CHAPTER 7
(A/N - ROB's blury sight >>>
( ROB'S POV > )
" I'm so sorry Mark , "
sabi ni ellaine sabay yakap kay mark .
Nakaupo lang ako sa likuran nila na para bang nanunuod lang ng stage play .
" Nagkamali akong nakipaghiwalay ako sayo , i realized how much i love you , simula pa nung unang nakita ko kayo dito sa bar , that's why i shouted on you . Sa mall , nung nasa play satation kayo , you look so sweet together , sobrang nagselos ako nun , hanggang dun sa fast food , kung saan nandun lang din kami , kami ng boyfriend ko , Alam kong plinano mo lahat ng iyon , "
Plinano niya lahat un ? ung stuffed toy ? yung sa fast food ? so parang tanga lang pala akong kinikilig nung mga panahon na yun ? well , tanga naman talaga ako diba ? pagtingin ko , naghahalikan na sila , this is how it gonna be right ? hindi ko na kinaya , tumayo na ako saka nagtatakbo paalis sa bar . Unti-unting lumalabo ang paningin ko dahil sa walang tigil na pag-agos ng aking mga luha .Alam kong nang ganito ang kakalabasan nito, pero shit lang . bakit nasasaktan pa rin ako? hawak-hawak ko ang dibdib ko ng mahigpit , ang sakit .. hindi ako makahinga . Tumigil ako sa labas , saka paupong nasandal sa poste . Ang sakit sakit .Noong una pa lang , inaasahan ko ng ganito ang mangyayari , alam ko rin magiging masakit iyon ,Pero hindi ko inakalang , mas masakit pa pala don , mas masakit pag aktwal mong nakita at hindi lang basta hinuha , Mas masakit pala , pag sa kanya mismo nagmula ..
Pumara ako ng taxi at sumakay na pauwi .Pagpasok ko sa gate ng bahay , nakita ko si manang sa garden .Napansin niya yatang umiiyak ako kaya lumapit siya sakin , andito pa rin ako sa tapat ng gate , nakasandal .
" umiiyak ka ba ineng ?"
malumanay na tanong ni manang sakin pagkarating niya sa harapan ko ,
" manang "
nayakap ko na lang siya bigla , simula bata pa ako si manang na lagi kasama ko .Pag wala parent's ko , siya laging nagaalaga sakin .
" ssshh , sige ineng iiyak mo lang yan , "
sabi niya , habang inaakay ako paakyat ng kwarto , iniupo niya ako sa kama ko saka umupo rin sa harap ko .
"m-manang , ang *sob* sakit po "
sabi ko at niyakap niya naman ako ,
" alam ko ineng , nakikita ko ,"
sabi niya habang hinahagod ang likod ko .
" b-bakit po *sob* ganito ? *sob "
tanong ko habang walang tigil ang pagiyak ko , anu ba rob ! wag ka ngang umiyak ! , pero kahit ilang beses ko pa pagbawalan ang mga luha ko, kusa paring umaagos ang mga ito eh .kainis naman .
" Naaaliw tayo sa ganda ng rosas kaya hinahawakan pa rin natin ito , kahit na nasasaktan na tayo ."
biglang sabi ni manang
" Pero dumadating talaga ung pagkakataon na hindi na natin kayang tiisin ang sakit ng tinik nito , kaya kahit na mahirap , bibitaw tayo ."
nakikinig lang ako
" Subalit hindi ikaw ang talo dahil lang sa nasugatan ang kamay mo , darating ang panahon , hihilom rin ito . At sa pagkakataong un , makikita mo na ang bulaklak ., na para sayo ."
mahaba niyang paliwanag saka humarap sakin ,Ngayon naiintindihan ko na .pinunasan niya ang luha ko at saka ako nginitian, medyo gumaan ang loob ko dahil sa ngiting un . Salamat . salamat manang ..
( MARK'S POV > )
"YEAH ! HAPPY BIRTHDAY MARK! "
bati sakin ng mga tropa ko at ng mga friends ni Ellaine . Andito kami sa Condo ko ngayon , we're having my birthday party .ang ingay dito , pero parang ang tahimik sa pakiramdam ko ..
" happy birthday honey "
at hinalikan niya ako sa labi , nakaupo kami ngayon sa sofa at magkaakbay .
"thank's "
sabi ko as our lips parted .
" OH Tara ! Let's Spin the bottle na ! "
sigaw ng tropa kong si josh .at sumang-ayon naman sila , nasa sampu katao kami ngayon dito , kaya talagang ang gugulo nila. Binati na ako lahat ng kaibigan ko , pero wala pa akong narerecieved mula kay rob . Kagabi pa ako naghihintay ng txt mula sa kanya , bigla nalang kasi siyang nawala sa bar . ano kaya nangyari dun ?
" hey mark "
huh ? kanina pa pala nila ako kinakausap
" oh ?"
tanong ko naman .
" sayo na yong bote oh "
sakin na ba ? di ko napansin ah ,
" huh ? oo nga , ano nga ulit ung tanong ? "
" ano ung pinakahindi mo makakalimutang sandali ? "
tanong nung Ericka , Friend ni Ellaine . Ano ang pinakahindi ko makakalimutang sandali ? hmm, nagisip ako saglit . iyon ay ung mga sandaling pilit akong pinapangiti ni rob dahil nabasted ako ng niligawan ko nung high school , haha , tama . naaalala ko pa ung nagfufunny faces siya para lang mapatawa ako . Para siyang tanga nun . Pati nung First dance naming dalawa nung senior prom , Ang saya ko nun.At higit sa lahat , nung ipinagtanggol niya ako sa mga nambubully sakin , nung bata pa ako , un ay yung una naming pagkikita ,hindi ko malilimutan iyon , kahit hanggang ngayon , malinaw pa rin sa ala-ala ko ang mga sandaling yun .
" hey mark ? why are you smiling suddenly ?"
huh ? nagbalik naman ako sa katinuan ng yugyugin ni Ellaine ang balikat ko .
" ah , wala , "
" ok ka lang ba pare ? kanina ka pa parang sabog eh "
tanong sakin ng tropa kung si jhon .
" ah , ok lang ako ,ung hindi ko makakalimutang sandali ? marami eh , kulang pa ang buong isang araw kung iisa-isahin ko "
sabi ko at saka ngumiti sa kanila
" oh ? sige i'll change the question . ano ang pinakamasayang sandali ng iyong buhay ? "
tanong ulit ni ericka , pinakamasaya ? naalala ko bigla nung gabing yun . Noon din , nalaman kong ako ang first time niya , Ang saya ko nun . hindi ko alam pero, parang pakiramdam ko nun, nakumpleto ako .
" so ? ano na ?"
tumingin ako sa kanila , lahat sila nagaabang ng sasabihin ko .
" that night "
pagkasabi ko nun , naghiyawan silang lahat ,
" WHOOO !"
" SABI NA E ! "
" HAHA , NICE ELLAINE ! "
sigawan ng mga kaibigan ko at kaibigan ni ellaine , ellaine ? teka , bakit nga ba si rob ang naiisip ko kanina pa ? bakit yung mga sandaling yun ang hindi ko malilimutan ? bakit masaya ako nung gabing un sa aking nalaman ? At bakit pag wala siya , pakiramdam ko kulang ?
( SIGH )
siguro dahil sa nasanay lang ako na lagi siyang nanjan.. Siguro , nakakapanibago lang ..
Kaaalis lang ng mga kibigan ko . Umalis na rin si ellaine cause she said meron siyang tatapusing thesis . Mag-isa na ako ngayon sa condo , nanunuod lang ako ng t.v . haaay , nakakabore naman , tumayo ako at saka pumunta sa kwarto , hmm,anung oras na ba ? 8:20 na pala . Makapagfb nga muna . inopen ko ung laptop ko habang nakadapa ako sa kama . hmm , let's view my wall nga .
" wow ,ang daming bumati ah "
iniscroll ko ung mouse , asan na ba yun ? bat wala ? . tss , hindi man lang ako binati , nakalimutan niya kaya ? nakita kong nagrerequest na siyang tanggalin ang pagka-inrelationship namin, kaya inaccept ko ito . mago-off na sana ako dahil nakaramdam ako ng pagkadismaya , ng makita kong online siya . Viniew ko ung wall niya , may status siya ..
ROB MOLEZ :
Kapag hindi mo na kayang hawakan pa ang matitinik na rosas ,
At alam mong wala ng iba pang pwedeng maging lunas ,
Matapos mong magtiis noon, mapagbulaklak lang ito .
Ngayon alam mo nang , hindi siya para sayo .
Maaari kang masaktan ,dahil sa tinik .
Pwede kang umiyak , dahil sa sakit .
Pero isa lang talaga ,ang dapat mong gawin ,
Bitawan ang rosas . ito'y Palayain ..
Sa ganoong paraan , hindi ka na masasaktan ,
Hindi ka na rin muli , mahihirapan .
At sa nalalapit , na paghilom ng sugat mo .
Kasabay mong matatagpuan , bulaklak na para sayo .
Pagkatapos kung basahin yung tula iniscroll ko pa pababa ung mouse at nakita kong may status pa siya ..
Rob Molez :
I'll miss you guys :'(
huh ? bakit ganon ung status niya ? binasa ko ung mga comments .
Tiff Sedine : Be wag ! T_T
Jae Malan : Be ! kaasar ka naman eeh ! :'((
Shan Aquiel : panu na ung friendship natin !?:(
Rob Molez : Magkikita pa naman tayo eh , oa naman :)basta guys lagi ko kayong ichachat , I love you guy's ! walang makakapalit sa inyo .
hindi ko na tinapos pang basahin ung mga comments , lalo lang kasi akong naguluhan . Hindi ko talaga maintindihan . tssk , Anu ba yan .. Nakahiga na ako sa kama ng biglang magring ung phone .
Sinagot ko ito ,
" hello ? "
sino kaya to ? anonymous number kasi .
(" meet me at the school tomorrow , i have to tell you something" )
" who's this ? "
(" ako to ,,.. si Erick ")
( ROB'S POV > )
" Mamimiss ka namin be ! "
sabi ni tiff saka yinakap ulit ako , grabe kanina pa sila yakap ng sakin ah .
" Sis wa kalilimutang sumulat ah "
sabi ni shan saka ako kinindatan
" Bakit pa ? kung may chat naman ? "
sabi ko saka kami nagtawanan , maya maya lang , Nagiiyakan na sila ,tss, kaasar naman eh .
" ui , ano ba naman kayo ? naiiyak din tuloy ako ."
sabi ko at pinunasan yung luha ko .
Nasa airport kasi ako ngayon , pupunta akong states , Sko lang mag-isa , susunod na lang daw si mom kasi may aasikasuhin pa daw siya .
( TAN , TAN , TAN paging to passengers of the flight 119 , Please proceed to your Plane now , )
nagkatinginan kaming apat , Umiiyak pa rin sila .
" Group hug ! "
sigaw ni jae habang kinukuyumos ung mata , kaya naggroup hug nga kami, mamimiss ko talaga sila . :\
" I love you guys "
sabi ko saka tumalikod na at nagsimula ng maglakad dala ang aking maleta . Mga dalawang hakbang pala , nilingon ko sla , kinawayan nila ako habang nakangiti , nginitian ko rin sila ,
Sana . Sana sa pag-alis ko , Maghilom na ang sugat , na idinulot sa aking ng paghawak ko sa maling bulaklak . At sana , Bumalik na lang sa dati ung lahat .
Yung rob na , bestfriend si mark .
" ROB ! "
next>>>>>
VOTE AND COMMENT :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro