Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE (1)

   EPILOGUE 01


AIRO RIGS CADDEL

“H'wag mo naman kaming iwan ng mga anak mo, Archo, maawa ka,” rinig kong pagmamakaawa ni Mom kay Dad sa labas.

“Iiwan ko na kayo, maghiwalay na tayo dahil sa totoo lang, nakakasawa na kayo!” malakas na sigaw ni Dad bago ko narinig mula sa labas na parang may nabasag na babasagin na gamit.

Tahimik sa tabi si Kuya Khalvin at Zahiro. Kahit abala sila sa paglalaro sila ng baraha ay alam kong narinig nila ang sinabi ni Dad.

I peeked through the open door and saw Mom crying again because of Dad. How many times has this happened? How many times did Mom accept Dad even though he was cheating on her?
 

At the young age of twelve, I witnessed the dissolution of our family. I witnessed that Dad had a new family, and Mom lost the will to take care of us.

Wala akong alam tungkol sa pagmamahal na sinasabi nila dahil hindi naman ako lumaki sa pamilyang gano'n. Puro sakitan at sigawan na lang ang naririnig ko.

Nakatutuwang isipin na bakit kailangan pa ni Mom na magmakaawa kung p'wede namang bitawan at hayaan na lang si Dad. If love were real, then why did Dad leave us if it were?

“Mom, nagluto ako ng almusal,” sabi ko at inilapag sa kan'yang harapan ang pagkain na niluto ko mismo.

She glanced at me before examining the rice, bacon, and fried egg on her dish. She gave me a small smile and fluffed my hair.

“Ang sweet naman ng bunso ko, dapat ako nagluluto sa inyo, eh. Love mo talaga si Mom, hmm?”

Niyakap n'ya ako nang mahigpit at kahit naiinis ako na bini-baby pa n'ya ako ay hinayaan ko s'ya. Ayaw ko lang naman s'yang makitang ganito. Nakakainis lang tignan kung si Dad lang ang dahilan.

“Are we going to cut our hair, bro?” tanong ni Kuya Khalvin sa akin, napatingin din si Kuya Zahiro sa kan'ya.

I combed my shoulder-length hair while gazing at myself in the mirror. I loathe having to accept that we resemble my father in appearance. I hate looking at his face.

“Ayaw ko, I want to remain my hair long,” mariin kong saad at tinignan sila sa repleksyon ng salamin. “Can we make a deal?”

Tuwang-tuwa naman si Kuya Zahiro sa sinabi ko. Pumalakpak s'ya na tila excited na malaman ang deal ko. For him, it was exciting.

“What deal? Are we going to build a mafia organization?” sabik na tanong ni Kuya Zahiro, binatukan tuloy s'ya ni Kuya Khalvin.

“Kung saan-saan lumilipad ang utak mo. Sa tingin mo madali lang sinasabi mo? Are you putting your life in danger?” Kuya Khalvin was annoyed at him.

Action films like Mafia and others in the genre are favorites of Kuya Zahiro. He has numerous toy guns in his room because of that.

Napasimangot s'ya at hinimas ang ulo. “Then what it is?”

Humarap ako sa kanila at tinuro ang buhok nila na mahaba pero hindi pa umaabot ng balikat.
Mom forgot to take us to the barbershop to get our hair cut. She always forgets about us.

“Hindi natin puputulin ang buhok hanggang sa lumaki tayo, palatandaan lang na magkakapatid tayo,” nakangisi kong saad, naisip ko lang na mas magandang panatilihing mahaba ang buhok kaysa sa maging kamukha namin ang Ama namin.

Nagkatinginan silang dalawa at ngisian din ako pagkatapos. Nag-high five kaming tatlo at do'n nagsimula na maging close pa kami.

We made a new buddy from our school when I was seventy-ten years old. Akala ko iba s'ya sa lahat pero nagawa n'yang sirain kami.

“Putulin n'yo na nga ang mga buhok n'yo. Masyado kayong papansin,” maangas na sabi ni Kenjie.

Nakatingin lamang ang blangko kong ekspresyon habang nagtitimpi naman ang dalawa kong kapatid. We are peacefully eating here outside of our school building when suddenly our traitorous friend appears.


Tumayo si Zahiro mula sa pagkakaupo at tinukod ang kamay sa lamesa. Napatingin ang mga kapwa estudyante namin dahil sa gulo na sinimulan ni Kenjie.

“Naging kaibigan ka namin, Kenjie. What happen to our friendship?” mahinahong tanong ni Zahiro.

Sa aming tatlo s'ya 'yong mahinahon na kausap. Aakalain ng iba na isa s'yang anghel pero may lahi rin 'yan na demonyo. Mabait s'ya sa mabait at hindi s'ya gagawa ng masama kung hindi ka naging masama sa kan'ya.

“Friendship? Akala n'yo ba maloloko n'yo ako? Lalo ka na, Airo.” Napunta ang atensyon sa akin nang banggitin n'ya ang pangalan ko, he's making a scene. “Sabi ko gusto ko si Alice, sinabi mo na tutulungan mo ako tapos aagawin mo lang pala.”

What I heard astounded me. I mocked him by laughing at what he said. He appeared to be limping, and his forehead was even more creased.

“Hindi ko s'ya inagaw sa 'yo, wala akong pakialam sa kan'ya lalo na sa 'yo, okay?” Tumayo ako mula sa pagkakaupo, mabilis na isinabit ang bag sa balikat at nilapitan s'ya.
“You are aware that I dislike girls, particularly your girl, who I assume doesn't like you. You must be ridiculous if that's the reason you're ending our friendship.”

“T*ngina mo talaga, Airo!” sigaw n'ya at akmang susugurin ako nang inunahan kaagad s'ya ni Zahiro, napatayo rin tuloy si Khalvin at inawat si Zahiro.

“Gusto mo 'bang ma-diskrasya, huh?” nagbabantang tanong ni Zahiro na ikinatahimik ni Kenjie.

“Stop it, bro,” ani Khalvin.

Alam ko kung anong kayang gawin ngayon ni Zahiro. Mas malala pa yata 'to sa akin pero wala na akong pakialam. Sila na ang bahala sa kan'ya.


Napansin siguro ni Mom na wala akong planong magkaroon ng nobya kaya pinaplano n'yang ipa-blind date ako sa mga babaeng 'di ko naman kilala, mas lalong hindi ko gusto.



“Ayaw ko nga sa kanila, Mom! Bakit ba pinipilit n'yo ako?” naiinis kong tanong, nagtitimpi na baka makagawa ako ng maling desisyon.

“You stated that you don't want women in your life. I'm afraid na baka totohanin mo, anak. Please, open your heart for them,” pagmamakaawa n'ya.

“Love is bullshit, Mom,”I told her firmly, "I don't need a woman to love me if that's what you want.” I walked out of the living room.

Tinawag pa n'ya ang pangalan ko ngunit hindi na ako lumingon at dumiretso lamang ang lakad ko.

Ikakamatay ko ba kung hindi ako magkaroon ng girlfriend? I just want to play music, go to school to study and establish my reputation. That's it; I don't need a woman in my life.



“F*ck you, Sibyn! Talagang pinahirapan mo ako!” asik kong anas sa kan'ya nang nakapasok na ako sa kan'yang bahay.

Basang-basa ang damit ko dahil sa tumakbo pa ako mula gate hanggang sa makarating dito sa bahay n'ya na umuulan, wala pa akong payong dala.

Tuwang-tuwa naman s'ya na makitang nilalamigan ako. Masama ang pinukol kong tingin dito at inagaw sa kan'ya ang towel. Hindi man lang ako binigyan ng payong at sinadya talagang pahirapan ako.

“Relax, dude. Kukuha ako ng damit mo,” ngising saad n'ya at iniwan ako sa living room nila.

Tumungo ako ng terrace at tinignan ang motor ko sa 'di kalayuan. Basang-basa na ito, dapat pala pinasok ko sa loob.

Kinuskos ko ang towel sa buhok ko, medyo natagalan dahil sa haba nito. Napatigil sa ere ang kamay ko nang makitang naliligo ang babae sa ulan sa labas ng bahay na ito.

She spread her hands apart in the air while gazing up towards the sky while closing her eyes. So that she can feel the raindrops on her body.

Hindi ko alam kung ilang minuto ko s'yang tinititigan. Hanggang balikat ang buhok n'ya at sobrang ganda n'ya lalo na't basa ang kan'yang buhok. Marami na akong nakilalang babae na may itsura pero iba ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Her beauty was breathtaking.

Natauhan lamang ako nang tumakbo ito papalabas ng gate, mukhang kapit bahay nila Sibyn siguro.

Dumaan ang isang linggo na iniisip ko pa rin ang babaeng naliligo sa ulan. Nakakainis man na aminin pero ilang beses ko nang tinanong sa aking sarili kung anong pangalan n'ya. Kung saan banda ang bahay n'ya.

I don't know how long I stood there contemplating her while looking up at the ceiling. I occasionally considered returning to San Juan to visit her. Simply put, I'm unsure of what to do when I see her.

“Oh? Nandito ka na naman? Miss mo ko 'no?” mapaglarong bulalas ni Sibyn nang makitang nasa tapat ako ng bahay n'ya. “Ilang araw ka na pabalik-balik dito, may kinikitaan ka ba rito?”

I silently curse at myself and looked away. Isang buwan at kalahati na akong pabalik-balik dito dahil sa babaeng pumukaw ng atensyon ko. Again, I hate to say this, but I liked her when I first saw her.


Her name was Sibyl Lyrre. Natagalan pa bago ko malaman ang pangalan n'ya dahil wala akong mapagtanungan. Kahit ayaw kong itanong kay Sibyn ay nagawa ko dahil ilang araw na akong 'di mapakali. Sinisigurado ko naman na 'di nila mahalata, lalo na mga kapatid ko.

“Bakit mo ako sinusundan, Kuya?” Lyrre asked me suddenly which surprised me.

Napahinto ako sa paglalakad at hindi na alam kung anong gagawin. Kanina ko pa s'ya sinusundan. Gusto kong magpakilala pero baka mabigla s'ya. At isa pa nakatalukbong ang hoodie ko sa ulo at naka-masked kaya hindi n'ya ako namukhaan.

Ilang months ko na ba ito ginagawa? Kung titignan ang sitwasyon ko ay parang isa akong stalker na humihingi ng atensyon n'ya. Gusto ko makita n'ya ako. I'm sure magpapakilala s'ya sa akin at kakaibiganin ako dahil sa may itsura ako.

Pero nagkamali ako. Tinitigan lamang n'ya ako at mukhang nag-aalangan na lapitan ako. Inaakala siguro na masama akong tao.

“P-Please, stop following me po. I don't know you.”

T*ngina. Sa buong buhay ko isa iyon sa masakit na salitang narinig ko. Kasalanan ko naman. Hindi n'ya ako kilala at hindi ko alam kung paano ko makuha ang kan'yang atensyon.

Dumaan ang ilang taon na sinusubaybayan ko s'ya palagi. Nahalata na ako ni Sibyn at mga barkada ko ngunit hindi lang sila nagsasalita. Mas mabuti kung gano'n dahil susuntukin ko sila. 


“Saan ka na naman pupunta, bro?” Biglang sumulpot si Khalvin sa aking harapan at hinarangan ako.

Napaatras naman ako habang nagmamadaling sinusuklay ang buhok ko. Gusto kong ako ang susundo kay Sibyl ngayon dahil balita ko Kay Zaimon dito s'ya mag-aaral sa San Jose.

It's been three years simula no'ng makilala ko si Sibyl. Sa tatlong taong iyon ay wala akong lakas loob na magpakilala sa kan'ya. Minsan hindi ko s'ya naaabutan sa San Juan sa tuwing pumupunta ako ro'n.

Alam kong ilang oras ang byahe mula San Jose hanggang San Juan para makita s'ya pero hindi talaga ako mapakali. Baliwala na lang sa akin iyon basta makita s'ya at alamin ang buhay n'ya.

“Susunduin ko s'ya, ” sabi ko, alam naman n'ya kung sino ang tinutukoy ko.

“Dalian mo at bumalik ka kaagad sa shop,” utos n'ya na ikinatango ko lamang.

Bumayahe ako papuntang San Juan para samahan si Sibyl na papuntang San Jose kahit hindi n'ya ako makita. Alam ko kasing ngayong araw s'ya aalis kaya gusto kong makasama s'ya kahit hindi na n'ya ako tignan.

Magkatabi kami ng upuan sa bus. Hindi maipaliwanag ang saya ko nang makitang natutulog s'ya sa aking balikat. Nagpanggap lamang ako kanina na tulog tapos tinulugan naman n'ya ako.


Inis na ginulo ko ang buhok ko habang nag-aasikaso ng mga customer. Gusto kong makita si Lyrre pero kailangan kong bantayan ang shop. Sinadya talaga akong pahirapan ni Khalvin.

While I was in the middle of work, Zaimon appeared in front of the shop. I quickly approached him.

“Naihatid mo na ba s'ya? ” tanong ko sa kan'ya, s'ya ang inutusan kong sunduin si Sibyl gamit ang kotse ko.

“Nando'n s'ya, oh.” Turo n'ya sa 'di kalayuan.

Nang dumapo ang tingin ko sa kotseng pinahiram ko kay Zaimon kung saan nakasakay ang babaeng kanina ko pa hinihintay. Her innocent eyes were looking at me as well, which caused me to hitch my breath.

Hindi ako nakagalaw at hindi ko alam kung papaano ko s'ya kakausapin. Baka mabigla na naman at nakakahiya iyon!

~•~•

“Ang sweet naman ng bunso ko,” natatawang sabi sa akin ni Zahiro at tinapik ang balikat ko.

Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi n'ya. Pinigilan ko lang ang sarili na tadyakan s'ya dahil alam kong nakatingin sa aming gawi si Sibyl. S'ya lang naman ang sadya ko rito.

Bago ako umalis ng gym ay napalingon ako sa kan'ya. She's staring at me and I feel like she's giving an attention now. Does she likes me now? Para na akong baliw na humihingi ng atensyon n'ya.

I don't know, but I'll try my best to court her since she's here in our place. Hindi na ako babyahe pa papuntang San Juan para makita dahil nandito na s'ya. I waited for almost three years bago s'ya ligawan.

Niyaya ako ni Zaimon sa kan'yang birthday na gaganapin sa beach resort. Pumayag naman ako basta nando'n si Sibyl. S'ya lang naman ang gusto kong makita buong gabi.

“Pupunta ba s'ya?” I asked Zaimon, hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko. Inayos ko pa ang aking damit at sinuklay ang buhok.

Maingay ang paligid dahil sa nakakasindak na musika na pinatugtog ko mismo at mga naghihiyawang tao. Ngayon lang naman 'yan at mamaya papalitan ko rin. Baka hindi kayanin ni Sibyl ang tugtog dahil alam kong hindi s'ya sanay sa ganito.

“Relax, Airo. Pupunta yo'n, okay?” Tinapik n'ya ang balikat ko bago iwan.

Two hours akong naghintay sa kan'ya at ngayon ay nandito na. She's with her friends, I think. Nakausap pa si Zaimon bagay na hindi ko nagawa sa loob ng tatlong taon na nakilala ko s'ya.

Hindi ko maiwasang magselos. Kaya ni Zaimon na makipagsalamuha sa mga babae, hindi tulad ko na palaging sinusungitan sila. Gaya nga sa sinabi ko ayaw ko sa mga babae. Si Lyrre lang naman ang gusto kong pansinin kaso hindi n'ya pa ako napapansin.

It's okay, though, since tonight I'm going to introduce myself and start courting her right away to make sure I don't have a rival.


Sobrang ganda n'ya sa malapitan. Ikinulong ko s'ya sa pagitan ng mga braso ko at inilapit ang katawan dito. Nakaupo s'ya sa harapan ko at nakaangat ng titig sa akin.

Sh*t. I want to hug her tight like a pillow. I missed her so much. Gusto ko s'yang halikan pero alam kong matatakot s'ya. She doesn't know me yet.

“Hey,” paos kong saad, para akong nauuhaw makita lamang s'ya ngayon na naka-dress, it suits her.

“B-Bakit?” Nakatapat ang basong hawak n'ya sa bibig n'ya, gusto ko tuloy alisin ito at ilapat ang labi ko.

Sh*t. Hindi ako manyak pero sa sobrang sabik ko sa kan'ya ay gusto kong gawin ang tumatakbo sa isip ko. But I won't force her; I might hurt her feelings if I do that.

Napalunok ako. “What's your name? You're Zaimon's friend, right?” tanong ko.

“S-Sorry, hindi kita kilala.”

Binasa ko ang ilalim ng labi ko.Her voice is so cute. I want to hear it all day. Everyone knows me except her. Hindi ko alam kung ikakasakit ko ba iyon o ano. I feel bad about it.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong n'ya, unang tanong n'ya sa akin na ikinalundag ng dibdib ko.

“Nothing. Just want to know your name. Badly want to court you,” walang prino kong amin sa kan'ya.

Bahagyang nanlaki ang mata n'ya sa sinabi ko. My baby was shocked 'cause the youngest son of Caddel was courting her.

She think I'm just playing around. I can't blame her, mukha raw kasi akong babaero, but I am not. Siguro dahil sa awra ko at matalim na titig na pinupukol ko sa mga babae na lumalapit sa akin. Iba yata ang pagkakaintindihan nila sa titig ko.

“You're forcing me.” Napailing s'ya. “Maghanap ka lang ng iba, Air—”

She knows my name. Sh*t! I hate this f*cking butterfly feeling in my stomach. But I'm so happy knowing that she knows me!

Hindi ko pinahalata na masyado akong masaya. Medyo hindi ko nagustuhan ang pagtanggi n'ya sa alok ko. Maghanap daw ako ng iba na ikinayanig ng mundo ko. I'm mad, but I can't stay mad at her for long, after all she's still my baby.

   
Gusto ko lang talaga marinig na pinapakilala n'ya ang sarili sa akin. Ayaw n'ya talagang sabihin ngayon. Wala akong mahanap na rason para lapitan s'ya ngayon kaya iyon ang unang pumasok sa utak ko, ang tanungin ang pangalan n'ya na tila ito ang unang pagkikita namin.

I ask her if she have a boyfriend and I'll court her immediately. Sabi ni Khalvin sa akin diretsuhin ko raw ang babaeng nagugustuhan ko na ayain na gawing girlfriend o di kaya ligawan na kaagad. Sinunod ko lang dahil iyon naman talaga ang gusto ko.

Lihim na pinapatay na ako ng hiya ko pero I want this. I want to be her boyfriend.

I was thankful na wala pa s'yang boyfriend. If there is, then I think maghihintay ako sa kan'ya. Heck, she's the only girl I want to pursue, no one else.

I told her to get ready on Monday dahil liligawan ko na talaga s'ya at walang urungan na. Kahit ayaw n'ya akong payagan ay nagmatigas ako. Bakit ba ayaw n'ya? Ipapakita ko naman na totoo ang nararamdaman ko na mahal ko s'ya higit pa sa gusto.

When I could finally say that I was in love with her, I got scared. I'm afraid that this love is fake. I'm afraid that I might hurt her because of the way I speak harsh words towards people around me.
 

I don't want to be like my dad, who easily falls out of love. I hate the word "love," but when I met her, it was so good to be in love with her.
 

Hindi maipinta ang mukha ko nang madatnang wala na s'ya sa boarding house at talagang iniwasan kaagad ako. Nakaramdam tuloy na parang may tumusok ng kaunti sa dibdib ko at inis dahil kailangan ko pa s'yang hanapin.

Nadatnan ko s'yang kumakain sa coffee shop, nagr-review din. Nagngitngit ang ngipin ko. Hindi man lang n'ya sinabi sa akin na dito pala s'ya pupunta. Ang layo narating ko para lang mahanap s'ya.

“Bakit mo pa ako hinanap? May klase ka pa siguro,” concern n'yang tanong.

“At mas kinababahala mo pa talaga schedule ng klase ko?” Mabilis kong hinablot ang kan'yang bag, aangal sana s'ya nang sumabat kaagad ako. “Stop hiding and running away, mahahanap pa rin kita.”

Yo'n ay kung dito lang naman s'ya sa lugar nagtatago. Talagang hahanapin ko s'ya kahit sa dagat.

Sinundo ko s'ya sa kan'yang room at unang beses ko itong ginawa. She was the first woman I love that's why. Kahit nag-aalinlangan ako sa gagawin ko ay pinulupot ko ang braso ko sa kan'yang beywang na ikinatingin n'ya sa akin.

Kinakabahan s'ya na baka malaman ng tao na nililigawan ko s'ya at sinabi ko na wala akong pakialam. Hinayaan naman n'ya ako na humawak do'n kaya grabe ang saya sa dibdib ko kahit hindi man halata sa akin.

Zahiro told me to do this to her. Nagpatulong ako kung paano s'ya ma-in love sa akin and this is one of a step to make her fall for me.

Another step again, niyaya ko s'ya mag-street food. Wala akong maisip na lugar para dalhin s'ya kaya rito na lang. Besides, I want to let her know that I love street foods.

She stared at me! At agad umiwas s'ya ng tingin kaya hinabol ko ito. Napangisi ako dahil sa pinamulahan s'ya ng pisngi. Parang sasabog ang dibdib ko sa isipang nakatingin s'ya nang matagal sa akin.

“T-Tama na 'yan, ” saway n'ya, pinamulahan ito ng pisngi.

“Nakatingin ka sa akin kanina, may sasabihin ka ba sa akin?”Nakangising napailing ako, napakagat din ng labi.

“Wala! Ano ba 'yan!” Napakamot ito sa batok.

“Kainin mo 'to, bagong luto at malinis.”

Tinapat ko sa kan'ya ang home made fish ball sa kan'yang harapan at agad naman n'yang sinubo ito.

“Totoo po 'yan, Sir,” sabat ng tindero, proud of his self.“Nobya n'yo, Sir?”

Mabilis kong kinuha ang towel sa aking bulsa at pinahid sa kan'yang gilid na labi. Nagulat pa s'ya sa ginawa ko, I smiled at my thoughts.

“Not yet, but soon enough,” sagot ko sa tindero.

Soon, I can kiss her whenever I want and be with her at all times. I'll just wait for her to answer me. The feeling of Lyrre loving me was like I was laying in the smooth grass.
 

It feels so great to be in love. I'm kind of curious about what it feels like if she rejects me. Nah, that won't happen.


Hinatid ko s'ya at nahihiya pa akong tinignan.
She doesn't know that she's too cute while shyly staring at me and then looking away when I'm staring at her too.


“What flowers do you like? May gusto ka 'bang puntahang lugar dito? I can guide you,” I asked her.

Even if this is not who I am, I'm prepared to show her around this place just to be with her and see her happy. She needs to show me some affection by beaming at me.

“May klase pa ako bukas kaya wala akong time d'yan. Wala akong flowers na nagugus—”

“H'wag mong tanggihan ang bulaklak bukas,” maotoridad kong sabi sa kan'ya, mukhang problemado talaga s'ya sa akin.

“Gastos lang 'yan. If you want to court me, dapat maging mabait ka sa akin, make me fall in love with you,” mariin n'yang sambit sa akin. “Paano ako maiinlove sa 'yo kung ugali mo pa lang ayaw ko na?”

At dahil do'n natigilan ako. Direct to the point s'yang magsabi at minsan dahil do'n ay lihim akong nasasaktan. I can't blame her. Hindi pa n'ya ako kilala at tingin n'ya katulad ako ng ibang lalaki na wawasakin lang ang puso n'ya.

I won't do that. Ayaw kong gawin ang ginawa ni Dad kay Mom. I may look like heartless, but I won't do the things that she won't like.

Ganito ba talaga dapat manligaw? Kailangan kong baguhin ang sarili ko? P'wede naman na ipakitang sincere ako sa pagmamahal ko sa kan'ya kahit hindi na ako maging katulad ng lalaking inaasahan na magugustuhan n'ya.


I have my own ways for pursuing women, which I refer to as the gentle ways of Airo Rigs Caddel.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro