Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 05

CHAPTER 05


"Sama ka sa gym, Sibyl! " tanong ni Chiel habang naglalagay s'ya ng kolorete sa mukha n'ya, nay hawak itong salamin.

Magsasalita pa lamang ako nang inunahan kaagad n'ya ako.

"Syempre always naman." Nakangsibg nakatingin s'ya sa akin. "May crush ka kay Kertian 'di ba? Aminin mo na kasi."

"H'aag mo nga'ng pinagkakalat 'yan, " saway ko sa kan'ya at hinampas ang kan'yang balikat na ikinatawa n'ya, loko talaga.

Sa ilang linggo kong nag-aaral dito sa University of San Jose ay napadalas na ang punta ko sa gum. Gusto ko talagang nakikita si Kertian, nagagandahan ako sa boses n'ya.

Hindi sa guwapo s'ya kundi dahil sa pagiging gentleman nito. Sobrang bait at approachable sa mga nakapalibot n'ya. Nahihiya nga lang akong lumapit kaya hindi ako nakakuha ng pagkakataon na makausap s'ya.

Normal naman sa akin na maging ganito. May paghinga ako sa kan'ya ngunit 'di totally na hulog na hulog ako sa kan'ya. Siguro dahil nga sa magaling s'yang kumanta at mag-gitara, plus sobrang bait n'ya sa nga babae.

"Asus! H'wag ako, girl." Tinarayan pa ako ni Chiel. "Halat namang may gusto ka ro'n. Don't worry, walang kokontra at support kami, okay!"

Napakamot ako sa batok. Nakahihiya talaga na binubunyag n'ya sa mga kaklase ko na may gusto ako kay Kertian. Ayon tuloy tudo tago ako sa likuran nila tuwing pumupunta sa gym para lang 'di nila ako ituro kay Kertian.

'Di na ako umaasa na mapapansin n'ya ako. Masyadong marami s'yang ginagawa, uunahin pa ba n'ya ako?

"Wait lang, Mylara." Nakangiwing hinila ko pabalik ang kamay ko at umatras, malakas na pakakasalan ang kabog ng dibdib ko sa nakita.

"Akala ko gusto mo s'yang makita?" tanong n'ya. "Ayan na s'ya, oh. Halika na!"

Wala akong nagawa kundi nagpahila na lamang sa kan'ya. Hindi ako kinakabahan ngayon dahil kay Kertian, kundi dahil sa lalaking matagal nang bumabagabag sa aking isipan.

Nandito s'ya, di ko alam kung na kilala pala n'ya si Kertian. Right, malamang kilala n'ya dahil kabanda ng kan'yang kapatid. Halatang marine engineering student s'ya dahil sa suot n'yang uniform.

Nakayuko akong umupo sa bench. Hindi ko halos maintindihan ang pinag-uusapan ni Mylara at Chiel dahil sa lumilipad ang isip ko kay Airo.

Pagkaangat ko ng tingin ay nakita kong may binigay si Airo na lunch box kay Zahiro, pangalan ng kapatid n'ya. Kita ko ang pagkislap sa mga mata ni Zahiro. Tinapik-tapik n'ya ang balikat ni Airo at bahagyang niyakap.

Nanlambot naman ang puso ko dahil sa nakita. Ganito pala ang isang Airo Rigs Caddel. Sweet daw s'ya sa kapatid n'ya sabi ni Zaimon at ngayon ay natuklasan ko na.

"Grabe ganda talaga buhok ni Airo 'no?" Napailing ang ulo ni Chiel at nakadekwatro na upo."May lahi ba naman pamilya at bumagay ang mahahaba nilang buhok. Swerte at hindi sila pinagbawalan na putulin ang buhok."


Sabi nga ni Khalvin. Hindi ko nga lang alam kung bakit trip nilang magkapatod na magpahaba NV buhok. Paano kaya kapag pinagupit nila ang kanilang buhok? Siguro akong bagay pa rin sa kanila ito, kahit siguro anong porma nila babagay pa rin ito.

Seryosong tumango si Airo kay Zahiro bago bumaba ng stage. Wala pa masyadong tao dahil hindi pa nagsisimula ang tugtog.

Sinundan ko ito ng tingin at 'di ko inaasahang napatingin s'ya sa aming gawi. Ako ba ang tinitignan n'ya? Nag-a-assume lang siguro ako.

"Ayon na si Kertian, Byl, oh!" Tili ni Chiel at niyugyog ako kaya nawala ang atensyon ko kay Airo.

Pansin kong inaalam ko ang pagkatao ni Airo. Hindi na 'to maganda. Oo, may itsura s'ya pero alam kong wala akong gusto sa kan'ya. Siguro dahil sa buhok n'ya o interesado lang ako sa ugali n'ya na minsan ko lang marinig ang gano'n kabait na lalaki.

Nanood kami ng banda nila Kertian. Hindi nakakasawa ang tugtog nila. Inakala ko pa nga no'ng una na isa sila sa sikat na banda pero napagkaalaman kong dito lang sila sa school tumutugtog at sa mga events sa lugar na ito.

Pagkauwi ko sa boarding kasama si Mylara ay inimbita kaagad kami ni Auntie Zai na pupunta kami sa beacu resort malapit lang dito dahil kaarawan ngayon ni Zaimon.

"Alas-syete ang simula, ah," paalala ni Auntie Zai.

"Sige po, maraming salamat," ani ko sa kan'ya bago ito umalis, tutungo kaagad s'ya ro'n sa sinasabi n'yang beach para mag-ayos eh.

Friday ngayon kaya naman wala akong problema kung magpapakasaya kami sa birthday ni Zaimon na gaganapin sa beach resort. Hindi n'ya sinabi sa akin na birthday pala n'ya ngayon. Dapat may regalo na ako sa kan'ya, eh.

"Ayos na suot ko?" tanong ni Mylara at umikot sa aking harapan.

Tumango ako ng ilang beses habang pinapasadahan ng tingin ang kan'yang suot na shirt dress na hanggang ibabaw ng tuhod n'ya, kulay white ito.

"Okay na 'yan, gabi naman ngayon kaya hindi na nila mapapansin ang damit natin," sambit ko na ikinatango n'ya bilang pagsang-ayon.

Inaya na kami ng mga kasama namin sa labas na sumabay sa kanila papuntang beach resort. Sumunod naman kami. Hindi pa naman namin alam kung saan iyon banda. Naligaw pa kami kapag nagkataon.

"Si Chiel?" tanong ko habang papalapit sa beach resort.

Kitang-kita kong sunod-sunod ang pagpasok ng mga bisita sa entrance ng resort. Madami rin palang bisita si Zaimon, halatang maraming nakakilala sa kan'ya.

"Pupunta rin iyon," tugon ni Mylara at hinila na akong pumasok sa resort.

Mas lalong lumakas ang tugtog ng musika pagkapasok namin. May nagsasayawan na kaagad sa gitna na parang nasa bar lamang kami. Halos naka-dress silang lahat, magaganda pa ang damit. Sakto naman na dress din ang suot namin.

Hindi ko masyado marinig ang pagbagsak ng alon sa dagat. Malakas pala 'yong alon ngayon dahil sa dumaang bagyo rito nakaraang linggo.

Pinuntahan namin si Zaimon at kan'yang Ina, kaagad naman namin silang nakita sa tabi ng mini stage kung saan tumutugtog ang banda nila Kertian. Kaso nga lang wala si Kertian do'n, minsan lang s'ya sumama sa banda.

Napangiti kami pareho ni Zaimon nang nakalapit na ako sa kan'ya. Pinasadahan ko s'ya ng tingin at gano'n din s'ya, natawa na lamang kami.

"Happy birthday pala," sabi ko nang maalala, hinawakan ko ang aking siko sa lamig na nararamdaman. "Pasensya na at wala akong regalo. Ngayon ko lang nalaman na birthday mo pala ngayon."


Mabilis n'yang iwinagayway ang kamay. "Hindi na kailangan, Byl. Ang importante kompleto kayo ngayon sa birthday ko."

Napatingin ako sa paligid bago binalik sa kan'ya. "May gagawin ka ba? Yayain sana kitang uminom ng juice ro'n." Turo ko sa tabi ng coconut tree.

"Wala naman," sagot n'ya. "Tara."

Sabay kaming tumungo sa mahabang table kung saan may nakahilira ring mga iba't ibang klaseng juice. Sa kabila naman ay halos mga wine at alcohol. Hindi naman ako umiinom kaya juice muna.

Kumuha ako ng isa at si Zaimon naman ay kumuha sa lagayan ng wine. Tinaas n'ya ang baso sa harapan ko kaya nakuha ko kaagad ang gusto n'yang mangyari. Tinaas ko rin ang aking baso at mahinang binangga sa kan'yang baso.

"Kumusta ang pag-aaral? Pasensya na at hindi tayo minsan nagkikita sa eskwelahan, " panimula ni Zaimon, rinig ko naman kahit malakas ang tugtog sa kabilang banda.

Sumandig ako sa aking kinauupuan kung saan kaharap namin ngayon ang nagdadamihang pagkain.

"Ayos lang... May mga naging inspirasyon at nakayanan naman kahit papaano," ngiti kong sagot sa kan'ya.

Napatitig s'ya sa akin, hindi ko alam ang iniisip n'ya sa puntong ito. "'Yong Mama mo pala, Byl, kumusta? Bigla ko lang naalala"

"Ah, si Mama?" Nawala ang ngiti ko sa labi at bahagyang napayuko, napaisip. "Mama... 'Di ko alam."

Matagal na panahon na kaming iniwan ni Mama. Hindi naman ako nagalit o ano dahil bata pa ako no'n. Walang kaalam-alam. Nasanay akong si Kuya at Papa lang ang palaging nand'yan kaya hindi na ako naghanap kay Mama.

Pero sa tagal ng panahon, ngayon ko lang naisip kung ano ba ang mukha ni Mama? Hindi ko natanong kay Papa. Nawawala na sa isipan ko si Mama. Nasa'n si Mama? Natanong ko lang bigla sa isip ko.

"A-Ah, h'wag mo nang sagutin," mabilis na sambit ni Zaimon. "Si Kuya Sibyn pala pumunta sa public market kahapon."

Inilihis kaagad n'ya ang tungkol kay Mama. Siguro napansin n'yang naguguluhan ako. Wala akong alam na tumungo pala rito si Kuya Sibyn kahapon, hindi man lang nagpakita sa akin.

"'Di ko s'ya nakita kahapon," ani ko.

"Nagmamadali rin kasi iyon kaya baka di ka n'ya sinilip dito," dahilan ni Zaimon na ikinatango ko na lang, wala naman akong maisip na dahilan kung bakit nandito si Kuya kahapon bukod sa binibisita n'ya ako.

"Hey, Zaimon tawag ka ng mga banda, oh." May lumapit na lalaki sa gawi namin.

"Sige," tugon ni Zaimon, binalingan n'ya ako. "Dito ka muna?"

"Oo, sige na puntahan mo na sila." Kita ko kasing naghihintay Ying mga kabanda ni Zahiro sa kan'ya. Masyadong napahaba ang pag-uusap namin ni Zaimon.

Wala na 'yong mga kaibigan ko. 'Yong ibang kasama ko nasa gitna nagsasayawan, di ko na alam kung saan sila Chiel dahil sa dami ng tao. Maya-maya hahanapin ko rin sila.

Pinagmasdan ko lamang mga tao rito na nagkakasiyahan habang nagpapalunod sa juice na kanina ko pa iniinom. Tumama ang tingin ko sa nagpapatugtog ng speaker, natigilan ako nang makita s'ya ro'n.

Of course, kaibigan s'ya ni Zaimon kaya malamang imbitado s'ya. Ngayon lang sumagi sa akin na posibleng makita ko s'ya rito.

Muntik ko nang mabitawan ang baso ko nang tumama ang tingin n'ya sa akin. Sa akin ba talaga? Bakit palagi kong napapansin na napapatingin s'ya sa akin?

I saw how he ran his fingers into his long hair, nagbigay ito ng kakaibang pagpintig ng aking puso. I admit that he's totally handsome, more than that. He looks so cool lalo pa nakatingin s'ya sa akin habang pinapasadahan n'ya ang kan'yang buhok gamit ang kamay n'ya.

May headset pang nakasabit sa kan'yang leeg, napagtanto ko na s'ya pala ang nagpatugtog ng music.

Mas nagwala ang loob ko nang makitang bumaba s'ya ng mini stage. Nakatingin ang malalim n'yang mga mata sa akin habang naglalakad papunta sa akin. Ako ba talaga ang tinitignan n'ya?


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro