Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

CHAPTER 11


“Sa 'yo lang nakatutok ang mga mata ko, pati na rin ang tinitibok ng puso ko. Yes, I don't know how to court a girl who I love pero ipaparamdam ko sa 'yo ang pagmamahal ng isang Airo Rigs Caddel,” sinsero n'yang amin na ikinawala ng puso ko, ang sarap pakinggan sa taenga ang mga sinasabi n'ya.

“So, let me tell you this, I don't feel love. Hindi ko mahanap iyon sa mga babaeng nakilala ko. My Mom decided to set me up for a blind date pero kailanman hindi ako nagkaroon ng relasyon o babaeng magpapaligaya sa akin, whatever you call it,” mahaba n'yang dugtong na ikinaestatwa ko sa aking kinatatayuan.

Mabilis lumihis ang mga mata ko sa kabilang banda nang makitang napatitig s'ya sa labi ko. Nakita ko 'pang may mga estudyanteng napapatingin sa amin. Mukhang kilala pa si Airo. Nagtataka siguro sa posisyon namin.

“Are you listening to me? Hindi ako mahilig magpaliwanag pero nagawa ko.” Hinawakan n'ya baba ko at tinaas kaya napatingin ako sa kan'ya ulit. “Hindi ka lang magsasalita r'yan?”

“H-Hindi ko maintindihan ang iba, Airo. Bakit ako napili mo?” Nahihiyang binaba ko ang kamay n'ya nang mas lalong dumami ang mga tao, napakagat ako sa labi. “Umalis muna tayo rito.”

Napatitig s'ya sandali sa akin bago sumunod sa akin. This time may helmet na s'yang dala at pinasuot sa akin. Pansin kong wala s'yang helmet.

Hindi muna ako nagsalita hanggang sa nakarating kami sa lugar na bino-board ko. Akala ko titigil s'ya sa palayan banda ngunit dumiretso s'ya.

“Saan tayo pupunta, Airo?” malakas kong tanong, maingay kasi ang tunog ng motor.

“Apartment ko,” sagot n'ya na parang wala lang.

Napanganga ang bibig ko at hinila ang laylayan ng damit n'ya. “Anong gagawin ko ro'n? Ibalik mo na ako!”

“Mahuhulog tayo pareho sa ginagawa mo!” malakas n'yang bulalas nang gumalaw-galaw ako sa aking kinauupuan para pigilan s'ya sa pagmamaneho.

“Balik nga tayo ro'n, eh.” 'Di ko maiwasang isandal ang aking noo sa kan'yang likuran, pinakalma ko ang sarili.

Kung ibang tao ako ay baka nasabunutan ko na 'to habang nagd-drive s'ya. Gusto kong kurutin ito sa tagiliran pero nakahihiya at baka ako pa ang awayin, mabangga pa kami.

Nasa harapan na kami ng kan'yang apartment. Wala na akong takas sa kan'ya. Habang kinakalikot n'ya ang padlock sa apartment n'ya ay hawak pa rin n'ya ang kamay ko. Ayaw bitiwan at baka tumakas daw kasi ako.


Nabuksan na n'ya ang pinto. Mukhang nahirapan pa s'ya sa pagbukas dahil nga hindi n'ya binitiwan ang kamay ko.

Hinagis n'ya ang kan'yang bag sa mahabang sofa sa gilid at marahan naman n'yang inilapag ang bag ko sa lamesa. Wala s'yang pakialam kong mahulog at magkagulo ang kan'yang bag na hinagis n'ya.

“H'wag kang mahiya, you'll visit here often,” aniya, binitawan na n'ya kamay ko at hinubad n'ya ang kan'yang uniform, natira lamang ay ang sando na kulay itim.

Napaiwas ako ng tingin at naupo sa sofa. “Anong gagawin ko rito?” taka kong tanong at inilibot ang paningin sa kabuohan ng apartment.

Malaki naman s'ya at kompleto ang gamit. Hindi kasi uso rito 'yong condo kaya siguro apartment ang kinuha n'ya. At kung may condo man, hindi afford ng mga tao ang gano'ng halaga dito.

Nilagay n'ya ang panyo sa kan'yang balikat at ngumisi sa akin. “Lutuan mo ako ng makakain natin.”

Napataas ang kilay ko. “Ano ka sinuswerte? Hindi ako mahilig magluto kaya humanap ka ng iba na marunong.”

Inikutan n'ya ako ng mata, panlalaki ang pagkakaikot ng mga mata n'ya. Mukhang napikon ko yata s'ya. Ginawa pa akong taga-luto nito.

“I'm just kidding, seryoso mo masyado,” bulalas n'ya. “Sundan mo ako sa kusina.”

'Di naman s'ya mukhang nagbibiro, malay ko 'bang may sense of humor 'to. Sinunod ko naman s'ya at hindi muna nagtanong kung anong balak n'ya talaga at dinala n'ya ako rito.

Bumungad sa akin ang malinis na kusina na tama lang ang laki. All white 'yong pintura kaya malinis tignan. Kumpleto ang mga gamit at hindi magulo. Hindi tulad sa akin na maya-maya ayos pero magulo pa rin.

Umupo ako sa upuan sa harapan ng lamesa at pinagmasdan ang bawat galaw n'ya. Tumungo s'ya sa refrigerator at may kinuha itong tupperware. Lumapit s'ya sa akin at binuksan mismo sa harapan ko ito.

“Fruit salad.” Kinuha ko ito nang marahan n'yang tinulak sa akin ang tupperware. “Sino gumawa nito?”

Umupo s'ya sa harapan ko at tinukod ang kan'yang mga siko sa lamesa. Nakapalumbana s'ya sa aking harapan.

“Malamang ako, sino ba ang inaasahan mong gagawa n'yang? Si Zaimon?” asik n'ya na ikinataka ko.

“Problema mo?” Nagsalubong ang kilay ko at paunti-unting kumain ng fruit salad gawa n'ya. Masarap pala, matagal din kasi akong 'di nakatitikim nito.

“Zaimon is your friend, right? Kaibigan ko rin s'ya kung 'di mo alam,” saad n'ya sa seryosong boses.

Kinuha n'ya ang kutsara sa akin at ginamit iyon para kumain din s'ya ng salad na bigay n'ya sa akin.

“Go get your own spoon, Airo.” Binawi ko ang kutsara sa kan'ya na agad naman n'yang pinaubaya, kumuha nga talaga s'ya ng bago at naki-share sa akin.

Ilang segundo kaming tahimik na kumakain nang basagin n'ya ang katahimikan. Nilagay n'ya ang kutsara sa tabi at tinignan ako.

“H'wag mo nang pansinin si Kenjie simula ngayon. Nagrerebelde 'yan kaya sinisiraan ako sa 'yo. Hindi maka-move on sa nakaraan kaya ayan ang resulta.”

“Nasabi n'ya sa akin na kilala n'ya ang Kuya ko. Hindi ko s'ya maintindihan, tinanong ko s'ya kung anong problema n'ya sa Kuya ko pero nagagalit lamang ito,” mahina kong sumbong sa kan'ya na parang bata, bumalik kasi ang takot sa akin na baka pagbuhatan ako nito ng kamay.

Na-trauma na ako. Ayaw ko na pinagbubuhatan ako ng kamay o 'di kaya sinasaktan ako. Sana h'wag muna sa ngayon na paunti-unti pa lang ako naghihilom sa sakit galing sa nakaraan.

Pinaghalong luha at sakit sa physical at emotional ang nararamdaman ko no'n. Hindi ko alam ang gagawin ko kundi umiyak. 'Yong kinatatakutan kong mangyari ay baka hindi na ako magalaw sa sobrang bigla at takot na tila nakakita ng multo.

'Di ko namalayan na nasa likuran ko na si Airo. Hindi kaagad ako naka-react. Hindi ko inaasahang ang bigla n'yang pagyakap sa akin mula sa likuran.

Ramdam ko ang mainit n'yang braso na nakapulupot sa aking katawan at paglapat ng likuran ko sa dibdib n'ya. Wala sa sariling napahawak ako sa kan'yang braso na namumutok sa ugat.

“Hey, I'm here,” malumanay ang kan'yang boses habang hinihimas ang naninindig kong balahibo sa braso. “Are you not feeling well? Let's stop talking about him, hmm? I'm sorry at natakot kita.”

The next thing na ginawa n'ya ay nagbigay kuryente sa aking katawan. Ramdam kong may namumuong paru-paru sa aking tiyan.

He kissed my forehead pati na rin ang nanlalamig kong kamay na hawak pa rin ang braso n'ya. His rough hands gently rubbing my palm na parang pinapakalma n'ya ako.

Nasa gano'n kaming posisyon nang biglang tumunog ang kan'yang cellphone sa lamesa. Napabalik ako sa ulirat. Wala yata s'yang planong kumalas sa yakap, mas humigpit pa nga ang yakap n'ya sa akin.

Tumingala ako sa kan'ya. Bahagyang tumama ang mahaba n'yang buhok sa aking pisngi kaya hinawi ko ito at inilagay sa likuran n'ya. Nakayuko s'yang nakatingin sa akin, may ibig sabihin ang mga titig n'ya na ayaw kong tanggapin.

“May tumatawag yata, sagutin mo.”  Natauhan ako at binitiwan ang buhok n'ya.

Ba't ko pa kailangan i-remind sa kan'ya 'to? Mas gusto yata n'yang yakapin ako at tignan buong magdamag. Baka emergency ang tumatawag sa kan'ya, kasalanan ko pa.

Unti-unting bumitaw s'ya sa yakap. Rinig kong napabuga s'ya nang hininga at mabilis na kinuha ang cellphone sa lamesa. Lumayo ito ng kaunti pero rinig ko ang unang bungad n'yang sinambit sa kausap.

“D*mn you, you ruined our f*cking moment, Khalvin.”

Napakurap ako at kalaunan napailing sa narinig. Napangiti ako nang isubo ko ulit ang binigay n'yang salad. May nakalagay na pangalan ko sa tupperware na sinandiyang inukit, gawa sa kahoy 'yong tupperware kasi. Bagong gawa n'ya ito at para talaga sa akin.

Ito ba ang way n'ya para ibigay din ang tupperware sa akin? Hindi naman n'ya ito itatago dahil pangalan ko ang nakaukit dito.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro