Chapter 28
CHAPTER 28
“Sigurado ka na ba na ikaw lang mag-isang pupunta ro'n? P'wede mo naman ako hintayin na matapos ang tarbaho ko bago tayo tumungo sa San Jose, ah,” pangungumbinsi ni Kuya Sibyn, katawagan ko s'ya sa cellphone.
Napalabi ako at umiling kahit hindi ko s'ya kaharap. “H'wag mong iwan ang tarbaho mo r'yan kuya at ako muna ang bahala.”
Rinig ko ang pagbuga ng hininga ni Kuya na tila problemado s'ya kung paano ako kumbinsihin na sabay kaming tutungo ng San Jose. Sa huli s'ya rin naman ang nagpatalo at nagpaalam na.
Pinatay ko na ang tawag at isinilid ang cellphone sa bulsa ng aking bestida na kulay puti na umabot hanggang itaas ng tuhod.
Tatlong taon na pala ang nakalipas pagkatapos kong iwan si Airo sa San Jose na walang paalam. Hanggang ngayon binabagabag ako ng konsensya dahil sa hindi ako nakapagpaalam ng maayos sa kan'ya.
Siguro may girlfriend na iyon. Alam ko naman na bago ko pa s'ya makilala ay may mga naka-blind date na s'ya para makahanap ng babaeng magiging girlfriend n'ya. Kaso ako ang napansin n'ya at tinuloy n'ya ang relasyon sa akin.
Sa tatlong taong naninirahan ako rito sa San Pedro ay maraming nangyari sa amin ni Kuya Sibyn at Papa. Talaga namang hindi namin matakasan si Mama at agad n'ya kaming nahanap.
Nakalimutan ko na maraming koneksyon si Mama ngayon at namatay na ang kan'yang magulang na ipinamana sa kan'ya ang ari-arian.
“Gusto ko lang kayo makita at makausap, Rozon,” mahinahon na sambit ni Mama.
Nasa gilid kami ni Kuya Sibyn at tahimik na nag-aabang sa maaaring gawin ni Mama sa amin. May tatlong tauhan na kasama si Mama kaya nababahala kami sa maaaring gawin n'ya. Para bang kapag wala kaming kawala.
Magkaharap silang nakaupo sa sofa. Iba na ngayon si Mama. Noon kapag nag-uusap sila ni Papa ay tila galit ito sa mundo, ngayon hindi na makita sa kan'yang mukha ang galit. Kita ko ang lungkot sa mga mata n'ya. Bakit?
Mayaman na s'ya. Nakuha na n'ya ang gusto n'ya bukod sa planong kuhanin ako, bakit malungkot pa rin s'ya?
“Kukunin mo na naman sa akin ang mga anak ko, April.” Hindi mapakali si Papa, bukod sa mahal pa rin n'ya si Mama, natatakot din s'ya sa gagawin ni Mama. “P-Pakiusap, itigil mo na ito.”
Napayuko si Mama at malungkot na umiling. Napahigpit tuloy ang hawak ko sa kamay ni Kuya Sibyn. Gustuhin man ni Kuya na umalis kami rito ay alam naming hahabulin kami lalo pa't nakita na kami.
“H-Hindi ako nagpunta rito para kunin sila sa 'yo.” Napaangat ng ulo si Mama at malungkot na ngitian si Papa. “Nandito ako para makita kahit isang beses lang ang mga anak ko. Wala na akong balak 'pang ipakasal si Sibyl sa lalaking iyon.”
“Paano kami nakasisiguro? Ilang taon mo na kami hinahabol dahil sa kagustuhan mong ipakasal ang anak ko sa lalaking 'di naman n'ya kilala,”napataas ang boses ni Papa.
Nagulat ako sa sinabi ni Mama. Totoo ba talaga ito? Bakit naman n'ya kami hahanapin kung hindi na pala matutuloy ang binabalak n'ya? Kumakabog ang dibdib ko sa tuwa pero hindi dapat muna ako magsaya.
“Noon yo'n... Noon yo'n, Rozon.” Napaiyak bigla si Mama at hinawakan ang mga kamay ni Papa sa kandungan, bahagyang napatalon pa si Papa sa ginawa n'ya.
“P-Patawarin mo ako at sarili ko ang aking iniisip noon. Sa kagustuhan kong matanggap ako ng pamilya ko at mabayaran ang utang na loob ay wala akong ibang naisip kundi ibigay si S-Sibyl sa iba,” dugtong ni Mama habang umiiyak na sa harapan ni Papa.
Kahit kami ni Kuya Sibyn ay napaiyak din sa kuwento ni Mama. Ayaw namin maniwala pero nakikita namin na wala nang balak si Mama na kunin kami. Patay na raw ang magulang n'ya kaya wala nang dahilan pa para kunin ako.
Napatingin bigla sa akin si Mama. Naging maayos na ang pag-uusap nila ni Papa at sa akin naman napunta ang atensyon n'ya.
“S-Sibyl at Sibyn... Mga anak ko.”
Tinignan ko si Papa. Tahimik itong umiiyak at sinenyasan kaming lumapit kay Mama.
Nagdadalawang isip man ay si Kuya Sibyn na mismo ang humila sa akin at pareho naming nilapitan si Mama. Umupo kami sa kan'yang harapan. Ngayon ko lang ulit s'ya nakita sa ganito kalapit.
Itim ang buhok ni Mama at halatang pinakulayan dahil siguro sa tumatanda na s'ya at pumuputi na ang buhok n'ya. Medyo kumulubot na rin ang kan'yang maputing balat.
“I'm so sorry na kailangan n'yo 'pang magtago dahil sa akin. Pinagsisihan ko na ang ginawa kong pananakit sa inyo para lang maisama kayo sa ibang bansa.” Tumulo na naman ang luha sa kan'yang mga mata.
“S-Sana mapatawad n'yo ako mga anak. Aalis din ako ngayon at babalik sa Spain. Gusto ko lang talaga kayo makita ngayon gayong... Ang lalaki n'yo na.”
Napayuko ako at bumuhos na rin ang luha na kanina pa pinipigilan. May parte sa akin na gusto kong makasama s'ya sa amin ngayon na guminhawa ang pakiramdam ko na hindi na n'ya ako ipipilit. Ngunit alam kong hindi na p'wede.
“May communication pa rin naman tayo kahit umalis ako,” mahina n'yang wika. “I'm so sorry again na iiwan ko ulit kayo. M-May pamilya na akong naghihintay sa akin sa Spain.”
“Ma,” tawag ko sa kan'ya na bahagyang ikinalaki ng mata n'ya, mukhang nagulat dahil nakapagsalita rin ako sa wakas.
“Yes, anak?”Mukhang sabik s'ya na sa wakas pinansin ko s'ya.
“M-Mahal mo ba si Papa? Minahal mo ba kami? Bakit ka naghanap ng iba kung nandito naman kami,” parang bata kong tanong sa kan'ya, hindi n'ya ako masisi dahil lumaki akong walang Ina.
Inggit na inggit ako noon sa mga kaklase ko na may mga Ina na naghahatid-sundo sa kanila. Nagtataka ako kung ano ang feeling na may sumusundo sa akin na Ina at ipagluluto kami sa agahan gaya ng napanood ko sa TV. Iba pa rin kapag may Ina ka.
Saglit natigilan si Mama dahil sa tanong ko. Maya-maya ay napahawak s'ya sa bibig at humagulgol sa harapan namin. Pra bang masakit sa kan'ya marinig ang tanong ko.
“M-Minahal ko kayo, anak. Huli ko na nalaman na kung gaano kayo kahalaga sa akin. P-Pero... Minahal ko noon ang Papa n'yo, yo'n nga lang hindi ngayon. I love my husband now.”
Ang sakit pala marinig mula sa kan'ya na hindi na si Papa ang makakasama n'ya sa pagtanda. Umaasa ako na magkabalikan sila. Inakala ko na kung mamahalin n'ya kami ay mamahalin din n'ya si Papa. Pero hindi gano'n iyon.
Mahal n'ya kami dahil kami ang anak n'ya. Pero ibang lalaki ang gusto n'yang makasama sa buhay at hindi si Papa iyon.
Masakit din ito kay Papa pero tinanggap n'ya na lang. Kahit gano'n, pinayagan n'yang makasama kahit sandali si Mama at makausap. Ayaw na n'ya ngayon na ipagkait ang si Mama sa amin.
Namuhay ulit kami ng walang tinataguan sa San Pedro. Naging maayos na kami ni Mama at pinatawad na s'ya.
Ganito pala ang pakiramdam na magpatawad. Parang naputol ang bigat sa aking damdamin.
Si Airo... Hanggang ngayon hindi s'ya nawala sa isipan ko kahit tatlong taon na ang lumipas. Hindi pa man ako handa na patawarin s'ya ay hinayaan ko na lang na magmahal s'ya ng iba. Ayos lang.
Napabuga ako ng hininga at napagpasyahang umakyat na ng Cabin Cruiser. Handa na akong harapin ang San Jose pero hindi ko alam kung handa kong harapin si Airo.
Maraming nagbago kaya malamang gano'n din sa San Jose at mga taong naninirahan do'n. Hindi na ako makapaghintay na makarating sa lugar kung saan ako nakapag-aral kahit ilang buwan lamang iyon.
Nilagay ko ang kulay puting sombrero ko sa uluhan at tumungo sa pinaunahang bahagi ng barko. Malayo rin pala ang San Pedro sa San Jose na kinakailangan 'pang sumakay ng barko.
Hindi gano'n karami ang tao rito kaya naman hindi masyadong maingay, tanging tunog ng papaalis naming Cabin Cruiser lamang at paghampas ng alon.
Napahawak ako sa railings at pinikit ang mga mata para damhin ang hangin na tumatama sa aking mukha. Bahagyang nililipad din ang bestida ko. Napamulat din ang mga mata ko nang makaramdam ng kakaiba... Parang may nakatingin sa akin.
Hindi nga ako nagkamali. Pagkatingin ko sa gilid ko ay nakatayo ang isang pamilyar na lalaki 'di kalayuan sa akin. Nahugot ko ang hininga ko at napaawang ang labi sa 'di inaasahang makikita ko s'ya rito. P-Paano?
Wala na akong takas pa nang makitang nakatingin ang malamig n'yang mga mata sa akin na tumagos sa aking kaluluwa. Hindi ko alam ang tumatakbo sa kan'yang isipan. Parang kanina pa n'ya alam na nandito ako.
Napalunok ako at nakaramdam ng hindi maipaliwanag na emosyon. Nakasuot s'ya ng uniform ng seaman. Seaman na pala s'ya, nakagugulat pero inaasahan ko na ito. Ilang taon din kasi ang nakalipas at tapos na kami sa pag-aaral.
Mukhang wala na 'yong mahaba n'yang buhok... Pinutol na n'ya yata pero kahit gano'n hindi nawala ang pagkaguwapo n'ya lalo pa't naging mature na ang kan'yang katawan at pati na rin ang mukha.
Natauhan na lamang ako nang unti-unti s'yang lumapit sa akin. Dahil sa pangamba ko ay mabilis akong naglakad paalis do'n. Kulang na lang tumakbo ako para 'di n'ya ako maabutan.
Hindi ko inaasahan na makikita ko s'ya ngayon. Ngayon nag-sink in na sa akin kung paano s'ya nakarating dito. Nagtatarbaho s'ya panigurado rito. Isa s'yang seaman kaya malamang sa barko s'ya nagtatarbaho.
Akala ko makapag-recite pa ako bago s'ya harapin pero ngayon talaga kami pinagtagpo. Kailangan kong magtago hanggang sa makarating sa San Jose. Hindi pa ngayon ang tamang oras para makausap s'ya.
Nagpasalamat ako nang hindi na n'ya ako nahabol pa. Nakipagsiksikan kasi ako sa mga tao at mabilis na nagtago sa VIP room na binayaran ko kanina. Malaki ang barko ang sinakyan ko kaya inaasahan kong may room akong matutulugan dito.
Medyo mahal kahit isang araw lang naman ang byahe bago makarating sa San Jose pero ayos na rin.
Mukhang galit pa sa akin si Airo, naiintindihan ko. Sino ba naman hindi magalit na iniwan ng girlfriend na walang paalam? Wala 'pang proper break up.
Malamang break na kami ni Airo. Aasa ba ako na ako pa rin dahil lang sa hindi kami nag-break?
Pabagsak kong humiga sa kama at pinikit ang mga mata. Rito muna ako mananatili hanggang sa makarating ng San Jose. Ayaw kong makasalubong si Airo kahit gusto ko nang makausap s'ya para tapusin ang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro