EPILOGUE (3)
EPILOGUE 3
AIRO RIGS CADDEL
Hindi ko ma-text o matawagan man lang si Lyrre nang makarating ako kasama ang mga kaklase ko sa kabilang university para magtipon-tipon ang mga marine engineering. Kanina pa ako 'di mapakali.
Hindi ko pinaalam kung ilang araw ako rito, baka hintayin n'ya ako. Umagot sa dalawang araw ang pananatili ko rito bago kami nakabalik.
Malapit na ang uwian nila kaya naman hinanap ko s'ya sa kung saan man s'ya ngayon. Hindi ko s'ya naabutan sa kanilang room kaya baka nando'n s'ya sa Street foods.
Ngunit pagdating ko ro'n wala na naman s'ya. Para akong tanga na paikot-ikot sa buong eskwelahan. I only recently found out that he was in the gym watching Zahiro's band.
Nabuntungan ko tuloy ng inis ko ang kasama ni Lyrre ngunit wala akong pakialam. S'ya ang dumistansya kilala naman n'ya kung paano magalit kapag 'di n'ya sinunod ang utos ko.
Kanina pa ako nagtitimpi habang hinihintay na matapos ang pinapanood n'ya ngunit hindi na ako nakapagpigil, binigyan ng atensyon ni Kertian si Lyrre.
I know Lyrre likes him, dahilan ng pagkababa ng sarili ko na. Gumugulo sa isipan ko na paano kung may mahal na sya? Kahit kaunti ba may nararamdaman na s'ya sa akin? Nakakaselos tignan na nakangiti s'ya sa iba habang sa akin hindi n'ya magawa.
“Alam mo ba ang araw ngayon?” madiin kong tanong, pinipigilan ang totoo kong nararamdamang pait sa aking dibdib.
“Friday,” mahina n'yang sagot at yumukod.
Sinabi kong kanina pa ako paikot-ikot sa kakahanap sa kan'ya tapos tumungo pa ako sa kan'yang boarding house. Nalusaw ang inis ko sa dibdib nang makitang nakokonsensya s'ya. Hindi mo kasalanan, love. I'm sorry, hindi ko na naman ma-kontrol ang sarili na magselos.
Mabait si Kertian, lalaki na gustong-gusto ni Lyrre. Habang ako naman kinaiinisan n'ya. Siguro nga ayaw n'ya sa akin. D*mn this heart.
“Gusto mo si Kertian, right? Hanggang ngayon ba s'ya pa rin?”mapait kong tanong na agad n'yang ikinailing.
“H-Hindi, hinahangaan ko lang s'ya p-pero hindi ko s'ya gusto. M-Matapos kong sabihin sa 'yo nakaraan na m-mahal kita, gan'yan ka na?”
Napatakip ang palad n'ya sa mukha at umiiyak sa aking harapan. T*ngina mo, Airo. Pinaiyak mo si Lyrre. Hindi ko alam na masakit na pala sa kan'ya ang sinabi ko.
She said she loves me at pinaghihinalaan ko pa s'ya na may ibang gusto. Hindi ko ginustong saktan s'ya. Masaya sana ako na marinig na mahal n'ya ako pero ayaw ko naman na makitang umiiyak s'ya dahil sa akin.
“D*mn.” Mabilis ko s'yang niyakap habang umiiyak s'ya sa aking bisig.
Para akong sinasaksak ng paulit-ulit dahil sa walang tigil n'yang pag-iyak. Pinatahan ko s'ya at alam kong hindi iyon sapat. Masama na ba ako ngayon kung nararamdaman ko ang kaginhawaan ngayon na umiiyak s'ya dahil sa mahal n'ya ako at hindi n'ya ako kayang iwan?
“I'm sorry that I scared you, I-I'm just frustrated na hindi ka mahanap. I want eat dinner with you yet I can't easily find you. Tapos mahahanap lang kitang masayang nanonood kay Kertian. ”
It was my birthday today kaya umuwi rin ako para i-celebrate kasama s'ya. And also I want to celebrate our three days in relationship.
She said sorry too. Hindi naman n'ya kailangan magpaliwanag dahil ako naman talaga ang may mali sa amin. Inakala lang naman n'ya na hindi ako dadating. I should be the one to say sorry to her for not telling her kung ilang araw akong mawawala. Pinaghintay ko pa s'ya sa wala.
Sinabi kong mahal ko s'ya at babawi ako. I kissed her teary eyes bago n'ya ako niyakap. Ganito pala ang pakiramdam ang kan'yang pagmamahal. Parang sasabog ang puso ko at gusto ko na lang yakapin s'ya buong magdamag. Finally, she loves me now.
“Eat, I know you're hungry,” sabi ko.
Marami akong niluto para sa selebrasyon na ito. Tumulong din ang dalawa kong nakatatandang kapatid ngunit kaagad ko silang pinaalis.
“Thank you,” nahihiya n'yang sabi. “Ano 'bang mero'n at ang dami ng pagkain?”
“Three days in relationship na tayo kaya naghanda ako.”
Mukhang nagulat ko s'ya. Sasabihin ko na sana na birthday ko rin ngayon ngunit umiba ang timpla ng mukha ko nang tinanong n'ya sa akin kung kami na ba.
Aatakehin yata ako sa puso nang tinanong din n'ya ako kung kami na ba talaga. Sinabi n'ya na wala akong sinabing kami na kaya hindi n'ya alam kung anong mero'n sa amin. I mentally slapped my head. Oo nga pala, pero hindi magbabago na naging kami.
Sinabi ko kay Lyrre na hindi ako nag-c-celebrate ng birthday ko. Sila Mom lang naman ang naghahanda ngunit palagi akong wala sa bahay para iwasan ang salo-salo sa selebrasyong iyon.
Ang sunod na ginawa ni Lyrre ang ikinagulat ko. She kissed my chicks side to side. Bago pa man s'ya lumayo ay hinapit ko ang beywang n'ya sa akin at inangkin ang bahagyang nakaawang n'yang labi. She's mine now so I can kiss her whenever I want.
“Kiss me back, give me my kiss as a gift,” paos kong pakiusap nang 'di s'ya tumugon, agad naman s'yang sumunod sa akin na ikinangiti ko.
Her kisses was my best gift I ever received. Mas lamang ang iniregalo sa akin ng may kapal, iyon ay mahalin ako ni Lyrre.
Halos magwala ako nang makitang may mga picture ng lalaki sa gallery si Lyrre na agad kong ibinura sa galit at selos ko. At talagang nag-iisang lalaki lang sa gallery n'ya. Mapapamura na kang talaga ako.
Kumuha ako ng litrato gamit ang kan'yang cellphone para ako lang ang nasa gallery n'ya. I know that guy and he's a model. I thought Lyrre is a fan of that guy kaya ako nagalit.
Umuulan kaya naman hinayaan kong matulog si Lyrre sa kwarto ko habang ako ang nasa sala. Ayaw ko namang tumabi kung 'di s'ya komportable. Kung sakali man na magkatabi, I won't do anything that she won't like.
“What the hell, Lyrre,” inis at antok kong anas nang yugyugin n'ya ang balikat ko, halos mapabalikwas ako sa pagkakahiga sa gulat.
“May multo sa kwarto mo! Dito na lang ako! Dito na lang sa tabi mo, please? Natatakot ako.”
“Walang multo dito, ano ka ba, Lyrre.”
Mula sa pagkakapikit ng mga mata ay binuksan ko ng kaunti ito. Antok pa ako at bigla na lang akong ginising. Kita ko ang takot sa nga mata n'ya habang nagsusumiksik ang katawan n'ya sa akin. Hinaplos ko na lang ang buhok n'ya at likuran para 'di s'ya matakot.
Wala sa sariling kinantahan ko s'ya habang pinapatulog ito. Sa buong buhay ko hindi kumakanta, kahit kay Mom nga pero nagawa ko kay Lyrre. Nagagawa ko na 'yong mga bagay sa kan'ya na hindi ko magawa sa iba.
Nakilala na ni Mom si Lyrre. Hindi ko masabi kong maganda ba ang unang pagkakita nila sa amin dahil magkatabi kami ng tulog. I don't really care if it was Mom. She's definitely happy now that I'm in a relationship.
Narinig ko ang pinag-usapan nila ng kan'yang kaibigan. Napaatras ako at napabalik na lamang sa motor bike ko sa baba at hinintay s'ya na pumunta rito.
Hawak ko ang sunflower na pinitas ko sa aming bahay. May ideal man s'ya at basi sa mga gusto n'ya sa isang lalaki ay wala sa akin. I'm not his ideal man.
Niyakap ko ito pagkatapos kong ibigay sa kan'ya ang sunflower. Hindi ko hinayaan na makita n'ya ang mukha ko kaya mas hinigpitan ko ang yakap sa kan'ya.
“I always been a good guy before, pero dahil sa nakaraan na nagdulot sa akin na maging ganito ako, the good guy has gone. Pinatay ko na s'ya,” wika ko sa mababang boses.
Ang bata ko pa nang tuluyan kong binago ang sarili dahil sa Ama ko na walang paki sa amin. May tinitirhan na itong bahay sa ibang babae at hindi na kami ang inuuwian. Saan ang paki n'ya sa amin?
“Bakit mo bigla nasabi 'to?” malumanay ang boses n'yang tanong.
“Narinig ko ang pinag-usapan n'yo. How I wish na bumalik ako sa dating ako. Kahit gusto kong ibalik ay hindi ko magawa. Siguro nga sakit ko na 'to. Hinayaan kong lamunin ako ng galit ko kaya ito, hindi maalis-alis.”
Gusto kong makawala na sa nakaraan pero ko magagawa iyon kung mismo si Mom ayaw bumitaw. Sa tuwing nakikita ko ang lungkot sa mukha ni Mom ay naalala ko ang kataksilan ng Ama namin. Matatawagan ko pa s'yang Ama kung hindi naman s'ya nagpaka-ama sa amin?
Sinabi ko lahat kay Lyrre. Para akong bata na nagsusumbong sa kan'yang nanay kung umasta. Hanggang sa nasanay na akong palagi s'ya nand'yan para sa akin.
“You don't need to force yourself to be a good guy, Airo. Don't force yourself na ibahin ang ugali mo, just be yourself. And besides, mas minahal kita sa kung anong mero'n ka. Ikaw lang yata ang nakilala kong suplado pero gentleman, eh.”
Wala sa sariling napangiti ako. Dinilaan ko ang ibabang labi at pinipigilan na mapangiti ng tudo. 'Yo'n ang kailangan kong marinig sa kan'ya. Talagang inibsan n'ya ang sakit sa aking dibdib.
“I love you too...so much.”
Nilapit ko ang mukha sa kan'ya at pinagsaluhan ang labi namin. Malambot ang labi n'ya kaya minsan nawawala ako sa sarili at pinapanatiling sinisipsip ang ibabang labi n'ya.
Sunod-sunod ang inis ko lalo na kay Kenjie dahil alam ko ang binabalak n'ya. Dagdagan pa na mukhang sisiraan ako kay Lyrre. Mali naman ang impormasyon nakuha n'ya ngunit ang kinatatakot ko ay baka hindi maniwala sa akin ni Lyrre.
Lyrre never failed to boost my confidence, and she washed away my insecurities towards others man na nagtatangkang pormahan s'ya.
Napapansin kong pinagsasalitaan ko na ng masama ang mga lalaking nagtangkang kausapin s'ya at may binibigyang motibo. Hindi ko maiwasan at kusang nagdesisyon ang katawan kong magselos.
“Sino si Kias? Bakit naka-tattoo sa balikat mo?”
Nanigas ang mga kamay kong nasa beywang at balikat n'ya habang nakatingin sa tattoo n'ya bandang likuran. Hindi ko alam na may ganito na s'ya at hindi man lang n'ya pinabura!
“Erase this, love. Boyfriend mo ba s'ya noon? Then, why the f*ck nasa likod mo pa rin?”
Ang tumatakbo sa isip ko ay dalhin s'ya sa tattoo shop at ipabura ang tattoo n'ya. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko.
Agad s'yang nagpaliwanag bago pa man ako sumabog. Hindi ako makapaniwala na gawa-gawa lamang na pangalan ang nakatatak sa kan'yang likuran. Sabi n'ya rin wala s'yang boyfriend noon at ako naman ay tuwang-tuwa na ako ang una n'yang boyfriend.
Ganado akong kumain kasama s'ya. Hindi ko aakalain na makakasama ko s'ya sa apartment. Gusto ko kapag naging kami na ay titira na kami sa iisang bubong lalo na kung nakapagtapos kami sa pag-aaral. Masarap sa pakiramdam na kami dalawa ang magsasama hanggang sa huli.
Dumaan ang araw na minsan hindi ko mahatid si Lyrre na pinagsisihan ko. Natatakot lang talaga ako na guluhin kami ng babaeng kaharap ko ngayon. Hindi ko alam ang pangalan n'ya, basta naka-blind ko 'to noon na tinigil ko nang gawin dahil wala rin namang dahilan pa para ipagpatuloy.
“May girlfriend ka na?” tanong ng babae, mukhang gulat pa.
“Yes, kaya h'wag ka nang magpakita sa akin at sabihin mo rin sa kasama mo tungkol dito. Ayaw kong magselos ang girlfriend ko,” I seriously said, walang gana ko s'yang tinignan.
Gustuhin ko man na makitang nagseselos si Lyrre ay natatakot pa rin ako na baka iwan n'ya ako, malala na kung hihiwalayan n'ya ako. D*mn, hindi ko maatim na indahin iyon.
Tumango ang babae. “Sure, wala akong balak sirain ang relasyon n'yo. It's good na may nagpalambot na ng puso mo.”
Akala ko talaga magmamatigas s'ya kagaya ng kasama n'ya. Sinunod lang naman n'ya ang parents n'ya na makipag-date sa akin at mukhang may nagugustuhan naman s'yang iba. Nah, never mind.
Kanina pa ako nag-aalala at naiinis sa sarili nang hindi ko mahanap si Lyrre. Susunduin ko na dapat s'ya sa ganitong oras pero wala s'ya.
Siguro umuwi na iyon. Kahapon kasi hindi ko s'ya nasundo dahil sa may inayos akong gusot. Ngayon na wala na ang mga babae nagbabalak na sirain kami ay makakahinga na ako ng maluwag kasama si Lyrre.
Gano'n na lang ang galit ko nang makitang may kausap na lalaki di Lyrre. Mukhang magkakilala sila. May dalang kotse ang lalaki at sigurado akong hinatid n'ya rito si Lyrre.
Kusang pinaharurot ko ang aking motor papunta sa kanilang kinaroroonan. Dumaan ako sa gilid nila at akala siguro babanggain ko sila.
“The f*ck man!”mura ng lalaki nang muntik ko na s'yang masagi ng motor ko, napangisi na lang ako. May parte sa akin na mas magandang nabangga na lamang s'ya.
Nasasaktan akong nakatingin kay Lyrre habang pinagtatanggol n'ya ang lalaki. Pinipiga ang dibdib ko sa isipang galit s'ya sa akin at baka makahanap s'ya ng iba.
“You're my responsiblility now kaya nag-aalala ako sa kahahanap sa 'yo. T-Tapos...”
Sinabunutan ko ang sariling buhok at kagat labing ininda ang pagkirot ng dibdib ko. Bakit sobrang sakit naman yata ang pagmamahal na ito. Naalala ko tuloy si Dad na iniwan si Mom. I can't be like her, not again.
Gusto ko sanang dugtungan na may kasalanan din ako sa kan'ya, na hindi ko kaagad pinaalam kahapon na hindi ko s'ya susunduin. Pero 'di ko talaga maiwasang masaktan na makitang may ibang lalaki ang naghatid sa kan'ya.
Dapat ipakita ko rin ang galit ko. Dapat malaman din n'ya na hindi lang ako nasasaktan, kundi galit din para iwasan na n'ya ang lalaking iyon.
Dinala ko s'ya sa apartment para ro'n mag-usap. Gusto kong linawin ang lahat dahil kung hindi, baka mabaliw lang ako sa kakaisip kung anong mero'n sa kanilang dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro