PROLOGUE
PROLOGUE
“Please, Airo, babayaran kita ng doble basta... Basta ibigay mo na sa akin ang lupang ito,”pagmamakaawa ko, para na akong kawawa sa lagay ko. “Gagawin ko ang lahat para pumayag ka. Please, Airo.”
“It was good to hear your voice by calling my name.” Napaangat ang tingin n'ya, he's sending me a cold expression. “But also making me mad, so mad that I want to manipulate things right now.”
Dumagundong ang dibdib ko sa huling sinabi n'ya. Pakiramdam ko hindi magiging maganda ang susunod n'yang sasabihin.
Mabilis n'yang hinawakan ang kamay kong nakahawak sa kan'ya. Mahigpit pero hindi naman masakit ang pagkakahawak n'ya. It was like he's afraid to lose me. O baka ako lang talaga ang nag-iisip no'n?
“Do you remember that we didn't break up last three years ago?”
Hindi ako nagsalita. May ideya na ako sa gusto n'yang mangyari basi sa pagsuri n'ya sa katawan ko. Kita ko pa ang paglunok n'ya at pagtalim ng mga mata. Hindi ko inaasahan ang kondisyon na gusto n'yang mangyari.
“If you want me to give you this property, then live with me. Hindi naman sila magtataka sa relasyon natin dahil hindi naman tayo naghiwalay,” he playfully said, pinalandas n'ya rin ang kamay sa aking pisngi na ikinanginig ko.
Nanghina ako, hindi. “A-Airo...”
Mas humigpit ang hawak n'ya sa akin. Bigla n'ya akong hinila at hinapit ang beywang papalapit sa kan'ya kaya magkadikit pareho ang katawan namin. Napahawak tuloy ang palad ko sa kan'yang dibdib para makagawa ng maliit na distansya.
“And also, be my fling, ang lapad ng lupa tapos wala man lang akong makuha mula sa 'yo.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro