CHAPTER 4
( A/N si MARK , nung nakakita ng ketsup sa gilid ng labi ni rob >>>>
Andito na ako sa bahay ngayon . Dalawang araw na rin akong hindi nakakapasok .Miss ko na mga CBF's ko .Haay . makapagonline nga muna . Pagopen ko ng fb ko nakita kong nagrequest si mark ng relationship , This is part of his plan , it's obvious , right ? kaya inaccept ko na agad .ui May message din siya sakin .
Mark Gonzalez :
hi rob :) nakauwi ka na ba ? thank's again .
Tomorrow sabay tayo pasok ah .Sunduin kita .
Cge nyt na . pahinga ka ah :)
---------------------------------------------
nagtype na ako nagreply .
Rob Molez :
cge .
------------------------
( sigh ) mago-off na sana ako ng biglang may magchat sa inbox ko .
Tiff Sedine :
be ? bat di ka pa pumapasok ?
miss ka na namin :(
Rob Molez :
sorry be , may inasikaso lang .
pasok na ako tom.
miss ko na rin kayo :(
Tiff Sedine :
may problema ka ba ?
alam mong nandito lang kami ha .
wag mong sosolohin .
alam talaga nila pag may problema ako. hindi na ako nagtataka . bestfriends ko sila diba ?
Rob Molez :
ok na be . naayos ko na ,
maliit lang naman . pero salamat ha .
Tiff Sedine :
you know you can always count on us .
we're best friends remember ?
basta just always remember na ,
nandito lang kami be .hindi ka namin papabayaan .
Nakahiga na ako sa kama ngayon , pero hindi pa rin ako makatulog .haayyy . buti nalang parati silang nandiyan .Ang CBF's ko. Atleast , i don't feel alone . At mayroon akong masasandalan . Hindi man nila ako matutulungan literally , i know they can make me stonger i can be .And i thank God for giving me those kind of friends . I thank God for it ..
KINABUKASAN
Kakatapos lang ng klase namin . Katulad ng sinabi ni mark , sabay nga kaming pumasok kaninang umaga , sinundo niya ako , pero nagulat ako paglabas namin ng cbf's ko ng gate ng school namin , nakita kong nakapark ung kotse niya , nakasandal siya dito .. naghintay siya ? wow .
" oh hi gf "
bati niya ng makita niya ako ,
" gf ?"
tanong nung tatlo , lumapit sakin si mark at hinalikan ako , smack .naramdaman ko na lang ang mahihinang kurot nung tatlo ,lumingon ako sa kanila at nakangiting nagkibit balikat .pinanlakihan naman nila ako ng mata . haay . ok , ok .
" ahm mark , they are my best friends , shan , tiff , and jae "
pakilala ko habang isa-isa silang tinuturo
" hi girl's . nice meeting you "
nakangiting bati ni mark
" girl's . he's mark , my .. my boyfriend "
pakilala ko . God , it's really hard to lie , they are my best friends for christ's sake , how dare i ? hindi nga pala nila alam na may bestfriend akong lalaki. hindi ko nababanggit .
" nice meeting yo mark "
- jae
" yeah , you too"
- mark
" take care or our bestfriend huh ? "
-tiff
" ofcourse i will...take care of her "
sabi niya sabay tingin sakin . Alam kong mali , pero kinikilig ako !>///< God ! i'm so stupid .
" make sure of it "
-shan
napatingin ako pagkasabi niya nun . huh ?
" ofcourse lady , and if you guys excuse us , bye and nice meeting you again "
sabi ni mark at hinila na ako ,
" bye girl's , see ya tomorrow , muah !"
sabi ko habang pinapasakay niya ako sa kotse niya , nakita ko mula sa rear mirror ung tatlo , kumakaway ung dalawa habang nakasimangot naman si shan , huh ? baka meron ?
Nagsimula ng magdrive si Mark , nakatingin lang ako sa kanya habang nagdadrive siya . ay oo nga pala , nakalimutan kong itanong
" kanina ka pa naghihintay dun ? "
" saan ? "
"sa labas ng school ."
" huh ? syempre hindi noh ! Ang tagal pa kaya ng uwian niyo , edi nagmukha akong tanga dun "
sabi niya , oo nga naman ., sino ba ang gustong magmukhang tanga ? wala naman talaga diba ? haha , muntik ko pa makalimutan , ako nga pala .Pero ayos lang , basta ba nakangti ka, katulad ngayon. Napatingin ako sa paligid . huh ? hindi ito ung daan pauwi ah .
" ui , san tayo pupunta ? "
" May nagtxt saking tropa ko , he said , nakita daw niya si Ellaine sa mall, so we're heading there "
sabi niya na hindi man lang inaalis ang tingin sa daan ,
" ah "
yun na lang ang nasabi ko . Maya maya lang , nakarating na kami sa mall , dumiretso kami sa isang games station . hawak hawak niya pa rin kamay ko hanggang makapasok kami doon ,tumingin ako sa paligid , mukhang wala namang bakas nung Ellaine .
" Mark , mukhang wala naman si Ellaine dito eh "
( SIGH )
narinig ko ang pagbuntong hininga niya ,
" yeah , mukhang nakaalis na siya "
" sayang . so ? common , let's go home na "
yaya ko sa kanya , tiningnan niya ako at nginitian , huh ?
" ano ka ba ? let's have fun muna , andito na rin naman tayo eh "
sabi niya at saka ako hinila sa isang horror game , may screen kung nasaan mo makikita ung mga ghosts and babarilin mo sila , may dalawang baril
" tara , laruin natin yan "
parang bata niyang sabi saka naghulog ng coins
" huh ?"
" why ? are scared ? "
" no ofcourse ! i'm brave "
sabi ko saka inabot ung gun na hawak niya , at naglaro na nga kami , ang saya ng larong to , nakakailang ulit na nga kami eh, maya-maya lang
" YOU LOSE "
sabi nung computer , hayy, pahirap na kasi na pahirap eh ,
" tara sa iba naman "
sabi niya at hinila na naman ,ako , habang hinihila niya ako , may nakita akong stuffed toy machine , wow ang cute nung baboy .
"ui mark , wait lang "
sabi ko at hinigit ung kamay ko
" why ? "
" ayun oh "
turo ko sa cute na baboy
" you like that ? "
tumango naman ako ,
" ok , i'll get one for you "
sabi niya at hinila ako papunta dun , naghulog siya ng coin at nagsimula ng controlin ung pangkuha sa stuffed toy . kaya lang , nalaglag ,
" wait , let me try again , i konw i can get this "
sabi niya at naghulog ulit , nanunuod lang ako habang paulit-ulit niyang pinagsisikapang makuha ung cute pig , napangiti nalang ako bigla ,
" it's ok , wag mu na lang kunin , mahirap talaga yan , madaya ung machine nila eh "
sabi ko at hinawakan siya sa balikat
" No . i can do this , "
sabi niya sabay hulog na naman ng coins
" it's ok , i decided to buy one na lang , "
sabi ko , kesa naman maghirap pa siya noh .
" I'll get this pig for you with my own , you'll see"
seryoso niyang sabi kaya hindi na ako nakielam . maya-maya pa ,
" YES ! i got it ! Look rob , i got it ! "
tuwang tuwa niyang sabi sabay abot nung cute pink pig sakin , wow , ang galing ah .
" thank you "
sabi ko at nginitian din siya
" see ? sabi ko naman sayo kaya ko eh ^_^ haha "
sabi niyang tumatawa tawa pa , para siyang bata .but , he's so sweet . ^_____^tiningnan ko ung baboy na yakap yakap ko,
" ikaw si mark , "
sabi ko sa baboy
" are you sure ? giving my name on her"
nakangising tanong ni mark
" hey ! she's not a girl , he's a boy "
sabi ko naman ,
" how can you sure of ? "
" basta , he's mark "
" haha , alright , ui look ! common , let's have dinner together "
sabi niya at hinila na naman ako , hawak niya ang kamay ko , napatingin ako sa kanya at nakangiti siya .Parang daan daang tambol ang humahampas sa dib-dib ko , sobrang lakas ng pagpintig nito .
" maupo ka lang saglit ah , oorder lang ako "
sabi niya habang pinapaupo ako sa table namin ,
" bakit nandito tayo ? "
tanong ko , andito kasi kami sa isang fast food restaurant , hindi kasi siya mahilig kumain sa ganito eh , nakakapagtaka lang .
" diba , favorite mo foods dito ? "
tanong niya saka umalis na papuntang counter para umorder , alala niya pa rin ? bata pa ako nung sinabi kong favorite ko mga foods dito eh , he has a really good memory .
maya-maya pa dumating na siyang may dalang burgers, fries ,choco floats at marami pa ,
" God ! gusto mo akong tumaba noh ? "
tanong ko pagkaupo niya , magkaharapan kami ,
" No , i want you to stay sexy ofcourse "
nakangisi niyang sabi , hindi ko gusto ung tono niya ah >____<
" perv. "
sabi ko saka inirapan siya ,
" hahaha , common let's eat "
he chuckled , hmmp . at ayun nga kumain na kami , mmh , ang tagal ko ding hindi nakakain nito , lagi kasing sa restaurant eh . nakakamiss tuloy . Napatingin ako kay mark at nagulat ako kasi nakatingin din pala siya sakin ,
" oh bakit ? "
tanong ko dito
" hahaha , "
eh ? bigla nalang tumawa , baliw .
" hey ! anung tinatawa-tawa mo jan ?"
asar kong tanong at bigla namang naging seryoso ung mukha niya ,itinapat niya ang hituturo niya sa mukha ko , huh ? at pinunasan ung gilid ng labi ko pagkatapos ay sinubo sa bibig niya .
" sayang eh "
sabi niya pagkaalis ng daliri sa kanyang bibig >///////<
" ang sarap ah "
sabi niya ulit saka inilapit ang mukha sakin ,teka , anung gaga---
" mmmph "
hinalikan niya ako ! french kiss, and God , we're on a public place , how could he ,
" mmmh, mas masarap "
sabi niya pagkahiwalay ng mga labi namin , >/////< God , pwede pong kiligin ? Speechless ako sa mga pinaggagagawa niya . Adik talaga , buti nalang walang nakakita , tss.
Naglalakad na kami ngayon palabas ng mall , magkahawak pa rin kami ng kamay , grabe hindi niya talaga ito binitiwan , siguro nung kumain lang kami , i really had fun with him,
Ang saya niya talaga kasama ^_______^ no , ang saya ko talaga pag kasama ko siya , it's the right term for it .
" ouch "
aray , may bigla nalang kasing nabangga sa balikat ko , ang sakit ..
" hey , are you blind !? "
napatingin ako sa sumigaw , si mark , mukhang galit siya ah .
" sorry "
sabi nung lalaking nakabangga sakin ,
" anung sorry ?! look ! nasaktan mo siya , ang lakas kaya ng pagkabangga ! "
" sorry na nga po eh . i didn't mean to--"
bigla siyang kinwelyuhan ni mark , what the ? at kailan pa siya naging bayolente ?
" hey mark , don't , i'm ok . "
sabi ko at hinawakan ang braso niya , binitawan naman niya ung lalaki , at umalis na ito , grabe , dito pa sa mall makikipagaway , hayy , minsan talaga to , pasaway .
" are you sure you're ok ?"
sabi niya saka hinawakan ung balikat ko at hinaplos-haplos ito ,
" yeah , i told you so "
sabi ko naman at saka yumuko , i think i'm blushing ^////^
" common , ihahatid na kita sa inyo "
sabi niya saka ulit hinawakan ang kamay ko .
next >>>>>
VOTE AND COMMENT :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro