Chapter 08
CHAPTER 08
“Sure na maiiwan ka rito, Byl?” tanong ni Chiel sa pangalawang pagkakataon.
Napatigil ako sa pagsusuklay ng mahaba kong buhok at tumango sa kan'ya. “Mauna na kayo. May tatapusin pa ako, eh.”
Mukha namang naniwala sila at nagpaalam nang aalis sila. I lied again, ayaw ko lang kasing malaman nila na susunduin ako rito ni Airo. Hindi ko kinaya ang asaran nila kanina kaya mas mabuting h'wag na nilang malaman muna sa ngayon.
“Urg!” Hindi ko alam kung iiyak ba ako.
Mahaba ang buhok ko at hindi ko abot ang dulo sa bawat pagsuklay. Hindi ko masuklay ang magulong buhok sa dulo nito. Nangangalay na rin ang kamay ko.
“Hey.”
Mabilis akong napalingon nang may nagsalita. Muntik na akong mapaatras sa sobrang lapit n'ya sa akin. Nakatingin s'ya sa buhok ko na 'di ko masuklay nang maayos.
“W-Wait lang.” Pilit kong sinusuklay ang dulo pero ayaw n'yang tumuwid, parang s'yang ibinigkis sa pinong paraan. Pinagtripan naman siguro ni Mylara na laruin ang buhok ko kaya naging ganito.
“Ako na.”
Sapilitan n'yang kinuha ang suklay sa akin. Hinawakan n'ya balikat ako at pinatalikod, nanigas ang katawan ko. Sinimulan na n'yang suklayin nang dahan-dahan ang aking buhok mula itaas hanggang sa ibaba.
Ilang segundo lang ay ramdam kong may nilagay s'yang basang bagay sa dulo ng buhok ko. Nang aking tignan, baby oil pala iyon. May gan'yan pala s'yang dala? Tumalikod ulit ako.
Sinuklay n'ya ulit ang buhok ko at naging smooth ang pagsuklay n'ya. “Sino ba naglaro ng buhok mo?” seryoso n'yang tanong, binitiwan na n'ya ang buhok ko.
Napaharap ako rito at kinuha ang bag. “Kaibigan ko lang, h'wag mo nang aalahanin.”
Tumango s'ya at sa pangalawang pagkakataon ay kinuha na naman n'ya bag ko. Lumabas kami ng room at nadatnang wala halos estudyante dahil nakauwi na ang ilan.
Nanigas ang katawan ko lalo na sa aking beywang nang biglang pumulupot ang braso ni Airo sa likuran ko, hawak n'ya ang gilid ng aking beywang.
Napatingin ako sa kan'ya. “B-Baka may makakita sa atin,” alanganin kong saway sa kan'yang ginawa, ang bilis naman n'ya.
Lumingon s'ya sa akin. 'Di ko maiwasang mapansin ang blonde n'yang buhok na tila kumikislap. Sa ngayon kasi nakatali nang pabilog ang kan'yang buhok at may nilagay pa s'yang itim na hairband.
Hindi na s'ya naka-uniform ngayon. Suot n'ya ang itim na polo, dalawang butones ng kan'yang polo ay nakabukas kaya kita ko ang maputi n'yang dibdib.
“Tapos?”Tila wala s'yang paki. “Alam naman nilang na nagd-date tayo, kaya bakit kinababahala mo pa iyon?”
Napahilamos ako sa mukha. Right, kalat na ito at malamang madaming nakiki-chismis at interesado sa buhay ni Airo kaya 'di na ako magtataka na pati paghinga ni Airo ay kilalang-kilala nila.
Palabas na kami ng university. Lalagpasan na sana namin ang mga nakahilerang street foods sa tabi nang pigilan ulit ako ni Airo. Mahilig s'yang humawak sa kamay o braso ko, nagugulat na lang ako minsan.
“Let's eat street foods, ” aya n'ya at mas nauna pang lumapit sa tindero.
Kumakain din pala s'ya ng ganito? Akala ko aayawan n'ya ito dahil mahilig sila sa malinis na pagkain. Hindi naman siguro lahat ng katulad n'ya gano'n, 'di ba?
Lumapit ako sa tabi n'ya at namili rin ng gusto kong kainin. Pagkalingon ko sa kan'ya kita kong nangingislap ang mga mata n'ya habang pumipili ng bibilhin n'ya. Halos maliliit na kwek-kwek ang binili n'ya at ang iba home made fishball na.
“Try this one, Sibyl.” Napalingon s'ya sa akin at napataas ang isang kilay n'ya nang makitang nakatingin ako sa kan'ya.
Agad akong umiwas at nagkunwaring aksidente lang iyon pero mukhang 'di s'ya maka-move on. Talagang hinabol n'ya tingin ko na ikinareklamo ko sa kan'ya.
“T-Tama na 'yan, ” saway ko.
Nakangising umiling s'ya at mukhang nanalo sa loto. “Nakatingin ka sa akin kanina, may sasabihin ka ba sa akin?”
“Wala! Ano ba 'yan, ” mahina kong anas, napakamot ako sa batok.
“Okay.” Kibat-balikat n'ya, tinaas n'ya ang kamay at tinapat ang home made fishball sa bibig ko. “Kainin mo 'to, bagong luto at malinis.”
Wala akong nagawa kundi kainin ang sinubo n'ya. Isinahod pa n'ya banda sa baba ko ang tumutulong sauce gamit ang kan'yang kamay. Bumilis ang pagkabog ng dibdib ko. Nakabibigla na ang ginagawa n'ya.
“Totoo po 'yan, Sir,” sabat ng tindero, mukhang proud na proud pa. “Nobya n'yo, Sir?”
Ninguya ko nang dahan-dahan ang fishball. Pinahid ni Airo ang kan'yang palad sa kan'yang towel. Kumuha ulit s'ya nang panibagong towel at bigla-bigla na lang pinunasan ang gilid ng labi ko.
“Not yet, but soon enough,” sagot n'ya sa tindero.
He's staring too much at my lips, bahagya pa kasi itong nakaawang sa bigla. Hindi ko nagawang suwayin s'ya. Namula ang pisngi ko sa mga pinaggagawa n'ya. Pinaglalaruan ba n'ya ako?
Umiwas na ako ng tingin dito at kinain na ang binili ko, gano'n din s'ya. Maya-maya ay sinamahan n'ya akong umuwi sa boarding house. Pinatigil ko na s'ya banda sa labas ng palayan kung saan kasunod ang boarding house namin.
Kanina pa kami tahimik dalawa. Gusto kong magsalita pero baka kasi mainis lang s'ya. Pansin ko rin kanina na 'di mapakali ang kamay n'ya. Nahuli ko pa na hahawakan sana kamay ko pero kaagad n'yang binawi na parang nakakapaso ang kamay ko, nahihiya rin pala minsan. Napamura pa kanina dahil hindi n'ya magawang hawakan ako.
“Salamat at hinatid mo ako rito.” Totoong nagpapasalamat ako, hinarap ko s'ya nang huminto kami rito sa gilid ng palayan. “'Di mo naman kailangan talaga na ihatid sundo ako.”
“Gusto ko 'tong gawin kaya hayaan mo na ako,” sabat n'ya, mukhang 'di n'ya nagustuhan ang sinabi ko dahil naging delikado ang boses n'ya. “Anong gusto mong pasalubong bukas?”
Natigilan ako. “Huh?”
Napatitig ang marahas n'yang nga mata pero mukhang gano'n lang talaga ang mga mata n'ya. “What flowers do you like? May gusto ka 'bang puntahang lugar dito? I can guide you.”
Umiling-iling ako, kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi n'ya.
“May klase pa ako bukas, kaya wala akong time d'yan. Wala akong flowers na nagugus—”
“H'wag mong tanggihan ang bulaklak bukas,” tila utos n'ya ito.
Napakamot ako sa batok. Imbes na wala akong problema sa buhay ko nadagdagan pa s'ya. Halatang walang alam sa panliligaw, nag-search lang yata to sa Google kung paano gawin.
“Gastos lang 'yan. If you want to court me, sapat na ang maging mabait ka sa akin,” madiin kong saad, mukha namang nakikinig s'ya. “Paano ako mai-in love sa 'yo kung ugali mo pa lang ayaw ko na? Mabilis akong ma-turn off, okay?”
Dagdagan ko pa sana na baka wala s'yang pag-asa na magustuhan ko s'ya nang magsalita ito.
Pinagkrus n'ya ang braso sa harapan ng dibdib n'ya at gumalaw ang ulo n'ya para alisin ang ilang hibla ng buhok n'yang nakaharang.
“Just wait and see how can i make the girl fall in love with me. I don't need to be a good man to do that,” pagmamalaki n'ya, unbelievable.
Napailing na lang ako. Bahala s'ya, wala naman akong planong sagutin s'ya at ma-in love dito. Bakit ko ba s'ya tinuturuan kung paano gawin iyon? Bukod sa ayaw kong magkagusto sa ako sa kan'ya, hindi rin naman s'ya magiging mabait at maalagang lalaki. Kawawa naman ako kapag naging boyfriend ko ito.
“Good luck, wala pang tatlong araw baste—”
“Anong pake ko kung bastedan mo ako?” Tumaas ang kilay n'ya at ang sulok ng kan'yang labi. “Hindi uso sa akin ang sumuko, ayaw ko sa lahat 'yong hindi ako pinapatapos.”
Naiinis na talaga ako sa lalaking ito. Mukhang 'di naman nagmamayabang pero ayaw ko talaga sa ugali n'ya. Nagsisi tuloy ako na iniisip kong mabait s'ya sa babae.
Tignan mo naman ang ugali n'ya ngayon sa akin, nililigawan n'ya ako pero mukhang s'ya ang masusunod sa aming dalawa.
“Whatever, di rin naman kita magugustuhan. Bakit mo pa ipipilit ang sarili sa akin? Seriously, Airo, maraming babae d'yan na mas magand—”
Nagulat na lang ako nang mabilis s'yang lumapit sa akin. Muntik na akong napasigaw. Nanliliksik ang mga mata n'ya. Kita ko ang sakit na gumuhit sa kan'yang mga mata. 'Di ko alam, di ko mai-explain ang nakikita ko sa kan'yang mga mata.
“Bakit mo ako tinataboy, huh? I'm trying my best to court you and to win your heart cause I f*cking love you. Tapos ang dali-dali lang sa 'yo na sabihin na maghanap ako ng ibang babae?” Marahas n'yang sinuklay ang buhok at umiwas ng tingin sa akin.
“Bullsh*t, anong pakialam ko sa ganda nila kung ikaw lang naman ang gusto ko?”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro