Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

CHAPTER 13


“Anong balita sa pag-aaral mo? Mahirap ba?” tanong ni Kuya Sibyn, nakaupo s'ya sa harapan ko habang sumisimsim ng kape.

Kalmado ako tignan pero kanina pa ako 'di mapakali. Hindi ko pa kasi nasabi ang tungkol kay Airo na nililigawan n'ya ako. Hindi ko alam kung ikatutuwa ba ito ni Kuya. Kinakabahan ako na baka gawin n'ya ulit ang ginawa n'ya noon sa manliligaw ko na naging fling ko dati.

Alam iyon ni Kuya. Kahit anong tago ko, malalaman at malalaman pa rin n'ya. Kaya nga pagdating pa lang ni Kuya rito parang binumbahan ang dibdib ko sa pangamba. Hindi kasi s'ya nagsabi na dadalawin n'ya ako ngayon.

“M-Maayos naman, Kuya,” 'di ko maiwasang mautal, kinagat ko ang sariling labi.

Kumunot ang noo n'ya, binaba n'ya ang kapeng hawak n'ya. “Sabi ko anong balita? Gusto kong malaman ang mga nangyari sa 'yo ngayong buwan.”

Mas strict pa n'ya kaysa kay Papa. Kaya nga kinakabahan ako sa tuwing tatanungin n'ya ang araw ko noon. Bumabalik ang alaala no'ng pinagtabuyan n'ya ang mga manliligaw ko no'n. Galit na galit s'ya, kesyo bata pa ako na totoo naman.

“May naging kaibigan ako, mabait sila sa akin,” kuwento ko, h'wag kang pahalata, Sibyl.

“Tapos?”

“N-Naging masaya ang pananatili ko rito dahil... Nandito si Auntie Zai at ng anak n'ya.”

Hindi mapakali ang kamay ko, namamawis ito. Mukha kasing may alam s'ya sa nangyayari sa akin dito pero gusto n'ya mismo marinig sa akin ang totoo.

Nawala ang pagkakunot ng noo n'ya at napasandig sa upuan. “Ah, si Zaimon? Natandaan ko noon na madalas kayong maglaro sa bundok.”

Kinuwento nga ni Kuya Sibyn sa akin ang mga nangyari sa akin noon dito sa lugar na ito. Kahit anong pilit kong alalahanin ang mga alaalang iyon wala akong matandaan. Bata pa kasi ako no'n kaya baka dahil do'n hindi ko na matandaan ang nakaraan.

Makakahinga na sana ako nang maluwag nang umurong ang kaginhawaan ko.

“Totoo bang nililigawan ka ng isang Caddel?” tanong n'ya, alam na n'ya.

Hindi man nanlalaki ang mga mata ko ay natagalan ang titig ko sa kan'ya walang masabi dahil sa gulat talaga ako. Makahulugan akong tinignan ni Kuya at nakuha ko ang gusto n'yang ipahatid.

Napabuntong hininga muna ako. Ayaw kong magsinungaling pero kailangan kong sabihin. “Opo, Kuya.”

“Kailan pa? Hindi mo sinabi sa akin,” seryosong anas n'ya na ikinakaba ng dibdib ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at umiwas ng tingin sa kan'ya. “Hindi mo naman ako papayagan na magkaroon ng relasyon. At saka, ayaw ni Airo na tumigil kaya hinayaan ko na.”

“Caddel nga naman,” mahina n'yang sambit, ramdam kong tumayo s'ya sa pagkakaupo. “Dalaga ka na kaya hahayaan na kita na mag-boyfriend.”

Mabilis akong napatingin sa kan'ya. Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa. Gusto ko s'yang yakapin dahil do'n. Bakit ba ako natutuwa? Right, malaya akong makipag-date sa mga lalaki, wala ng ibang rason.

“Talaga?”

Mukhang tuwang-tuwa s'ya sa reaksiyon ko. “Yeah, sino ba nagsabing bawal ka magkaroon ng boyfriend ngayon? Noon kasi bata ka pa kaya hindi kita hinayaan.”

Wala na akong pakialam sa nangyari noon. Sobrang saya ko dahil hindi na magiging komplekado ang sitwasyon namin ni Airo. Wait... Hindi pa naman kami ni Airo pero kung umasta ako ay parang natatakot ako na ipaghiwalayin kami.

“H'wag masyadong magsaya, Sibyl. Nanliligaw pa lang iyon. Kilalanin mo muna,” biglang dugtong ni Kuya na ikinabalik ng katinuan ko.

Tama nga naman si Kuya. Hindi ko pa masyadong kilala si Airo. Medyo kabisado ko na ugali n'ya pero wala akong alam sa pamilya n'ya. Kung strict ba ang parents n'ya o ano. Kung masama ba silang pamilya.

“Byl, hinahanap ka ni Airo sa labas. Bilisan mo at naiinip na iyon!” Biglang sumulpot si Mylara at tila ang layo ng tinakbo n'ya dahil sa hinihingal pa ito.

“Oh, nand'yan na pala si Airo. ” Ngumiti nang makahulugan si Kuya Sibyn at inayos ang white plain polo n'ya. “Gusto kong makausap si Airo, Byl.”

“Kuya,” kinakabahan kong tawag.

Umiling si Kuya. “Wala akong gagawing masama, okay? Gusto ko lang makilala ang lalaking nanliligaw sa 'yo.”

Pinaglapat ko ang aking labi at tumango. Tahimik sa tabi ko si Mylara. Nagkakilala lang sila ni Kuya kanina at mukhang nabighani kaagad kay Kuya. Hindi ko s'ya masisi dahil talaga namang nay itsura si Kuya, habulan ng babae.

Inakbayan ako ni Kuya at iginaya palabas ng boarding house. Hindi ko alam kung anong trip ni Kuya at inakbayan pa talaga ako hanggang sa papalapit nang papalapit na kami kay Airo.

Kita ko ang inip sa mukha ni Airo habang may kinakalikot sa kan'yang cellphone. Nakasandig s'ya sa kan'yang motor. Naka-formal attire ito na mukhang kagagaling lang sa event.

Napansin siguro ni Airo na papalapit kami ay napaangat ang kan'yang tingin. Napalitan ang inip n'yang mukha sa pagkakunot-noo. Ibinulsa n'ya ang kan'yang cellphone at hinila ang sarili para makatayo nang maayos.

Palipat-lipat ang tingin n'ya sa amin ni Kuya, tila umusok ang ilong n'ya. “Anong ibig sabihin nito, Lyrre? Why the hell he's with you?!”

Nagulat ako sa inasta ni Airo. Napatingin ako kay Kuya na mukhang may binabalak na kalokohan. Kinabahan tuloy ako sa gagawin ni Airo ngayong masama ang tingin n'ya kay Kuya.

“Teka lang, Air—”Hinila n'ya ako bigla para makawala sa pagkaabay ni Kuya sa akin.

Hawak n'ya ngayon ang gilid ng beywang ko. Mahigpit ang pagyakap ng braso n'ya ro'n. Sa sobrang lapit namin ay kailangan ko 'pang ilapat ang mga kamay ko sa dibdib n'ya para kahit papaano may kaunting distansya kami.

“Kaano-ano mo si Sibyl?” maangas na tanong ni Airo, sinilip n'ya ako sa ilalim n'ya. “Kaibigan mo ba s'ya, Sibyl?”

Kahit wala naman akong masamang ginawa ay kinakabahan pa rin ako sa klaseng pagtanong ni Airo. Minsan n'ya lang akong tawaging Sibyl.

“Hindi,” mabilis na sagot ni Kuya na ikinabaling ng tingin ni Airo rito.

“Hindi,” mariing ulit ni Airo sa sinabi ni Kuya, para bang mali ang sinagot ni Kuya at hindi n'ya ito nagustuhan.

Marahan kong hinila ang damit ni Airo. Parang susuntukin n'ya kasi si Kuya. Gusto ko tuloy sapakan si Kuya dahil sa mukhang natutuwa pa s'ya na nagagalit si Airo.

“Airo, h'wag kang gagawa ng masama,” utos ko rito.

“May gusto ba s'ya sa 'yo?” Turo n'ya kay Kuya habang nanliliksik ang mga mata n'yang nakatingin sa akin. “Bakit mo hinayaan na akbayin ka?”

“Kasi nga, Air—”

“Ako ang unang nanligaw kaya ako lang dapat,” madiing anas n'ya, pinutol n'ya ang sasabihin ko sana, madiin na tinuro n'ya ang sarili.“I won't let you touch by someone else, okay? Nagseselos ako, Sibyl. Masama akong magselos.”

Napahilamos ang palad ko sa mukha nang bigla lang tumawa si Kuya na parang nakatutuwa talaga ang eksena namin ngayon. Hindi ko inaasahan na ganito pala magselos si Airo. Nakatatakot at tila gusto n'yang ikulong ako sa mga bisig n'ya.

“Sorry.” Nakangising nakatingin si Kuya kay Airo. “H'wag ka naman masyadong possessive sa kapatid ko. Sige ka, baka iwan ka n'yan.”

Nawala ang galit sa mga mata ni Airo at napalitan ito nang pagtataka. Medyo lumuwag ang kapit n'ya sa akin at malumanay n'ya na akong tinignan. Sinimangutan ko s'ya.

“Kapatid mo s'ya? ” tanong n'ya at nangingitngit ang ngipin dahil sa hiya. “Bakit 'di mo sinabi?”

“Ayaw mo akong patapusin sa pagsasalita kaya paano ko masasabi sa 'yo?” inis kong tugon at kinalas ang kan'yang braso na nakayakap sa aking beywang.

Napamura s'ya nang mahina. Sapok n'ya ang kan'yang noo na tila problemado. Nilapitan n'ya si Kuya at seryoso na itong hinarap.

Napabuga s'ya nang hininga. “Sorry sa inasta ko, nagulat lang ako na may ibang lalaking umaakbay kay Lyrre. I-I was just...”

Tumango-tango si Kuya at tinapik ang balikat n'ya. “It's okay, normal lang naman magselos,” ngising saad n'ya. “Maiwan ko na kayo. Pinasaya n'yo araw ko.”

“Kuya.” Nagbabanta ko s'yang tinignan, kinindatan n'ya lang ako at sinenyasan na suyuin ko raw si Airo. Loko talaga.

Binalingan ko si Airo na malayo ang tingin ngayon. Nakasimangot ito at minsan napapasabunot sa buhok.

“Gag*ng, Sibyn na iyon,” bulong n'ya na hindi ko narinig.

“Bakit ka pala nandito? ” panimula kong tanong.

Napatingin na s'ya sa akin, medyo natigilan. “Gusto ko lang makita ka ngayon,” mahina n'yang sambit at unti-unting lumapit sa akin, bigla n'ya akong niyakap na 'di ko inaasahan.

“Airo?” taka kong tanong nang hagkan n'ya ako sa noo ko, naninindig ang balahibo ko dahil do'n, nakakabigla naman s'ya.

“Hayaan mo munang nasa ganito tayong posisyon,” bulong n'ya sa gilid ng taenga ko.

Hinayaan ko naman na yakapin n'ya ako. Rinig ko ang malakas na tibok ng kan'yang puso tulad ng akin. Palagi n'ya akong niyayakap at hinahalikan sa noo pero hanggang ngayon nabibigla pa rin ako.

Nililigawan pa lang kasi n'ya ako tapos may paganito na s'ya.

“Hindi naging maganda ang pagkita namin sa kuya mo. Pinapakalma ko ang sarili ngayon.” Mahigpit ang yakap n'ya sa akin. “I love you... Hayaan mo na ako, I just feel that I should say this powerful words... You scared me.”

Minsan hindi ko pinapansin ang confession n'ya pero ngayon... Malaking impact ang tumama sa akin. Para akong nakalutang. Parang nakayakap ako sa malambot na bagay. Masaya ako... Higit pa roon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro