Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

CHAPTER 20


Nandito na si Mama sa Pilipinas,” bungad na balita sa akin ni Kuya Sibyn, saktong pagkarating ko sa bahay namin.

Umuwi kasi ako since weekends naman at isang buwan na akong 'di nakadalaw sa kanila. At saka may mga gamit pa akong kailangang kunin at ayusin. Pinatawag din nila ako na umuwi at ito nga ang mahalagang balita na sasabihin nila sa akin.

Walang imik si Papa sa tabing sofa. Nakatukod ang kan'yang malakas na braso sa sandalan at nakahalukipkip sa aming dalawa ni Kuya. Hinayaan n'yang si Kuya ang nagsasalita.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon. Takot at pinaghalong pagkasabik sa alaga ng Ina. Hindi ko masyado matandaan kung kailan ko iyon naramdaman sa kan'ya. Matagal na ang panahon na iyon.

“A-Alam ba n'yang nandito tayo?” tanong ko, medyo nanginginig ang kamay.

“Hindi... Hindi ko alam. Natatakot ako na baka bigla na lang s'yang sumulpot at kunin ka sa amin. Kaya dapat do'n ka lang sa university n'yo para hindi s'ya madaling makapasok at wala ring ideya na nando'n ka.”

“Okay lang kung dito lang kami maiiwan ni Kuya mo at sakaling makita ko ang Mama mo,” nagsalita na rin si Papa. “Pero higit na mas kinababahala ko kung ikaw ang makuha n'ya.”

Tumango ako sa kanila. Alam kong pinoprotektahan nila ako sa aking Mama. Nasabi na ito sa akin noon pa man. Kaya wala ako masyadong alaala kay Mama ay dahil sa nangyaring aksidente noon na naging dahilan ng pagkawala ng ilang memorya ko no'ng bata pa ako.

I think I was around 7 or 8 years old that time. Galing sa ibang bansa si Mama nang makilala n'ya si Papa noon, kuwento sa akin ito ni Papa. 'Di alam ni Papa na gano'n pala kayaman si Mama ngunit kahit gano'n 'di naging dahilan iyon ng pagsasama nila.

Nang nakapaglakad ako no'ng bata ako, sinekreto ni Mama kay Papa na dadalhin n'ya ako sa ibang bansa para mamuhay na kaming dalawa lang at iwan namin si Papa at Kuya. Nalaman iyon kalaunan ni Papa kaya hindi n'ya iyon hinayaang mangyari.

Hanggang sa napilitan si Mama na pwersahin ako noon na sumama sa kan'ya at napunta sa aksidente dahil sa kamamadali ni Mama. Do'n kinuha ni Papa ng pagkakataon na itago ako rito sa probinsya ng San Juan.

No'ng una 'di ko maintindihan kung bakit ayaw ni Papa na ibigay ako kay Mama. Sa huli natuklasan ko na dahil sa yaman ni Mama na ayaw mawala ay kailangan n'ya akong manatili sa kan'yang magulang at kapag tumuntong ako sa wastong edad ay ipakakasal n'ya ako sa kasing yaman nila.

Nagalit ako at natatakot na rin. Talaga 'bang hahayaan ako ni Mama na ipakasal sa taong hindi ko kilala? Hindi man lang n'ya ako hinintay para pag-usapan ang gano'ng bagay. Kung papayag ba ako o hindi.

Hindi ko alam kung gaano s'ya kayaman para ipakasal ako sa kakilala n'ya. Nasa modern era na kami ngunit mayro'n pa ring arrange marriage na nagaganap.

Ayaw ni Papa ng gano'n at ako rin naman.

“Balita ko may boyfriend ka na.” Biglang binago ni Papa ang usapan.

Tinignan ko si Kuya at halatang s'ya ang nagsabi. Panira talaga kahit kailan. Sabing ako lang ang magsasabi kay Papa. Masyado yata s'yang excited.

Huminga ako nang malalim at tinignan si Papa, wala na akong magawa kundi sabihin na.

“Si Airo Rigs Caddel po ang pangalan n'ya... Nakilala ko s'ya sa pinapasukan kong university. ”

Napatango-tango si Papa, sumandig s'ya sa sofa. Kahit nasa trenta paitaas na ang kan'yang edad ay hindi halatang kumukulubot na ang katawan n'ya.

“Gusto kong makita s'ya. Baka mamaya loko-loko pa iyon. Hindi pa naman kita pinalaki para ibigay sa manloloko,” aniya.

Napabusangot ang mukha ko. “Hindi gano'n si Airo pa.”

“Kahit na, gusto ko pa rin s'yang makita.”

Sinabi ko na lang na sa susunod kung may libreng araw si Airo. Sa ngayon kasi medyo busy s'ya sa training nila since Marine Engineering ang kinuha n'ya. Nagtataka tuloy ako kung bakit iyon ang pinili n'ya. Siguro naman gusto n'ya talaga iyon.



“Nasa'n ang mga gamit ko rito?” tanong ko sa mga ka-board mate ko.

Pagkarating ko sa boarding house wala na mga gamit ko. Mukhang may alam naman sila basi sa kanilang itsura. Si Mylara ang sumagot.

“Kinuha ni Kuya Sibyn at Airo kanina at dinala sa apartment ni Airo.”

“Huh?!” gulat na gulat kong anas at umalis ng kwarto para harapin sila.

“Wala kaming alam kung bakit inilipat do'n mga gamit mo. Ibig sabihin n'yan hindi ka na mag-b-board dito.”

Pagkatapos kong marinig iyon ay kaagad akong lumabas ng boarding house. Sumakay ako ng tricyle papunta sa apartment ni Airo. Nakabukas ang pinto kaya pumasok kaagad ako.

“Kuya! Airo! Lumabas kayo d'yan! ” malakas kong sabi at huminto sa sala banda.

Ano naman ang plano ni Kuya? Ni hindi man lang ako sinabihan na kukunin pala ang mga gamit ko.

Ilang segundo ay lumabas din silang dalawa pareho. Nakabusangot ang mukha ni Airo na sa tingin ko'y may sinabi si Kuya sa kan'ya na 'di n'ya nagustuhan.

“Ba't dinala mo ang gamit ko rito?” tanong ko kay Kuya, salubong ang kilay.

Umupo sa 'di kalayuang sofa si Airo habang nakatingin sa amin. Nilapitan ako ni Kuya kaya sa kan'ya napunta ang atensyon ko.

“Nakiusap muna ako sa nobyo mo na rito ka muna sa kan'yang apartment habang hinahanap ko pa si Mama. Alam n'yang dito ka nag-aaral,” mahina n'yang sabi para hindi marinig ni Airo, mukha namang walang kaalam-alam si Airo.

Mas lalo akong nabigla sa binalita ni Kuya. Parang nakaraan lang ay kakauwi lang ni Mama tapos kaagad na n'ya akong nahanap?

“Don't worry, walang alam si Airo kung anong dahilan ng paglipat mo rito. Sinabi ko lang sa kan'ya na rito ka muna at bantayin ka sa mga lalaking nagtatangkang lapitan ka.”

“Ang lame naman ng dahilan mo, Kuya.” Gusto ko s'yang batukan. Malamang papayag si Airo n'yan kapag usapang lalaki na lumalapit sa akin, napakaseloso pa naman n'ya.

Tuwang-tuwa naman si Kuya sa mga kasinungalingan n'ya. Mayro'n pa s'yang dahilan na sinabi kay Airo na hindi sinabi sa akin. Loko talaga kahit kailan.

Tinapik ni Kuya ang balikat ni Airo. “Alagaan mo kapatid ko, ah? Naku, bantayin mo at baka makuha ng iba.” Tinutukoy n'ya si Mama pero iba kasi ang nasa isip ni Airo.

“Akong bahala sa kapatid mo. Mag-ingat ka sa labas, may loko-loko pa naman do'n. ” Seryoso n'ya akong tinignan, hindi n'ya inalis ito habang sinasabi iyon kay Kuya. Parang may nagawa akong mali.

Natatawang tumango-tango si Kuya at hinayaan kaming dalawa rito. Namayani ang katahimikan nang s'ya mismo ang bumasag nito.

“Nando'n mga gamit mo sa kwarto ko, may isa pa akong kama na binili para sa 'yo.” Pumasok s'ya sa kwarto at sumunod naman ako.

“'Di mo naman kailangan na bilhan ako ng kama, Airo,” mahina at nahihiya kong sambit, pinagmasdan ko ang bagong ayos na kwarto.

Malapad ang kwarto kaya nagkasya ang dalawang kama sa magkabilang gilid. Mukhang kakaayos lang ni Airo ng bahay base sa amoy ng pintura na kulay puti at itim.

“Anong hihigaan mo? Sahig? Ayos sana kung tabi tayong matulog,” nanunuyang aniya, napakagat labi pa.

“Airo!” tili ko at namumula ang taingang sinamaan s'ya ng tingin.

Ngumisi lang ito. “Don't worry, sa susunod p'wede na tayong magtabi.”

May pagkamanyak din minsan 'tong si Airo pero hindi naman sa sobra na to the point na pinipilit n'ya ako sa isang bagay. Hinahalikan n'ya lang ako at yayakapin. Whenever he's talking about this kind of thing makes my body react. I like that he made my body burn in fire.

Naninibago talaga ako ngayon. Natapos ko nang ayusin ang mga gamit ko at nakaayos na rin ang kama na s'ya mismo ang may gawa.
Naglinis s'ya ng apartment kanina habang may inaasikaso ako sa eskwelahan.

Gabi na ngayon kaya naman inunahan ko kaagad si Airo sa pagluto ng ulam na adobong manok. Nakita ko lang sa refrigerator kanina ang manok kaya naisip kong magluto ng adobo.

Habang naghahalo ng adobo ay ramdam ko ang presensya ni Airo sa aking likuran. Hindi ako humarap dahil abala ako sa aking ginagawa.

“Malapit nang maluto ang ulam, iligpit mo na lang muna ang lamesa,” sabi ko, nasa niluluto pa rin ang atensyon ko.

Mukhang sinunod naman n'ya ako. Tapos na akong magluto kaya pinatay ko na ang kalan at naghugas ng kamay sa tabing lababo. Bago pa man ako makakuha ng sabon ay ramdam ko ang pagpulupot ni Airo ng kan'yang mga braso sa aking beywang.

“Airo?”

“I like the way you say my name, pero dapat may endearment tayo,” mahina n'yang bulong sa aking taenga.

Napalunok ako sa sariling laway at hindi pinahalatang naaapektuhan ako sa kan'yang pagyakap at paglapit ng labi n'ya sa taenga ko.

“Eh? May endearment ka naman sa akin,” sabi ko, pinagpatuloy ko ang pagkuskos ng sabon sa aking kamay.

“Yeah, I always calling you baby.” Hinalikan n'ya ang sentido ko at marahang isinayaw ang aming katawan habang nakayakap s'ya sa akin. “Call me love for now on.”

Napangiwi ako. Tuluyan ko na s'yang hinarap. Mali yata ang galaw ko dahil nagkalapit ang aming mukha. He's staring at me darkly, like his thinking something deeper right now. Tumigil na rin s'ya sa pagsayaw sa akin nang marahan.

“Marami ng gano'ng endearment, Airo,” opinyon ko.

“But I want you to call me that. Pakiramdam ko sinasabihan mo ako ng mahal mo ako kapag love ang itatawag mo sa akin.”

Mukhang magiging emotional na naman s'ya kaya tumango na lamang ako. Ang totoo n'yan nahihiya lang ako. Wala pa akong nasabihan na lalaki na mahal ko ito bukod sa Kuya at Papa ko. Only him and I want to say how much I love him until the last day.

“Love,” sinubukan kong tawagin sa kan'ya.

Ngiting-ngiti naman s'ya. Namumula ang kan'yang taenga at humigpit ang yakap sa akin.

“Say it again.” Hinawakan n'ya bigla ang tela sa balikat ko. Nagtataka man ako sa binabalak n'ya ay sinunod ko pa rin s'ya.

“Airo, my love.”

Dinampian n'ya ng isang patak na halik ang labi ko at seryoso na akong tinignan. Sandali akong may natigilan dahil sa nakakalunod n'yang titig.

Napasinghap ako nang bigla n'yang itinabingi ang tela sa balikat ko at pinatalikod sa kan'ya. Tatakpan ko sana ang tinatago ko ngunit huli na. Nakita na n'ya.

“A-Airo...”

Ramdam kong pinalandas n'ya ang kan'yang daliri sa likuran ng balikat ko kung saan may tatak nakalagay. No, mali ang iniisip n'ya.  Paano n'ya nalaman ito?!

“Sino si Kias? Bakit naka-tattoo sa balikat mo?”

Umiling-iling ako. Akmang haharapin s'ya pero hindi n'ya ako hinayaan. Nanigas ang kan'yang kamay na nakahawak sa aking beywang at sa aking balikat. Tila napugto ang pagtitimpi n'ya kanina pa.

“Erase this, love. Boyfriend mo ba s'ya noon? Then, why the f*ck nasa likod mo pa rin?”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro