Chapter 16
CHAPTER 16
"Hoy, in love ka na n'yan?" mapaglarong tanong ni Chiel nang makitang nakangiti ako habang nanood ng YouTube.
"Nakangiti lang ako, in love kaagad? Nakatatawa ba naman kasi 'yong pinapanood ko." Pinakita ko sa kan'ya ang pinagkakaabalahan ko para naman maniwala.
Hindi nawala ang mapangasar n'yang ngiti, hindi naniniwala sa dahilan ko.
"Sinabi mo lang kahapon na may something na sa inyo ni Airo, eh," bulalas ni Mylara na abala sa pagsusuklay ng buhok n'ya.
Hindi ko kasi napigilan na ikuwento sa kanila na pareho na kaming nararamdaman ni Airo, na umamin na ako. 'Di ko nga lang sinabi ang tungkol sa nangyaring halikan namin ni Airo. Mas lalo silang mawiwindang kapag nalaman pa nila.
"Wala tayong klase ngayon, yes!" Biglang sumulpot ang ka-block mate namin na babae. "Makakapanood na tayo ng banda sa gym!"
Tuwang-tuwa naman mga kasama ko at kumaripas na paalis ng room namin. Bali thirty minutes na lang uwian na namin since wala kaming klase sa pinakahuling subject.
"Sama ka na, Byl." Hila nila akong dalawa palabas ng room.
"Teka lang." Binawi ko ang braso sa kanila. "Baka puntahan ako rito ni Airo mamaya. Baka hanapin n'ya ako."
"Girl, kahapon hindi ka nasundo ng manliligaw mo. Baka nga may training pa sila sa kabilang university," ani Chiel, inikutan pa ako ng mata.
"Sabay na tayong tatlo umuwi mamaya, Byl. Sige na, nando'n pa naman si Kertian. " Taas-baba ang kilay ni Mylara.
Wala na akong ibang dahilan pa para pigilan sila sa gusto nilang mangyari. Nagpahila ako sa kanila hanggang sa nakarating kami sa gym. Napakalakas ng hiayawan ng mga babae lalo pa't nando'n ang vocal singer na si Kertian.
Simula kasi nang naghalikan kami ni Airo ay nakalimutan ko na ang tungkol sa performance ng banda na gaganapin ngayong Friday. Simula pa lang sinabi na ni Airo na tuwing Friday n'ya ako dadalhin sa Street food.
Pero hindi ko alam kung makararating s'ya ngayon gayong may training s'ya sa kabilang university. Pinaalam na n'ya ito sa akin no'ng nakaraang araw pero hindi ko alam kung hanggang kailan s'ya ro'n.
Umupo kami sa pinakataas dahil occupied na banda sa unahan. Magsisimula na kaya medyo humupa ang ingay.
Hindi ko masyado ma-enjoy ang performance. Lumilipad ang isipan ko kung ano ba talaga kami ni Airo. Oo, umamin kami sa isa't isa na pareho ang nararamdaman namin pero hindi ko alam kung kami na ba. Hindi naman kasi ma-consider na kami na kung nag-aminan lang kami.
Nagpakasaya na lamang ako rito kaysa naman malunod sa kaiisip sa kan'ya. Magkikita naman kami kaya ro'n ko na kokompirmahin ang relasyon namin.
Sa kalagitnaan ng performance ay bigla na lang pinatigil ni Kertian ang mga kabanda n'ya sa pagtugtog. Napuno ng bulungan ang buong gym, nagtataka kung anong gagawin n'ya.
Nakatapat ang microphone nito sa bibig, tinaas n'ya ang kamay sa itaas. "May babaeng umagaw ng pansin ko and I want to dedicate this song for you, Miss."
Naghiyawan ang lahat. Nagulat ako nang tinuro n'ya ang banda sa pwesto namin. Napatingin sila sa 'king lahat. Hala, hindi naman ako, 'di ba?
"Yeah, it's you, the one wearing a color white headband," umalingawngaw ang boses n'ya sa gym.
"Gaga ka, girl! Ikaw raw!" Kinikilig na niyugyog nila ako habang ako naman 'di maintindihan ang mararamdaman.
Idol ko talaga s'ya kaya na-speechless talaga ako at nahihiya ngayon lalo pa't nakatingin ang mga estudyante sa akin. Bakit sa dami ng tao, bakit ako?
Nagsimula s'yang kumanta. Pakiramdam ko sobrang special ko sa kantang hinandog n'ya- nila. Masaya akong nakisabay sa kantahan at napapangiti ngunit nawala iyon nang makitang nakatayo sa entrance ng gym si Airo.
He was looking at me directly. Nanliit ang mga mata n'ya at mukhang kanina pa n'ya ako tinititigan. Kumalabog ang dibdib ko nang makitang nagtatagis ang kan'yang bagang at binalingan ang pwesto ni Kertian.
Napaayos ako ng upo. Hindi nawala ang titig ko sa kan'ya. Hindi ko pinahalatang si Kertian talaga ang tinitignan ko. Sobrang astig n'yang tignan na makitang naka-uniform s'ya.
Nakapabilog ang pagtali n'ya sa kan'yang buhok. May dala s'yang malaking bag na sa tingin ko'y kararating n'ya lang dito.
"N-Nand'yan si Airo, Mylara,"utal kong sambit sa kan'ya, hindi ko inalis ang titig kay Airo.
Mas lalong hindi ako mapakali nang papalapit na ito sa pwesto ko. Napapatingin tuloy mga estudyante sa kan'ya. Binigyan s'ya ng daan.
"Hala." Mas lalo lang nadagdagan ang pangamba ko dahil sa sinabi ni Mylara.
Hindi n'ya talaga inalis ang mga mata n'ya na malalim nakatingin sa akin. Nasa harapan ko na s'ya. Natahimik tuloy mga kaklase ko na malapit sa amin.
"You, move," maotoridad na utos ni Airo kay Chiel na sobrang dikit sa akin, ayaw n'ya talagang bitiwan ang titigan namin.
Mabilis na umusog palayo si Chiel. Mukhang natakot sa klaseng laki ng katawan ni Airo. Matured kasi ang katawan n'ya o baka dahil sa lahi kaya ganito kalaki ang katawan n'ya.
Pabagsak na umupo sa tabi ko si Airo. Napasinghap ako nang hapitin n'ya ang beywang ko palapit sa kan'ya na parang inaangkin ako. Inamoy n'ya ang tuktok ng buhok ko.
Hindi ko magawang umangat ng tingin. Para kasing galit s'ya. Siguro nga dahil hindi ako tumupad sa usapan namin. Nandito s'ya kaya dapat sa oras na ito ay kumakain na kami ng Street food. 'Di ko namalayan ang oras.
Hindi na rin ako makapag-focus sa kantahan dahil sa isipang galit sa akin si Airo. Wala s'yang imik kanina pa. Napakagat ako sa sariling labi habang nilalaro na lang ang keychain sa bag ko.
Tahimik na rin si Mylara at Chiel. Nagtataka man sila sa inasta ni Airo ay mas pinili nilang tumahimik. Tadtadin naman nila ako ng tanong mamaya dahil hindi nila magawang makipag-usap ngayon sa akin.
Napatigil ako sa pagkakalikot ng keychain ko nang hawakan ni Airo ang kamay ko. Hinimas n'ya ito at nilalaro habang nakatingin sa harapan.
Kita kong napatingin na naman sa gawi ko si Kertian nang matapos ang kanta na 'di ko napagtuunan ng pansin.
"I hope you like the song, Miss," nakangiting saad n'ya na tumunaw sa nakararaming babae rito.
Kinikilig ang mga babae sa amin pero ngayon hindi ko magawa iyon dahil sa masamang awra nakapalibot kay Airo. Mas humigpit ang paghawak n'ya sa beywang ko at pinagsiklop ang aming kamay.
"Let's go."Pinatayo n'ya ako at walang pasabing hinila paalis sa gym, parang kanina pa n'ya gustong umalis.
Hindi ako nagsalita kahit gusto ko 'pang makinig ng kanta ng banda. Baka kasi magalit si Airo gayong masama ang timpla ng mukha n'ya hanggang sa nakarating kami sa labas, nakaparada ang kan'yang motor dito.
Bigla n'ya akong isinandig sa malaki n'yang motor bike at salubong ang kilay na tinignan ako. Nagngitngit ang ngipin n'ya.
"Alam mo ba ang araw ngayon?" mabagal at madiin n'yang tanong.
"Friday," mahina kong sagot at napayuko.
"At alam mo 'bang kanina pa ako paikot-ikot dito sa campus para hanapin ka? Pinuntahan ko ang boarding house n'yo ngunit ang sabi ni Zaimon wala ka pa ro'n."
Nakonsensya naman ako. Dapat pala nag-chat ako sa kan'ya. Hindi ko pa chi-neck ang cellphone ko kung may chat ba s'ya. Wala kasi akong load kanina kaya hindi rin ako makapag-text.
"S-Sorry, Airo..." Napayuko pa ako lalo.
"Tapos mahahanap kita ro'n sa gym, nanonood ng banda." Napailing s'ya, marahas n'yang sinuklay ang buhok n'ya kaya nawala ang pagkakapusod nito at bumahaghag. "Gusto mo noon si Kertian, right? Hanggang ngayon ba s'ya pa rin?"
Mabilis akong umiling nilang pagtanggi. Hindi ko na tinanong kung paano n'ya nalaman. Hindi ko napigilan ang sarili na umiyak sa kan'yang harapan sa takot at pangamba na nararamdaman ko sa kan'ya. Nanginginig na rin ang katawan ko.
"H-Hindi, hinahangaan ko lang s'ya p-pero hindi ko s'ya gusto." Napatakip ang mga kamay ko sa pisngi. "M-Matapos kong sabihin sa 'yo nakaraan na m-mahal kita, gan'yan ka na?"
"D*mn," mura n'ya at bigla na lang akong kinabig papalapit sa kan'ya para yakapin ako nang mahigpit, mukhang natauhan sa ginawa n'ya.
Umiyak ako sa kan'yang bisig. Pinatahan naman n'ya ako at unti-unting gumagaan ang aking pakiramdam. Sumisinghot na lamang ako at pinunasan ang luha sa mukha, tinulungan naman n'ya ako.
"I'm sorry that I scared you, I-I'm just frustrated na hindi ka mahanap. I want you to eat a dinner with me yet I can't easily find you. Tapos mahahanap lang kitang masayang nanonood kay Kertian. "
Suminghot ako at napabuga ng hininga. "Sorry rin," mahina kong sabi at inangat ang tingin sa kan'ya. "Hindi kita tinanong kung dadating ka ba at hinanap mo pa talaga ako."
Umiling s'ya. "I'm very sorry, baby. Let me make it up to you, hmm? I love you, too."
Masuyo n'yang hinaplos ang pisngi ko at hinalikan ang mga mata ko. Napapikit ako sa ginawa n'ya. Niyakap n'ya ako nang mahigpit at gano'n din ako. Napagaan n'ya ang loob ko.
~•~•~
Nakahihiya na umiyak ulit ako sa harapan ni Airo. Hindi naman n'ya ako inasar tungkol do'n pero iniisip ko na baka pagtawanan n'ya ako. Masyado akong nag-o-overthink.
Dahil mag-a-alas sais na ay dumiretso kaming dalawa sa kan'yang apartment. May niluto kasi raw s'yang pagkain sa akin at gusto n'yang matikman ko.
Nilapag ko ang aking bag sa sofa at pabagsak na umupo rito. Pumasok si Airo sa kan'yang kwarto kaya naman humiga ako sa sofa. Masakit ang likod ko at saka pang-upo dahil sa pagkakaupo ko kanina sa gym. Walang sandigan do'n kaya nangalay ang likuran at namamanhid ang pang-upo ko.
Saglit kong ipinikit ang nga mata ko at dinama ang lamig ng aircon. May kaya si Airo kaya hindi na ako magugulat na mamahalin ang mga gamit n'ya rito.
Ramdam kong may umupo sa aking tabi at pagdampi ng labi ni Airo sa pisngi ko. Napamulat ang mga mata ko, seryoso ang mukha n'yang nakatingin sa akin pero nasanay na rin ako.
"Tired?" tanong n'ya at bigla na lang pumaibabaw sa akin na ikinabahala ko.
"U-Umalis ka d'yan, Airo."Tinulak ko ang kan'yang dibdib palayo sa akin pero sadyang makulit s'ya, malakas s'ya kaya hindi ko kaagad s'ya natulak.
Nakangisi na ngayon ang mga labi n'ya. "I just want a cuddle, okay? Hindi muna tayo gagawa ng baby," natatawa n'yang anas at niyakap ako habang nasa itaas ko s'ya.
"Eh." Kung ano-ano na ang sinasabi n'ya. He's making me confused.
Ang mukha n'ya'y nasa gilid ng leeg ko. Nanigas ang katawan ko sa klaseng pwesto namin pero kalaunan kumalma naman ito. Hindi lang siguro ako sanay sa ganito. S'ya lang naman ang may lakas na loob na ganituhin ako.
Sininghot n'ya ang leeg ko na ikinabaling ko sa kan'ya. Napatitig din s'ya sa mga mata ko. Nakikita ko ang kislap sa mga mata n'ya na ako ang naging dahilan.
"Gutom ka na siguro." Bumangon s'ya at hinila ako para makaupo na. "Kain na tayo."
Hinila n'ya ako sa kusina at naka-display na ro'n ang mga pagkain sa lamesa. Napanganga na lang ako sa sobrang dami.
"Ikaw nagluto lahat ng ito?" mangha kong tanong, pinaupo n'ya ako sa upuan bago s'ya tumabi sa akin.
"Oo, kaya kainin mo lahat 'yan. " Seryosong nilagyan n'ya ang plato ko ng spaghetti. "Eat, I know you're hungry."
"Thank you," nahihiya kong tugon at nagsimula nang kumuha ng spaghetti. "Ano 'bang mero'n at ang dami ng pagkain?"
"Three days in relationship na tayo kaya naghanda ako."
Gulantang napatingin ako sa kan'ya at naiwan sa ere ang kamay ko. Napataas ang kilay n'ya sa klaseng reaksiyon ko.
"Why?"
"Tayo na pala?" tanong ko.
Mas lalong sumama ang timpla ng mukha n'ya sa narinig. "What do you mean? Hindi mo natandaan na three days na kitang girlfriend? Are you kidding me, Sibyl?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro