Chapter 15
CHAPTER 15
Hindi ako masyadong makatingin sa mga estudyanteng nakatingin sa amin. 'Yong iba wala naman pakialam nang lampasan namin sila. Gumagawa talaga ng eksena si Airo.
Pinaupo n'ya ako sa malaki n'yang motor at tinukod n'ya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng inuupuan ko. He lowered his head hanggang sa nagtapat ang aming mukha, nanginig ang bibig ko na ikinatingin n'ya rito.
“Nasa labas tayo ng eskwelahan, Airo,” paalala ko, baka kasi akala n'ya kaming dalawa lang dito dahil sa lalim ng titig n'ya sa akin kanina, na parang nawawala na s'ya sa reyalidad.
Naningkit ang mga mata n'ya. Bumagsak ang mahaba n'yang buhok mula sa likuran hanggang sa napunta sa harapan. Napakabagay talaga sa kan'ya ang buhok n'ya.
“Don't mind them. Wala silang ambag sa panliligaw ko,” masungit n'yang sabi na ikinangiwi ko.
Lumalayo na ang sagot n'ya. Napagtanto ko na kanina pa s'ya nakatitig sa akin at gano'n din ako.
“Anong mero'n? Ba't ka nakatitig sa akin?” taka kong tanong.
Binasa n'ya ang ibabang labi. Nangingislap ang mga mata n'ya na kulay kayumanggi dahil sa papalubog na araw. It was a perfect timing. Perfect spot na wala masyadong mga puno rito kaya kitang-kita ang sunset sa gilid namin.
“Can I kiss you?” diretso n'yang tanong na ikinalundag ng dibdib ko. Anong sinabi n'ya?!
Napabuka ng konti ang bibig ko sa gulat na ikinatingin n'ya sa labi ko. Mabilis ko itong tinikom at umiling.
“Are you out of your mind? Ba't mo naman ako hahalikan?!” pasinghal kong tanong, mamaya baka may nakarinig pa sa sinabi n'ya.
Tumabingi ang ulo n'ya sa kabilang side. “'Cause I love you and I want you to feel my sincerity,” sagot n'ya na parang obvious na yo'n ang sagot. “May iba pa 'bang dahilan? I don't know that there's a deeper reason why should I kiss you.”
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi n'ya. Gusto kong tampalin ang noo ko. Mukhang hindi pa n'ya alam ang tungkol sa gano'ng bagay. Really? Akala ko ba matalino 'to?
“Pero walang tayo, ikaw lang nagmamahal kaya hindi dapat tayo maghalikan.” Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri, hirap i-explain lalo pa't tungkol sa halik ang pinag-uusapan namin.“People are kissing because they love each other.”
Natigilan s'ya, mukha pa lang n'ya ay parang ngayon lang n'ya napagtanto ang gano'ng bagay.
“You'll love me eventually... So ano pa ang hinihintay mo?” taas kilay n'yang tanong.
Napailing ako sa sobrang stress sa kan'ya. Medyo tinulak ko ang kan'yang dibdib dahil hindi na ako komportable sa tinginan ng estudyante sa amin.
“Let's not talk about it. Uwi na tayo, sa sunod na ang kiss na 'yan, ”mabilis kong sabi at umayos na ng upo.
“Okay.” Nakangising aso na ngayon si Airo na ikinataka ko. “We'll kiss some other time.”
“Eh?” Hindi pa rin ba n'ya naintindihan ang sinabi k— Sh*t! Did I just said sa sunod na lang ang kiss?! Hindi gano'n ang ibig sabihin ko.
“Air—”
“Wala nang bawian,” mabilis n'yang sabat at umangkas na sa bandang likuran ko. Baliw talaga.
“Dito ka sa harapan, Airo!” Ano na namang trip nito? Hindi talaga ako mapakali na nasa likuran ko s'ya aangkas.
“No, masasayahan ka kapag nasa likod mo ako,” tugon n'ya at hindi na ako pinatapos sa aking sasabihin nang pinausad na n'ya ang motor, iba na naman ang tumatakbo sa isip ko.
Nakasimangot ako sa buong byahe habang may nakapaskil naman na ngiti kan'yang labi. Mukha s'yang nakangisi pero nakikita ko sa mga mata n'ya ang saya mula rito sa salamin na nasa gilid ng hawakan ng motor.
'Yong mga illusion ko noon nagkatotoo ngayon. Hindi ko inaasahan na mangyayari sa akin ito. 'Yong may magtangkang manligaw sa akin at gawin ang mga bagay na sa teleserye ko lamang napapanood.
May mero'n sa kan'ya na hindi ko nagustuhan. I like good guy, but Airo looks like a bad guy. I like a guy na susundin ang utos ko pero napunta ako sa lalaki na gusto n'ya ang masusunod.
Yes, I love Airo. Napaaga pero yo'n ang nararamdaman ko. I was denying for almost a month pero ngayon, hindi na ako natatakot na aminin sa sarili na gusto ko s'ya na mas hinigitan n'ya ang standard ko.
He was not my type, pero nagawa n'yang baguhin iyon. I just realized na kahit ayaw ko sa ugali minsan ni Airo, nahulog pa rin ako dahil sa the way na pinaramdam n'ya sa akin na mahal n'ya ako.
Ngayon ko lang na-realize na hindi minsan sa ugali binabase kung mamahalin mo ito o hindi. It was not my choice to love him, but my heart choose him.
Masaya ako na mahal n'ya ako. No'ng una kinabahan ako na baka ako lang nakaramdam nito pero mismo sa mga mata n'ya nagsasabing may malalim s'yang pagtingin sa akin.
Inalalayan ako ni Airo na bumaba sa kan'yang motor. Inayos n'ya pa ang skirt ko na medyo nayupi bandang dulo nito. Napatango s'ya nang makitang maayos na ang uniform ko. I was staring at him for a whole time. Kanina pa sa salamin.
Napatingin s'ya sa akin nang mapansing nakatingin ako sa kan'ya. Kumunot ang namamawis n'yang noo.
“What's wrong? Sobrang sakit na ba ng paa mo?” nag-alala n'yang tanong, lumuhod s'ya sa harapan ko at hinawakan ang namumula kong paa.
Nanindig ang balahibo ko sa bawat hagod ng kan'yang daliri sa aking paa. Medyo nagulat ako nang pinasandig n'ya ako sa kan'yang motor at tinaas nang bahagya ang paa ko. Inalis n'ya ang black heels ko.
“A-Airo.” Nahihiya at pinamulahan ang buong mukha ko nang marahan n'yang dinampian ng halik ang namumula kong paa.
Napahigpit ang hawak ko sa motor. Ramdam ko ang kinis ng kan'yang labi at kasunod no'n ang naglalaro n'yang dila. Nanginig at parang umusbong ang init ng katawan ko sa ginawa n'ya. Ano 'tong nararamdaman ko?
Binitiwan na n'ya ang paa ko at tiningala ako. Dinilaan n'ya ang kan'yang labi na parang nakatikim s'ya ng ice-cream.
“Better now?” namamaos n'yang tanong, 'yong mga mata n'ya'y may kakaibang emosyon na 'di ko matukoy.
Tumango ako at napasinghap ng hangin.“Y-You don't have to do that.” Napakagat ako sa sariling labi nang makita ang namamasa n'yang labi.
Tumayo s'ya sa pagkakaluhod at pinantayan ang mukha ko. Tinukod n'ya ang kamay sa gilid ko at kanang kamay n'ya'y nasa baba ko na, itinaas n'ya ito para humarap nang tuluyan sa kan'ya.
“Look at me whenever I am looking at you.” Naglulumikot ang mga mata n'ya, kinakabisado ang buong mukha ko. “It makes me feel like you love me whenever I am looking at your eyes. Baby, I'll do anything to ease your pain, kahit halikan ko pa mga paa mo para lang mawala ito.”
Hinayaan ko s'ya. Hinayaan kong nakasandal ang kan'yang noo sa akin. Naging mabigat ang kan'yang paghinga habang ako'y hindi alam kung humihinga pa ba ako. He takes my breath away just by looking at his handsome face in front of me.
“I love you, do you love me too?” tanong n'ya, parang nagmamakaawa. “Kiss me if you love me. Kiss me if you want me to your life, baby.”
And my heart responded. I kissed him while both my eyes are closed. It wasn't a first time but I feel that way. I can't stop my heart repeatedly pounding.
Natigilan man s'ya ay malugod n'yang tinanggap pabalik ang halik ko. Parang pinaparating n'ya na lubos s'yang masaya na tumugon ako sa kan'yang pagmamahal.
Mas inilapit pa n'ya ang katawan sa akin at mas pinailaliman ang aming halikan. Parang may gusto s'yang marating na 'di ko matukoy. Sinisipsip at minsan pinapabayaan n'yang nakalapat ang aming labi tapos gagalaw ulit.
Sa panghihina ng tuhod ko ay napayakap ang mga braso ko sa kan'yang leeg at marahang sinasabunutan ang mahaba n'yang buhok sa sobra na nararamdaman ko ngayon.
Lumayo ng kaunti ang bibig n'ya kaya nagkaroon ako ng pagkakataong huminga. Patak-patak ang binigay n'yang halik sa akin na hinayaan ko. Nanlalambot pareho ang mga mata naming nakatingin sa isa't isa.
Nang kumalma s'ya at binaon n'ya ang mukha sa leeg ko. He's whispering something na hindi ko marinig. Hinang-hina na ako.
“A-Ano?” tanong ko.
Malawak ang ngiti n'ya na pangalawang beses ko nang nakita. Napangiti na rin tuloy ako sa nakahahawang ngiti n'ya.
Hindi man n'ya sabihin pero nakikita kong napasaya ko s'ya. Na sapat nang nakatitig kami sa isa't isa at ang puso naming nagkaisa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro