Chapter 31
Chapter 31
Ito na siguro ang oras para ipaliwanag ang dahilan ko kanina. Mukhang naguguluhan s'ya sa sinagot ko. Hindi ko naman kasi sinabi ito sa kan'ya dahil mukhang wala s'yang interesadong pakinggan pa ang paliwanag ko.
“Dahil walang kasiguraduhan kung babalik ako at saka ayaw ko na kahit isa sa inyo na malaman kung nasa'n kami. Alam kong pipilitin kayo ni Mama na sabihin kung nasa'n ako kaya... Hindi ko na pinaalam pa,”mahaba kong sagot. At totoo nga ang hinala ko, tinanong din ni Mama si Chiel at mga kakilala ko.
Nagtagis ang kan'yang bagang at mas inilapit n'ya ang katawan sa akin. Isinandal n'ya ang kan'yang braso sa pinto na nasa itaas ng ulo ko at binaba ang mukha para magpantay kami.
“Is that it? Binaliw mo ako sa kakahanap sa 'yo at hinayaan mo akong mabaliw sa kakaisip kung nasa'n ka? Hindi mo sinabi sa akin na aalis ka pa,” marahas n'yang anas at naging mabangis ang kan'yang titig. “Gustong-gusto mo talaga na hinahanap kita, huh?”
Kinabahan naman ako sa klaseng tingin n'ya. Binaling ko ang atensyon sa ibang direksiyon, hindi ko kayang tignan ang galit n'yang mga mata. Nasasaktan ako at kinakabahan na rin.
“Nasabi ko na ang gusto kong sabih—”
“Hindi sapat iyon! Tell me kung ano pa ang rason mo kung bakit mo ako iniwan!” Umatras s'ya ng ilang hakbang kaya nakahinga ako ng maluwag na hindi na s'ya gaano kalapit sa akin.
“You don't need to know. Let's move on.”
“T*ngina! Akala ko ba mahal mo ako? Bakit pakiramdam ko ayaw mo na sa akin, huh? May ginawa ba akong mali bago mo ko iniwan o may mahal ka ng iba kaya ka naging ganito?!”
Napapikit ang mga mata ko sa lakas ng boses n'ya. Akala ko ba wala na s'yang pakialam sa akin at ang gusto n'ya lang ngayon ay maghigante? Yo'n ang nakikita ko sa kan'yang mga mata nang magkita kami.
Sumagi ulit sa isipan ko 'yong nangyari dati kung bakit desidido akong iwan s'ya. Hindi ko matanggap na ginawa n'ya akong collection. Siguro hanggang ngayon ginagawa n'yang experiment ang mga babae n'ya kung papasa ito sa taste n'ya at gawing girlfriend.
Hindi siguro s'ya marunong magmahal kaya ginagawa n'ya iyon.
Napamulat ako ng mga mata at mahinahon s'yang tinignan kahit gusto kong sumabog ng todo.
“No'ng niligawan mo ako, hindi mo talaga ako gusto,” pabitin kong sabi na ikinakunot ng noo n'ya.
“What the hell are you saying?” gulong-gulo n'yang tanong at nilapitan ulit ako.
Umiwas ako sa kan'ya at naupo sa pinakadulo ng kama. Sinundan n'ya ako ng tingin. Nanginginig ang kalamnan ko.
“Hindi mo talaga ako niligawan noon dahil sa gusto mo ako, niligawan mo lang ako dahil gusto mo magkaroon ng girlfriend na magiging maayos sa 'yo,” mapait kong saad sa kan'ya, napakagat ako sa sariling labi.
Mas lalong nagsalubong ang kilay at hindi makapaniwala sa narinig n'ya.
“What the hell, Lyrre!?” dumagundong ang boses n'ya sa buong kwarto. Napaigtad pa ako nang hinampas n'ya ang kamao sa pinto na tila gigil na gigil.
Napatakip ako sa taenga kahit useless naman ito dahil rinig na rinig ko ang pagkalabog ng pinto. “C-Can you, please calm dow—”
“How can I f*cking calm down after knowing the false information that you heard about me?!”
Napaatras ako ng upo hanggang sa tumama ang likuran ko sa head board ng kama. Pinaghahagis n'ya ang gamit na makita n'ya at pinakawalan ang malutong na mura sa kan'yang bibig.
“Airo! H'wag mong sasaktan si Sibyl, gag*! Umayos ka!” rinig kong sigaw sa labas ng pinto, mukhang naalerto sila dahil sa ingay na nanggagaling dito, akala siguro sinasaktan ako ni Airo.
Hinagis ni Airo ang TV sa pinto kung saan nakatayo sa labas sila Kuya Khalvin at Zahiro na pilit binubuksan ang pinto. Napaiyak na lang ako sa takot na baka saktan n'ya ako.
It was just a lame reason kung bakit ko s'ya iniwan at dahil sa walang kwentang rason na ito ay naging ganito na si Airo. Napagtanto ko na big deal sa kan'ya ito at hindi maawat ang kan'yang galit.
“Isa pa kayong mga gag* kayo! Anong pinagsasabi n'yo kay Sibyl tungkol sa akin, huh?! Sinisiraan n'yo talaga ako sa kan'ya!” sigaw n'ya sa pinto.
“Ba't kami nadamay, gago?! Tanungin mo nang maayos si Sibyl,” malakas na sigaw ni Kuya Khalvin.
“Sinasabi ko sa 'yo, Airo. H'wag mong sasaktan si Sibyl kung ayaw mo pagsisihan ang ginawa mo,” banta ni Zahiro na mukhang seryoso nga sa sinabi n'ya at hindi lang tinatakot si Airo.
“Hindi ko s'ya sinasaktan! Umalis nga kayo! Away ng magkasintahan ito!” sigaw ulit ni Airo.
Napasinghal si Airo at sinuklay nang marahas ang kan'yang buhok at napatingin sa akin. Mukhang ngayon n'ya lang naalala na nandito ako. Napapikit ang nanliliksik n'yang mata at pinakalma ang sarili.
Nimulat din kaagad n'ya ang mga mata nang kumalma s'ya. “Lyrre, baby.”
Napahigpit ang yakap ko sa binti ko nang lumapit s'ya sa akin. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Hindi ko kasi inaasahan na magiging ganito s'ya. Mas malala pa dati kung nagagalit s'ya.
“Tell me everything, Lyrre. Gano'n ba ang tingin mo sa akin? That I am just playing with you kaya kita niligawan noon?”mahinahon n'yang tanong at mabilis akong niyakap, takot na baka umiwas ako sa kan'ya. Nanginginig pa ang kan'yang katawan sa galit.
Pinunasan ko ang luha na nagbabadya sa aking mga mata at napasinghap ng hangin.
“S-Sinabi sa akin ni Zaimon na may kinikita kang babae pero sabi pa n'ya ay magtiwala ako sa 'yo,”mabilis kong sabi bago pa man s'ya makapag-react. “But how can I trust you? N-Nakita kitang may iba't ibang babae na kausap sa iba't ibang restaurant, kung hindi man ay sa ibang l-lugar.”
Sinundan ko s'ya noon dahil sa naghihinala na ako. Napadalas ang pagtitipa n'ya sa cellphone at minsan hindi mapakali sa kinauupuan. Do'n ako kinutuban na may tinatago s'ya. At saka nag-amin na din ang isa sa naka-blind date n'ya na si Nezza.
“Mali ang pagkakaintindi mo, Lyrre. F*ck!” Pilit n'ya akong pinapaharap sa kan'ya na hinayaan ko naman, titig na titig s'ya sa mga mata ko. “I'm sorry kung hindi ko sinabi kaagad ang tungkol sa mga babaeng humahabol sa akin noon. Totoong nakikipagkita ko sa kanila para tigilan nila ako.”
Marahas ko s'yang tinignan, inamin na n'ya. Ano ba dapat maramdamanan ko ngayon lalo na't sinasabi na n'ya sa akin ang gusto kong malaman?
Hinawakan n'ya ang pisngi ko para sa kan'ya lang ang atensyon ko. “B-Baby, believe me. Nakikipag-blind date ako dahil sa kagustuhan ni Mama na magkaroon ako ng girlfriend. Hindi ko sila hinayaan na pasukin ang buhay ko dahil ikaw lang naman ang gusto ko noon.”
Nasabi na nga n'ya ito sa akin noon pero wala s'yang sinabing may nakarelasyon s'ya habang kami pa.
“S-Sabi ni Kenjie nambabae ka r-raw,” sumbong ko rito, gusto ko talagang sabihin sa kan'ya ang nalalaman ko tungkol sa kan'ya. Gusto kong malaman ang ie-explain n'ya.
Mas malutong s'yang napamura dahil do'n. “At naniwala ka naman sa kan'ya? You know that Kenjie and I are not in a good terms, malamang sisirain ka n'ya sa akin,” matigas n'yang sabi, ginulo n'ya ang buhok. “Kakausapin natin si Zaimon mamaya para malaman mo na nagsasabi ako ng totoo.”
Umiling ako at hinayaan ang sarili na yakapin n'ya ako. Siniksik ko ang mukha ko sa kan'yang dibdib at pinakiramdaman ang kan'yang puso. Basi sa bilis ng puso n'ya ay mukhang hindi pa rin humuhupa ang galit n'ya.
“Hindi mo pa ako kilala noon may gusto na ako sa iyo. D*mn it, gusto mo bang isa-isahin ko sa 'yo kung paano humantong sa niligawan kita?”
Umiling ako habang nakasubsob pa rin ang mukha sa dibdib n'ya. May parte sa akin na hindi naniniwala sa kan'ya pero mas pinili ko pa ring paniwalaan s'ya.
Ngayon lang nag-sink in sa akin na hindi namin ito noon napag-usapan. At ang tanga ko para maniwala kay Kenjie na minsan na rin sinaraan si Kuya sa akin. Mali talaga ang hinala ko noon kay Airo. Nagsinungaling din ang babaeng iyon na may relasyon sila ni Airo, hindi naman pala naging sila.
Isang oras siguro nagsasalita si Airo para ipaliwanag ang lahat ng mga maling nalaman ko. Nakinig ako sa kan'ya habang nakayakap pa rin ang braso n'ya sa akin. I don't know kung nangangalay ba s'ya sa pwesto namin pero mukhang mas komportable s'ya sa ganito.
Parang bumalik kami sa umpisa. Noon kasi hindi kami masyado nag-uusap tungkol sa sarili namin kaya siguro nagkalabuan kaming dalawa. Sobrang childish ko pa noon at s'ya naman ay nasobrahan ng selos.
“I'm sorry kung iyon ang tingin mo sa akin. I don't know how to handle relationship that much. Alam mo naman na ikaw ang unang babae ang naging girlfriend ko.”
Napanguso na lang ako at hindi nagsalita. Nawawalan ako ng salita kapag ganito s'ya ka-sweet.
Kaya naman pala... Kaya naman pala lagi ko s'yang nakikitang may babaeng nakakausap sa restaurant dahil kinakausap n'ya ito na tigilan na ang blind date na mismo ang Mama n'ya ang nag-utos. Nakahinga ako ng maluwag na tatlong taon ko nang pinigilan.
Hindi ko namalayan na habang nagsasalita si Airo sa akin ay dinalawan ako ng antok. Pagkagising ko gabi na, mukhang alas-syete na.
Umupo ako mula sa pagkakahiga at akmang aalis sa kama nang biglang bumukas ang pinto ng banyo. Lumabas si Airo na nakatapis ang tuwalya sa kan'yang beywang at nakabuhaghag ang basa n'yang buhok.
Napansin kaagad ni Airo na gising na ako kaya lumapit s'ya sa akin imbes na dumiretso sa walk in closet n'ya. Kwarto pala n'ya ito kung gano'n.
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang hinubad ni Airo ang kan'yang tuwalya sa aking harapan. Muntik na ako atakihin sa puso. May suot naman palang boxer.
Napangisi s'ya sa naging reaksyon ko. “Miss me, baby?” Tukoy n'ya sa kan'yang katawan.
Mas lalong naging maskulado ang kan'yang katawan kumapara noon. Tumaas pa s'ya ng ilang pulgada kaya nagmukha akong nano sa tuwing magkalapit kaming dalawa.
Naalala ko tuloy ang nangyari sa amin noon. Bigla na lang may kumiliti sa tiyan ko at napailing. Kung ano-ano na ang iniisip ko, gosh.
Napatingin ako sa relo, at hindi pinansin ang nakabalandra n'yang abs.
“Uuwi na ako, Airo.”
Balak ko sana umiwas sa kan'ya pero nahigit n'ya ang paa ko at hinila papalapit sa kan'ya dahilan ng paghiyaw ko sa gulat, napahiga ako sa kama.
“Airo!”Taranta ko s'yang tinignan nang pumaibabaw s'ya sa akin.
Sa klaseng ngiti n'ya ngayon ay mukhang may binabalak s'yang masama. Nilapit n'ya ang mukha sa akin at pinatakan ako ng halik sa pisngi. Nahugot ko ang aking hininga dahil do'n.
“You don't know how worried and scared I was no'ng iniwan mo ako sa bahay mo.” Pinalandas n'ya ang mabasa n'yang ilong sa aking pisngi. “Hinayaan mo akong hanapin ka sa iba't ibang lugar at hindi ko alam kung saan kita uunahing hanapin.”
Na-guilty naman ako sa pag-iwan sa kan'ya na hindi man lang nagpaalam. Pero may parte sa akin na, paano kung sinabi ko sa kan'ya? Ano ang gagawin ni Mama kung gano'n? Anong mangyayari sa amin ngayon?
Hinawakan ko ang kan'yang pisngi kaya napatingin s'ya sa akin. Hinaplos ko ito at mukha namang nagustuhan n'ya.
“I'm so sorry. P'wede naman siguro ako makabawi sa ginawa ko, 'di ba?” I asked, nawala ang pangamba ko dahil sa clingy side n'yang ito.
“Oo naman.” Napunta ang tingin n'ya sa labi ko. “It's been three years na hindi ako nakatikim ng halik mo. I don't know how to find you and now you are here.”
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi n'ya at ako na mismo ang humalik sa kan'ya. Ngayon hindi na ako nagdalawang isip sa mangyayari sa amin, hindi gaya kanina. Parang nabuhayan ang puso ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro