Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

CHAPTER 14

“Kakanta raw si Kertian sa Friday, Byl, pupunta ka ba?”

Napaisip ako sa sinabi ni Mylara. Gustong gusto kong pumunta pero baka ayain ako ni Airo na mag-street food. Tuwing Biyernes kasi inaaya n'ya ako, napadalas din ang date namin. Mahilig s'ya sa street food at isa iyon sa nalaman ko tungkol sa kan'ya.

There's a lot of things na wala pa akong natutuklasan sa kan'ya. Like, kung sino ang mga kaibigan n'ya o nakaraang babae. Nakahihiya namang magtanong sa kan'ya. Hindi naman kami at baka magalit lang s'ya kapag pinakialaman ko buhay n'ya.

“Sige,” pagpapayag ko na ikinatuwa naman n'ya, nando'n kasi ang idol n'ya raw na drummer.

“Girls, tignan n'yo 'to, oh,” aniya Chiel at ipinakita n'ya sa amin ang litrato, mga lalaki na naka-topless sa beach.

“Ano ba 'yan, Chiel!” Hinampas n'ya ito sa balikat na ikinatuwa ni Chiel. “Dapat bigyan mo naman kami kahit isa lang d'yan, nagsosolo ka, ah!”

Ngising napailing na lang ako sa kabaliwan ni Mylara. Naging bonding nila ang paghahanap ng guwapong lalaki at kung ano-ano na ang namumuong plano sa kanilang isipan. Nababahiran na ng kadumihan minsan ang utak ko dahil sa kanila.

Napansin siguro ni Chiel na wala akong balak tumingin ay s'ya na mismo ang lumapit sa akin. Ngising inilapit pa n'ya talaga ang cellphone n'ya sa mukha ko.

“Nakikita ko, Chiel.” Tinulak ko nang konti ang kan'yang kamay, hindi ko maiwasang matawa nang mahina.

“Tignan mo kasi, girl! Pili ka d'yan kung sino bet mo.” Humagikgik s'ya, sinimulan na n'ya ang sunod-sunod na pag-swipe ng mga litrato.

Wala akong nagawa kundi tignan ito at pumili ng isa. Knowing Chiel, 'di n'ya ako titigilan hanggang sa gawin mo na lang ang gusto n'ya.

“I-Ito akin.”

Nahihiyang tinuro ko ang pangatlong litrato, tulad ng ibang lalaki naka-topless din ito. Ang pinagkaibahan nga lang may tattoos s'ya sa katawan na talagang bumagay sa malaki n'yang katawan. I think he's already 24 years of age?

Pumalakpak silang dalawa ni Mylara. Mukhang 'di nila inaasahan na sasabayan ko ang trip nila. Napailing ako.

Ngiting-ngiti naman na kinuha mismo ni Chiel sa kamay ko ang cellphone, hinayaan ko naman.

“Ito pala mga tipo mo, ah. In love na in love ka sa long hair na lalaki,” nanunuyang ani Chiel, long hair kasi ang napili ko, di ko napansin.

“Chiel,” nagbabanta kong saad na mas ikinatuwa nilang dalawa, masaya talaga sila sa tuwing inaasar ako.

“Done na!” biglang hiyaw ni Mylara matapos sumilip sa kinakalikot ni Chiel sa cellphone ko at ng kan'ya. “Pinasahan na namin ng madaming picture ang napili mong lalaki, ah? Para naman may inspiration ka. ”

Nanlaki ang mata ko. “H-Hey!”

Mabilis kong binawi ang cellphone ko, huli na dahil pinasahan na nila ako ng pictures ng lalaking tinuro ko kanina. More than ten pictures pa!

Pinigilan nila ako sa binabalak kong gawin. Nakanguso na siguro ang bibig ko sa kaba na nararamdaman. I never did this before. Hindi ako mahilig mag save ng pictures kaya walang laman ang gallery ko. Ngayon lang talaga nagkalaman.

“Relax, girl,” natatawang ani Chiel. “For fun lang, okay? Ano ba ang kinatatakot mo? Wala namang sisilip d'yan at saka hindi lang ikaw ang may gan'yan 'no!”

Tumango-tango si Mylara. “Normal lang naman mag-save ng pictures ng mga katulad nilang tao, since mga models sila.”

Napabuga ako nang hangin at hinayaan na lang nakalagay ang picture sa gallery. Mamaya ko na lang siguro i-delete kapag wala na sila.

Hindi naman sa ayaw ko. May parte kasi sa akin na kinakabahan sa 'di malamang dahilan. Gaya nga sa sinabi ko, hindi ko pa 'to nagawa.

Matapos naming magklase sa Arts.lesson ay kaagad kaming tumungo ng bundok na nasa likuran ng eskwelahan namin. May water falls at wishing pond kasi ro'n. May kinuwento kasi ang professor namin tungkol sa alamat ng water falls.

Masakit ang paa ko, namamanhid at sa tingin ko'y namumula na ito dahil sa haba nang nilakaran namin. Medyo malayo pero nag-enjoy naman ako. Kapalit nga lang ng pagmanhid ng paa ko.

“Need help?” tanong bigla ni Kenjie na nasa gilid ko na pala.

Paika-ika ang lakad ko kanina pa, kaya siguro napansin n'ya. Napatingin ako sa mga kaklase ko. Gano'n din ang iba, nagpabuhat sa mga kaibigan nila at 'yong iba naman ay hindi na maintindihan ang kanilang lakad.

Napabaling ulit ako kay Kenjie. “H'wag na.”

Hanggang ngayon kasi natatakot pa rin ako sa kan'ya dahil sa ginawa nito sa akin. Hindi ko alam kung kailan huhupa ang kaba ko sa kan'ya. I hope hindi ko na 'to maramdaman.

Napataas ang kilay n'ya na na tila namamangha sa pagtanggi ko. “Hirap na hirap ka na, Sibyl. Let me help you.”

“Okay lang talag—”

“No, you're not okay. At least, let me help you kahit sa ganito lang. I won't do things na ikakapahamak mo,” seryoso n'yang sabi, pursigido talaga s'ya.

Hindi nagtagal ang titig ko sa kan'ya at umiwas sa kabilang banda. Wala akong magawa kundi hayaan s'ya. Basta h'wag lang s'yang gagawa ng bagay na ayaw ko. S'ya rin ang malalagot kapag nagkataon.

Inilahad n'ya ang kamay sa harapan ko na kaagad kong tinanggap. Kita ko ang pag-alala nila Chiel sa akin. Ngitian ko na lang sila para hindi na sila mag-alala sa kalagayan ko.

Kalahating oras ang nagdaan bago kami nakababa ng bundok. Nagsisiuwian na mga estudyante kaya sumabay na rin ang iba kong kasama sa pag-uwi.

“Umupo ka muna rito.” Tinuro ni Kenjie ang bench kaya naman diretso akong napaupo rito.

Nakagagaan ng pakiramdam. Nawala ng kaunti ang kirot sa aking paa. Nanginginig nga lang dahil sa sobrang layo nang nilakad namin. Hindi ko alam kung makakalakad pa ba ako ng maayos nito.

“Mauna na ako sa inyo, girls. Pupunta pa ako ng palengke, eh.” paalam ni Chiel sa amin, pagod ang nakabalatay sa kan'yang mukha.

“Sama ako!” Kumapit sa kan'ya si Mylara sa kan'yang braso. “May bibilhin din kasi ako kaya sabay na tayo.”

“Iiwan n'yo na ako?” mahina kong tanong, napasandig ako sa sandalan, kapagod talaga.

“Kaya mo na sarili mo lalo pa't nandito si Kenjie.” Bumungisngis si Chiel at makahulugang kinindatan si Kenjie. “Alagaan mo muna kaibigan namin, ah? H'wag mong awayin.”

Tumango lamang si Kenjie sa kanila bago tuluyang umalis. Napapikit ang mga mata ko at ininda ang sakit. Masakit pa rin pala.

Napamulat lamang ang mga ako ang maramdaman ang medyo mainit n'yang kamay na hinahagod ang paa ko. Nagulat ako ro'n kaya kaagad kong nahila kaya nabitawan n'ya paa ko.

“H-Hindi mo naman kailangang gawin iyan. ” Nahihiyang umupo ako nang maayos, nakaluhod pa rin s'ya sa harapan ko habang nakaangat ang tingin sa akin.

“Namamaga, oh.” Turo n'ya sa paa ko. “Dalhin na lang siguro kita sa clini—”

“Lyrre,” biglang tawag ni Airo na ikinagulat ko, bigla lang s'yang sumulpot.

Seryoso ang titigan nilang dalawa at tila nag-aaway sila sa isipan lamang. Nabahala tuloy ako. Hindi naging maganda ang pagsasama nila nakaraan kaya baka magsuntukan na naman sila.

Tumayo ako sa pagkakaupo kahit masakit ang paa ko. Pumagitna ako sa kanilang dalawa kaya napunta ang atensyon sa akin.

“H-H'wag na kayong mag-away.” Tinignan ko si Kenjie na seryosong nakatingin ngayon sa akin. “S-Salamat sa pag-alalay sa akin.”

“Wala iyon,” tugon ni Kenjie.

“Sibyl.”

Hinawakan ako sa beywang ni Airo at marahang hinila papalapit sa kan'ya, binuhat n'ya ang katawan ko ng konti kaya naging magaan ang pagtapak ng paa ko sa lupa.

Napakapit ako sa kan'yang Marine engineering uniform. Mukhang kagagaling n'ya lang sa klase at dumiretso rito.

“Ako na magdadala sa kan'ya, umalis ka na,” magaspang na saad ni Airo kay Kenjie kaya mahina kong sinapak ang kan'yang dibdib, mukhang wala naman s'yang paki.

Masama ang timpla ng mukha ni Kenjie. Akmang lalampasan n'ya kami nang pahabol na tumingin s'ya sa akin. Agad akong inilagay sa gilid ni Airo para 'di ako makita ni Kenjie.

“D*mn him,” rinig kong mura n'ya nang nakaalis na si Kenjie.

“Narinig ko, Airo,” ani ko.

Masama ang timpla ng kan'yang mukha nang tinignan n'ya ako. May bahid na pawis sa kan'yang noo at ilang hibla ng buhok ang nakatabon sa kan'yang mukha.

“Bakit kayo magkasama? May ginawa ba s'ya sa 'yong masama?” sunod-sunod n'yang tanong, hinawakan n'ya pareho ang kana't kaliwa kong beywang para mas tignan ako nang maigi.

“Tinulungan n'ya ako.” Napatingin ako sa paa ko na kumikirot, namamahinga pa rin ang palad ko sa kan'yang dibdib. “Masakit kasi paa ko at sa tingin ko ay hindi na ako makararating sa boarding house.”

Problemadong ginulo n'ya ang buhok n'ya at 'yong mga mata n'ya ay halatang nag-alala at naiinis.

“Dapat sinabi mo sa akin na pupunta pala kayo sa itaas ng bundok para naman nasamahan kita.” Pinaupo n'ya ako sa bench at lumuhod sa harapan ko tulad ng ginawa ni Kenjie kanina.

“M-May klase ka, ano ba...”

Sinubukan kong alisin ang kan'yang kamay sa aking paa na ngayon ay marahang hinihilot n'ya. Tinampal n'ya nang mahina ang kamay ko at sinamaan ng tingin.

“Upo ka lang d'yan, behave.” Masungit n'ya akong tinignan at binalik ang atensyon sa paghilot n'ya sa aking paa.

Napakagat ako sa sariling labi. Magaan ang kamay n'ya, salungat sa klase ng maugat n'yang kamay na tila isang hampas lang sa lamesa at yayanig na ito. Nagbigay kuryente sa aking katawan ang bawat paghagod ng kamay n'ya sa paa ko.

“Done.” Tumayo s'ya sa pagkakaupo at nagulat ako sa sunod n'yang ginawa, binuhat n'ya ako na parang bagong kasal!

Napakapit ako sa kan'yang leeg sa bigla, nanlalaki ang mga mata ko. “A-Anong ginagawa mo?! Ibaba mo ak— Airo!”

Kinurot n'ya lang naman ang beywang ko kung saan hawak ng kanang kamay n'ya. Ibang klaseng kurot iyon, nanindig ang balahibo ko.

“I said behave, you naughty girl. I was just trying to help you pero pinapahirapan mo sa katigasan ng ulo mo.” Masyadong makalapit ang kan'yang mukha sa akin, napaurong ako ng kaunti.

“Ihahatid na kita sa inyo. Isa 'pang tanggi mula sa 'yo at hahalikan na kita. Matagal na akong nagtitimpi.”

Natigilan ako sandali dahil do'n. Seryoso at nawawalan na s'ya ng pasensya. Tumahimik na lang ako, takot na baka pagtaasan ako ng boses at gawin n'ya ang sinabi n'ya. Pero sa tagal n'yang nanliligaw sa akin, hindi n'ya ako sinigawan. Nakayanan n'ya iyon?




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro