Chapter 01
CHAPTER 01
“Napakalayo naman ang eskwelahan mo, Byl. Wala ba talagang Business Administration sa San Juan?”
Napangiwi na lamang akong nakatingin kay Kuya Sibyn. Ilang ulit na n'ya itong tinatanong sa akin. Halatang ayaw n'yang nasa malayo akong eskwelahan.
“Wala nga, Kuya. Hindi naman ako lalayo pa ng eskwelahan kung mayro'n, 'di ba?” sarkastik kong pahayag at inabala ang sarili sa pag-iimpake ng aking mga damit.
Ngayong araw na ako tutungo sa San Jose para ro'n mag-aral ng college sa kursong napupusuan ko. Kahit malayo sa lugar namin, hindi naging hadlang sa akin na hindi makapag-aral sa pinapangarap kong university.
Ginulo ni Kuya ang kan'yang buhok na tila naiinis na. Medyo kulot ang buhok n'ya at nakapagbihis na rin ito ng simpleng damit na panlakad. Ihahatid kasi n'ya ako kasama si Papa.
“Bakit kasi biglaan ang pag-alis mo? Bakit 'di mo man lang sinabi na ro'n ka mag-aaral?” nagtatampo n'yang tanong at tumungo sa pintuan ng aking kwarto. “Pa! Pigilan mo ang anak mo!”
Natatawang napailing ako sa inasta ni Kuya. “Lagi kang busy at saka nasabi ko na kaya sa 'yo na ro'n ako mag-aaral. Saksak mo ulit sa taenga mo ang earphone.”
“Ewan ko sa 'yong babae ka,” problemado n'yang asik, nagdadabog pa.
Saktong pumasok si Papa sa maliit kong kwarto. Inis na inis ang mukha ni Kuya na umupo sa kama ko. Tinulungan n'ya ako sa pagtupi ng damit kahit labag sa loob n'ya na iiwan ko na sila rito.
Sumandal si Papa sa dingding ng kwarto ko at pinagmasdan kami. Tulad ni Papa ay nakasuot din s'ya ng panlakad. Mapapansin talaga na may pagkahawig sila ni Kuya. Ako kasi kamukha ko raw si Mama.
“Hayaan mong umalis si Sibyl, anak. Kailangan n'yang matuto na mamuhay ng mag-isa ro'n. ”
“Maraming masasamang tao ro'n! ” giit ni Kuya. “Paano na lang kapag may nangyaring masama sa kan'ya ro'n? Wala pa naman ako para bantayan s'ya. ”
Natunaw ang puso ko dahil sa sinabi ni Kuya. Kahit minsan nag-aaway kami sa maliit na bagay, yet he never stopped caring for me. Nag-aalala s'ya palagi sa akin to the point na hatid-sundo n'ya ako sa eskwelahan, kahit sa gimikan kasama ang mga kaibigan ko.
Napangiti si Papa dahil sa pagiging protective ni Kuya. Tumabi s'ya ng upo sa amin, pinagigitnaan namin si Kuya.
“Kilala ko ang landlady ng boarding house nila na magbabantay sa kan'ya ro'n, h'wag ka nang umiyak,” ani Papa, natawa pa.
Pikon na sumalubong ang kilay ni Kuya.“Hindi ako umiiyak, Pa, ano ba! Hindi na ba uuwi si Sibyl dito? Sino kasama n'ya ro'n? ”
“Si Mylara at Chiel kasama ko, uuwi naman ako,” sagot ko na ikinabaling n'ya sa akin.
“P'wede si Chiel sa boarding house n'yo?” mukhang gulat pang tanong n'ya. Nanlaki pa ang butas ng ilong, mukhang handa nang magwala kapag sinabi kong oo.
“Hindi, ah. Si Mylara lang, nasa kabilang boarding house lamang si Chiel,” agap kong sagot na ikinahinga n'ya.
“Mabuti na lang at may kasama ka kahit papaano,” wika ni Papa, He also helped me load the large bag with my belongings. Kailangan ko ng maraming damit since wala pa akong uniform.
Kanina pa nagrereklamo si Kuya sa lahat-lahat ng bagay na patungkol sa akin. Hindi ko na pinatulan dahil kabisado ko s'ya. Akala siguro n'ya susundin ko ang gusto n'yang mangyari na manatili rito.
When we walked out of our house, they carried my two bags. I took one last glance at the house, marami akong alaala rito kasama sila Kuya at Papa.
Hindi pa ako handang iwan sila dahil sa nasanay akong palagi sila sa tabi ko. Gaya nga sa sinabi ni Papa, kailangan kong matutong mamuhay ng mag-isa. There's a time that we will not be together.
At isa pa, gusto kong makapagtapos sa kursong napili ko. Kahit malayo at mahirap, susubukan kong malampasan ito. I don't want to disappoint my family.
“Mag-ingat ka ro'n, Sibyl. Aabangan ka naman ng anak ng landlady kaya wala ka ng problema,” ani Papa nang nasa harapan na kami ng sasakyan kong bus.
Medyo pawisan s'ya dahil sa pagbuhat ng mga gamit ko mula sa bahay hanggang sa nakalabas kami ng barangay.
“Kayo rin, Pa.” Niyakap ko s'ya at agad naman itong tumugon, hinalikan pa ako sa noo kaya kusang napapikit ang mga mata ko.
Tinapik ni Kuya ang balikat ko kaya niyakap ko rin s'ya pagkatapos. Minsan lang s'ya maging sweet kaya gusto kong may babaunin akong alaalang ganito mula sa kanila.
Nang nakasakay na ako sa Bus ay kumaway sila Papa at Kuya sa akin. Gano'n din ang ginawa ko hanggang sa umandar na ang bus. Pigil na pigil ang luha ko ngayon. I don't want to be sad, but I can't help it.
Napasandig ako sa aking kinauupuan at pinikit ang pagod na mga mata. Madaling araw na akong nakatulog at maaga pa ako nagising dahil sa kailangan kong tumungo na sa San Jose kung saan do'n ako mag-aaral sa main campus nila.
Halos mga kasabayan ko rito sa bus ay mga estudyante tulad ko na pansamantalang iiwan ang pamilya na nasa labas. Pare-parehas lang kami. Ayaw man namin iwan sila pero kailangan.
Napamulat ang mga mata ko nang may sumandig na ulo sa aking balikat. Napaupo ako nang maayos at sinulyapan ang mukha ng taong ito.
“Babae ba 'to? Bakit ang laki ng katawan?”taka kong tanong sa sarili, hindi alam kung babae ba s'ya o lalaki.
Mahaba kasi ang buhok n'ya na sigurado akong hanggang ilalim ng dibdib n'ya. Naka-mask at naka-cap s'ya kaya nalilito ako. But if you look at his body figure, he has this strong muscle and he is actually a tall, it was confirmed that he's a guy
Napatingin ako sa mga pasahero. Mukhang wala naman silang pakialam sa paligid nila. Kahit gusto kong alisin ang ulo n'ya ay ayaw ko naman na sirain ang pagtulog n'ya. Bahala na kung sakaling magising s'ya at maabutang nakadantay ang ulo n'ya sa akin. Dapat s'ya mahiya 'no.
I simply enjoyed the flight by listening to music on my cellphone till I fell off. My body and eyes are worn out, but my mind is still wandering.
Sumandig na rin ako sa gilid ng noo ng katabi ko at tuluyan nang ipinikit ang mata. Hindi ko pa ito ginawa noon pa man. Hindi naman kami magkikita pa ulit at totally stranger lang kaya walang hiya na akong sumandig. The feeling of leaning on somebody's shoulder feels so good.
~•~•~
“Nandito na tayo sa San Jose, ineng,” rinig ko ang boses ng matanda na babae at niyugyog ang balikat ko.
Mabilis akong napamulat dahil sa pagkagulat at hinagilap ang mga gamit ko. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil kompleto naman at naka-lock lahat, mas mabuting gano'n para mahirap buksan.
“Bababa na ako, ineng,” paalam ng matanda, nagpasalamat ako rito at sumunod na rin ako sa kan'ya pababa ng bus.
Unang tapak ko pa lang sa lupa ay kakaiba na ang pakiramdam ko sa paligid. Ganito talaga ako kapag naninibago sa lugar. Kakaiba ang amoy ng hangin at bago sa aking paningin ang lugar.
Dala ang gamit ko ay tumungo ako sa waiting area ng terminal. Sabi ni Papa naka-itim na damit ang lalaki na may disenyong skull ng tao ang susundo sa akin. Hindi naman siguro ako mahihirapan.
Pagod ang katawan kong umupo sa upuan at nilagay sa tabi ko ang mga gamit ko. Hinayaan ko muna ang ibang gamit sa security guard. Ang bigat ba naman dinala kong damit.
Medyo marami ang mga estudyante ang nakasabayan ko rito. Kaunti lang mga estudyante ang nakasabayan ko, tulad ko na galing sa malayong lugar. Ayaw raw kasi ng ibang estudyante na malayo ang eskwelahan kaya sa kabilang university sila nag-aaral.
Kasasandig ko pa lang sa upuan ay may lalaking biglang tumayo sa aking harapan. Napaangat ang tingin ko. Itim na damit at skull ang disenyo ng kan'ya. S'ya na yata.
May hawak s'yang cellphone habang nakatingin sa akin. ”Ikaw ba si Sibyl Lyrre Hernez? ” tanong n'ya, nakangiti pa.
Mabilis akong napatayo bitbit ang mga gamit ko. Masaya ko s'yang ngitian. “Ako nga po, ikaw ba si Zaimon?”
Sa tingin ko isang taon ang agwat naming dalawa basi sa aking obserbasyon. Matangkad s'ya at bumagay sa kan'ya ang porma at pagiging moreno n'ya. Maitim ang buhok, nagmumukha s'yang character ng anime dahil sa bangs na tumatabon sa kan'yang singkit na mga mata.
Sumilay rin ang ngiti n'ya sa labi. “Ako nga, nice meeting you, Sibyl.”
Hindi na ako nahirapan 'pang hanapin s'ya dahil s'ya na mismo ang lumapit. Wala na akong pakialam kung paano n'ya nalamang ako ang susunduin n'ya. Hindi naman kasi pinakita ni Papa ang mukha n'ya sa akin, tanging pangalan lamang.
Napanganga na lamang ako nang makitang kulay puting kotse ang sasakyan namin ngayon na mukhang mamahalin. Hindi pa ako nakasakay ng ganitong klaseng kotse.
Napatingin ako sa kakilala kong lalaki sa tabi ko nang tumawa s'ya. “Hindi ko afford ang ganitong kotse, hiniram ko lang 'yan, ” natatawa n'yang paliwanag nang makitang gulat ako.
Natawa na rin ako sa kan'yang sinabi. Medyo awkward lang dahil ngayon lang kami nagkakilala. 'Di ko lang talaga mapigilan na makisama.
S'ya ang nagmaneho ng kotse habang ako naman ay tahimik sa tabi. Wala akong maisip na sasabihin kaya inabala ko na lang ang sarili na pagmasdan ang mga kabahayan na bawat nadadaanan namin.
Tumigil bigla ang kotse na ikinatingin ko kay Zaimon. Binaklas n'ya ang kan'yang seatbelt at sinulyapan ako. Tumigil kami sa tabi ng motor shop.
“Teka lang, kakausapin ko muna ang may ari ng kotse na 'to.”
“Sige,” ani ko, napasunod ang tingin ko sa kan'ya hanggang sa kausap na n'ya ngayon ang may ari panigurado ng kotse na sinasabi n'ya.
Kapansin-pansin ang mahabang buhok ng lalaking kausap ngayon ni Zaimon. Pamilyar ang kan'yang suot ngunit sinawalang bahala ko na lang. Halatang 'di mabiro dahil sa kaseryusuhan ng kan'yang mukha. May itsura rin tulad ni Zaimon. Mukhang magkaibigan talaga sila at kasing edad lamang.
Blonde ang mahabang buhok n'ya na bumagay sa maskulado n'yang katawan. I think he's more than two years older than me.
Napalundag ang puso ko nang makita ang kan'yang mukha. S'ya na yata ang pinakaguwapong lalaki na nakilala ko. Marami naman akong nakilalang lalaki na guwapo pero 'di ko alam kung bakit para sa akin, mas lamang ang kan'yang kaguwapuhan.
Nakatingin ako sa kanila hanggang sa natapos ang kanilang pag-uusap. Nanlaki nang bahagya ang mga mata ko nang napatingin sa aking gawi ang lalaking kausap ni Zaimon.
Ayaw kong mag-assume pero napatagal ang titig n'ya sa akin na parang kinikilatis ako. It appears that he is staring at me the same way I did when we first met.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro