Chapter 23
CHAPTER 23
Alam kong inabot ng madaling araw si Airo na nanatiling gising. Sa tingin ko'y tinatapos n'ya ang pagr-review para sa exam n'ya. Hindi rin ako nakatulog nang maayos no'n kaya alam kong s'ya ang humalik sa aking noo ko kagabi.
Hindi n'ya alam na hindi pa ako tulog. Hinayaan ko s'yang buhatin ako at ilipat sa kan'yang kama. Nagmamadali at ingat na ingat s'ya sa pagligpit ng gamit n'ya no'n at tumabi sa akin para matulog.
Gusto kong yakapin s'ya pabalik nang maramdaman ang katawan n'yang nakabalot sa akin. Kahit may tinatago s'ya at naiinis ako sa kan'yang ay naiisip ko na baka... Baka may dahilan lang s'ya.
Rinig kong humingi s'ya ng tawad sa akin at sinabihan akong mahal n'ya ako. Dahil do'n nakatulog ako.
Hindi ko alam kung anong oras na s'yang nagising. Ala-sais na ng umaga nang magising ako at nadatnang nakabihis na ito ng uniform at umiinom ng kape sa kusina. Natigilan kami pareho nang magtama ang aming mga mata.
Tumikhim ako at umiwas ng tingin dito. Kumuha ako ng tinapay sa refrigerator. Ramdam kong sinusundan n'ya ako ng tingin hanggang sa umupo ako sa kan'yang harapan.
"Good morning, love," paos ang boses n'yang bati, inaabangan n'yang tumingin ulit ako sa kan'ya.
Nakatuon ang atensyon ko sa pagpapalaman ng peanut butter sa mga tinapay. Kita ko sa peripheral vision ko na kumuha s'ya ng baso at nagtimpla ng kape na para siguro sa akin.
Bumuntong hininga ako. "G-Good morning, " balik kong bati sa kan'ya na ikinatingin n'ya akin.
Umangat na ako ng tingin nang nilapag n'ya ang baso na naglalaman ng kape sa aking harapan, dahan-dahan na parang takot na baka matapunan ako ng mainit na kape.
Nakangiti ito ng tipid. Hindi alam kung ano pa ba ang sasabihin n'ya. Alam n'yang iniiwasan ko s'ya at hinayaan naman n'ya ako.
"Sabay na tayong pumasok, " yaya n'ya nang makitang tumayo ako.
Dala ko ang kape at tinapay. "Mauna ka na. May exam pa kayo, 'di ba?" Akmang tutungo ako sa kwarto nang magsalita ulit s'ya.
"Ayos lang, sabay na tay-"
Hinarap ko s'ya. "H'wag muna sa ngayon, Airo," walang gana kong sabat. "Mamaya na lang sa uwian. Kung may inaabala ka ulit ay maglalakad na lang akong mag-isa tulad nakaraan."
Tumayo s'ya sa pagkakaupo. "Wala akong gagawin mamaya. About tha-"
Umiling ako nang mariin dito kaya nasasaktan n'ya akong tinignan. Nasasaktan ako kapag naiisip ko na naging ganito s'ya. Kung hindi ko pa pala sinabi ang tungkol sa tinatago n'ya ay baka hanggang sa katapusan ng buwan pa s'ya magiging ganito. Ayaw kong may nililihim s'ya sa akin.
Walang salitang umalis ako at pumasok ng kwarto. Isinara ko ang pinto at napasandig dito. Pinagsasalamat ko na hindi ko nabitawan ang kapeng hawak ko sa panginginig ng kamay ko. I was trying to control my frustration inside me. Hindi maganda kung magiging ganito ako.
Nakapag-ayos na ako at handa na upang pumunta ng university. Akala ko hihintayin pa ako ni Airo knowing na matigas ang ulo n'ya.
Wala na s'ya sa labas at pinagsasalamat ko iyon. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang umakto na parang walang nangyari. Not now na wala pa ako masyadong tiwala sa kan'ya.
Napagpasyahan kong tumungo muna ng boarding house nila Zaimon. Hindi pa pala ako nakapagsabi na ro'n na ako sa apartment ni Airo namamalagi. Alam na ni Tita Zai ito nakaraan.
Nakipag-usap ako sa mga naging ka-board mate ko at mukhang may alam na sila sa paglipat ko sa apartment ni Airo. Hindi na nila ako masyadong tinanong kaya napanatag ako.
"Eight o'clock na pala," biglang sabi ng kasama ko. "Tara na at baka ma-late pa tayo."
Sabay kaming lumabas ng boarding house. Napatigil ako nang makitang nakatingin sa akin si Zaimon. Mukhang inaabangan n'ya ako dahil kaagad s'yang umalis sa pagkasandig sa dingding at nilapitan ako.
"Mauna na kami, Byl?" tanong ng kasama ko na kaagad kong ikinatango.
Hinintay muna namin silang umalis bago kami nagkaharap ni Zaimon. I smiled at him at gano'n din ang sinukli n'ya sa akin.
"Do'n ka na pala sa apartment ni Airo," bulalas n'ya.
"Oo, si Kuya kasi..."
"Nalaman kong hindi kayo nasa maayos na sitwasyon ni Airo," bigla n'yang sabi na ikinatigil ko.
Paano n'ya nalaman? Right, magkaibigan sila pero kahapon lang nangyari iyon, ah. 'Di kaya nakita n'ya kami kahapon sa labas ng palayan?
"Sa palayan..." Nakomperma ko na tama ang hinala ko.
Umiwas ako ng tingin dito. "Masyado s'yang seloso kaya nagalit kaagad s'ya na may kausap akong lalaki."
Tumango s'ya na tila sumasang-ayon. "Intindihin mo muna s'ya sa ngayon, Byl. Alam kong lumaki s'ya na may insecurities sa sarili kaya gano'n lang siguro ang takot n'ya at selos. "
Napapansin ko nga na masyado s'yang praning. Siguro takot s'yang iwan ko s'ya. Ano naman ang magiging dahilan para iwan ko s'ya? Dahil baka makahanap ako ng iba? Hindi ko yata magagawa iyon.
"Airo got everything he needs, Zaimon," ani ko. "He's a handsome man. Marami na rin siguro may gusto na babae sa kan'ya kaya, bakit may insecurities pa rin s'ya? "
"Dahil iba ka sa mga babae, Sibyl, " sagot n'ya. "Alam n'yang hindi ka tulad ng ibang babae kaya hindi n'ya alam kung kaya mo ba s'yang palitan o ano. Alam ko kung ano man ang tinatago ngayon ni Airo ay hindi gaya ng iniisip mo. He's a good man, hindi s'ya gagaya sa Ama n'ya. "
He's referring to Airo's father who left them. I felt guilty of what I did to Airo. Iniisip kong nagloloko s'ya dahil lang sa palagi s'yang busy at nakalilimutang ihatid-sundo ako. Naging masama akong girlfriend. May iba mga masasakit na salita pa akong sinabi sa kan'ya.
Nagpasalamat ako kay Zaimon dahil do'n. Bago pa man kami maghiwalay ng landas ay nakikita ko na may naglalarong emosyon sa kan'yang mga mata. Parang may gusto pa s'yang sabihin ngunit pinili lamang n'yang ngumiti ng tipid at tinalikuran ako.
Hindi ko na inisip iyon at tumungo ng university. Pagod ang katawan ko pagkatapos ng mahaba naming klase. Kahit si Chiel at Mylara ay hindi na magawang makapagbiro dahil sa tinablan na sila ng pagod.
Namumungay ang mga mata habang nakahiga ang ulo sa kanilang desk. Nakapikit din mga mata. Natawa na lang ako sa pwesto nila at mahihinang reklamo nila sa ginawa namin ngayon.
No'ng lunch time ay napagpasyahan na naming kumain cafeteria. Wala masyadong tao dahil ten-thirty pa lang. Kaagad kaming umupo sa bakanteng table at nagsimulang kumain.
"Swerte ni Sibyl, kinantahan ni Kertian sa gym nakaraan," nang-aasar na sabi ni Mylara at pabiro pa akong kinurot sa tagiliran. Hindi n'ya talaga nakalimutan.
Inikutan ko s'ya ng nga mata at natawa silang dalawa. Grabe makahampas si Chiel sa akin pero hinayaan ko na lang dahil gan'yan naman talaga s'ya. Nasanay na.
"Naku, Mylara." Ilang ulit na niyugyog ni Chiel si Mylara. "Kinabahan talaga ako kay Airo no'n. Gosh! Mukhang susuntukin ako nang makitang magkatabi kami ni Sibyl!" mangiyak-ngiyak sabi.
"Lalaki ka kasi!"
Mahinang sinabunutan ni Chiel si Mylara kaya mas lalong lumakas ang ingay sa cafeteria. Ayaw n'ya kasing marinig na lalaki s'ya, loka talaga. Agad ding inalis ni Chiel ang pagkakasabunot n'ya kay Mylara.
"May point ka rin, Lara." Nagkibat-balikat si Chiel na ikinangiwi namin, sang-ayon din pala at talagang umabot pa sa puntong ito. "Mas lalo s'yang galit no'n dahil yo'n nga, binigyan ni Kertian ng interest si Sibyl. Hindi naman gan'yan si Kertian."
Nakinig lang ako sa kanila at hindi pinansin ang huling sinabi ni Chiel. I know Kertian was just playing around. Kaibigan n'ya si Zahiro at malamang kilala n'ya si Airo. Sinabi sa akin ni Zahiro na inutusan lamang n'ya si Kertian na asarin no'n Airo. Nakita kasi nila si Airo sa entrance kaya gano'n.
Itatama ko na sana ang maling akala nila nang biglang sumulpot si Zaimon sa aming gilid. Natigilan din sila Chiel at napatingin kay Zaimon.
"Sorry to interrupt you, guys," hinging paumanhin n'ya sa mga kaibigan ko, napatingin s'ya sa akin. "Gusto ko lang sanang makausap ka... In private."
Mukhang importante ang sasabihin ni Zaimon at talagang pumunta pa s'ya rito. He's also a Marine Engineering like Airo. Siguro may sasabihin na naman ito tungkol sa kan'ya.
Nagpaalam ako saglit kila Chiel na ikinatango nila, pinagpatuloy nila ang naudlot nilang usapan. Sumunod na rin ako kay Zaimon hanggang sa nakarating kami sa labas ng cafeteria.
Langhap ko talaga ang sariwang hangin dahil napapalibutan kami ng mga naglalaking puno. At saka may pabilog na fish pond pa sa ibaba namin. Nasa taas kasi kami banda.
"Ano iyon, Zaimon?"
Kanina pa s'ya nagnanakaw tingin sa paligid at nang marinig ang tanong ko ay napatingin na s'ya sa akin. Ilang segundo s'yang nakatitig sa akin na ikinataka ko.
"Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, Sibyl. Pagsisihan ko talaga ito kapag hindi ko sasabihin ito sa 'yo."
Kinabahan ako sa maaaring sasabihin n'ya tungkol kay Airo pero gano'n na lang ang pagkagulat ko nang magsalita s'ya na hindi ko inaasahang sasabihin n'ya sa akin.
"I like you, Byl. No'ng hindi pa kayo magkakilala ni Airo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro