Chapter 17
CHAPTER 17
“What do you mean? Hindi mo natandaan na three days na kitang girlfriend? Are you kidding me, Sibyl?”
Naguguluhan ko s'yang tinignan. Wala naman s'yang sinabi na kami na kaya, bakit s'ya naiinis?
Napunta ang daliri ko sa bibig at kunot-noo s'yang tinignan. “Wala kang sinabi na tayo na kaya paano ko malalaman?”
Napasinghal s'ya at pabagsak na sumandig sa kinauupuan n'ya. Mukha talagang sinira ko ang mood n'ya dahil do'n. Masama n'ya akong tignan.
“Ilang ulit ko nang sinabi sa 'yo na mahal kita. D*m— hindi mo pa pala ako sinasagot? You said you love me!” Tinignan n'ya ako na parang ang daya ko at pinagtaksilan ko s'ya.
Naguguluhan na ako sa sitwasyon namin. Tama hindi ko pa s'ya sinasagot. Ang tanga ko. Pareho kaming walang alam sa ganito. Teka, imposibleng wala s'yang alam sa ganitong bagay. Gulo!
“S-Sorry, mukhang pareho tayong may mali pero ako 'yong mas lamang sa ating dalawa.” Humarap ako sa kan'ya. “Uhmm, we k-kissed last time at akala ko nakuha mo na ang ibig kong s-sabihin.”
Lumapit s'ya sa aking gawi at tinukod ang siko sa lamesang nasa harapan ko. Seryoso ito at mukhang kakainin ako kung may masabi man ako na hindi n'ya magustuhan. He's tapping his long fingers in the table while patiently waiting sa susunod kong sasabihin.
“Sinabi mo sa akin na hahalikan kita kung gusto kita sa buhay ko, so I did. Kaya akala ko nakuha mo 'yong ibig kong sabihin,” paglilinaw ko pa sa kan'ya.
“Right.” Nakahinga s'ya nang maluwag matapos marinig iyon. Bahagya n'yang kinagat ang labi habang nakatingin sa akin. “But it won't change the fact that you're officially my girlfriend last three days.”
Nakabibigla ang pangyayari. It's been a month since we're dating. Nag-aawayan minsan sa bagay-bagay pero kahit gano'n, he never gave up. May nakita man ako sa kan'ya na ayaw ko ay sa huli naging walang saysay na ito. Tanging nasa isip ko lamang ay mga magagandang bagay na nagustuhan ko sa kan'ya.
Napasaya ko s'ya at gano'n din ang pinaramdam n'ya sa akin. Medyo naging madaldal na ako sa kan'yang harapan. Parang malaya akong sinasabi sa kan'ya ang mga nangyari sa akin at kahit mga walang kwentang bagay.
Madalas nakatitig ang medyo singkit n'yang mga mata sa akin habang nagsasalita ako. Minsan tumatawa rin s'ya sa kuwento ko. Hindi ko 'to na-imagine no'ng una. Impossible na magkatuluyan kami pero... Sabi nila may possible talaga na hindi mo inaasahan.
Naudlot lamang ang masaya naming hapunan nang may kumatok sa pinto ng apartment. May mga bisita 'bang inaya si Airo?
Nagtataka kong tinignan si Airo, nakuha n'ya ang ibig kong sabihin.
“No, I never invited someone.” Seryosong napatayo s'ya sa kinauupuan. “Who the heck interrupted our special dinner?”
Natawa na lang ako nang mahina. Mukhang gusto pa n'ya na magkuwentuhan kami. Tumayo ako sa pagkakaupo at sumunod kay Airo.
Pagkabukas ni Airo ng pinto ay bumungad sa amin ang dalawa n'yang kapatid. Napanganga ako sa mangha nang makitang magkadikit sila na parehong may mahabang buhok. Magkapatid nga base sa itsura pa lang.
“Happy birthday Airo!” sabay na sigaw ng dalawa n'yang kapatid at may mga maliliit 'pang papel na isinaboy sa aming harapan.
Napatingin ako kay Airo. “Birthday?” Birthday n'ya ngayon?
Salubong ang kilay ni Airo at medyo tinulak ang balikat ng mg kapatid n'ya. “Bakit kayo nandito, huh? Go away!”
“Ito naman, nag-surprise lang naman kami sa 'yo dahil kaarawan mo ngayon, ” nakasimangot na turan ni Zahiro, napatingin ito sa akin nang mapansin ako. “Oh, hello, Sibyl. Kaya naman pala ayaw mag-celebrate ng bunso namin sa amin dahil may iba palang kasama.”
“Shut up, Hiro, and listen carefully.” Hinila n'ya ako bigla at mapang-angking pinulupot ang braso sa aking beywang. “This is my girlfriend, kaya sabihin mo sa vocalist n'yo na tigilan na n'ya si Sibyl.”
“Airo!” Mahina ko itong hinampas sa hiyang nararamdaman ko. Nakangisi ang dalawa n'yang kapatid na tila natutuwa sa kanilang nakikita.
“Ayaw maagaw, huh? It was nice na may nobya ka na,” ngising saad ni Khalvin, sabay silang pumasok sa apartment. “We have a gift for you, dear brother. Sana ma-enjoy mo ang gabing ito.”
It's been a month no'ng huli kong nakita si Kuya Khalvin. Napakindat pa ito sa akin kaya sininghalan s'ya ni Airo.
“Ayaw ko ng regalo n'yo. The last time na niregaluhan n'yo ako, lahat ng mga gamit ko nabasag dahil sa kagagawan n'yo. Not again.”
Tumawa si Zahiro sa sinabi ni Airo. “Iba na ngayon, Airo. Sigurado kaming magugustuhan mo ito.” Makahulugan n'yang tinignan ito.
Napabusangot si Airo. “Get out, hindi kayo imbitado sa celebration namin.” Tinuro n'ya ang labas.
“Oo na, ito na!” Pabagsak na nilagay ni Khalvin ang maliit na box sa ibabaw ng cabinet at hinila si Zahiro palabas. “Tirhan n'yo kami ng pagkain, ah? Enjoy n'yo lang.”
Tuluyan na itong umalis kaya sinara na ni Airo ang pinto. Tinignan n'ya ako, he sighed.
“Ubusin natin ang pagkain, h'wag mo silang tirhan dahil kanina pa sila nambubulabog dito.”
Hinawakan ko ang kan'yang kamay na bahagyang ikinatalon n'ya sa gulat. Mukhang 'di n'ya inaasahan.
“Birthday mo ngayon? Bakit 'di mo sinabi?” mahina kong tanong.
Umiwas s'ya ng tingin na parang nahihiya s'ya na malaman ko. “I don't feel like celebrating birthdays. But since we're officially a couple now, naisipan kong isabay na lang sa celebration ito.”
Lumamlam ang mga mata ko. Na-touch ako sa kan'yang sinabi. Three days ago pa lang iyon pero ganito na s'ya ka-effort? Kahit sa panliligaw sa akin magastos s'ya kaya minsan nahihiya na ako sa kan'ya.
Para bang kahit sa susunod na araw, buwan at taon ay sinasabi n'yang mag-c-celebrate pa rin s'ya para sa relasyon namin. I just feel that way.
He gave me so much emotions and reasons to love him more. I think this feeling is already love.
Dahil sa sobrang nararamdaman ko ay kusang gumalaw ang katawan ko. I tiptoed in front of him and kissed both of his chicks side to side. Ilalayo ko na sana ang labi ko sa pisngi n'ya nang hinigpitan n'ya ang beywang ko sa pagkahawak at hinalikan ako sa labi.
Nanlaki ang mata ko at hindi nakagalaw sa sobrang bigla. He was closing his eyes. Napansin n'yang hindi ako humahalik pabalik kaya napamulat ang mga mata n'ya.
“Kiss me back, give me my kiss as a gift,” paos n'yang pakiusap kahit magkalapit ang labi namin.
At sumunod naman ako sa sinabi n'ya. Pumikit ang mga mata ko at sumabay sa galaw ng kan'yang labi. Nakalulunod at hindi nakakasawa. Ganito pala ang pakiramdam na mahalikan ang taong mahal mo.
Nagpresenta akong maghugas ng pinggan. Magrereklamo sana si Airo pero nagpumilit ako. Pumayag naman s'ya at s'ya na raw ang mags-send ng picture namin kanina sa cellphone ko. I gave my cellphone at him.
Biglang bumuhos ang ulan kaya nataranta ako. Binuksan ko ng kaunti ang bintana sa rito sa kusina at nakitang malakas ang pagbuhos ng ulan. Nakabibigla naman. Kanina mainit pa ang panahon, ah.
Paano pala ako uuwi nito? Hala.
Mabilis kong tinapos ang paghuhugas ng pinggan at pinuntahan si Airo. Nadatnan kong sunod-sunod ang pagtipa s'ya sa cellphone ko na parang nanggigigil.
Tinignan ko kung ano ang ginagawa n'ya sa cellphone ko. Nanlaki ang mga mata kong hinablot ito sa kan'ya at inilayo. Nakita n'ya ang mga pictures na pinasa sa akin ni Chiel.
“Hindi pa ako tapos, Sibyl!” Dumagundong ang boses n'ya. Marahas s'yang tumayo at pilit na kinukuha sa akin ang cellphone ko pero nagmatigas ako.
“B-Baka ma-delete mo lahat ng school stuffs dito.”
Mabilis n'yang pinigilan ang mga kamay ko at inilapit sa kan'yang katawan. Bumaba ang kan'yang tingin. Nanggagalaiti at nagtatagis na rin ang bagang n'ya.
“I know that guy na nasa picture mo,” matigas n'yang sambit. “Care to tell me bakit may gano'n kang picture? Do you like him?”
“Hind—”
Nakuha n'ya ang cellphone ko na 'di ko namalayan. Nagpumiglas ako sa hawak pero hindi n'ya ako hinayaan sa gusto ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.
“I deleted all the pictures of that guy.” Hinagis n'ya cellphone ko sa sofa kaya hindi ito nabasag. “Bakit may gano'n kang picture, huh? At talagang nag-iisa lang sa gallery?” sarkastik ang ngiti n'ya.
Not again. Nagseselos na naman s'ya. Hindi ko akalain na magiging ganito s'ya dahil lang do'n. It is obvious na marami namang gano'n sa mga ibang babae.
“Katuwaan lang iyo—”
“Pwes 'di ako natutuwa,” mabilis n'yang sabat. “It suppose to be me in your gallery. I'm your boyfriend so dapat ako lang sa gallery mo.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro