Chapter 06
CHAPTER 06
Anong klaseng pakiramdam ito? Hindi ko alam kung bakit bigla na lang natataranta ang sistema ko. Nakaka-intimidate ba naman ang titig n'ya habang papalapit sa aking gawi.
Nakasuot s'ya ng sando at pantalon na kulay itim, tinernuhan ng black shoes, naka-whole black s'ya. Dagdag pa na mapapalibutan s'ya ng itim na aura. Hindi naman mukhang galit o ano. 'Yon lang talaga ang pakiramdam ko.
Umiwas ako rito ng tingin at inabala ang sarili sa pag-ubos ng inumin kong juice, hindi ako mapakali. Sumandig ako sa aking kinauupuan at tinignan na lamang sila Chiel na aksidente kong nakita.
Akmang tatayo sana ako sa pagkakaupo nang makitang nasa harapan ko na mismo si Airo, ang bilis naman. Napabalik ako sa aking upuan at napaangat ng tingin dahil nakaharang s'ya sa aking harapan. Kanina pa s'ya nakatingin sa akin! 'Di ba s'ya aware na kinakabahan ako sa presensya n'ya? At bakit nga ba s'ya nandito sa harapan ko?
Nagpanggap na lamang ako na 'di ko s'ya kilala. Umiwas ako ng tingin. Napahigpit ang hawak ko sa baso nang ilapag n'ya ang bote sa gilid ko at umupo sa aking tabi kung saan nakaupo kanina si Zaimon.
Siguro naman iinom lang s'ya at nagkataon lang na nasa tabi ko s'ya. Tama, iyon nga.
Gusto kong puntahan sila Chiel pero ayaw naman makisama ng katawan ko. Baka sa oras na tumayo ako ay manlambot lamang ang binti ko. Nakakapanlambot ng binti ang presensya n'ya.
Nakatitig pa rin s'ya sa akin, nahigit ko ang aking hininga. Masyado s'yang malapit sa akin. Medyo nakaharap ang katawan n'ya sa akin habang ang kanang kamay n'ya'y nasa gilid ng inuupuan ko, tila hinaharangan ako kung sakaling umalis ako.
“Hey,” panimula n'ya, malalim ang boses at tila hinihili ako nito. Ngayon ko lang narinig ang kan'yang boses at nasa malapitan pa.
Naglulumikot ang mga mata kong napasandig lalo sa kinauupuan ko. Inilapit n'ya ang sarili sa akin. Mukha namang 'di s'ya manyak o ano ngunit ayaw kong maniwala kaagad sa hinala ko. Baka mamaya mali pala ang pagtingin ko sa kan'ya.
“B-Bakit?” mahina kong tanong, hinarang ko sa aking bibig ang hawak kong baso para kahit papaano matakpan ang pagkahiya ko, bumaba ang titig n'ya ro'n.
Kita ko ang paglunok n'ya ng sariling laway, gumalaw ang adam's apple n'ya. 'Yong mga titig n'ya'y parang isang tigre na lalapain ako ano mang oras. Ngunit pagkatingin n'ya sa akin ngayon ay parang naging pusa s'ya sa sobrang lambing ng titig n'ya.
“What's your name? You're Zaimon's friend, right?” tanong n'ya na para 'bang close na kami.
Alam n'yang kaibigan ko si Zaimon! Pero bakit 'di n'ya alam ang pangalan ko?
“S-Sorry, hindi kita kilala,” pagsisinungaling ko, half truth, malay ko ba kung anong sadya n'ya sa akin.
Binasa n'ya ang ilalim n'yang labi, titig na titig pa rin s'ya sa akin, kumikislap pa ang mga mata n'ya sa 'di malamang dahilan.
“Really? That's new. ”
Nagtaka ako sa kan'yang sinabi. Dahil ba lahat ng mga tao rito kilala s'ya? Nababaguhan s'ya dahil for the first time walang nakakilala sa kan'ya. Kilala ko lang pangalan n'ya, iyon lang.
“Anong ginagawa mo rito?” lakas loob kong tanong, nawala kahit kaunti ang pangamba ko. Siguro kinabahan ako sa kan'ya dahil inakala kong may gagawin s'yang masama sa akin.
“Nothing,” maikli n'yang sagot, mahina pang napabuga ang hininga n'ya sa gilid ko, sobrang bango. “Just want to know your name. Badly want to court you.”
Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang napaawang ang bibig. Totoo ba ito? Anong pinagsasabi n'ya? Medyo nanindig pa mga balahibo ko sa klaseng boses n'ya.
Binaba ko ang basong hawak ko at umiwas dito ng tingin. “You don't know me, hindi rin kita kilala kaya, bakit ako? Are you joking around? Sorry, I don't have time to play.”
Inabala ko ang sarili sa pagsulyap-sulyap sa mga tao para lang mawala ang atensyon ko sa kan'ya ngunit tila hinahatak n'ya ako sa nakakaakit n'yang presensya.
Nagtaka ako sa bigla n'yang pananahimik at paggalaw nang bahagya ng inuupuan ko sa higpit nang pagkakahawak n'ya.
“What's your name? Tell me,” desperado n'yang tanong nang napatingin ako sa kan'ya. Tila nawawalan s'ya ng pasensya. “Oh, baby, I'm not playing around. Do you think I'm joking, huh? I'm serious as hell.”
Napalunok ako sa sariling laway dahil sa maotoridad n'yang boses. Bakit ba nagtitimpi s'ya sa akin? He likes me. How? At kung gusto n'ya ako, bakit ganito s'ya umasta sa akin? Parang s'ya ang masusunod sa aming dalawa.
“You're forcing me.” Puna ko at napailing. “Maghanap ka ng iba, Air—”
Natigilan ako, muntik ko nang masabi ang pangalan n'ya pero huli na.
Kita ko ang pagtaas ng sulok ng labi n'ya. Bahagyang tinabingi n'ya ang ulo sa kabilang side at natutuwang tinignan ako. D*mn, ako pa rin ang naglagay sa sarili ko sa alanganin.
“Maghanap ng iba?” Tinukod n'ya ang isang kamay sa magkabilang gilid ko kaya wala na akong takas. “You don't know me, huh? Bakit dine-deny mo na hindi mo ako kilala? You know my name pero ayaw mong sabihin 'yong sa 'yo.”
“A-Ask someone else, okay? H'wag mo akong tanungin,” bulalas ko, hindi na rin ako komportable sa inuupuan ko. Mapang-angkin ang pagkulong n'ya sa akin.
“Do you have a boyfriend? ” Iba n'yang tanong na mas ikinapula ng pisngi ko, he's weird! “Can I court you? Or we can start for being friends.”
“Ba't ako?” Turo ko sa aaking sarili, tinuro ko mga kasama ko. I swear hindi na ako mapakali pero pinipigilan ko lang. “You can ask her a date, h'wag ako.”
Naningkit ang mga mata n'ya, inilayo n'ya ng kaunti ang mukha n'ya sa akin. Sinuklay ulit n'ya ang buhok at napabuga ng hininga. Feeling close ba 'to?
“So, you don't have a boyfriend, mabuti naman,” obvious n'yang sabi.
“Hindi ako interesado sa 'yo, okay?” nagtitimpi kong wika, wala naman akong sinabi pa pero mukhang alam n'yang wala akong nobyo.
So this is the real Airo, huh? Namimilit na sundin ang gusto n'ya. Ito ba ang sinasabi ni Zaimon na gentleman?
“Nah.” Umiling ito. “Liligawan pa rin kita sa ayaw at gusto mo. Bakit ba tinataboy mo ako? Nagpapaka-gentleman ako rito tapos babaliwalain mo lang?”
Sumuko na rin ako. Sa buong buhay ko minsan lang ako makaramdam ng inis at pagtitimpi. Namimilit kasi s'ya at ayaw ko nga na pinipilit ako.
Umupo na s'ya nang maayos, medyo nag-flex ang muscle n'ya sa braso.“May I know your name?”
“No—”
“Sibyl!” sigaw ni Mylara sa 'di kalayuan at kumaway sa akin. “Sibyl, yahoo! Tawag ka ni Zaimon! Sibyl nakaputi na dress!”
Napatampal na lang ako sa aking noo. Pagtingin ko kay Airo ay nakangisi na ito. Pinasadahan pa ng dila n'ya ang kan'yang labi. Mukhang nakahinga na s'ya nang maluwag dahil alam na n'ya pangalan ko. Bakit kasi isinigaw pa ni Mylara ng tatlong beses ang pangalan ko?
“Sibyl, that's all I want to know,” ani Airo at tumayo sa pagkakaupo. Napaatras ang ulo ko nang ilapit n'ya ang mukha sa akin. “But I want to know you better. Better get ready on Monday, susunduin kita sa boarding house mo.”
Napanganga ako nang matagal. Alam naman n'ya kung saan ako nagb-board pero 'yong pangalan ko hindi? 'Di ko s'ya maintindihan.
Napahawak ako sa dibdib nang tumalbog ito ng ilang beses. Talaga naman nakakabang nasa malapitan s'ya. Sa lahat ng babae rito, eh, ako ang napansin n'ya. Worst ako ang gusto n'yang ligawan. Ayaw kong paniwalaan pero alam kong seryoso s'ya.
'Di ba s'ya marunong mag-aya ng babae para manligaw? Para kasing binabataan n'ya ako na kung hindi ako susunod ay katapusan ko na.
Kung nililigawan n'ya ako, edi gusto n'ya ako? Hindi ko ma-imagine. He's famous, I know! Magandang pangangatawan at may karisma pero bakit sa akin pa? Anong binabalak n'ya? Kakatapak ko pa lang dito tapos may nagkagusto na kaagad sa akin.
Pinuntahan ko na lang sila Chiel at Mylara. Sinimangutan ko si Mylara nang ngisian n'ya ako habang nagsasayaw sa harapan ko. Sinadya talaga n'ya na sirain ang plano ko.
“He caught your attention, Sibyl. My gosh! Kinikilig ako sa inyo!!” Mahinang hinampas-hampas pa n'ya ako sa balikat.
Napailing ako at sinagi ang kamay n'ya. “May girlfriend iyon, panigurado. Sa itsura n'yang iyan? Ayaw kong ilagay sa alanganin ang sitwasyon ko.”
Ito ang pinaniniwalaan ko. Nasa kan'ya na ang lahat kaya imposibleng wala s'yang girlfriend. Lalaki s'ya, may itsura kaya, bakit sasayangin ang kaguwapuhan? Sa tingin ko naman gusto n'ya lang makipaglaro sa mga babae.
I don't know, but I hope not. Lalo pa na wala akong takas, unless gagawaan ko ng paraan na ayawan n'ya ako. Tignan na lang kung hanggang kailan ang pasensya n'ya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro