CHAPTER 33
Chapter 33
Ala-sais ng umaga ako natapos sa pag-ayos ng mga gamit ko at inilagay sa malaking bag.
Napatingin ako sa kama kung saan mahimbing na natutulog si Airo. Nakahuba't baro pa rin s'yang nakatagilid habang naka-side view ang mukha sa kabila. Nakadapa kasi s'ya sa kama at may kumot na tinatakpan ang kan'yang ilalim.
Gusto ko sana s'yang gisingin at magpaalam na aalis muna ako sandali at babalik din ngunit mukhang mahimbing ang tulog n'ya kaya hinayaan ko na.
Ako 'yong pagod masyado dahil sa nangyari sa amin kagabi pero s'ya itong matagal magising. Right, hindi pa pala s'ya natutulog kapag kakatapos lang namin na magtalik. He always want to cuddle with me and kiss my whole face all night. Paano na lang kung magsawa ito dahil sa masyado s'yang malambing? Nah, bahala s'ya, subukan n'ya lang.
Nang naisara ko na ang bag ay isinabit ko ito sa braso. Lumapit ako sa kama kung nasa'n s'ya. Hinaplos ko ang kan'yang buhok at hinalikan s'ya sa labi bago napagpasyahang umalis na.
Hindi n'ya alam kung saan ako pupunta kaya naman nag-iwan ako ng notes na aalis muna ako sandali. Ayaw kong mag-panic s'ya kung malaman n'yang babalik ako sa San Pedro. Isa o maybe dalawang araw lang naman ako do'n tapos babalik din naman.
Ilang minuto lang ay nakarating ako sa Cabin Cruiser, 'yong sinakyan ko no'ng pumunta ako rito. This is so sudden. Agad akong tinawagan kaninang madaling araw ni Kuya na nanganak na ang kan'yang asawa at gusto akong makita nito. Kaya naman ganito na lang kabilis ang pag-alis ko.
Sumakay na ako at agad na dumiretso sa loob kung saan makikita ko ang mga bisita na kumakain sa mini restaurant. Isa rin sa gusto ko rito ay kompleto lahat kahit medyo maliit s'ya. May pool sa itaas at may mga kwarto rin na p'wedeng matulugan.
Tumunog ang speaker na nakasabit sa gilid kaya naagaw namin ito ng pansin. Uupo na sana ako sa upuan nang marinig ang pangalan ko, gulat na natigilan ako.
“Good morning, everyone. Sorry to interrupt you all. I just want to say that Chief Airo Rigs Caddel is looking for his wife here in the Cruiser, her name is Sibyl Lyrre Hernez-Caddel.”
Nagbulungan ang mga tao at ako naman ay kinabahan. Hindi kasi ako nagpaalam at baka iba na ang iniisip n'ya. Paanno n'ya nalaman na nandito ako? Damn, dapat ba sinabi ko na lang kung saan talaga ako pupunta? At anong Caddel!?
Saglit huminto sa pag-usap ang nasa speaker bago nagsalita din. Nasapok ko na lang ang noo nang sabihin nitong saglit na pahihintuin muna n'ya ang barko dahil nga hinahanap ako ni Airo.
Kahit 'di ko alam kung nandito ba talaga si Airo ay lumabas ako ng mini restaurant. Akmang pupuntahan ko ang pagpapatakbo ng barko nang marinig ang boses n'ya sa aking likuran, napalingon ako.
“What the actual f*ck, Lyrre?! Plano mo na naman umalis at iwan ulit ako?!” galit na tanong ni Airo at hinigit ako palapit sa kan'ya.
Walang tao rito dahil nasa loob silang lahat. Kaya naman ako hindi masyadong nabahala na baka may makakita sa amin.
Napahawak ako sa kan'yang dibdib. Ramdam kong nanginginig s'ya sa halo-halong emosyon n'ya ngayon. Galit at takot ang nakikita ko sa kan'yang mga mata, kalaunan namuo ang luha sa mga mata n'ya na ikinataranta ko.
“H-Hey...” Hinaplos ko ang kan'yang pisngi at napapikit s'ya ro'n, kasabay ng pagtulo ng mga luha n'ya. Napasinghap s'ya at inimulat ang mga mata.
“T-Tell me you love me. Tell me you won't leave me, Lyrre, 'c-cause I can't slipped you away again this time. W-What did I do wrong?” sunod-sunod n'yang tanong.
Naiyak din tuloy ako kahit may parte sa akin na gustong tumawa. Pero kasi natakot lang s'ya na baka tuluyan ko na s'yang iwan. That's not what I'm going to do.
“I love you. Stop crying. ” Pinahid ko ang luha n'ya.
Sinamaan ulit n'ya ako ng tingin habang tumutulo pa rin ang luha n'ya. “Where are you going to hide this time? Do you think I will allow you again to leave me?”
Napasapok na lang ako sa noo. Tinulak ko nang mahina ang dibdib n'ya ngunit ayaw n'ya talaga akong bitawan. Akala siguro tatakbo ako.
“Hindi mo ba nabasa ang sulat ko na may aasikasuhin muna ako? I'll be back after two days naman.”
Mukhang 'di s'ya naniniwala, umiling ito.
“I said where are you going? Ano na naman ang dahilan mo kung bakit biglaan ang alis mo?”nagtitimpi n'yang tanong.
Hinimas ko ang braso n'ya at ngayon ko lang din napansin na suot n'ya ang pantulog n'ya na damit. Napakagat ako sa sariling labi at napaangat ng tingin sa kan'ya. Gano'n na ba s'ya kataranta at nakalimutan nang magbihis ng maayos?
“Nanganak na kasi si Mylara. Do you still remember my friend back in college? Asawa s'ya ngayon ni Kuya Sibyn.”
No'ng una hindi rin ako makapaniwalang nagkatuluyan silang dalawa. Kasi naman hindi ko nakikitang nagkikita sila. Yo'n pala may tinatago sa akin. Gusto kong magtampo pero nangingibabaw ang saya ko sa kanila.
Inunahan pa talaga ako ni Mylara na mag-asawa. Sabi pa naman n'ya sabay kaming ikakasal ngunit dahil si Kuya ang nakatuluyan n'ya, hindi p'wedeng magsabay.
Mukha namang naniwala si Airo nang nawala ang pagkahigpit ng yakap ng kan'yang braso sa aking beywang. Napabuga s'ya ng hininga at sinubsob ang mukha sa aking leeg. Mukha s'yang pagod sa nangyari ngayong umaga.
“Sorry at hindi ko sinabi sa 'yo, ayaw ko lang naman na mag-panic ka na pupunta ako ngayon sa San Pedro. But, please, hayaan mo muna akong umalis. Babalik naman ako sa 'yo,” pangungumbinsi ko habang yakap na s'ya.
Napabuga s'ya ng hininga kaya medyo nakiliti ako. Dumungaw s'ya sa aking mukha.
“Promise me na uuwi ka sa akin. You know how much I want you beside me. I don't want to be left alone,” pagsusumamo n'ya.
“I'll be back, Airo. I promise you that,” masuyo kong sabi bago s'ya hinalikan sa labi.
Humalik s'ya pabalik na tila uhaw na uhaw. He kissed me like there's no tomorrow. Nabahala tuloy ako dahil pinagtitinginan kami ng tao na dumadaan ngunit ayaw bumitaw ni Airo. Hinayaan ko na lang sila at tinuon ang pansin kay Airo.
~•~•~
Sobrang gaan sa pakiramdam na alam kong pag-uwi ko ngayon sa San Jose ay naghihintay na sa akin si Airo sa bahay. Walang araw na hindi n'ya ako tini-text, kinakumusta ang kalagayan ko pati na rin nila Papa, Kuya at Mylara.
Wala namang problemang kinakaharap ngayon si Papa. Actually masaya s'ya sa nangyayari ngayon, kahit hindi na sila nagkabalikan ni Mama. Hindi na rin naghanap ng mapapangasawa si Papa dahil nga sapat na kaming dalawa ni Kuya.
I feel bad about that. May asawa na si Kuya at ramdam kong ako na ang susunod. Knowing Airo, ayaw n'yang patagalin pa ang panahon at gusto na n'yang ikasal ako sa kan'ya. Kaso nga lang tumanggi muna ako this time.
“Paano ka, Pa? Mas maganda na may mamahalin kang babae ngayon para makasama mo sa pagtanda, ” nag-aalala kong saad kay Papa na tumatawa ngayon.
“I don't need woman right now, Sibyl. Your brother's son and your soon child will take care of me, hmm?”
Napangiti na lang din ako sa kan'yang sinabi. Mahal n'ya talaga si Mama at hindi n'ya nakikitang may makasamang ibang babae bukod sa kan'ya kahit impossible.
Dahil sa sinabi ni Papa ay napaisip ako kung nabuntis ba ako ni Airo. I don't know dahil wala akong biniling pregnancy test. Pag-uwi ko na lang siguro.
Nasa maayos na ngayon si Kuya Sibyn at Mylara kaya napagpasyahan kong bumalik na ng San Jose dahil hindi mapakali si Airo do'n. Ayaw pa sana akong pauwiin ni Mylara ngunit no'ng binanggit ko tungkol kay Airo ay pinagtulakan na ako nito.
“Magpakasal na rin kayo, girl. Go, chase your dream at magpakarami,” nahihibang nyang saad na ikinailing ko.
“Hindi ka man lang magugulat na nagkabalikan kami?” tanong ko.
Umupo s'ya sa mula sa pagkakahiga at hinawakan ang kamay ko.
“Hindi naman kayo naghiwalay, girl. At alam kong naghihintay si Airo sa 'yo habang wala ka pa sa kan'ya. He loves you so much and I can see that into his eyes and efforts. You won't believe me na minsan na rin n'yang naitanong sa akin kung anong gusto mo sa lalaki.”
Nagulat ako sa kan'yang sinabi. May nalaman tuloy ako ng kaunting impormasyon tungkol sa kung paano pa ako lubusang nakilala ni Airo. Kilala nga pala ni Mylara si Airo kaya hindi na ako magtataka kung alam n'ya ito.
Mukhang panatag naman silang lahat na si Airo ang makakatuluyan ko. Hinayaan ako ni Papa na bumalik kay Airo. Masaya ako sa kinalabasan ng pag-risk ko sa mga bagay
Bago umalis ay tumungo muna ako sa tattoo shop kung saan 'yong taong nagpa-tattoo sa akin dati sa aking likuran banda sa balikat
Tuwang-tuwa si Ainah na makita ako. Mas lalong masaya s'ya na makita ang aking likuran kung saan naka-tattoo ang pangalang 'Kias', 'yong fictional character na kinababaliwan ko noon.
“My gosh! Hindi mo pala pinaalis ito? Ang gag* talaga natin noon 'no?” natatawa n'yang turan, tukoy n'ya sa kalokohan naming ginawa at kabaliwan.
“May plano kasi ako d'yan. ”
“Anong plano mo?”
“I want you to fix it. Dagdagan mo ng ink ang tattoo hanggang sa mapalitan mo ang Kias into Rigs,” I instructed her what to do.
Agad naman n'yang nakuha ang gusto kong mangyari. Hindi na kailangang burahin ang tattoo kung p'wede naman dagdagan na lang since p'wede palitas ang 'K' into 'R' and 'a' into 'g'.
Dinagdagan ko na rin ng Airo ang tattoo ko. Baka kasi magwala si Airo at pagkamalan na naman na ibang pangalan ang nakalagay sa tattoo ko. I want to surprise him pagkauwi ko na rin.
Tinext ko si Airo na uuwi na ako at mamayang gabi na siguro makarating ng San Jose. Agad naman s'yang nag-reply na aasikasuhin daw ako ng tauhan n'ya sa Cruiser.
Hindi ko tuloy alam kung anong posisyon ni Airo roon. Minsan lang s'ya pumasok sa tarbaho at kadalasan may pinagkakaabalahan s'ya sa opisina n'ya sa bahay.
Gabi na nang nakarating ang barkong sinasakyan ko sa San Jose. Bakas ang saya at ginhawa sa mukha ng nga taong nilalampasan ako para makababa na.
Napaangat ang tingin ko sa kalangitan at napahawak sa railings. Maganda ang panahon ngayon at mukhang may kasiyahan sa 'di kalayuan dahil sa nagsisiklapang mga disco lights. Natandaan ko tuloy noon na nakita ko si Airo na nagpapatugtog ng music sa birthday ni Zaimon.
Oo nga pala, mabilis man ang pangyayari pero nagkita na kami ni Zaimon nakaraan sa 'di inaasahang pagkakataon. No'ng araw kasi no'n aalis s'ya papuntang ibang bansa. Nag-usap lang kami sandali bago naghiwalay ng landas.
“Uhaw sa atensyon si Airo kaya pagpasensyahan mo na. Maniwala ka na ikaw lang ang babaeng dumaan sa kan'ya at wala ng iba.”
Huling sinabi iyon ni Zaimon sa akin na ikinasikip ng dibdib ko. Kung tutuusin ako ang may mali sa aming dalawa. Na-guilty tuloy ako na iniwan ko s'ya dahil sa childish act ko.
Napabuga ako ng hininga. Ngayon masaya ako na nakarating na ako sa San Jose dahil sa oras na makita ko si Airo, hindi ko na s'ya iiwan at bibitawan pa.
“Sibyl Lyrre Hernez,” nagsalita ang speaker.
Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ang malambing na boses ng lalaking kanina ko pa gustong makita. Napalinga-linga ako sa paligid baka sakaling makita ko s'ya ngunit walang bakas na anino ni Airo. Saan naman kaya s'ya ngayon?
“Lyrre, my love.”
Napahinto rin tuloy ang mga tao sa paligid at nagtataka siguro kung bakit nagsalita ang speaker gayong hindi naman announcement. Agaw pansin talaga ang binibigkas n'yang salita.
“I'm here at the top, love. Look up.”
Sinunod ko ang kan'yang utos. Pagkaangat ko ng tingin ay nakita ko s'yang may hawak na microphone at nakatukod ang kamay sa railings habang nasa baba ang tingin kung saan ako ngayon.
He was wearing a white shirt and black trousers. Nakasabit din ang logo na nagpapakita ng rank n'ya rito sa Cruiser. Nakasuot din s'ya ng white top with black hood na bumagay sa kan'ya lalo pa't nakalugay ang buhok n'ya ngayon.
Sinundan ko s'ya ng tingin habang pababa ito ng hagdan na nasa gilid banda. Hawak pa rin n'ya ang microphone hanggang sa nakalapit sa akin. Pinagtitinginan na talaga kami ng mga tao dahil bukod sa naka-uniform s'ya, agaw pansin ang pagbulabog n'ya sa speaker.
“Ano na namang pakulo 'to, Airo? Nakatingin tuloy nga tao sa atin,” nahihiya kong sabi.
Hinawakan n'ya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng aking palad na ikinanganga ko.
“Let them be. Gusto ko lang naman maging memorable ang proposal ko ngayon.”
Tumalbog ang dibdib ko sa kan'yang sinabi. Nahigit ko ang hininga nang lumuhod s'ya sa aking harapan habang hawak ng kanang kamay n'ya ang kamay ko at ang kaliwa naman ay ang microphone.
“A-Airo...” Is he really want to propose to me? Ang bilis at hindi ako makapaniwala na nakaluhod ngayon si Airo.
Naghiyawan ang mga tao lalo na ang mga kasama ni Airo. Nalaman ko dahil sa suot din nila na uniform katulad ni Airo. At ang mas ikinagulat ko pa ay ang pagbuklat n'ya ng palad kahit nakahawak sa aking kamay, at nakitang nando'n ang singsing.
Napatakip ako sa bibig at agad na tumulo ang luha ko. Naging emotional ako dahil sa halo-halong nararamdaman ngayon. God, I love him so much that he don't need to ask me if I will marry him 'cause the answer will be always yes.
“Tatlong taon ang nakalipas bago kita ulit nakita. We're in love to each other back then until now, kahit nagkalayo tayo, kahit hindi kita mahanap kung saang isla ka nakarating.” I saw that he's about to cry ngunit pinigilan n'ya, napabuga s'ya ng hininga.
“Then you came, galit ako sa 'yo pero nangingibabaw ang pangungulila at pagmamahal ko sa 'yo. I manipulate things to get you back, to show you that you're still belong to me and no one else.”
“Air—” Gusto ko sanang sabihin na wala na sa akin iyon at ilagay na n'ya ang singsing sa akin pero pinutol n'ya ang sasabihin ko.
“Hayaan mong sabihin sa 'yo ang gusto kong malaman mo na walang iba kundi ikaw lang. Papatunayan ko sa 'yo na totoo ang sinasabi ko,” determinado n'yang saad na mas lalong ikinaiyak ko.
“Sabi nila wala raw akong puso dahil kahit babae na ang pinaharap sa akin wala akong nagustuhan, ngunit nang makita kita naging interesado ako kahit hirap sabihin sa sarili na nagkakagusto na ako sa 'yo.” Napatayo s'ya sa pagkakaluhod at pinagdikit ang noo namin. “Hindi naging maganda ang pagligaw ko sa 'yo at pagtrato dahil sa hiya ko, pero binago mo ang nakasanayan kong ugali.”
Hinawakan ko ang kan'yang pisngi at pinahid ang kan'yang luha. Hindi lang isang beses s'yang umiyak sa akin, ilang beses na ngunit ngayon ang pinakamatagal na iyak n'ya.
“I always dream of having a gentleman boyfriend, not until you came,” malambing kong saad. “Namalayan ko na lang na nagustuhan ko ang totoong ikaw at minahal na rin ang buong pagkatao mo. You're not my dream guy, but you change my dream into fantasy.”
Kasabay no'n ang pagputok ng fireworks banda sa aming itaas. Napabuka ang bibig ko sa gulat at napatingin kay Airo na kanina pa yata tahimik na umiiyak. Alam kong malaking bagay sa kan'ya ang sinabi ko, parang ninanamnam n'ya ang pagkakataong ito.
People cheering him at sinabihan na ayain na akong magpakasal. Natawa kami pareho, luhaan din pareho dahil sa saya. Gosh, may mga fireworks sa itaas pero s'ya ang pinatitigan ko ng matagal.
“Thank you for accepting me. Thank you that you fall for someone like me.” Unti-unting lumapit ang kan'yang labi sa akin at pinatitigan ako sa mata. “I love you, Lyrre, love and my baby. You caught my eyes, my heart and my soul.”
Pagkatapos n'yang sabihin iyon ay kaagad lumapat ang labi n'ya sa akin. Buong pagmamahal at pag-iingat n'yang inangkin ang labi ko. Pumulupot ang kamay ko sa kan'yang leeg at tinugon ang kan'yang alok.
Tonight was one of the memorable happen between us. We shared our dream, we shared our kiss. We missed each other so much that we just made this night full of love.
Malaya dapat tayong ipakita ang totoong tayo sa taong mahal natin. Dahil kapag mahal ka ng isang tao, tatanggapin n'ya kahit sino ka pa man.
Tanggap ko si Airo dahil mahal ko s'ya. Tinanggap n'ya rin ako kahit ilang ulit ko na s'yang sinaktan.
Hindi man n'ya pinapakita halos ang pagiging maalaga n'ya dahil sa tinatabunan n'ya ito ng pagkawalan ng pasensya n'ya, hindi naman s'ya nabigo para ipakita na mahal n'ya ako at handa s'yang gawin ang lahat para sa akin.
Hindi dapat pala ako naghangad ng lalaki na mas higit pa sa kayang gawin ni Airo. Mahalin ko dapat kung anong mero'n s'ya at ano ang kaya n'yang ibigay sa akin.
Siguro nga that was his gentle ways to make me fall in love with him.
END
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro