Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

CHAPTER 10


"Isang Caddel, may girlfriend? " Tumawa ito nang malakas. "Isa ka pang put*ngina ka. Sa pagkakaalam ko laruan lamang ang mga babae sa iyo? Isang experiment na susubukan kung kaya mo ba talagang pumasok sa relasyon."

Para akong binuhusan nang malamig na tubig dahil sa sinabi ng lalaki. Maniniwala ba ako sa kan'ya? Mukha kasing totoo ang sinasabi n'ya sa seryosong boses n'ya at tila matagal na silang magkakilala.

Nakaramdam ako nang pangamba at sakit na 'di ko alam kung bakit nararamdaman ko ito. Dahil ba iniisip ko na baka isa ako sa babae n'ya? Akala ko ba walang babae 'tong si Airo? May hindi pa ba ako nalalaman?

Binitiwan ako ni Airo at mabilis na kinuwelyuhan si Kenjie na ikinabalik ng ulirat ko. Napatakip ako sa bibig nang pabagsak na tinulak ni Airo si Kenjie na naglikha ng ingay. Nagkagulo rin ang mga kasama ko rito sa room ang iba 'di alam gagawin dahil sa pagkabigla.

"Airo, tama na 'yan. "

"Please, h'wag kayong gumawa ng gulo rito."

Samu't saring sabi ng mga kaklase ko. Kinakabahan ako na baka magsuntukan na talaga sila at magkagulo.

Hinila at tinulak ulit ni Airo ang kwelyo ni Kenjie ng dalawang beses, nanggigigil.

"Wala kang alam kaya h'wag kang gumawa ng panibagong kuwento! B*llsh*t!" sigaw ni Airo sa pagmumukha ni Kenjie.

"A-Airo, tama na, please." Hindi ko alam kung lalapitan ko ba s'ya, baka kasi sa akin bumuntong ang galit n'ya.

Nakangisi pa rin si Kenjie kaya mas lalo lamang nawalan ng pasensya si Airo. Nanginginig na ang kamay nito na suntukin pero pinipigilan lang n'ya.

"Takot ka na n'yan? Hindi ka naman nagagalit no'ng sinabihan ko rin mga babae mo noo-"

"Sabing tumahimik ka!"

Marahas n'yang binalibag ito sa sahig na ikinihiyaw ng mga kasama ako, napasinghap ako nang tumama ang mukha ni Kenjie sa upuan sanhi ng pagkapula ng kan'yang noo at pisngi.

"Ah, seryoso na pala ang bunsong Caddel?" Hindi nawala ang ngisi ni Kenjie, tumayo s'ya hawak ang pisngi na namumula na parang mamaga na. Hindi man lang natinag.

Bakit ba hindi na lang s'ya tumahimik?! Hindi ba s'ya nangangamba na baka tuluyan at ni Airo?

"Airo..." Lumapit ako kay Airo at hinawakan ang laylayan ng uniform na nadumihan na 'di ko alam kung saan galing.

Nakakabang titig ang pinukol ni Airo kay Kenjie. Tila sa pamamagitan ng titigan ay ro'n sila nagpapatibayan ng loob. Lumapit si Airo kay Kenjie. Sa takot na baka suntukin ito ay niyakap ko ang braso n'ya, hindi ko s'ya mahila.

"Ang ayaw ko sa lahat 'yong sinisiraan ako mismo sa harapan ng girlfriend ko. H'wag mong subukan na sirain ako sa mali-maling impormasyon na nasasagap mo," madiing sambit ni Airo rito. "At kapag hiniwalayan ako ni Lyrre dahil sa kagagawan mo, sisirain kita sa pinsan mo."

Pinsan? Hindi ko maintindihan. Mukhang naapektuhan naman si Kenjie. Marahas na umiling si Kenjie.

"Hindi mo iyan magagawa sa akin, Airo!" Galit na galit ito, papalapag pa sana ngunit nakaramdam na ito ng pananakit sa katawan dahil sa kagagawan ni Airo.

"Kaya kong gawin ang ginawa nila sa 'yo kaya h'wag ka ulit na lalapit kay Lyrre."

Halong-halo ang emosyon ko ngayon. Ni hindi ko man lang tinama ang sinabi ni Airo. Wala 'pang kami, talagang inangkin na n'ya ako bilang girlfriend n'ya.


Napatalon ako sa aking kinatatayuan nang bumalik ulit ang malaking braso n'ya sa aking likuran. Naninigas pa ito pero kalaunan kumalma nang dumampi ang kamay n'ya sa balat ko.

Wala pasabing iginaya ako ni Airo palabas ng room. 'Di ko namalayan na dala na pala n'ya ang aking bag.

Napapatingin ang mga estudyante sa amin pero umiiwas din kaagad dahil siguro nakikita nilang masama ang timpla ngayon ni Airo. Napakagat ako sa sariling labi. Lumilipad na ang utak ko sa nangyari kanina, sa mga sinabi pa n'ya.

Habang pababa kami sa hagdan ay bumagal na ang kan'yang lakad. Humihigpit din ang kapit n'ya sa beywang ko at seryosong dahan-dahan akong inalalayan hanggang sa nakababa na kami. Hindi pantay-pantay ang hagdanan kaya maling hakbang mo lang ay baka mahulog pa kami.

Nasa harapan na kami ng kan'yang motor na may bahid na kaunting putik. Napatingin ako sa puti n'yang uniform, may dumi nga. Saan 'to galing?

Napaatras ang ulo ko nang bigla s'yang humaharap sa akin. Hinawakan n'ya batok ko na aking ikinagulat. Akala ko kung anong gagawin n'yo yo'n pala ay tinulak lamang n'ya ang batok ko at pinasandig sa kan'yang dibdib.

"Do you trust me? Hindi totoo ang sinasabi n'ya, mali s'ya ng inakala." Naramdaman ko ang pagdampi ng labi n'ya sa tuktok ng noo ko. "Say something. Sh*t."

Napamura na s'ya dahil kanina pa ako tahimik. Para bang takot s'ya na baka maniwala ako ro'n. Ang totoo, hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko.

Humiwalay ako sa yakap at mahinang hinampas ito sa dibdib na ikinasalubong ng kilay n'ya.

"H'wag 'kang feeling. Hindi pa nga tayo tapos inaangkin mo na ako." Ngayon lang ulit sumagi sa isip ko ang binitawan n'yang salita kanina sa kaklase kong iyon na girlfriend n'ya raw ako.

Gumalaw ang panga n'ya at umiwas ng tingin. Sinuklay n'ya ang buhok n'ya mula noo at pinalandas papunta sa likuran ng kan'yang ulo.

"Say something tungkol sa sinabi n'ya." Napatingin s'ya sa akin. "Hindi ako mapapanatag kung iniisip mo na babaero ako. Hindi ako gano'n. I have reason kung bakit kailangan kong mag-explore sa mga babae."

Kumislot ang dibdib ko dahil sa kan'yang sinabi. Anong hindi babaero? Kasasabi n'ya lang na nag-e-explore s'ya sa mga babae. Agad kong hinawi ang kamay n'ya sa likuran ko na balak pa yata akong yakapin. Namumuro na s'ya, ah.

"Sinasabi mong explore na iyon ay hindi gawain ng babaero?" muntik nang mabasag ang boses ko. "So, sinasabi mong tumitikim lang kayo ng pagkain na parang normal lang? Gano'n ba?"

"D*mn." Napahilamos ang palad n'ya sa mukha at mabilis din kaagad na pinigilan ang kamay ko na akmang hahampas sa kan'ya. "Hindi mo naintindihan. Sh*t, sumama ka muna sa akin bago ko ipaliwanag sa 'yo."

"Ayaw ko nga!" Hinawi ko ulit kamay n'ya at umatras nang hakbang, talagang ginagalit n'ya ako."Marami ka palang babae tapos sinama mo pa ako. Ikaw pa ang may gana na mag-decide sa plano mo."

"Lyrre, baby," mahina n'yang tawag tila nahihirapan akong pakalmahin kahit mahinahon akong magsalita.

Ayaw ko lang kasi magsigaw rito lalo pa't nandito kami sa eskwelahan. At saka... Baby? Wala pa nga'ng kami tapos may pa-baby baby na s'ya!

Napahawak ako sa aking sentido. Hindi lang ulo ang masakit sa akin kundi pati na rin sa dibdib ko. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Babastedan ko naman s'ya, wala akong gusto sa kan'ya.

"Ligawan mo sarili mo, okay? Ayaw ko ng ganito, Airo. Hindi ako nagpapaligaw kung tutok ka naman sa ibang babae. Hindi gano'n manligaw."

Konti na lang talaga iiyak na ako. Hindi ko dapat nararamdaman ito pero dahil sa kagagawan n'ya, sa mga kilos n'ya na nagbigay buhay sa natutulog ng puso ko ay binigyan n'ya ng pag-asa na totoo ang pinapakita n'ya sa akin.

Napabuga s'ya nang hininga at maagap na hinila ang magkabilang beywang ko at inilapit sa matigas n'yang katawan. Nagkalapit ang mga katawan namin. Isinandal n'ya ang noo sa aking noo na tila pinapakalma ang sarili.

Nahigit ko ang hininga sa sobrang lapit ng mukha namin. Kaunti na lang at mahahalikan na n'ya ako.

"Listen first, please, hindi gano'n yo'n," pakiusap n'ya.

Namumula ang magkabilang pisngi ko nang makitang nakatitig ang malapitan n'yang mga mata sa akin. Hindi ko akalain na mangyayari ito.

Hindi ko na nagawang itulak ang dibdib n'ya dahil mismo mga kamay ko'y nanghihinang pinahinga sa kan'yang dibdib. Naglulumikot ang mga mata ko at nakitang malumanay ang pinukol n'ya sa akin.

Napatingin s'ya sa labi ko na bahagyang nakaawang. Napalunok s'ya sa sariling laway. Hindi ko inaasahan ang sunod n'yang ginawa. Nanigas ako nang dumampi ang labi n'ya sa pisngi ko.

"Sa 'yo lang nakatutok ang mga mata ko, pati na rin ang tinitibok ng puso ko. Yes, I don't know how to court a girl who I love pero ipaparamdam ko sa 'yo ang pagmamahal ng isang Airo Rigs Caddel," sinsero n'yang amin na ikinawala ng puso ko.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro