Chapter 19
CHAPTER 19
“Son, don't tell me you're not a virgin anymore?”
“The hell, Mom!?”
Nanlaki ang mga mata ko at agad na iwinagayway ang kamay sa harapan ng Ina ni Airo. Mali ang iniisip n'ya na may nangyari sa amin!
“W-Wala pong nangyari sa amin, Ma'am,” kinakabahan kong sabi, takot na baka kumalat ito sa ibang tao.
Malakas na tumawa ang ginang at tumayo sa pagkakaupo. Ginulo n'ya ang magulo kong buhok at ngitian ako pagkatapos.
“I'm just kidding, hija. Kahit naman may mangyari sa inyo okay lang sa akin since my son is a big baby now.”
“Mom, hindi s'ya komportable sa usapang gan'yan. ” Agad kong hinila ni Airo at dinala sa tapat ng kwarto, iniwan namin saglit ang Ina sa sala na pinaghahampas ngayon si Khalvin sa kalokohang ginawa n'ya.
“Go change clothes, kakain na rin tayo ng agahan.”
Sumunod ako sa kan'yang sinabi. Bago pa man ako nakapasok sa kwarto ay napansin ko ang eye bags ni Airo kanina nang tignan n'ya ako. Parang wala s'yang tulog kagabi. O baka minumulto din s'ya?
Muntik na akong maniwala tungkol sa multong iyon. Kapakanan pala lahat ng ito ni Khalvin at Zahiro. Sinadya nilang ilagay ang maliit na speaker sa sala at kwarto. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil inakto ko kagabi kay Airo.
Napaniwala rin si Airo kaya ayon nakatanggap ang dalawa n'yang Kuya ng sermon. Hindi ko alam kung maaawa ako sa mga kuya n'ya o matuwa. Pinagtripan ba naman kami kagabi.
Hindi rin nagtagal ay umalis din si Tita Kristiany, Ina ni Airo na pinakilala n'ya kanina. Sa una naiilang pa ako sa sobrang cheerful at daldal ni Tita pero kalaunan nasanay na rin. Kagaya na lang sa nangyari sa amin ni Airo.
Walang kaso naman sa kan'ya kung girlfriend ako ni Airo. Sabi n'ya kanina na hinayaan n'yang maghanap ng babaeng mamahalin ang kan'yang anak kaysa sa hindi ito suportahan. Bali hindi s'ya tutol sa magiging nobya ng kan'yang nga anak basta h'wag lang gawing laruan daw na ikinasang-ayunan ko kanina.
Ayaw n'yang matulad ang mga anak n'ya sa kanilang Ama. Natahimik pa ako no'n no'ng kinuwento n'ya mismo sa akin ang tungkol sa Ama nila. Mukha namang wala lang sa kanila na sinasabi sa akin ni Tita ang bagay na iyon.
“Anong gusto mo sa isang lalaki ba talaga, Byl? 'Yong dream guy mo talaga simula pa lang,” biglang tanong ni Mylara sa akin habang nasa labas kami ng library, nakaupo sa bench.
“Ba't mo natanong?”
“Gusto ko lang malaman. Malay mo kilala ko ang lalaking tinutukoy mo,” mapangasar n'yang sabi.
Napaisip naman ako. Matagal na itong nakatatak sa isipan ko simula high school. Natandaan ko pa noon na gumuhit kami ng larawan ng dream guy. Do'n nagsimula na nangarap ako.
“Attractive para sa akin ang businessman,” salita ko.
Iba ang dumating sa akin, Marine engineer.
“Ano pa?”
“Gusto ko sa gentleman na sweet palagi sa akin. Hindi madaling mainit ang ulo.”
Gentleman at sweet naman si Airo, 'di n'ya lang pinapahalata pero napapansin ko na. Mainitin palagi ang ulo pero kahit gano'n, hindi n'ya ako hinayaan na mag-isa. Nakabusangot man ang mukha n'ya ay ipagsisilbihan pa rin n'ya ako.
Marami pa akong sinabi kay Mylara. 'Di namin namalayang alas-kwatro na. Napahaba ang daldal namin. Sayang nga lang busy si Chiel sa sinasalihan n'yang dance sports na gaganapin sa intrams namin sa susunod na Linggo.
“Pero last na talaga, Byl,” pahabol na wika n'ya. “Anong nagustuhan mo kay Airo? Malayo kasi sa dream guy na sinasabi mo.”
Napahinto ako sa paglalakad at hinarap s'ya. Marami... Marami akong nagustuhan kay Airo na ngayon ko lang na-realize. Gusto kong sabihin pero nakita kong nakaabang si Airo sa ibaba ng hagdan, may dala ulit na motor.
Nakapamulsang nakayuko ito. Hindi ko alam kung kanina pa ba d'yan. Kinabahan tuloy ako dahil malakas ang pag-uusap namin ni Mylara.
Ngitian ko lang si Mylara.“Nandyan na s'ya kaya next time na lang. Maraming dahilan para mahalin s'ya, 'yan muna.” Kumaway ako rito at gano'n din at sa akin kahit may multo sa ngiti n'ya.
Napaangat ang tingin ni Airo sa akin habang pababa ako ng hagdanan. May hinalungkat s'ya sa kan'yang bag at bigla na lang itinapat ang sunflower sa aking harapan pagkalapit ko sa kan'ya.
“Take it.” Mas lalo pa n'yang nilapit ang bulaklak sa akin kaya agad ko itong kinuha at pinagmasdan.
Hindi madaling makakuha ng sunflower sa amin. First time kong makakita sa personal ng ganito kalaking sunflower. Sinipat ko ang bawat gilid nito at napangiti.
“Saan mo pala galing 'to? Ang ganda,”mangha kong saad at inangat ang tingin sa kan'ya.
Iba't ibang emosyon ang nakikita ko ngayon sa kan'yang mga mata. Saya at lungkot na 'di ko matukoy kung para saan. Nabahala naman dahil sa kalungkutan na nakikita ko sa kan'ya.
“May tanim kami sa bahay, naisipan kong bigyan ka at baka sakaling magustuhan mo at may maitanim,” mahina n'yang sabi, malayo sa Airo na palaging matigas at supladong magsalita.
Hinawakan ko ang kan'yang kamay at bahagyang pinisil ito. “Bakit malungkot ka? May nangyari ba?”
Ngayon ko lang nakita na ganito s'ya kalungkot. Minsan nakikita ko namang lonely s'ya pero hindi gaya ngayon na parang may mabigat s'yang dinadala.
Napabuntong hininga ito at ngitian ako. Niyakap ko s'ya at agad naman n'yang tinugon. Wala na kaming paki sa mga estudyante na napapatingin sa amin. Wala naman kaming ginagawang masama.
Sumiksik ang mukha n'ya sa leeg ko. Tila gusto ang pagyakap ko sa kan'ya.“I can't be a guy you always dream of, Lyrre. But I'm gonna make sure that I'm the only guy who will be your fantasy.”
“Airo.” Akmang titignan ko sana ng mukha n'ya pero hindi n'ya ako hinayaang makawala sa yakap.
“I always been a good guy before, pero dahil sa nakaraan na nagdulot sa akin na maging ganito ako, the good guy has gone. Pinatay ko na s'ya,” wika n'ya sa mababang boses.
Inalis ko ang mukha n'ya sa leeg ko at pinaharap ang mukha sa akin. Para s'yang pusa na biglang umamo. Para bang nawawala si Airo kahit nasa sarili pa rin s'ya.
“Bakit mo bigla nasabi 'to?” tanong ko, ito ba ang kinalulungkot n'ya?
I shook his head at niyakap ulit ako. “Narinig ko ang pinag-usapan n'yo. How I wish na bumalik ako sa dating ako. Kahit gusto kong ibalik ay hindi ko magawa. Siguro nga sakit ko na 'to. Hinayaan kong lamunin ako ng galit ko kaya ito, hindi maalis-alis.”
Hinimas ko ang kan'yang likuran at pinakinggan ang kan'yang mga sinasabi. It was nice to hear that from him. Akala ko itatago n'ya ito sa akin pero nagawa n'yang sabihin.
Gusto ko 'pang magtanong at linawin lahat ngunit hinayaan ko munang magsalita s'ya. Hindi ganito kahaba s'ya magsalita kaya pinahalagahan ko ito.
“You don't need to force yourself to be a good guy, Airo.” Hinimas ko ang pisngi n'ya, nakasimangot ito sa akin. “Don't force yourself na ibahin ang ugali mo, just be yourself. And besides, mas minahal kita sa kung anong mero'n ka. Ikaw lang yata ang nakilala kong suplado pero gentleman, eh.”
Unti-unting sumilay ang ngiti sa kan'yang labi, dinilaan n'ya ito, nagpipigil na mas lumawak ang ngiti.
“I love you too...so much.”
Nilapit n'ya ang kan'yang mukha sa akin at kusang pumikit ang mga mata ko. Naramdaman ko ang pagsakop ng kan'yang labi sa akin. He may be look like a ruthless man, but the way he kissed my lips makes me think that he was a gentle man they never know. A different ways of being gentleman.
~•~•~•
“Sibyl.”
Napaangat ang tingin ko at nakitang nasa harapan ko ngayon si Kenjie. Unlike dati, masama ang tingin n'ya. Iba ngayon, looks like wala na s'yang galit sa akin. O baka naman tinatago n'ya lang?
Sa ilang linggo ay napapansin kong palagi s'yang sumasabay sa aming tatlo ni Chiel at Mylara. Iisipin ko na sana na baka may gusto s'ya kay Mylara dahil palagi itong nagtatanong ng mga random things.
Pero sa isang linggo na iyon, mismo si Mylara na ang nagsabi na baka ako ang dahilan kung bakit sumasama s'ya sa amin.
Bakit ako? Magkaaway sila ni Kuya at galit din s'ya sa akin. Gusto kong isipin na nagbibiro lang si Mylara na baka may pagtingin sa akin si Kenjie. Ngunit sa nakikita ko ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko sa kan'ya.
Kasalukuyang nagc-chat kaming dalawa ni Airo nang bigla lang sumulpot si Kenjie dito kaya binitiwan ko sandali ang aking cellphone.
“May kailangan ka ba?” tanong ko, napasandig sa kinauupuan ko.
“May kasama ka sa pag-uwi mo? Samahan na kita,” walang paligoy-ligoy n'yang aya na ikinanganga ng bibig ko.
“Kenjie...”
“Mukhang 'di naman pupunta si Airo rito, kaya naisipan kon—”
“Sa tingin mo hahayaan kitang sumama kay Lyrre kahit wala ako?”
Gulat akong napalingon kay Airo na nakahalukipkip sa pinto ng room namin. Seryoso ang ekspresyon n'ya at naglakad papunta sa akin. Kinuha n'ya ang bag ko at saka isinabit sa kan'yang balikat.
“Akala ko ba may pupuntahan ka ngayon?” tanong ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at hinawakan ko ang braso n'ya na baka lumanding sa mukha ni Kenjie, mahirap na.
Masama ang titig n'ya sa akin. “Bakit? Sasama ka sa kan'ya? ” Turo n'ya kay Kenjie.
Napabuga ako nang hininga, masakit na makitang galit s'ya sa akin. “Hindi, ano ba ang sinasabi mo? Kaka-chat mo lang na hindi mo ako maihahatid, ah.”
Napaismid s'ya at binalingan ng seryosong tingin si Kenjie na ngayon ay tahimik na nagmamasid sa amin.
“May natuklasan lang ako at saka hindi na matutuloy ang lakad ko ngayon,”
Napatango ako at hindi tinanong kung saan ang lakad n'ya. Nahihiya akong magtanong kung saan s'ya pumupunta o ano ang ginagawa n'ya sa tuwing magkalayo kami. Ayaw kong magalit s'ya sa akin kapag nagkagano'n ako.
“Let's go.” Hinila ako ni Airo palabas na sana ng room nang biglang napahinto si Airo dahil sa tanong ni Kenjie. Napahinto na rin ako.
“Boyfriend mo ba talaga s'ya, Sibyl?” tanong ni Kenjie.
Napalingon sa kan'ya si Airo, masama na ang timpla ng mukha n'ya na mukhang nadagdagan ang init ng ulo n'ya.
“Obvious naman, 'di ba? Anong paki mo ba, huh?”
“Airo.” Mabilis n'ya akong hinila palabas ng room hanggang sa namalayan ko na lang nakarating kami sa labas ng department.
Ito na naman kami. Palagi na lang ganito sa tuwing may lalaking kumakausap sa akin, lalo na kung si Kenjie. Para bang hindi s'ya mapakali at naiinis.
Nagtitigan lang kami ng ilang minuto rito ni Airo. Walang balak na umiwas ito kaya ako na mismo ang lumihis ng tingin. Tila may malalim s'yang inisip at hinahalungkat ang buo kong pagkatao.
“May gusto sa 'yo 'yong lalaking iyon, ” pahayag n'ya.
Napabuga ako nang hininga at pinakalma ang puso na kumakabog sa takot na baka kung anong gawin n'ya sa akin o kay Kenjie. Medyo lumala lang 'yong pagkaselos n'ya ngayon.
“Nag-sorry s'ya sa ginawa n'ya nakaraan kaya n'ya ako nilapitan. At saka... Wala akong balak na sumama sa kan'ya kanina.”
“Alam kong hindi ka sasama,” aniya at hinawakan ang pisngi ko. “Pasensya na, 'di ko lang mapigilan ang sarili na magselos. He got everything he needs, habang ako walang panama sa kan'ya. ”
Kumunot ang noo ko, palagi ko s'yang binibigyan ng assurance na s'ya lang pero hindi pa rin mawala ang pagkabahal n'ya sa akin.Matagal ko nang napagtanto na baka may nakaraang nangyari sa kanila dahilan ng pag-away nila magkakaibigan.
“Everyone loves him, while they are throwing hurtful words about me for being like this,” dugtong n'ya.
Hinawakan ko ang kamay n'yang nasa pisngi ko. “Pero nandito naman ako, you have me and your family.”
Tipid na ngiti ang kan'yang pinakita. “That's why wala na akong paki sa mga taong sinisiraan ako dahil sa 'yo. Ang kinatatakutan ko ay baka sirain ka nila sa akin, sisirain ka n'ya sa akin.”
Umiling ako at niyakap s'ya. Binubulungan ko s'ya na h'wag na s'yang malungkot dahil mamahalin ko pa rin s'ya kahit gaano s'ya kasama. Ngunit... If ever he did something bad to me na hindi ko nagustuhan. To the point na malala, bibitiwan ko s'ya.
May ibang sitwasyon na magiging dahilan sa pagkalas ko sa kan'ya. Pero parang hindi n'ya naman magagawang saktan ako tulad ng ginawa ng kan'yang Ama sa kan'yang Ina. Alam n'ya iyon kaya hindi n'ya gagawin ito sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro