Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 07

CHAPTER 7


“Napaaga ka yata ng gising, Byl, ah,” puna ni Mylara na kagigising lang, kinusot-kusot ang kan'yang mata.

Nagluluto ako sa maliit na prituhan dito sa loob ng kwarto namin. Nakapagluto na rin ako ng kanin at maayos na ang gamit ng dadalhin sa eskwelahan.

Tulog pa ang dalawa naming kasama nang bumangon s'ya sa pagkahiga. Magkasama kami ni Mylara sa kwarto kaya magaan ang pakiramdam ko. Malapit din boarding house dito ni Chiel kaya minsan tuwing gabi nag-chichikahan kami sa labas.

Nagkibat-balikat ako. “Gusto ko lang mauna sa university. Baka maabutan ako rito ng lalaking iyon.”

Speaking of Airo, 'di talaga n'ya ako pinatulog tuwing gabi sa kakaisip sa kan'ya pero kahit gano'n maaga rin akong nagising.

“Asus! Harapin mo kasi ang manliligaw mo. Ngayon pa lang nangyari ito kay Airo kaya pagbigyan mo. Malay mo magustuhan mo.”

Umiling ako at inayos na ang mga pagkain sa maliit naming lamesa. “Bagsak na kaagad s'ya sa una pa lang naming pagkikita. Kita mo ugali n'ya? Ang gusto n'ya ang masusunod. Kawawa naman ako na salungat sa lahat ng gusto n'ya. ”

S'ya na yata ang tanging lalaking nakilala ko na namimilit na manligaw.

“Nasanay siguro na lahat ng mga babae nagkakagusto sa kan'ya, ” komento din n'ya. “Pero try mo, girl. Malay mo lang mag-work.”

Inilihis ko na lang sa ibang usapan. Hindi ako komportable na pag-usapan s'ya. Binawi ko na ang sinabi kong mukha s'yang mabait. Mukha lang s'yang anghel pero tahimik ito kapag ikaw ang pinuntirya.

Para s'yang multo na pasulpot-sulpot at nagbigay kilabot ito sa akin. The way he look at me and the way he talked giving me some unfamiliar feeling that I can't describe.

Nakapagbihis na ako ng unifrom ko. This will be the first time na susuot ako ng college uniform. Kulay gray ang polo sleeves nito at kulay black naman ang slacks na tinernuhan ng 2 inches na sandals.

Kinuha ko ang aking bag. “Mylara, aalis na ako,”paalam ko.

“Okay! Good luck!”

Medyo madilim pa ang labas dahil alas-singko pa lang ng umaga. Mamayang seven o'clock pa ang klase ko. Balak ko kasing bumili sa labas ng makakain habang nagr-review. Hindi pa sapat ang ni-review ko kagabi dahil sa maraming bumabagabag sa isipan ko, 'di rin ako nakakain ng maayos kanina dahil sa kamamadali.

Mag-isang tinahak ko ang daan mula sa daanan ng palayan hanggang sa nakarating ng bayan. Walang nagtataasang gusali sa San Jose dahil sa mas malawak ang farm at barn dito kaysa sa buildings. Para sa akin probinsya pa rin ito kahit tinatawag nilang city ang San Jose.

Pumasok ako ng coffee shop at bumili ng kape at tinapay. Saktong may nga upuan pang bakante na p'wede kong maupuan dito sa shop. Nilabas ko lahat ng mga notes ko at nilapag sa lamesa, umupo ako sa upuan at sinimulan nang mag-review.

Nagdaan ang isang oras na naging tahimik ang paligid ko. Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ay may taong umupo sa harapan ko. 'Di ko ito pinansin, bukod sa abala ako sa aking ginagawa ay nahihiya rin akong umangat ng tingin. Kita ko kasi ang uniform n'ya na ibig sabihin ay same university lang ang pinapasukan namin, lalaki pa s'ya.

“Good morning, Lyrre.”

Muntik ko nang masagi ang kape sa gilid ko nang agad n'yang hinawakan ito bago ko pa man masiko. Gulat na napatingin ako sa kan'ya. Paano s'ya nakarating dito?!

Mukhang 'di s'ya natutuwang makitang nandito ako, halatang alam n'yang tinataguan ko s'ya. Pawis ang noo n'ya at mukhang malayo ang ang binagtas para lang mahanap ako. Medyo gusot ang puting marine engineering unifrom n'ya.

“P-Paano mo ako nahanap?” medyo nautal pa ako nang tanungin ko s'ya, mabilis kong itinabi ang mga notes ko sa lamesa at inayos ang mga gamit ko.

“Hinanap lang naman kita sa loob ng isang oras,” sarkastik n'yang sagot, napataas ang sulok ng namumula n'yang labi at ang kilay n'ya'y nakasalubong. Makapal ito na mas lalong bumagay sa striktong mukha n'ya.

“Bakit mo pa ako hinanap? May klase ka pa siguro,” concern kong anas, inaksaya n'ya ang oras sa kakahanap sa akin.

Nilagay ko ang nga gamit sa aking bag. Aalis na rin ako tutal nandito naman s'ya, mas mabuting umiwas na ako.

“At mas kinababahala mo pa talaga schedule ng klase ko.” Mabilis n'yang hinablot ang bag ko, aangal sana ako pero kaagad s'yang sumabat. “Stop hiding and running away, mahahanap pa rin kita.”

Nabigo ako na makatakas sa kan'ya. Hindi ko magawang umangal sa kan'ya. Napipi lang ako bigla at kalaunan napasimangot.

Sinabit n'ya ang bag ko sa balikat n'ya. 'Di naman s'ya nagmumukhang bakla sa dala n'ya ang bag ko dahil kulay black naman ito. Yo'n nga lang maliit kaya halatang pambabae.

Tumayo s'ya at akmang lalabas nang makitang nakaupo pa rin ako. Bumalik s'ya, salubong ang kilay na. Tinukod n'ya ang kamay sa gilid ng lamesa ko.

“Aalis ka r'yan o ako pa ang hihila sa 'yo?”

“Kita mong inuubos ko pa pagkain ko,” asik kong saad, pinakita ang tinapay at kape. “Pakainin mo naman ako, gutom pa ako.”

Natigilan s'ya at kalaunan mas sumama pa ang titig n'ya sa tinapay ko. Napataas ang tingin n'ya sa mga mata ko.

“Hindi ka kumain ng kanin ngayong umaga?”magaspang n'yang tanong, mukhang concern pero sinawalang bahala ko lang.

Naiinis na ako sa lalaking 'to. Nakahihiya sa mga estudyanteng napapatingin sa amin. Gusto ko na lang itago ang mukha ko dahil naagaw namin ang pansin ng tao rito.

“Nagmamadali kasi ako,” katuwiran ko, bumuntong hininga ako at nakasimangot na sinabi ko ang tinapay sa bibig. Sana h'wag na nila kaming tignan.

“Yeah, nagmamadaling makatakas sa akin,” sarkastik n'yang anas. “Dalhin mo na iyan at lalabas tayo. H'wag ka ng kumontra.

This guy is unbelievable. Kakilala pa nga lang namin tapos kung makaasta parang magjowa kami. Hindi ko ma-imagine na magiging kami sa huli.

Hinayaan ko na lang s'ya na dalhin ang aking bag. Sa sitwasyon namin ngayon, ayaw n'yang kinokontra s'ya. Ganito pala s'ya, ah at ayaw ko na kaagad.

Saglit akong napatigil sa labas ng mamahaling restaurant. Hindi ko kayang makabili ng pagkain dito. Kakayanin siguro pero kulang sa budget ko. Pangalawang beses ko na itong nakita at kahit anong tagal ng titig ko ay hindi pa rin naman ako makakapasok.

“Gusto mo r'yan? ” biglang tanong ni Airo, this time he's using his calm voice na ikinatulala ko saglit. “Tara kain tayo rito.”

“H-H'wag na.” Hinawakan ko braso n'ya para pigilan ito. “Sa iba na lang, may karinderya ro'n, oh.”

Napatingin s'ya sa kamay ko na nakahawak sa kan'yang braso. Agad ko namang inalis. Baka pagbuntungan ako ng inis, malay ko 'bang ayaw n'yang hinahawakan s'ya.

“You want to eat here, dito na tayo,” pilit n'ya at s'ya na mismo ang humila sa akin papasok.

Wala na akong angal. Napasimangot na lamang ako nang s'ya pa mismo ang umalalay sa akin para makaupo. Na-i-imagine ko rin na ginagawa n'ya ito sa iba pero no'ng nagkita kami sa beach resort ay nagbago ang tingin ko sa kan'ya. Na-i-imagine ko no'n na hindi s'ya marunong maging gentleman sa babae kahit kaunti.

Right now, nararanasan ko na ang alaga ng isang Airo Rigs Caddel. Kung totoo man ang sinasabi ni Mylara na unang beses pa lang ito ginawa ni Airo sa babae, hindi ko na alam ang maf-feel ko.

“Ihahatid kita mamaya sa boarding house mo,” panimula n'ya habang paunti-unting kinakain ang pagkain n'ya sa kan'yang plato. “Hintayin mo ako sa department mo. Ayaw kong madatnang tatakasan mo ulit ako.”

Parang sanay na sanay s'ya sa paghiwa ng karne at pagkain sa tamang paraan. Mayaman s'ya kaya malamang sanay talaga sila sa ganito.

Naiinis ako, oo, ngunit naisip ko na lang na hayaan s'yang ligawan ako. Ligaw lang naman. Babastedan ko rin s'ya pagkatapos. Siguro naman hindi na s'ya aangal pa kapag gano'n? Alangan namang ipilit ko ang aking sarili na mahalin s'ya.

Mukhang masaya s'ya pagkatapos n'yang bayaran ang pinagkainan namin. Napakagat ako sa sariling labi habang sumusunod sa kan'ya palabas ng restaurant.

“Hati na lang tayo sa bayaran. ”.Ilalabas ko na sana ang pera ko nang pigilan n'ya ako, napatingin ako sa maugat n'yang kamay.

“No need, normal lang na ilibre kita dahil nililigawan kita,” diretso n'yang sambit at hinila na naman ako para umalis sa lugar na iyon.

Sa lahat ng nanliligaw noon sa akin, s'ya lang ang bukod tanging kakaiba. Parang confident s'ya sa sasagutin ko s'ya. Mukha namang 'di s'ya kinakabahan o gaya ng ginagawa ng manliligaw sa akin noon.

Medyo malayo ang department ko sa gate ng university namin. Magkalapit lang ang department namin ni Airo kaya makakahinga ako ng maluwag na hindi na s'ya mahihirapan 'pang pumunta sa department ko para ihatid at sunduin.

“Give me your schedule.” Binigay n'ya bag sa akin at inilahad ang palad sa aking harapan na parang naghihingi ng candy.

Napatingin ako sa palad n'ya. “Bakit?”

Sumayaw nang bahagya ang buhok n'ya. Medyo makulot ang buhok n'ya at bumagay naman sa kan'ya.

“I'm courting you, dapat binibigay mo sa akin ang schedule mo,” anas n'ya.

Napailing ako. “'Yon nga, eh, nanliligaw ka pa lang. Hindi ko pa maibigay sa 'yo ang schedule ko dahil walang tayo.”

'Yong medyo singkit n'yang mga mata ay nakatingin sa akin. “Kung gano'n, sagutin mo na lang ako.”



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro