Chapter 03
CHAPTER 03
Linggo ngayong araw, kaya naman napag-isipan kong tumungo ng palengke para bumili ng pagkain ko na kakasya sa isang week. Bukas pasukan na namin kaya excited na rin ako sa buhay college life rito. No'ng first year college kasi online classes kami dahil sa gipit kami sa pera pambili ng gamot ni Kuya Sibyn.
Tulog ang mga kasama ko kaya ako na lang ang lumabas ngayon. Ayaw ko naman na istorbuhin ang tulog nila kaya 'di ko na inabala pang yayain ito.
“Saan punta mo?”
Napatingin ako bigla sa gilid ko. Si Zaimon lang pala, may dala-dala itong mangkok na sa tingin ko'y ulam.
Mabilis akong kumaway sa kan'ya at nilapitan s'ya. “Pupunta ako ngayon sa palengke, bibili ng mga stock na ulam.”
“Ikaw lang mag-isa?” tanong n'ya.
“Oo, tulog pa mga kasama ko, eh.”
“Sama na ako.” Mabilis s'yang pumasok sa loob ng boarding house, 'di na n'ya hinintay ang sasabihin ko.
“Baka may gawain ka pa,”nag-aalangan kong wika nang lumabas s'ya. Siguro ay binigyan n'ya ng ulam ang ka-board mate ko.
“Pupunta rin kasi ako ro'n, may kikitain lang,” sambit n'ya at inaya na akong sumunod sa kan'ya.
Sinawalang bahala ko na lang ang kakaibang pag-iisip ko. Bigla ba namang sumagi sa isipan ko ang lalaking may mahabang buhok nasa tingin ko'y trip na magpahaba ng buhok. 'Di kaya bawal ito sa university lalo na't lalaki s'ya?
Sinawalang bahala ko na ang gumugulo sa isipan ko at sumunod kay Zaimon. Nag-uusap kami habang naglalakad.
“Kilala mo na ako una pa lang?”bigla kong tanong na ikinatingin n'ya sa akin.
Nahihiyang nilagay n'ya ang mga kamay sa likuran n'ya at tumango. “Oo naman, elementary ako no'ng nakilala kita, dinadala ka no'n dito ng Papa mo,” natatawa pa n'yang kuwento. “Kumusta si Kuya Sibyn? Magaling na ba s'ya!”
Kilala n'ya nga talaga ako. Mukhang marami s'yang alam tungkol sa amin. “Hindi pa, eh. Hopefully sana bumaling na s'ya. ”
Ngitian n'ya lang ako at inilihis ang ibang usapan. Kapansin-pansin ang mahabang bangs ni Zaimon na humaharang sa kan'yang mukha, bagay sa kan'ya. Matangkad s'ya kaya agaw pansin sa mga babaeng nadadaanan namin. 'Di lang iyon, may itsura ito na maipagmamalaki.
Sinamaan n'ya ako na bumili ng mga gulat at groceries. Kaunti lang nga binili ko muna para 'di ako nahirapan.
“Ako na magdadala n'yan, ” tukoy n'ya sa mga pinamili ko.
Mabilis akong umiling at ngitian ito. “Kaya ko pa naman, okay lang.”
Pinilit pa n'ya ako ngunit tumanggi na talaga ako. Marami na s'yang naitulong sa akin at nakahihiya na. Mukhang gusto talaga s'ya na may nagawa para sa akin.
“Samahan kita sa pupuntahan mo. Hindi naman siguro sa liblib na lugar iyon 'di ba?”
Humagalpak s'ya ng tawa kaya nahawa na rin ako. Napatingin tuloy ang mga namimili sa amin kaya sinabihan ko s'ya na hinay-hinay lang sa pagtawa.
“Sorry, 'di ko lang maiwasang matawa.” Pinunasan n'ya ang kaunting luha sa gilid ng mga mata n'ya. “Mukha na ba akong masamang tao para dalhin ka ro'n? ”
“Hindi, ah, malay mo lang 'di ba?”
Hindi kami naubusan ng topic hanggang sa nakarating kami sa bilihan ng mga kotse at motor. Hindi ko na tanong kung anong gagawin n'ya rito. Sumunod ako sa kan'ya at tumigil lamang ako nang makita ang kaibigan ni Zaimon.
'Yong lalaking mahaba ang buhok. Ngunit akala ko talaga s'ya iyon, iba pala ito at magkamukha lamang sila ng unang lalaking nakita ko nakaraan.
“Ohh.” Nakangising napabilog ang bibig ng lalaki at lumapit sa akin, mukhang 'di naman s'ya masama. Siguro sa ugali na n'ya ito. “Hello, Miss.”
Yumukod ako ng bahagya nilang paggalang na mukhang ikinagulat n'ya. “Magandang araw po.”
Natawa ng tuluyan ang lalaki. “Hindi malayo ang agwat natin, Miss. H'wag mo na rin akong i-po. Nagmumukha tuloy akong matanda n'yan. ”
Natawa si Zaimon sa tabi. “Gupitin mo na kasi buhok mo para 'di ka nagmumukhang matanda.”
Maganda ang pagkakahaba ng buhok n'ya. Hanggang ilalim ng balikat ang sa kan'ya kumpara sa lalaki kahapon na mas mahaba ang buhok. Kulay itim na pinaghaluan na blonde ang kulay ng buhok n'ya. Parehas lang sa lalaki nakaraan. Kaya napagkamalan ko tuloy na iisa lang sila.
Napansin ng lalaki ang pagtingin ko sa kan'yang buhok. Sinuklay n'ya ito at nilagay ang takas na buhok sa likuran. Hindi s'ya mukhang bakla sa paningin ko. Para s'yang rockstar.
“Pansin mo siguro ma kakaiba ang buhok ko, Miss.” Nagtaas-baba ang kilay n'ya. “Palatandaan kasi ito na anak kami ng mga Caddel. Actually 'yong bunso talaga namin na kapatid ang may pasimuno nito,” kuwento n'ya.
Mayaman ba sila? Kakaiba kasi ang apelyido nila, mukhang foreign. Siguro nga tama ang hinala ko. Natural pala nilang buhok itong blonde.
“At nagustuhan mo maman? Buti 'di kayo napapagalitan ng instructors n'yo, ” ani Zaimon.
Mayabang s'yang tinignan ng lalaki. “Abay, subukan n'yang sabihin na putulin itong buhok. Napamahal na ito sa akin 'no.” Niyakap pa n'ya ang buhok n'ya na parang takot na putulin.
Kaya naman pala ayaw nilang ipagupit ng panlalaki dahil palatandaan din ito ng pagkakapatid nila raw tatlo. Oo, tatlo sila na may mahabang buhok kung gano'n.
“Nakita ko ba ang kaibigan ko nakaraan?” biglang tanong ni Zaimon habang naglalakad kami pauwi, nagpaalam na kasi kami kay Kuya Khalvin, ang lalaking nakausap namin kanina.
“Oo, bakit?” tanong ko.
“Kapatid ni Khalvin iyon,” proud n'yang sabi, hindi na ako nagulat do'n dahil halata naman.
“Mas mahaba ang buhok n'ya bukod sa dalawa n'yang kapatid na si Khalvin at Zahiro,” dugtong pa n'ya.
“Ano pala ang pangalan n'ya! ” Nakagat ko na lang ang dila ko dahil sa biglang tanong ko, mukha namang 'di n'ya napansin na big deal iyon sa akin.
“Airo pangalan n'ya,” sagot n'ya, kinuwento n'ya pa sa akin kung anong klaseng tao si Airo at nakinig naman ako.
Airo Rigs Caddel. Iyon ang pangalan n'ya. Base sa kwento ni Zaimon mukha namang mabait si Airo sa magkakapatid. Sabi ni Zaimon s'ya raw ang pinaka-clpse n'ya dahil same vibes lang sila. Seryoso raw ito sa buhay kaya walang nobya. May gano'n pala yo'n? Hirap paniwalaan.
“Pasok ka na,” ani Zaimon nang nakarating na kami sa harapan ng boarding house.
Humarap ako sa kan'ya. “Salamat pala sa pagsama sa akin,” malumanay kong saad, sinsero sa sinabi ko.
May mga ganito pa palang lalaki tulad ni Zaimon. Akala ko hindi na ako makakita ng ganitong lalaki. 'Yong magandang pagtrato n'ya sa Mama n'ya at sa amin, lubos na ikinagagalak ko.
“Wala yo'n, ” tila nahihiya pa s'ya sa pasasalamat ko. “Kita na lang tayo bukas sa university. ”
Tumango ako rito at sabay kaming humiwalay ng landas. Pagkapasok ko pa lang sa boarding house ay kakaiba na ang tingin ng mga kasama ko. Medyo nagulat lamang ako dahil nakaabang sila lahat sa sala.
“Ano yo'n? Kakalipat pa lang natin dito ta's may pa gano'n-gano'n na kayo,” nangangasar na sabi ng ka-board mate, 'yong maiksi ang buhok.
Hindi nila ako tinigilan sa pangangasar. Wala namang something sa amin ni Zaimon, sila lang talaga nag-iisip no'n.
Kung iisipin na kay Zaimon na ang lahat. 'Di ko pa man s'ya lubusan kilala ay alam kong mabait s'yang lalaki. Swerte ng girlfriend n'ya pag nagkataon.
Nangangarap din ako na magkaroon ng boyfriend na kasing bait n'ya at same interest. 'Yong sasabayan ako sa lahat at higit sa lahat, gentleman.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro