Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 09

CHAPTER 09


Gusto kong pugpugin ang ulo ko, wala akong ibang maisip na sasabihin. At talagang diretso ang pagkakasabi n'ya no'n, like he never think na sabihin iyon. Nawawala ang puso ko nang hawakan n'ya ako sa kamay.

"I'm sorry, napalakas yata boses ko." Marahas s'yang napabuntong-hininga, yumuko ito at saka inangat din ang tingin. "Magdidilim na, you should go inside."

Tila pinapakalma n'ya ang galit. Wala sa sariling napatango ako at tumalikod na rito. Pagkabitaw ko sa kan'yang kamay ay kasabay no'n ang pagyakap n'ya sa aking likuran, nanigas ang katawan ko.

"Good night, I'll go now."Tumama ang hininga n'ya sa harapa ng taenga ko.

Ramdam kong kumalas s'ya at lumayo na sa akin. Napakurap ako. Ayaw ko s'yang lingunin kaya nagmamadali akong tumungo sa loob ng boarding house ko.

Pero bago pa man ako nakapasok ay nakatingin si Zaimon kung nasa'n nakatayo kami kanina ni Airo. Hindi ko alam na nand'yan pala s'ya.

~•~•~

"Ano na naman ito, Airo?" Nakapameywang kong tanong at sinuri ang motor n'yang dala ngayon.

"Obviously, it's a motorcycle, " sarkastik n'yang sagot.

Napabuga ako ng hininga at pinakalma ang sarili. Sobra-sobra na kasi ang ginagawa n'ya. Nakahihiya at gusto ko na rin naman naranasan ito pero pagdating sa kan'ya nahihiya talaga ako.

May dala pa s'yang kulay puting rosas. 'Di ko alam kung saan n'ya ito nakuha. Ngayon lang ako nakakita ng ganito.

"Alangan namang hayaan kitang nakatakong habang naglalakad papunta sa university. " Nakataas ang kilay n'yang tinuro ang motor. "Sumakay ka na bago pa kita ibuhat."

"Heh!" Namumula ang mukha kong sumunod sa kan'ya, napataas pa ang sulok ng labi n'ya sa naging reaksyon ko, bipolar yata 'to.

Inalalayan naman n'ya akong umupo sa dulo ng motor. Medyo mataas kasi at mahirap umakyat lalo pa't nakasandals ako ngayon na 2 inches. Kahit gano'n nahihirapan pa rin ako.

Napakagat ako sa sariling labi nang alalayan n'ya ako sa beywang, agad din naman n'ya itong binitawan. Sinuklay n'ya ang mahaba n'yang buhok habang nakatingin sa akin at itinabi ito paitaas. Mukhang nasasayahan s'ya sa akin na makitang nakatitig ako sa kan'ya.

Sinuot n'ya ang outing uniform n'ya na long sleeve polo mismo sa harapan ko at saka umangkas sa unahan ko. Mabilis n'ya itong pinaandar at pinaharurot paalis.

"Humawak ka nang mabuti!" malakas n'yang sabi, kaagad kong sinunod ito.

Hindi naman mabilis ang pagpapatakbo n'ya kaya 'di ako kinakabahan. Nakahawak ako sa gilid ng uniform n'ya. Hanggang sa nakarating kami sa harapan ng department namin. Una s'yang bumaba.

"Bakit 'di ka nagsuot ng helmet?" Napansin n'yang wala akong hekmet na suot, pinameywangan n'ya ako para bang pinapagalitan n'ya ang kan'yang anak.


"Nakalimutan ko. Wala ka rin naman kasing binigay sa aking helmet," sagot ko.

Napaisip s'ya sandali, nasapok n'ya ang noo. "Oo nga pala, I forgot my helmet. " Wala rin kasi s'yang dalang helmet. "Next time, o mamaya na magh-helmet ka na. Baka ako pa ang malagot kung naaksidente ka."

Masyadong overreacting itong si Airo. Pansin kong masyado s'yang nag-o-overthink sa mga bagay lalo na kapag tungkol sa akin. Dapat nasa tabi ko raw s'ya, baka kung anong mangyari sa akin. He's over thinking na baka maaksidente din ako kahit safe naman ako sa tabi n'ya. I know he's protecting me. And... I'm very thankful for him.

Bumaba na ako sa motor at inayos ang uniform ko. "Pumunta ka na sa klase mo, pupunta na rin ako sa amin." Napatingin ako sa kan'ya. "Thank you nga pala, dapat hindi ka na nag-aba-"

"Ayan ka na naman," sabat n'ya, tumingin s'ya sa malayo at napahawak sa batok na tila naiinis na naman s'ya. "How many times do I have to tell you that it is normal na gawin ko ito sa iyo? You're my obligation for now on."

Sumama pa timpla ng mukha n'ya. Sumakay s'ya sa kan'yang motor at walang lingon-lingon na pinaandar n'ya ito.

"H'wag kang umalis sa room mo kung wala pa ako. Hindi ako mahilig maghanap ng nawawalang tao."

Napasimangot ang bibig ko sa sinabi n'ya at hindi na nagsalita pa tungkol sa kan'yang tinuran. Pinaharurot na n'ya ang motor at nakaalis na. Sabi nga kasing tigilan na n'ya kung ayaw n'ya akong hanapin. Kasalanan ko 'bang may pinupuntahan ako?

Pagkarating ko sa room ay kaagad akong inambangan nila Chiel at Mylara. Nangungulit na ikuwento ko raw sa kanila ang ligawan stage namin ni Airo.

"'Yon na 'yon?" taas-kilay na tanong ni Chiel, di makapaniwala. "So, napipilitan ka lang pala? May gano'n ba 'yon?"

"Pero, Byl mukhang nagbago ng konti si Airo, ah." Taas-baba ang kilay ni Mylara. "Hindi naman gano'n yo'n noon. Tahimik 'yan pero delikado rin kapag nagalit. Buti hindi ka sinigawan, maikli lang kasi pasensya no'n. "

Naikuwento nga ni Mylara na schoolmate nila noon si Airo kaya kilala nila ang ugali nitong pinapakita sa mga estudyante. Mabait naman daw talaga si Airo kaso nga lang may ugali talaga ito na 'di raw maintindihan.

Gaya lamang ng pagkainip at pagkainis kahit sa mga simpleng bagay lamang.

Hindi ko pa lubos na kilala si Airo kaya may parte sa akin na gusto kong malaman ang buong pagkatao n'ya. Paano ko iyon magagawa kung mismo s'ya'y ayaw atang ipakilala ang buong sarili n'ya sa akin.

Talagang hinayaan ko s'yang manligaw sa akin kahit sinasabi ko nang ayaw ko sa kan'ya. Malakas ang kutob n'ya raw kasi na magiging kami. Ba't naman kasi ako napili?

Sa totoo lang, 'di sapat ang sinagot n'ya no'ng tinanong ko s'ya kung talagang nanliligaw s'ya at hindi lang ito isang laro lamang. Mukha namang hindi. Hindi ko talaga alam. Ang hirap maniwala sa bagay na tanging salita lamang.

"Uwi na kami, girl. Uuwi kasi kami sa probinsya," paalam ni Chiel, sinabit n'ya ang bag sa kanang bahaging balikat at hinila si Mylara. "Tara na, Lara. Baka maubusan tayo ng upuan sa Ceres, sisihin mo pa mga papeh mamaya."

"Tigil-tigilan mo na 'yan, Chiel. 'Di na nakatutuwa," mariing saad ni Mylara, hindi ko na narinig pa ang kanilang pinag-uusapan dahil naghabulan na ito palabas ng kwarto.

May ilang kaklase pa akong naiwan dito sa room. 'Di pa man ako nakapagpatayo mula sa pagkakaupo nang may lalaking tumayo sa harapan ko. Napaangat ang tingin ko at isang kaklase ko na 'di alam ang pangalan ang lumapit sa akin.

"Kapatid ka ni Sibyn Lyrro, 'di ba?" seryoso n'yang tanong.

Napakurap ang mga mata ko at nagtaka. "Kilala mo s'ya? Bakit mo natanong?"

Napangisi ito at sarkastik ang pagtawa n'ya sa aking harapan. Marahan n'yang sinabunutan ang buhok n'ya na tila na-fr-frustrate na.

Bigla na lang n'yang binagsak ang kamay n'ya sa desk ko at inilapit nang bahagya ang galit na galit n'yang mukha.

"Sabihin mo sa kapatid mo na hindi ako natutuwa sa presensya n'ya lalo na sa mga bagay na nagpapaalala sa akin ng galit ko," mariin n'yang wika, tila may hinahanap s'ya sa mga mata ko. "Sabihin mo rin na hindi ako titigil hangga't hindi s'ya nakakalaban. "

Napahigpit ang hawak ko sa bag ko. Nakaramdam ako ng kaba at takot na baka may gawin s'yang masama sa akin. Gusto kong tumakbo at lumayo sa kan'ya pero nakaharang s'ya sa aking harapan.

"A-Ano 'bang ginawa ng Kuya ko sa 'yo?" nahihirapan kong tanong.

"Marami," sagot n'ya at tumayo nang maayos, tila may pinipigilan s'yang bagay na gawin sa akin kaya mas lalo akong nangamba. "Asahan mo na hindi magiging maganda ang araw mo palagi. Kung hindi ko makalaban ang kuya mo, papahirapan na lang kita."

Tinatakot ba n'ya ako? Talagang gagawin n'ya ito? Gusto kong itanong pa kung ano ba talaga ang mga ginawa ni Kuya sa kan'ya at ginagawa n'ya ito sa akin. Malala ba ang ginawa ni Kuya? Bakit nadamay ako?

Napatayo ako mula sa pagkakaupo. "A-Aalis na ako. Kung ano man ang ginawa ni Kuya, labas ako r'yan."

Lalampasan ko na sana s'ya nang mabilis s'yang humarang sa harapan ko. Muntik na akong mabunggo kung 'di lang ako umatras.

Napatingala ako ng tingin dahil sa kataasan n'ya. Medyo payat s'yang lalaki na moreno. Singkit ang mga mata n'ya kaya nakatatakot na tignan ito, 'di na nga makita ang mga mata n'ya sa sobrang singkit.

"'Di pa tayo tapos, saan ka pupunta?" nakangisi n'ya 'pang tanong at humakbang papalpit sa akin.

"Kenjie."

Mabilis akong napatingin sa likuran banda ng lalaking kaharap ko nang marinig ang boses ni Airo. Salubong na naman ang kilay nito habang mabibilis na hakbang na lumapit sa akin. Hinila n'ya ako papunta sa kan'yang tabi.

"Nam-b-bully ka na naman, Kenjie? Ayusin mo buhay mo, huh," mahinahon pero bakas boses ni Airo ang gigil. "Tinatakot mo pa girlfriend ko."

Mabilis akong napabaling ng tingin kay Airo at sinamaan ito ng tingin. Seryoso lamang n'ya ako sinulyapan bago sinamaan ng tingin ang lalaking nangangalang Kenjie. Wala akong sinabing sinasagot ko na s'ya. Ano ba pinaplano nito?

Napataas ang dalawang kamay ni Kenjie at natatawang tinignan ang kamay ni Airo na nasa beywang ko na. Tinablan ako ng hiya dahil do'n.

"Isang Caddel, may girlfriend? " Tumawa ito nang malakas. "Isa ka pang put*ngina ka. Sa pagkakaalam ko laruan lamang ang mga babae sa 'yo? Isang experiment na susubukan kung kaya mo ba talagang pumasok sa relasyon."


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro