Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

CHAPTER 22


“The f*ck man!” malutong na mura ni Niellan sa kaba na muntik kaming mabangga.

Hindi kaagad ako nakapag-react sa sobrang kaba nararamdaman. Napahiwalay ako kay Niellan at namalayang tinulak na lang bigla ni Airo ito dahilan ng pagkabagsak ni Niellan sa lupa. Napadaing s'ya sa sakit.

“Sino ka, huh?! Layuan mo si Lyrre kung ayaw mong magkagulo tayo rito!”malakas n'yang bulyaw kay Niellan, nagtitimpi na s'ya sa lagay na iyan.


“Airo, ano ba?!” malakas kong bulalas sa kan'ya kahit kinakabahan na baka gumawa s'ya ng eskandalo rito, napapatingin na rin ang mga magsasaka at mga taong naglalakad sa gilid.

Marahas na tumingin sa akin si Airo. Nakikita ko ang pagod sa kan'yang mukha at galit. Nakonsensya naman ako kahit hindi naman dapat.

“Hilig mo talaga magpahanap, huh?” Mabilis n'yang hinablot ang braso ko nang akmang lalapitan ko si Niellan. “Don't ever come near him before I do something bad, Lyrre. S'ya ba kasama mo kanina pa, huh?”

“Ano naman kung magkasama kami?” matigas kong tanong at sinamaan din s'ya ng tingin, pilit kong winawaksi ang kan'yang kamay sa aking braso pero masyado s'yang malakas.

“Mahigit isang oras akong naghahanap sa 'yo, Lyrre!” mas nadagdagan ng lakas ang kan'yang boses, para bang napagod na talaga s'ya. “You're my responsiblility now kaya nag-aalala ako sa kahahanap sa 'yo. T-Tapos...”

Bahagya n'yang sinabunutan ang buhok at napakagat ng labi para pigilan ang kanyang emosyon. I hurt him, at gano'n din s'ya sa akin.

“Airo...”

“T-Tapos makikita kitang may tinatagpo! Dapat nagpaalam ka man lang para alam ko! P-Para alam ko, Lyrre... ”

Gusto kong isumbat sa kan'ya 'yong mga napupuna ko sa kan'ya pero hindi dapat kami rito nag-uusap. We're making a scene at hindi maganda na nakikita kaming ganito. They will think na ang babata pa namin para sa ganitong bagay.

Pinakalma ko muna ang sarili ko. Nakita kong nakatayo na si Niellan sa tabi ng kotse n'ya. Masama na ang tingin n'ya kay Airo dahil sa pagtulak nito sa kan'ya.

“H'wag tayo rito mag-usap, Airo. Ro'n na lang sa apartment, please?” pakiusap ko.

Galit pa rin ang mga mata n'ya. Sandali s'yang natahimik bago tumango sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag.

“Magpakita ka pa sa amin.” Nilapitan n'ya si Niellan kaya hinawakan ko na kaagad ang braso ni Airo. “Magpakita ka pa dahil higit pa sa suntok ang matanggap mo.”

“Airo, tama na 'yan, please.”

Napaismid si Niellan. Sandali n'ya akong sinilip sa bandang likuran ni Airo ngunit hindi ako hinayaan ni Airo na makita.

Kaagad na akong hinila ni Airo. Mabilis n'yang pinasuot sa akin ang helmet at gano'n na lang ang gulat ko nang buhatin n'ya ako para ipaupo sa pinakaunahang bahagi ng motor bike n'ya.

Napahigpit ang kapit ko sa motor. Sumakay s'ya at tulad sa inaasahan ko ay mabilis n'ya itong pinaharurot na tila nagmamadali.

“Airo,” tawag ko sa kan'ya.

Hindi s'ya nagsalita at seryoso lamang na bumaba sa motor bike nang nakarating kami sa tapat ng apartment n'ya na nakabukas pa ang pinto. Mukhang kagagaling n'ya kanina rito.

Akmang bababa rin ako nang s'ya na mismo ang bumuhat ulit sa akin at inalis ang helmet sa aking ulo. Hinila n'ya ako papasok sa bahay.

“Mag-usap tayo, Airo,” sabi ko sa kan'ya at binaklas ang kan'yang kamay sa akin.

Tinali n'ya ang kan'yang buhok pabilog at hinubad ang kan'yang uniform sa aking harapan. Napaiwas ako sandali ng tingin. May natira naman palang sando sa loob.

“Nakalimutan mo na yata ang itatawag mo sa akin,” sarkastik n'yang sabi at hinarap ako.

Napahilamos ang palad ko sa mukha at pinipigilan na bumuhos ang iritasyon ko sa kan'ya.

“Nakalimutan mo rin siguro ang mga pinaggagawa mo nakaraang pang linggo.” Napailing ako sa kan'ya at pabagsak na binaba ang bag ko.

Kumunot ang noo n'ya. “What are you saying? Bakit ba magkasama kayo ng lalaking iyon? As much as possible, love, I don't want to think negatively pero hindi ako mapapanatag kung 'di mo sasabihin.”

“Classmate ko s'ya no'ng elementary at ngayon lang kami nagkita. What did you do to him was wrong, Airo. ”

“Classmate? I don't think so, Lyrre.”Umiling-iling s'ya. “The way he look at you, you seem so close together. He likes you kaya hindi ko na pinatapos ang binabalak n'ya sa 'yo kung sakali.

Ayaw ko namang magsekreto sa kan'ya kaya sasabihin ko na. I hope hindi ko ito pagsisihan.

“We're flings back then, walang nangyari kaya h'wag kang mag-alala kung iniisip mo na may nangyari na sa amin.”

Napaupo s'ya sa sofa at napabuga nang marahas na hininga. Mukhang 'di s'ya makapaniwala sa kan'yang narinig.

“You didn't tell me...” Para s'yang nasasaktan.

“Kasi nga ngayon lang sumagi sa isipan ko,” turan ko. “At matagal na iyon. Can we just forget about it?”

“Kahit n— Hindi pa tayo tapos, Lyrre!”pahabol n'yang anas nang bigla akong umalis don para tumungo sa kwarto namin.

Mabibigat na hakbang akong lumapit sa walk in clothes ko sa gilid ng kan'yang drawer din. Kumuha ako ng kulay puting t-shirt at saka short.

Nanlaki nang bahagya ang mga mata ko nang pinaharap ako ni Airo sa kan'yang harapan. Umuusok na ang kan'yang ilong at mabibigat na ang paghinga.

“Baby, what's wrong? Galit ka ba sa ginawa ko sa kan'ya?” tanong n'ya. “Please lang, Lyrre. I'm your boyfriend kaya natural lang na magselos ako. Tapos malalaman kong may nakaraan kayo,” puno ng pagmamakaawa n'yang dagdag.

Pabagsak kong nilagay ang mga damit ko sa sahig. Masama at nasasaktan ko s'yang tinignan. Kulang na lang tumulo ang luha ko dahil sa ilang araw na n'ya akong binibigyan ng cold treatment.

“Boyfriend? Airo, h-hindi ko alam kung boyfriend pa ba kita.” Maluha-luha akong umiling at umatras ng isang hakbang. “S-Sa tingin ko naglilihim ka sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang pinagkakaabalahan mo nakaraang linggo. ”

Para naman s'yang binagsakan ng lupa sa winika ko na puno ng hinanakit. Napabuka-sara ang kan'yang bibig at hindi makabuo ng salita.

Tuluyan nang bumagsak ang luha ko na kanina lang ay isang patak lamang lumabas. Nakagat ko ang sariling labi. Tama nga siguro ang hinala ko na may tinatago s'ya na 'di ko alam.

Kinuha ko ang damit sa sahig at mabilis na pumasok ng banyo. Sapat na siguro ang pinakita n'yang ekspresyon para paghinalaan s'ya na may tinatago s'ya sa akin.

“L-Lyrre, mali ang iniisip mo.” Humabol pa s'ya ngunit kaagad ko nang isinara ang pinto at ni-lock ito.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatayo sa harapan ng salamin. Iniisip kung tama 'bang nagkaganito ako. Kung sino ang may mali sa aming dalawa.

Napabuga ako ng hininga. Kanina pa ako tapos umiyak at ayaw ko munang dagdagan ngayon. Hindi ako matapos-tapos dito kung hindi ako aalis ngayon sa banyo.

Nakabihis na ako nang nakalabas ako ng banyo. Napatigil ako saglit nang makitang magulo ang buhok ni Airo, bahagya nakasabunot s'ya rito. May ni-r-review ulit siguro n'ya. Bahala muna s'ya d'yan.

Dumiretso ako sa hinihigaan ko. Kita ko sa aking gilid ang pagsunod n'ya ng tingin sa akin. Hindi ako tumingin sa kan'ya para ipakitang galit ako rito.

Kinumutan ko ang nanlalamig kong katawan at patagilid na humiga paharap sa kan'ya. Nakaupo na ito sa dulo ng kama habang nakatingin sa akin. Pagod ang nga mata n'ya at magulo ang buhok.

“Pag-usapan natin kung ano ang ayaw mo sa akin, Lyrre. Come on.”

Tinitigan ko lang s'ya at inirapan ito. Akala ko aawayin na naman n'ya ako. Malambing at mukhang natatakot s'ya na baka kumalas ako.

“Love,” tawag n'ya.

“Matulog ka na. Bukas na lang tayo mag-usap.” Humarap ang likuran ko sa kan'yang gawi nang baliktarin ko ang aking pwesto.

Rinig ko ang pagbuntong hininga n'ya. “Good night, baby. I love you.”

Kikiligin na sana ako ro'n kung 'di lang nangyari ito sa amin. Bukas malalaman ko rin sa kan'ya at sa iba kung anong pinagkakaabalahan n'ya. I don't think palagi s'yang busy sa activities nila.

Nagagawa n'yang kalimutan na nandito ako sa kan'yang apartment samantalang may mga bagay s'yang pinagkakaabalahan. Kating-kati na ako na malaman iyon.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro