Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE (4)

EPILOGUE 4


AIRO RIGS CADDEL


Sinabi n'yang ka-fling n'ya ang lalaki. Parang sasabog ang utak at dibdib ko sa nalaman. Bakit biglaan naman yata? Ano pa ang hindi ko alam sa kan'ya? Akala ko ako lang ang lalaking dumaan sa buhay n'ya?

"You didn't tell me..." Hindi na maintindihan ang pagbuga ng hininga ko, parang hirap na hirap akong huminga.

"Kasi nga ngayon lang sumagi sa isipan ko. At matagal na iyon. Can we just forget about it?"

Forget it? How can I f*cking forget about it?!

"Kahit n- Hindi pa tayo tapos, Lyrre!"pahabol kong anas nang tinalikuran n'ya ako.

Sinundan ko s'ya hanggang sa nakarating sa kwarto. Akmang kukuha s'ya ng damit sa aparador nang pinihit ko s'ya paharap sa akin.

"Baby, what's wrong? Galit ka ba sa ginawa ko sa kan'ya?" tanong ko, umuusok ang ilong sa galit ngunit kahit papaano kumalma ako nang makita ang mukha n'ya.

"Please lang, Lyrre. I'm your boyfriend kaya natural lang na magselos ako. Tapos malalaman kong may nakaraan kayo," dugtong ko, nagmamakaawa.

"Boyfriend? Airo, h-hindi ko alam kung boyfriend pa ba kita." Umiiyak na umatras s'ya ng hakbang."S-Sa tingin ko naglilihim ka sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang pinagkakaabalahan mo nakaraan 'pang linggo. "

At do'n na ako tinamaan ng sakit. Hindi ko alam na iniinda na pala n'ya ito nakaraang araw pa. Nasasaktan s'ya habang inaayos ko ang gusot ko. Wala akong mahanap na salita para magpaliwanag dahil natatakot ako na layuan n'ya ako dahil dito.

"Pag-usapan natin kung ano ang ayaw mo sa akin, Lyrre. Come on."

Tinitigan n'ya ako at inirapan. Pero ayos lang, love. Basta h'wag mo lang akong iwan. Airo Rigs Caddel, under na pala ni Sibyl Lyrre Hernez. Pagtatawanan siguro ako ng mga kapatid ko dahil hindi ako nagpapakumbaba noon pa man.

"Love," tawag ko ulit, umaasa na aayusin namin ang gulong ito.

"Matulog ka na. Bukas na lang tayo mag-usap."

Putol-putol ang pagbuga ko ng hininga. Ayaw kong umiyak. Ayaw kong malaman n'ya na s'ya ang kahinaan ko sa lahat.

"Good night, baby. I love you."

No response from her. Okay, Airo. Kailangan n'yang matulog at kailangan mo ring mag-review na rin.

Bumalik ako sa pagbabasa ng libro. Patingin-tingin ako sa kan'ya, pinapakiramdaman kung tulog na ba s'ya o nakahiga lang.

Habang nagr-review ako ay naghintay ako ng isang oras para masigurado na tulog na s'ya. Iniwan ko ang libro sa kama at nilapitan s'ya. Saglit ko s'yang pinatungan at inalis ang buhok na tumatabon sa kan'yang mukha. She's sleeping. Without resolving our problem, I'm not sure how well she is sleeping.

Maingat at mabilis ko s'yang binuhat at dinala sa aking kama para ro'n s'ya patulugin. Isinintabi ko ang mga gamit ko bago s'ya tinabihan. Maingat ko s'yang niyakap at hinalikan ang noo n'ya.

I missed her so much. Katabi ko lang s'ya pero nasasabik akong marinig na mahal n'ya ako. Tuwing gabi hinahalikan ko ang noo n'ya at binubulungan na mahal ko s'ya at humihingi ng paumanhin sa kasalanan ko kung mero'n man.

Nakasanayan ko na rin gawin ito dahil malaya kong nahahalikan s'ya at nilalabas ang nararamdaman ko. Para bang napunan ng sigla ang malungkot kong buhay dahil sa kan'ya.

Hindi pa kami nagkaayos pagkagising ko sa umaga. Wala ako sa pokus sa exam namin ngunit pinilit ko ang sarili na alalahanin ang ni-review ko kagabi. Kailangan mong mag-aral, Airo para may maipagmalaki ka ni Lyrre. Right, I want to have a stable job and then marry her kapag nakapagtapos na kami.

Tawagin na nila akong atat at takot na maagawan, wala akong pakialam. Si Lyrre lang ang makakabuo sa buong pagkatao ko. She's the reason why I want to be successful. Na-i-imagine ko na kasi na makasama s'ya habang buhay at magkaroon ng madaming anak. Sana nga...

Habang abala ako sa pagbabasa ay bigla na lang humiga sa tabi kong kama si Lyrre. Lumabot ang mga mata kong nakatingin sa kan'ya. Bati na ba kami?

Itinabi ko ang libro. Alanganin pa akong pumaibabaw sa kan'ya, nang makitang hindi s'ya pumalag ay tuluyan ko na s'yang niyakap habang nakapatong sa kan'ya.

Humingi s'ya ng tawad at gano'n din ako. Hindi n'ya ako matiis, hindi ko rin s'ya matiis. Kahit wala akong kasalanan, mags-sorry pa rin ako sa kan'ya kung nagagalit s'ya sa akin.

Sa paraan ng paglagay n'ya ng hibla ng aking buhok sa likod ng taenga ay nagbigay kuryente sa aking sistema. Inangkin ko na kaagad ang kan'yang labi na kan'yang ikinatugon. Napadaing ako, parang lalabasan yata ako pero kaagad kong pinigilan ito.

Papaligayahin ko lang sana s'ya ngunit mas gusto n'ya ang higit pa rito. Ayos lang naman sa akin kung hindi pa s'ya handa dahil makakapaghintay naman ako.

Imbes na ako ang maging sabik ay s'ya pa mismo ang nagpumilit na may gawin kami. Hindi s'ya mapakali, binubundol n'ya ang kan'ya sa aking pagkalalaki. Nanigas tuloy ito at hindi na nag-aksaya ng panahon, inilabas ko na ito sa hawla.

"Tell me you want more, love. Tell me." Napadaing ako sa bawat pagbundol ko sa kan'yang namamasang ibaba.

"G-Gusto ko, Airo. Please, f*ck me," malambing n'yang anas, nagpupumilit.

"We're making love, Lyrre." Nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi n'ya."Tell me you love me."

"I l-love you, please."

Pinahid ko ang kan'yang luha nang masaktan s'ya sa pagpasok ng ari ko sa kan'ya. I know this is her first time, at gano'n din naman ako. Kanina hindi ko pa alam kung tama ba ang ginawa ko. Mukha namang nagustuhan n'ya ang pagpapaligaya sa kan'ya.

We just made love tonight. She's peacefully laying beside while hugging me. Tulog na s'ya kaya malaya kong pinaghahalikan ang kan'yang balikat at noo. My heart felt like it would burst with happiness, and my love for her simply deepened.


Dumaan ang araw na maayos ang aming relasyon ng Lyrre. Pinakilala ko s'ya sa mga pinsan ko pati na rin binisita ang bahay ni Mom para i-celebrate ang birthday ni Khalvin.

Hinayaan ko munang makipag-halubilo s'ya sa mga pinsan ko at nagpahinga rito sa hot spring, sa likod banda ng bahay. Maliit lang ito na sinadya para sa dalawang tao lamang. Naging paborito ko na ring tumambay rito.

May nangyari ulit sa amin. Kahit nakainom ako ay nasa katinuan naman ako. Gusto ko na tuloy makapagtapos sa pag-aaral at magkaroon ng tarbaho para makasama na sa iisang bahay si Lyrre.

Nagsasama naman kami ni Lyrre sa apartment pero iba pa rin 'yong may pera na ako at may ipagmamalaki. Sana nga hindi mawala ang pagmamahal n'ya sa akin dahil wala akong planong magmahal ng iba kundi s'ya lang.

Nagdaan ang araw na pakiramdam ko iniiwasan n'ya ako kahit iisang kwarto lang naman kami. Kapag tinatanong ko s'ya sumasagot naman. Ngunit bakit pakiramdam ko may kinikimkim s'yang bagay na hindi ko alam?

Gusto kong tumabi kami ng kama pero ayaw n'ya. Tinanong ko kung buntis s'ya dahil napapadalas ang pagsungit n'ya. Baka lang naman. Kung sakaling buntis s'ya, hindi ko s'ya iiwan. Magtatarbaho ako habang nag-aaral para sa kan'ya at sa magiging anak namin. Kahit mukhang mahirap na pagsabayin, I will do it for her and to our baby if she's really pregnant.

Pero medyo takot din ako na baka nabuntis ko s'ya dahil wala kaming proteksiyon na ginamit nang may nangyari sa amin. Ayaw kong magalit s'ya sa akin kapag nangyari iyon.

Nagulat man ako sa bigla n'yang pagtanong kung mahal ko s'ya ay nagawa kong sagutin ito. Kung iisipin hindi mahirap sabihin kung paano ko s'ya minahal. Pero kung ilalabas ko na sa bibig ko ay tila nahihirapan akong humanap ng tamang salita.

Hindi ako sanay sa ganito gayong s'ya pa lang ang minahal ko at palagi ko naman pinaparamdam sa kan'ya na mahal ko s'ya. Hindi ko talaga inaasahan na gugustuhin n'yang marinig ang dahilan ko.

"I... I love you," sabi n'ya matapos kong sabihin lahat ng mga bagay na nagustuhan ko sa kan'ya at paano ko s'ya minahal.

Nawala bigla ang pangamba ko dahil sa tatlong salita na binigkas n'ya. Napangiti ako sa kan'ya at nilapitan ito.

"I love you too... So much that I am willing to do anything. Please, don't leave me, hmm?"pakiusap ko, sinabi ko na kaagad at baka kasi iwan n'ya ako. Paranoid talaga ako tulad ng palagi n'yang sinasabi.

Tumalikod s'ya ng higa at hindi na nagsalita. Hindi ko na pinansin ang kakaiba sa kan'ya dahil sa saya na nararamdaman ko. Sabihin n'ya lang iyon sa akin at magiging mabuti ang pakiramdam ko.

"Mahal kita, Lyrre. Good night, love."


"Tama na 'yan, Airo," awat sa akin ni Zaimon ngunit nagpumilit ako, isahang nilagok ko ang alak at binagsak sa lamesa sa harapan ko.

"A-Ano ba ang ginawa ko? G-Gusto kong malaman ang ikinagagalit s'ya sa akin." Napabagsak ang ulo ko sa lamesa at do'n humagulgol. "Nagkalabuan na kami ni L-Lyrre. Hindi ko na alam ang gagawin ko."

"Sinabi mo na ba sa kan'ya ang lahat?" tanong ni Zaimon kaya napaangat ang tingin ko mula sa pagkadukdok sa lamesa, saglit natigilan.

"Hindi... I-Iiwan n'ya ako kapag sinabi ko," mahina kong sagot, I can't afford to lose her.

"Gag* ka ba?" Niyugyog n'ya ang balikat ko na parang ginigising ang utak ko. "Naghihintay lang s'ya na sabihin mo sa kan'ya ang totoo tapos kinikimkim mo lang? Kahit tinapos mo na ang pagpapakita sa mga babaeng iyon ay karapatan naman n'yang malaman ang lahat."

Gigil na gigil sa akin si Zaimon. Gusto yata akong suntukin pero 'di n'ya lang kayang gawin. Tama naman s'ya at ngayon ko lang napagtanto.

"Hihintayin mo pa ba na sa iba n'ya ito malaman? Mas mabuting mas maaga mo na sabihin dahil sa huli ang pagsisisi."

Sinabi ko na kay Zaimon na uuwi na ako at tinaboy na ito kahit ayaw n'ya akong pabayaan. Masuwerte ako na may kaibigan akong kagaya n'ya.

Alam kong may pagtingin s'ya kay Lyrre pero s'ya na mismo ang dumistansya dahil sa pagkakaibigan namin. Kahit hindi ko na sabihin na lumayo s'ya ng kaunti kay Lyrre ay s'ya na ang nagkusa. Kaya hindi ko s'ya kayang awayin dahil mahalaga na rin s'ya sa akin.

Imbes na umuwi sa apartment ay natagpuan ko na lang ang sarili na sumakay sa bus at nakarating sa harapan ng bahay nila Sibyn kung saan bahay din pala ni Sibyl.

T*nga ko talaga para 'di malaman na may kapatid si Sibyn. Kasalanan ko dahil wala akong pakialam sa bahay n'ya at kay Lyrre lang umiikot ang mundo ko no'n, hanggang ngayon din naman.

"D-Don't leave me. Let's stay just like this." Niyakap ko s'ya at sinubukan na patulugin s'ya para sa paggising ko nasa tabi ko pa rin s'ya.

Buti buhay pa ako nakarating dito dahil ilang oras ang byahe papunta rito sa San Juan. More than two hours ang byahe ko, galing ko talaga.

Hindi s'ya nagsalita kaya dinugtungan ko ang sinabi ko.

"I-I love you so much, l-love, my Lyrre. I'm so sorry."

Gusto kong sabihin sa kan'ya ang lahat pero inunahan na ako ng antok dahil sa kalasingan. Agad ko rin pinagsisihan dahil sa paggising ko sa umaga ay wala na s'ya.

"B-Baka naman alam mo, Zaimon kung nasa'n si Lyrre, oh," nagmamakaawa ang boses kong sabi nang nakalabas s'ya sa kan'yang bahay.

Kunot-noo n'ya akong tinignan. Nilapitan ako at paulit-ulit na tinatapik ang aking balikat.

"Sorry talaga, pre, wala akong alam kung nasa'n s'ya ngayon. Kanina mo pa 'yan tinatanong sa akin."

Napasabunot na lang ako sa buhok at napasandig sa pader nang naramdaman ko ang pagkahina ng katawan ko. Nag-alala naman akong inalalayan si Zaimon. Mukha nga talagang wala s'yang alam.

Inalis ko ang kan'yang kamay at tumungo sa kan'yang mga kaibigan. Siguro naman alam nila kung nasa'n si Lyrre.

Gulong-gulo ang buhok ko dahil hindi ako nag-ayos ng sarili nang sumugod ako sa boarding house na tinutuluyan ni Lyrre. Ngunit wala s'ya. May kutob ako na iniwan na n'ya ako ng tuluyan.

Walang gabi na umiiyak ako habang nagpapakalasing sa bahay. Minsan napapaaway pa sa kapit-bahay. Buti na lang inawat kaagad kami ng nakakatandang kapatid ko.

"Naku, Airo, hindi ko alam kung nasa'n lumusot si Lyrre. Hindi naman s'ya nagpaalam sa amin," ani ng kaibigan ni Lyrre na sa tingin ko'y si Chiel, basi sa kuwento sa akin ni Lyrre noon na kasama n'ya.

Nag-aalangan pa s'ya kung lalapitan ako dahil sa kalagayan ko ngayon. Ni minsan hindi ko pinahiya ang sarili ko sa mga tao pero ngayon na hindi ko alam kung saan nagtatago si Lyrre ay wala na akong paki sa naging mukha ko ngayon. Siguro sabog na dahil isang Linggo na no'ng huling kita namin.

"You need me tonight, Airo," bulong bigla ni Nezza sa aking taenga at pinalandas ang kamay sa aking balikat. "I can pleasure you, better than your ex."

Napapikit ako nang mariin. Masakit ang ulo ko dahil sa daming alak na ininom ko, dagdagan pa ang babaeng ito na habol ng habol sa akin. Inis na tinulak ko ang mukha n'ya at napaupo ito sa sahig sa lakas ng pagkatulak ko. D*mn this woman.

"What the hell, Airo?!" galit n'yang sigaw, mukhang may iniinda rin s'yang sakit sa balakang at wala akong pakialam.

Ibinuhos ko ang alak sa kan'yang damit na kulang na lang tumuwad s'ya at makita ang iniingatan. I hate this woman. Alam n'yang nagluluksa ako sa pag-iwan ni Lyrre sa akin at talagang kukunin n'ya ang pagkakataon na makuha n'ya ako. My body, heart and soul is belong to Lyrre.

"If you're horny, then f*ck yourself," madiin at galit kong sabi sa kan'ya, inihagis ko ang bote sa tabi na ikinatakot n'ya.

"Y-You're a guy, Airo. Kailangan mo ako, kailangan mo ang katawan ko." Walang hiyang tumayo s'ya sa pagkakaupo at nilapitan ako, parang wala na sa kan'ya ang alaknna binuhos ko sa kan'ya."Hindi mo kayang magpigil. Come on, I can do better than Lyrre. Siguro boring n'ya sa kama ka-"

Mas lalong nawalan ako ng kontrol. Binalibag ko ang mga bote sa lamesa na nasa gilid ko na ikinaatras n'ya. Nanliliksik ko s'yang nilapitan at hinawakan ang leeg n'ya, piniga ko ito.

"A-Airo..." Hirap s'yang makahinga, pasalamat s'ya at hindi ko kayang patayin s'ya.

"I'm in relationship with Lyrre and you don't even f*cking understand that I am loyal to her. Ano naman kung lalaki ako? Sinasabi mo 'bang natatakam akong tumikim ng babae dahil sa pangangailangan ko iyon bilang lalaki?" Pabalibag na binitawan ko ang leeg n'ya at habol hininga n'ya akong tinignan, ayan matakot ka.

"I'm not that type of guy, t*nginang kasabihang iyan. I only want Lyrre's to fulfill my needs, to make love to me so get the f*ck out of here before I do something you won't like."

Galit ako sa mga kagaya n'ya, lalo na sa mga lalaking hindi kayang magmahal ng isang babae at talagang naghahanap pa ng ibang putahe. Dahil daw sa sawa na sila at gusto nilang kakaiba naman. What a f*cking stupid brain of them.


"F*ck you! Kasalanan mo kung bakit iniwan ako ni Lyrre!"

Ilang ulit ko nang sinuntok si Kenjie ngunit hindi s'ya nanlaban at masama lamang akong tinignan.

"Hindi ko kasalanan na nalaman n'ya ang totoo. Mas mabuti nga na iniwan ka dahil lolokohin mo rin naman s'ya," mapakla n'yang anas na mas ikinagalit ko.

Sinuntok ko ulit s'ya. Walang tao sa paligid namin dahil gabi na sa kalsada kung saan kami ngayon. Ngunit bago ko pa man s'ya ihagis sa tabing puno ay may pumigil na sa amin.

"T*ngina mo, Airo! Tumigil ka!" galit na sigaw ni Khalvin at tinulak ako para lumayo kay Kenjie.

Dumudugo na ang labi ni Kenjie dahil sa kagagawan ko. Kulang pa nga 'yan sa pangingialam n'ya. Hindi mapigil ang hagulgol ko habang galit na nakatingin sa kan'ya. Pinapatay ko na s'ya sa utak ko. Pasalamat s'ya at hindi ako makalapit dahil sa hinarangan na ako ng dalawa kong kapatid.

"Anong pumasok sa utak mo at naghahanap ka ng diskrasya, huh?! Sa tingin mo magugustuhan ni Sibyl ang ginagawa mo ngayon?" bulyaw sa akin ni Zahiro.

Tinakpan ko ang aking mga mata gamit ang nanginginig kong braso at umiyak ng todo. Pagod na pagod na akong kakahanap kay Lyrre ngunit gaano man ako nasasaktan ay hinahanap-hanap ko pa rin s'ya.

Tumalikod ako sa kanila at pinagpatuloy ang iyak ko sa kotse ni Khalvin na nakaparada sa gilid. I don't want them to know how weak I am, yet right now I can't stop the pain.

Gabi-gabi binabagabag ni Lyrre ang isipan ko. Tinatanong ko sa sarili kung nasa'n s'ya at bakit kailangan n'yang umalis na 'di nagpapaalam sa akin.

Hindi nga naman talaga s'ya magpapaalam sa akin dahil galit s'ya at sa tingin n'ya'y nagloloko ako. Akala ko ba napag-usapan na namin ito? Kulang pa ba ang paliwanag ko para maibalik lang s'ya?

"Anak."

'Di ko pinansin si Mom at nakatalikod lamang sa kan'yang gawi. Pagod na akong uminom ng alak kaya inabala ko ang sarili sa panonood ng telebisyon dito sa kwarto ko.

Ayaw kong bumalik sa apartment dahil naaalala ko lang s'ya at baka hindi ko mapigilang makabasag ng gamit. Gusto kong pahupahin ang galit ko at lungkot sa pag-alis ni Lyrre nang sa gano'n ay masimulan ko na ang paghahanap sa kan'ya.

When Mom sat down next to me and gave me a hug, the bed I was lying on plummeted.

"Alagaan mo naman ang sarili mo, anak. Babalik din naman si Sibyl," pagpapagaan ng loob n'ya.

"Babalikan pa rin ba n'ya ako pagkatapos ng lahat ng ginawa ko?" mapait kong tanong, nakatutok pa rin ang paningin sa TV.

Napabuntong hininga si Mom at hinimas ang braso ko na tila pinapakalma ako. Pero sa totoo lang, hinang-hina ako ngayon.

"G-Ganito siguro 'yong pakiramdam no'ng iniwan ka ni Dad," panimula ko, natigilan s'ya sa sinabi ko. ""I didn't know that having an emotional issue hurts more than having a physical one."

"Oh, my son." Umiiyak na niyakap ako ni Mom, umiiyak s'ya dahil sa alaala nila ni Dad.

"H-Hindi ko inaasahan na ganito pala kasakit. Akala ko madali lang ito pero... Ang hirap pala lalo na't iniwan n'ya ako na walang paalam." Pinunasan ko ang luha na tumulo sa aking mga mata.

Iniyak ko lahat kay Mom ang nararamdaman ko. Iniisip na pinagsabihan ko pa noon si Mom na p'wede naman s'yang maghanap ng ibang lalaki at dapat hindi s'ya umiiyak sa kagaya ni Dad.

Sinabihan ko pa na hindi totoo ang pagmamahal na nararamdaman n'ya kay Dad. Umiiyak lang s'ya dahil sa marami silang pinagsamahan ni Dad, hindi dahil sa mahal n'ya ito.

Ano 'tong nararamdaman ko? Hindi naman dahil sa pinagsamahan ni Lyrre ang iniiyakan ko. Kundi dahil sa mahal ko s'ya at iniwan n'ya akong mag-isa.

Umabot ng ilang buwan at wala pa rin si Lyrre. I missed her so much, but I can't find her. Hanggang sa dumating ang araw nakapagtarbaho ay s'ya pa rin ang laman ng puso ko't isipan, hindi s'ya nawala sa akin.

Pinagsabihan ko ang aking sarili na maghihintay lang ako sa kan'ya at hayaan muna s'ya kung saan s'ya ngayon. Dumaan ang isa, dalawa hanggang tatlong taon ay wala pa rin s'ya.

Totoong nakapapagod, ilang beses ko na iyan sinabi sa aking sarili ngunit dumadaan ang araw na hinahanap-hanap ko pa rin s'ya. Siguro nga pinahinga ko lang ang pagod ko kaya bumabalik ang lakas ko para hanapin s'ya.

Wala na kaming communication ni Sibyn matapos n'yang sabihin na maghintay lang ako. Tinanong ko s'ya nakaraang taon kung saan si Lyrre ngunit hindi n'ya muna sinabi. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon pinagtataguan pa rin ako ni Lyrre.

One day Sibyn called me. My chest was beating fast when I immediately answered his call.

"Hello, Airo. It's been three years na rin pala. Nagtatarbaho ka, 'di ba sa Cruiser? " bungad na tanong n'ya akin at 'di na nag-abalang tanungin ang buhay ko ngayon.

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. "Seryoso na 'to, Sibyn. Saan ngayon si Lyrre? Nasa'n kayo ngayon, huh?"

Tumawa s'ya sa kabilang linya na mas ikinagalit ko. Bubulyawan ko sana s'ya nang agad s'yang sumabat.

"Hindi ka naman siguro patay na patay sa kapatid ko 'no? Bago ko sagutin ang tanong mo, gusto kong itanong kung mahal mo pa ba ang kapatid ko."

Tumango ako kahit hindi n'ya ako nakikita. "Of course, I f*cking love her. Anong akala mo sa akin? Kakalimutan ko s'ya? Magiging square muna ang buwan bago ko s'ya makalimutan."

Mas lalo s'yang humagalpak sa tawa. "Baliw nga talaga," tumikhim s'ya bago dinugtungan ang sasabihin. "Abangan mo si Lyrre sa barkong sinasakyan mo. Uuwi na s'ya r'yan."

Saglit akong natigilan. "Are you serious?" Napabuka ang bibig ko at bahagyang sinuklay ang mahaba kong buhok, ang lakas ng tibok ng puso ko."Tell me this is not a joke."

"I'm serious, abangan mo na si Lyrre d'yan at mag-propose na ng kasal bago n'ya mabawi ang bahay mo ngayon. Aasahan kong ikakasal kayo ngayong taon."

Napakagat ako sa sariling labi habang 'di mapakali sa paglalakad nang pabalik-balik dito sa labas ng barkong sinasakyan ko. Ngayon uuwi si Lyrre... Sa wakas makikita ko na s'ya.

Saktong nandito ako ngayon sa Cruiser. Siguro maya-maya makikita ko na s'ya. Bakit hindi man lang sinabi kaagad ni Sibyn na ngayon uuwi si Lyrre?

Never mind, kukunin ko si Lyrre sa ayaw at sa gusto n'ya. Hindi naman kami nag-break up kaya sa akin pa rin s'ya.



To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro