Chapter 18
CHAPTER 18
Umupo ako sa sofa habang nakatayo na s'ya sa harapan ko. Poker face ko s'yang tinignan. Nakapameywang s'ya sa harapan ko habang salubong ang dalawang kilay.
“Hindi ka sasagot?” tanong n'ya, naging delikado ang boses n'ya.
“Sila Chiel lang naman ang naglagay n'yan r'yan, hindi ako. Id-delete ko sana kaso nawala sa isip ko , okay?” pangungumbinsi ko at pinagkrus ang braso sa harap ng dibdib.
Binasa n'ya ang ibabang labi at marahang sinuklay ang buhok n'ya gamit ang mga daliri n'ya na parang aatakihin s'ya sa puso sa nalaman.
“I thought you like that guy, sh*t” Mabilis ulit kinuha n'ya ang cellphone ko.
“Ano naman ang hahanapin mo d'yan? ”
Madiin ang pagkakapindot n'ya sa cellphone ko na parang inis na inis. Pabagsak s'yang umupo sa tabi ko at bigla na lang nag-selfie gamit ang camera ng cellphone ko.
Napatakip ako sa bibig at muntik nang matawa. He's getting weird day by day. Seloso at parang bata kung umasta. Hirap sabihin na ang cute n'ya kapag gano'n.
“Let's take a selfie again.” Hinila n'ya ako bigla at tinapat sa aming dalawa ang cellphone ko.
Namula ang pisngi ko sa klaseng pwesto namin. Nakaakbay s'ya ngayon sa akin habang ang mukha ay nasa leeg ko banda. Itutulak ko na sana s'ya pero pinigilan n'ya ako. Nag-take s'ya ng ilang shots sa aming dalawa.
Binalik n'ya rin ang cellphone ko. Mukhang satisfied na s'ya nang makitang madami na n'ya akong picture sa akin. Napasimangot ako habang s'ya'y nakangiti nang malawak.
“Much better.” Tumingin s'ya sa gilid n'ya kung saan nando'n ang bintana. “Umuulan.”
Do'n na ako napatayo. Nakalimutan kong umuulan pala ng malakas at hindi ako makauwi nito sa boarding house sa sobrang lakas. Mukhang may bagyo pa nga.
“Paano na 'to, Airo?” tanong ko, nakagat ko ang sariling labi at hindi mapakaling palakad-lakad sa harapan n'ya.
“Umupo ka muna, p'wede? ” Hinihilot n'ya ang kan'yang noo at tumayo, pwersa n'ya akong pinaupo sa sofa. “Dito ka muna matulog. Hindi kita hahayaang lumusong sa labas.”
“Pero baka hanapin nila ako.”
“Alam nilang dala kita ngayon. Siguro naman maiintindihan nila na hindi ka makakauwi ngayon,” aniya.
Wala na akong nagawa kundi mag-stay rito. Ang inaalala ko kasi, dalawa lang kami rito. Hindi ko inaasahan na uulan at masaklap, dito ako matutulog sa kan'yang apartment.
Isang kwarto lang ang mayro'n dito kaya ro'n muna ako pinatulog ni Airo. Nag-insist ako na sa sofa lang since malaki naman at mukhang may comforter s'ya na p'wedeng mahiraman ngunit ayaw n'ya.
“Gusto mo pa talagang itali kita sa kama para d'yan matulog?” seryoso n'yang tanong na ikinabahala ko.
Agad akong umiling at umusog ng upo sa dulo ng kan'yang kama. Napangisi n'ya at napailing na rin. May hinahalungkat s'ya sa kan'yang drawer. Bigla n'yang binigay sa akin ang t-shirt at boxer.
Pinamulahan ako ng pisngi at napatakip sa bibig. “A-Ano 'yan, Airo?”
“Obviously, t-shirt at boxer.” Nilagay n'ya sa kandungan ko ang damit. “Magbihis ka na, wala akong ibang damit na babagay sa 'yo kaya 'yan muna. Alangan naman mag-uniform ka lang hanggang bukas.”
Wala akong choice kundi kunin na lang ito. Pinaalis ko muna s'ya bago napagpasyahang mag-shower muna bago nagbihis mismo sa banyo.
May malaking salamin sa lababo kaya kita ko ang sarili ko sa salamin. Malaking t-shirt na kulay itim na umabot hanggang ibabaw ng tuhod. Basa ang buhok na hanggang dibdib ko.
Rinig ko ang katok mula sa pito ng banyo. Agaran kong ibinilad muna ang unifrom ko sa sampayan at lumabas. Bumungad ang masungit na mukha ni Airo sa akin.
“Ang tagal mo, huh?” Bumaba ang kan'yang tingin at sandaling natigilan.
“Nilabhan ko kasi ang uniform ko.” Lumabas ako ng banyo.
Napasunod ang kan'yang mga mata sa akin hanggang sa umupo ako sa kama. Gamit ang mga daliri, sinuklay ko ang basang buhok ko.
Bigla s'yang humiga sa tabi ko. Akala ko kung anong gagawin n'ya, yo'n pala ay hihiga lang sa kandungan ko. Napababa ang tingin ko at nakitang titig na titig na naman s'ya sa akin.
“Ano?” medyo awkward kong tanong, umiwas ako ng tingin dito.
“Bagay sa 'yo ang damit ko.” Hinila n'ya nang mahina ang damit ko. “Kasya ba ang boxer ko sa 'yo?”
Binalingan ko s'ya ng masamang tingin dahil sa pangangasar n'ya. Nakangisi ito sa kalokohang tumatakbo sa kan'yang isipan.
Inalis ko ang ulo n'ya sa kandungan ko at tumayo sa pagkakaupo. Nakapameywang na tinignan ko s'ya na hanggang ngayon nakahiga pa rin sa kama.
“Matutulog na ako, Airo. Do'n ka na sa labas.”
“Alright.” Tamad na umalis ito sa pagkakahiga sa kama at nilapitan ako. “Call me if you need something, okay? H'wag kang lalabas ng bahay dahil malakas ang ulan.
Malakas nga, rinig na rinig ko. Nanlalamig ang katawan ko dahil din do'n.
Akala ko kong anong gagawin n'ya sa akin nang pinulupot n'ya ang braso sa beywang ko at binigyan ako nang magaang yakap. Ramdam kong inamoy n'ya ang basa kong buhok at pagbuga ng marahas n'yang hininga.
“Make yourself comfortable. I love you so much. ” Hinalikan n'ya ang sintido ko. “Good night, baby.”
Pinamulahan ako sa endearment na madalas n'yang tawagin sa akin. Noon ayaw kong makarinig ng gano'ng tawagan pero kapag s'ya ang bumigkas, gusto ko na lang gawing ringtone sa cellphone.
Natulog na ako nang tuluyan nang nakalabas na si Airo para sa labas matulog. Bigla akong naalimpungatan nang marinig ang nakatatakot na boses na umalingawngaw sa loob ng kwarto.
Mabilis sa oras na inimulat ko ang mga mata at umupo sa pagkakaupo. Kinumpirma ko kung saan iyon galing. Ngunit gano'n na lang ang takot ko nang narinig ko ito mismo sa kwartong kinahihigaan ko.
Sa sobrang taranta ay napabalikwas ako sa pagkakahiga at mabilis pa sa ilang segundo na nakalabas ako ng kwarto. Madilim ang sala pero hindi ako nahirapan na makita si Airo na ngayon ay nakahiga sa comforter na nilatag n'ya sa sahig.
Dala ko pala ang isang unan sa kamay ko. Narinig ko ulit ang sitsit galing sa kwarto kaya agad akong lumundag sa tabi ni Airo na ikinagising at gulat n'ya.
“What the hell, Lyrre,” paos at inis n'yang ani, hindi pa rin minumulat ang mga mata.
Niyugyog ko balikat n'ya. “May multo sa kwarto mo! Dito na pang ako! Dito na lang sa tabi mo, please? Natatakot ako.”
Wala pa sabing humiga ako sa kan'yang tabi at kinumutan ang katawan namin ng kumot n'ya.
“Walang multo dito, ano ka ba, Lyrre.”
“P-Please, ayaw ko na ro'n,” pagmamakaawa ko at sumiksik sa kan'yang kilikili na ikinatalon n'ya nang bahagya.
“Sh*t— fine, you can sleep with me.”
Umusog s'ya ng konti para bigyan ako ng space. Agad akong lumapit pa sa kan'ya at sa takot na baka bumalik ang nakatatakot na tono ay niyakap ko s'ya. Mas lalo s'yang nagulantang sa ginawa ko.
“Lyrre...”
“Shh, patulugin mo ako.”
Pumikit ako nang mariin at pilit na pinapatulog ang sarili. Kasalanan ng nakatatakot na multong bumubulong sa kwartong iyon kung bakit hindi ako maka-concentrate sa pagtulog.
Nawala ang paninigas ng katawan ko nang simulan ni Airo na hamplusin ang malambot kong buhok. Nakayakap na pala s'ya sa akin habang ginagawa iyon. Dinantay n'ya ang kan'yang binti sa katawan ko at gumawa ng tono para patulugin ako.
Unti-unting inaantok ako sa kan'yang ginagawa. Pinikit ko ang mga mata ko na nakatingin na pala sa kan'ya kanina at pinakomportable ang sarili sa kan'yang bisig.
“H'wag ka nang matakot, hmm? Let's sleep now.”
'Yo'n ang huling narinig ko mula sa kan'ya bago ako nilamon ng kadiliman. Napangiti ako simpleng gawa n'ya na nagbibigay haplos sa aking puso.
~•~•~
“Anak ko ba 'to? Hindi ko alam na may nobya na 'to. Mahilig na s'yang magsekreto sa akin, ah.”
“Hinaan mo boses, Mom,” saway sa kan'ya ng lalaking boses. “Ngayon ko nga lang makitang may katabi ito sa pagtulog.”
Kumunot ang noo ko sa samu't saring boses na naririnig ko. Hindi ko pa man naimulat ang mga mata ko ay ramdam kong gumalaw ang katabi ko, naalimpungatan.
“What the f*ck?!” malakas n'yang sigaw na nagpagising sa akin.
“H'wag 'kang magmura nga, Airo! Aishh!” Nimulat ko ang mga mata ko at gano'n na lang ang pagkabigla ko.
Napaupo ako mula sa pagkahiga at gulat na nakatingin sa ginang na prenteng nakaupo sa sofa banda sa uluhan namin. Mukhang tuwang-tuwa s'ya sa nakikita n'ya.
“You f*cker.” Mabilis na tumayo si Airo at sinugod ng mahinang sapak ang kan'yang kapatid na hinayaan ng ginang.
Napatayo ako at inayos ang aking kasuotan. Napakagat labi na lang ako sa klaseng damit na bumungad sa ginang. Gulat man ito sa nakita ay agad ding tumawa.
“Son, don't tell me you're not a virgin anymore?”
What?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro