told me. Hindi kita naihatid."

"A—ayos lang. Ano ka ba? Salamat ulit pala sa pagsundo sa 'kin kanina."

"Don't mention it. I should be the one thanking you because you allowed me."

Mahabang katahimikan ang namayani. Tiningnan ko ang screen ng cellphone ko. Hindi pa rin naman natatapos ang tawag.

"S—sige, matutulog na ak—"

"Serenity..." he called out, interrupting me. Tila hirap na hirap siya sa kabilang linya.

"You're not happy with me, right? Kaya ka umuwing maaga kasi napilitan ka lang naman talaga."

It was not a hypothetical statement from him.

"Pasensya ka na," mahinang tugon ko. Muli siyang bumuntonghininga.

"I'm sorry for dragging you out. I misjudged your feelings for your b—boyfriend. I thought I could steal you from him but he's just so damn lucky for having a faithful girlfriend. And he's even luckier because it's you."

"Sid—"

"Alright. Tanggap ko na. Tanggap ko nang hinding-hindi ka talaga magkakagusto sa akin kahit konti lang," aniya.

Lasing ba siya? Pansin kong hindi na tuwid ang pananalita niya.

"I'm really sorry—"

"Nope. Don't mind me, Serenity. Still thanks for being my date tonight. As I promised, hindi na kita guguluhin."

"S—salamat."

Iyon lang at naputol ang tawag. Napatulala ako at mayamaya'y saganang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Tila pinipiga ang puso ko sa sakit.

Nahiga ako sa kama at nakipagtitigan sa kisame. Nahirapan akong makatulog. I cried all night. Hindi ko rin alam kung bakit ganito kasakit. Siguro'y naaawa ako sa Isidoro na iyon.

Kahit wala akong tulog ay maaga pa rin akong bumangon. Uuwi ako sa probinsya ngayon. Mas maaga akong nagtungo sa terminal ng bus para maabutan ko iyong firt trip.

Mahigit sampung oras din ang itinagal ng biyahe bago ko nasilayan ang malawak na palayan, tanda na nasa  Bicol na ako.

Sumakay ako ng tricycle mula terminal ng bus patungo sa bahay.

Pagkababa ko palang ay halos takbuhin ko ang pinto.

"Ma! Pa! Nandito na ako!"

"Ma?"

Nakabukas ang pinto kaya't agad akong pumasok. Ngunit nanlaki ang mga mata ko sa eksenang naabutan ko.

"Pa! Tama na!"

Mabilis kong dinaluhan si Ronald na sinuntok ni Papa.

"Napakawalang hiya mong tao. Layuan mo siya, Serenity!"

"Pa! Ano'ng nangyayari? Bakit n'yo sinuntok si Ronald? Ano 'to?"

"Babe..." Sinubukan akong hawakan ni Ronald.

"Bakit, Pa? Ano'ng kailangan kong malaman?"

Nagkatinginan lang silang tatlo at parehong umiwas ng tingin sa akin.

"Anak, paalisin mo na siya. At layuan mo na rin siya," giit ni Papa. Hindi ko akalaing magagawa ito ni Papa kay Ronald. They've been supporting our relationship ever since we started.

"Ang mabuti siguro'y kayo na lang ang mag-usap, anak," singit ni Mama.

Tiningnan ko si Ronald. Nakita ko ang pagdaan ng pagsisisi sa kanyang mga mata.

Sinubukan kong hulihin ang mga mata ni Mama ngunit patuloy siyang umiwas.

"Ronald? Ano'ng kailangan kong malaman?"

Ngunit yumuko lang siya at umiwas ng tingin.

"Ma, please?"

Ngunit parang dinurog nang pira-piraso ang puso ko sa isinagot ni Mama.

"Nakabuntis siya ng ibang babae, Serenity."

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro