Chapter 21
CHAPTER 21
“Erase this, love. Boyfriend mo ba s'ya noon? Then, why the f*ck nasa likod mo pa rin pangalan n'ya? ”
Hinawakan ko ang nakadikit na tinta sa aking likuran kung saan nakalagay ang pangalang 'Kias'.
“H'wag ka naman magselos sa kan'ya, Airo.” Tuluyan na akong humarap sa kan'ya, hindi pa rin maayos ang gilid ng balikat ko, latad ang akong kaliwang balikat.
Masama at tila naghahalo-halo na ang emosyon n'ya sa mga mata. “Girlfriend kita pero ibang pangalan ang nakatatak sa 'yo!” malakas n'yang sabi, medyo nag-crack pa ang boses. “Answer me first, minahal mo ba s'ya? Bakit hindi mo binura?”
Napahilot ako sa sintido at hindi alam kung papaano ko i-explain sa kan'ya ang tungkol sa tattoo ko. Nakahihiya at saka baka hindi s'ya maniwala.
“Why are you laughing? It's not funny, Lyrre!” Lumayo s'ya nang konti sa akin at kumapit sa lamesa na nasa likuran n'ya na parang mamawalan s'ya ng balanse kapag 'di s'ya kumapit.
“Wala na sa isip ko na burahin ito. At saka noong teenager pa it—”
“Teenager.” Bigla na lang naglandas ang luha sa kan'yang mga mata. “Are you telling me na mula teenager nakatatak pa rin 'yan?”
Inayos ko ang damit ko at pjnameywangan s'ya. “Kasi nga 'di ko alam na totoong tattoo pala ito, akala ko laro lang at hindi ko alam kung mabubura pa ito noon.”
Matagal s'yang napatitig sa akin. Naaawa naman ako sa kan'yang mukha ngayon. Tumutulo ang mga luha n'ya sa mga mata. Nakakabigla.
“Then ex boyfriend mo pala iyan,” nagngingitngit n'yang saad.
Kita ko ang paggalaw ng panga n'ya kaya nagmumukha s'yang delikado tao. Para s'yang bata na umiiyak and at the same time naiinis sa kan'yang Nanay.
“H'wag kang umiyak d'yan, Airo. It was just a fictional name, okay?”
Tila hinigop ang kan'yang mga luha at natigilan para iproseso ang sinabi ko.
“H'wag mo na s'yang pagtakpan, Lyrre. Sabihin mo sa akin kung boyfriend mo iyan.” Lumapit ulit s'ya sa akin at tinignan ulit ang tattoo sa likuran, ayaw talaga n'ya maniwala.“Pupunta tayo sa bayan para ipa-erase ito.”
Natatawang umiwas ako sa kan'ya at umiling, kunot na ang kan'yang noo sa akin.
“It was just my favorite fictional character, Airo. Ano ba h'wag ka nga'ng magselos, grr,” kinakalibutan ko 'pang sambit, hindi ko ma-imagine na fictional character ang pinagseselosan n'ya.
“F*ck.” Bahagya n'yang sinabunutan ang kan'yang buhok kaya nagkagulo na ito. “Are you sure? Bakit naman magt-tattoo ka ng gawa-gawang pangalan?”
'Di ko pinansin ang huling tanong n'ya.
“Oo naman. Wala akong boyfriend noon kaya tumigil ka na sa kaiiyak d'yan.” Inikutan ko na lang s'ya ng mga mata at umupo sa harapan ng hapag-kainan.
Umupo s'ya sa tabi ko at saka ulit hinaplos ang likuran ko kung saan ang tattoo. Kanina pa s'ya gan'yan. Weird talaga. Inalis ko ang kan'yang kamay.
“Then, I'm your first boyfriend, huh?” nagmamayabang n'yang tanong, mukhang masaya pa s'ya. Nagbago ulit ang ekspresyon n'ya.
Sinimangutan ko s'ya. “Ewan ko sa 'yo.”
Baritong tumawa s'ya at pinaghahalikan ang aking pisngi na ikinangiti ko na lang. Parang hindi umiyak kanina. Kadalasan umiiyak s'ya kapag sa gano'ng bagay na ang usapan. Hindi ko alam kung umiiyak din ba s'ya sa harapan ng kan'yang pamilya.
Ganado s'yang kumakain. Hinayaan ko na lang ito na magsaya at nagbihis ng pantulog na damit.
Pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko na itong nakahiga sa kan'yang sariling kama. Medyo malayo ang kama ko sa kan'ya at saktong kasya ang dalawang kama sa kan'yang kwarto. Pati na rin ang drawer naming dalawa na pinaghiwalay.
Nakadapa ito sa kama habang sinusundan ako ng tingin hanggang sa nakaupo ako sa dulo ng aking kama habang sinusuklay ang buhok.
Pagkatingin ko ulit sa kan'ya ay nakita kong may hawak na itong libro. May nakakalat na mga iba't ibang libro sa kan'yang harapan. Seryoso na itong nagbabasa habang ako na ang nakatingin sa kan'ya.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tumabi sa kan'ya. Tulad n'ya'y nakadapa rin ako at nakikibasa rin kahit wala ako masyadong maintindihan. Nagr-review yata s'ya.
Napansin n'ya namang nasa tabi ako pero hinayaan n'ya lang ako na kinakalikot ang kan'yang gamit.
Bumagsak ang aking ulo sa malambot n'yang kama, naka-side view para makita ang kan'yang ginagawa. Sobrang attractive talaga s'ya sa mga babae, kasama na ako ro'n. Hirap pala kapag ganito kaguwapo ang boyfriend mo, maraming kaagaw.
Gusto ko s'yang kulitin at manood ng movie kasama n'ya pero kailangan n'yang mag-review. Ayaw ko na ako ang maging dahilan ng pagbaba ng grades n'ya.
Kita ko ang pagtaas-baba ng Adams apple n'ya habang tahimik na nagbabasa. Pinalandas n'ya ang dila sa bibig para basain ito. Medyo basa ang kan'yang mahabang buhok kaya tumutulo pa ito ng kaunti.
Sa katititig ko sa kan'ya ay hindi ko namalayang tinanghay na ako ng antok. Ang lambot kasi ng kama at saka komportable ako sa mainit n'yang katawan na malapit sa akin.
Naalimpungatan lamang ako nang maramdamang parang nakalutang ako. Binuksan ko ng konti ang mga mata ko at nakitang buhat ako ni Airo.
Ipinikit ko ulit ang mga mata nang ilapag n'ya ako sa kama. Inayos n'ya ang buhok ko at hinalikan ako sa labi, medyo sinipsip n'ya ito bago lumayo rin kaagad.
Akala ko aalis na s'ya nang maramdaman kong lumandas ang kan'yang buhok sa braso ko at paghiga n'ya sa aking tabi. Dahan-dahang niyakap n'ya ang maliit kong katawan. Dahil do'n pinagpatuloy ko ang naudlot kong tulog.
Hindi ko na mabilang kung ilang araw akong naninirahan sa apartment ni Airo. Medyo matagal-tagal din. Ngunit kailan lang no'ng araw na nagsimula na s'yang maglihim sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang inililihim n'ya. Pakiramdam ko may tinatago s'ya sa akin dahil sa tuwing tatanungin ko s'ya kung saan galing ay sasabihin nito na d'yan lang at sa labas lang daw.
Naging busy kaming dalawa since papalapit ang final exam namin na kailangan na naming mag-review. Naintindihan kong wala s'yang time sa akin pero minsan kasi nakikita kong may ka-chat s'ya sa cellphone at bigla-bigla na lang aalis na parang bola. Hindi man lang nagpaalam.
Hindi n'ya alam na minsan iniiyakan ko iyon. Para kasing binabaliwala na n'ya ako. Siguro nagsasawa na dahil palagi kaming nagkikita at magkatabi pa minsan sa pagtulog.
Kinuwento ko iyon kila Chiel at Mylara at tanging magagawa lamang nila ay ilihis ang usapin at patawanin ako. Kaya gumaan na rin ang pakiramdam ko dahil sa kanila.
Hindi na sumama sa amin si Kenjie. Ewan ko kung bakit pero mas mabuti na ang gano'n. Ayaw kong magkagulo ulit sila ni Airo.
Minsan lang din ako ngayon ni Airo na ihatid-sundo dahil madalas may gawain s'ya sa kanilang department. Ayaw ko namang pumunta sa department nila at baka isipin n'yang masyado akong mahigpit sa kan'ya sa pagbabantay.
“Siguradong ayos ka lang, girl?” nag-aalalang tanong sa akin ni Chiel, wala si Mylara ngayon at nasa kabilang department.
Ngitian ko s'ya. “H'wag kang mag-alala, Chiel. Magiging maayos ako.”
Niyakap n'ya ako sandali bago kumalas din. “Chat mo ako pag may problem ka, ah? H'wag mong iyakan ang gag*ng iyon.”
“Bibig mo, Chiel.”
Tumawa s'ya nang mahina. “Sorry, goodbye, girl!”Napahagikgik pa.
Kumaway ako rito at nagpasyahang lumabas ng university. Matagal-tagal din kasing 'di ako nakapunta sa coffee shop. Sabi ni Chiel may buy one take one raw na malaking kape ro'n kaya gusto kong bilhin.
Medyo malayo ang nilakad ko pero worth it naman ang pagpunta ko sa coffee shop. Nakabili ako ng large size na Hershey choco coffee at dalawa pa talaga.
Masaya kong nilapag ang bag sa gilid ng inuupuan ko at sinimulan nang inumin ang isang kape. Paunti-unti lang ang pag-inom ko para malasap ang lasa nito.
Hindi sinasadyang napatingin ako sa harapan ng cashier. Natigilan ako nang makita ang pamilyar na lalaki. Paano s'ya nakarating dito?
Saktong pagkatalikod n'ya sa cashier ay napadapo ang kan'yang tingin sa akin. Mukhang nagulat din s'ya nang makita ako. Napangiti ito at nilapitan ako.
Hindi ko alam kung matutuwa ba akong makita s'ya. It's been years since nagkita kami sa school namin no'ng high school sa San Juan.
Umupo s'ya sa harapan ko. “Hey, Lyrre, long time no see. How are you?” tanong n'ya, bahid ang saya sa boses n'ya.
Gaya sa inaasahan ko, guwapo pa rin s'ya. Siguro marami pa ring nagkakagusto sa kan'ya. No'ng high school kasi hindi s'ya nawawalan ng admirers.
Napangiti na lang ako. “Okay lang naman ako, ikaw kumusta? Tagal mong namalagi sa ibang bansa, ah. Kailan ka pa nakabalik dito?”
Pinalandas n'ya ang daliri sa kan'yang buhok, mukhang naiinitan sa panahon. “Ngayon lang ako nakauwi, kagagaling ko lang sa San Juan and since dito nag-aaral ang ate ko, rito rin ako mamalagi pansamantala.”
Masayang nag-uusap kami, minsan tumatawa pa at napapatingin tuloy ang mga estudyanteng malapit sa amin. Hindi pa rin s'ya nagbabago, mahilig pa ring magbiro.
Dahil sa masarap naming pag-uusap ay 'di ko namalayang alas-singko na ng hapon. Nataranta naman ako at napatayo.
“Aalis ma ako, Niellan. Baka abutin ako ng ala-sais pag-uwi ko, eh.” Hinablot ko ang bag ko at akmang lalagpasan s'ya nang pigilan n'ya ako.
“Ihahatid na kita sa inyo.” Tumayo na rin s'ya.
Umiling ako at hilaw na tumawa. “Nakahihiya naman, Niellan. Baka may iba ka 'pang puntahan— wait.” Kinuha ko ang malaking lemon square ko sa bag at binigay sa kan'ya. “Sa 'yo na 'yan. ”
“Hanggang ngayon pala hindi mo pa rin nakalimutan ang paborito ko.”Nakangiting tinanggap n'ya ito, may kakaiba sa pananalita n'ya at klaseng pagtingin sa akin na sinawalang bahala ko.
“Syempre naman. Sige na aalis na ako.” Nilampasan ko na ito at kumaway nang mabilis at tuluyan nang nakalabas sa shop sa kamamadali.
Mabibilis ang lakad ko hanggang sa nakarating sa barangay santan kung saan ang apartment ni Airo. 'Di ko namalayang nakasunod pala si Niellan sa likuran ko, may dala itong kotse.
Huminto ako sa paglalakad at pinuntahan ito. Saktong lumabas s'ya ng kotse at hinarap ako.
“Bakit mo pa ako sinundan, Niellan?” 'Di na maganda ang kutob ko rito.
Ngumiti s'ya nang malawak. Napaka inosente ang ngiti n'ya ngunit hindi ko batid kung ano ang tumatakbo sa kan'yang isipan.
“I'm just making sure that you're safe, Lyrre. At saka may pinagsamahan din tayo. Minahal kita.”
Bakit n'ya ba ito sinasabi sa akin? Hindi naman kami naging kami, naging fling lang.
Bago pa man ako makapagsalita ay kita ko sa 'di kalayuan si Airo. Mabilis ang pagharurot ng kan'yang motor bike na muntik na kaming mabangga kung hindi lang ako nahila ni Niellan.
“The f*ck man!” malutong na mura ni Niellan sa kaba na muntik kaming mabangga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro