Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9 - Trying hard

Makalipas ang ilang araw, sabado ng umaga, dumating si Dean at Tisoy sa mansyon. Bumati ang mga ito kay Mang Leo.

Tisoy:  Magandang umaga po.

Dean:  Hi, Mang Leo, sila Tita Dei ba gising na?

Mang Leo:  Oo, parang nakita ko ng nagluluto ng agahan eh.

Dean:  Ayos!

Tumakbo si Dean papunta sa pinto ng bahay nila Dei at binuksan ito.

Dean:  Good morning Tita!

Tisoy:  Magandang umaga po.

Dei:  Oh ang aga ninyo ah.

Dean:  Galing kami sa pagbabasketball Tita, pwedeng makikain?

Tisoy:  Huy, ang kapal mo Tol!

Dei:  Sanay na ako dyan kay Dean.

Tisoy:  Tita oh dinalhan ko po kayo ng malunggay pandesal.  

Dei:  Salamat, narinig ko na yan pero ngayon lang ako makakakain niyan. Sige, maupo muna kayo dyan at tatapusin ko lang itong agahan. 

Tisoy:  Dito na lang po muna kami sa garden.

Lumabas si Tisoy at lumapit kay Mang Leo.

Tisoy:  Mang Leo, labas mo po yung lawn mower, itrim na natin itong mga damo, mahaba na eh.

Mang Leo:  Alam mo naisip ko na din yan eh.  Maaasahan ka talaga Tisoy.

Nilabas naman nito ang lawn mower.  Sinimulan ni Tisoy ang pagtitrim ng damo mula sa dulo sa ilalim ng mga puno.  Kinuha naman ni Mang Leo ang grass cutter at  binawasan ang mga dahon ng mga puno at halaman sa garden.

Mang Leo:  Dapat bawasan na yung mga dahon na nakatapat sa pader, baka mamaya may umakyat sa bakod at gawing taguan eh. Tsaka para hindi tumatama sa kawad ng kuryente.

Tisoy: Sige po, mamaya kukunin ko yung hagdan at aakyatin ko yan.

Dean:  Sige, ilalabas ko na lang yung hagdan para magawa mo na yon at ako na muna mag ti-trim ng mga damo.

Inilabas nga ni Dean ang hagdan binitbit naman yon ni Tisoy at isinandal sa pader ng mansyon.  Iniabot ni Mang Leo ang  grass cutter at ito ang nagsasabi kung hanggang saan ang puputulin sa mga sanga.  Makalipas ang isang oras, wala ng mga sanga na nakatakip sa pader at nakadikit sa mga kable ng kuryente.  Pinupulot na ni Dean ang mga sanggang pinutol at inilalagay nila sa garbage bag ni Mang Leo.  Nagising si Denver sa ingay ng lawn mower.

Denver:  Mukhang sinisipag si Kuya Leo ah.

Dei:  Pati ang inaanak mo, nahahawa kay Tisoy.

Denver:  That I wanted to see.

Sumilip si Denver sa pinto at nakita ang ginagawa ni Dean, Mang Leo at Tisoy.

Dean:  Ano ang nakain ni Dean?

Dei: Baka ito, tikman mo itong pandesal ang tell me kung anong lasa.

Denver:  Parang vegetable, just can't pin-point which one.

Dei:  Malunggay, dala ni Tisoy yan.

Denver:  Mukhang desidido sa pagbawi si Tisoy ah.  

Dei:  Oo nga eh, alam mo ba nung isang araw nilinis niya ang alulod ng mansyon at nitong bahay natin.

Denver:  Hindi naman kaya nagpapalakas lang sa atin yan? Dahil sa dalagita natin?

Dei:  I don't think so, kapag dumadating yan ni hindi nga hinahanap si Rose eh.

Denver:  Sabagay, sabi ni Father gusto daw magpari di ba?

Dei:  Kung sakali mabait naman, malapit pa sa Diyos. So, wala namang masama kung may gusto sa dalagita natin hindi ba?

Denver:  Oo naman wala namang masama.  Masipag na bata, responsable din. Kaya lang kawawa yan sa anak mo eh kahit ata pakikipagkaibigan ayaw tanggapin eh.

Dei:  Yun lang.

Denver:   Bagay pa rin naman sila, si Tisoy magpapari yang anak mo naman mukhang magmomongha.

Nagtawanan sila. 

Dei:  Ang totoo Hon, dinadasal ko na sana makatulong kay Rose ang pakikipagkaibigan ni Tisoy eh.

Denver:  Sana nga, then that would be just like you and me.

Ngumiti si Denver at niyakap si Dei.

Dei: Ang sabihin mo sana kasing tyaga ko si Tisoy na maghihintay forever.

Denver:  Ganon??

Dei:  Totoo naman ah!

Denver:  Oo na panalo ka na.

Bumungisngis si Dei.  Nagulat sila ng nagsalita si Rose mula sa hagdan.

Rose:  Sinong nagpapalakas to who Papa?

Denver:  Ah si Dean, nagpapalakas para makapagbreakfast dito.  Look at him.

Tumingin si Rose sa garden at nakita si Dean na nagpupulot ng mga dahon at sanga.  Nakita din niya si Tisoy na nagti-trim ng damo gamit ang lawn mower at si Mang Leo na nagtatabas ng mga dahon ng halaman.  Nagkakantahan pa silang tatlo, umiindak si Dean at nagtatawanan pa ang mga ito.

Rose:  That is a miracle! He's to lazy to do anything.

Denver:  I think Tisoy is a good influence on him.

Rose:  He should be, he's wanting to be a priest anyway. Wow, may pandesal.

Kumain si Rose, nakakadalawang pandesal na ng magtanong.

Rose:  This taste different, but its delicious. What's in it Ma?

Dei:  May malunggay yan, dala ni Tisoy. Darling, can you help prepare the table?

Rose:  Sure po.

Pagkatapos maghain, lumabas si Dei para tawagin na sila Dean, Tisoy at Mang Leo na kumain.
Natapos naman nila ang pagtitrim ng damo at nailabas na ang basura pero wala sa garden ang tatlo.  Pumasok si Mang Leo at Dean mula sa main door.

Dei:  Ayan pala kayo, maghugas na kayo ng kamay at kakain na. Nasaan na si Tisoy?

Dean:  Umalis na Tita, pasensya na daw nagtext kasi ang Nanay niya kulang daw ng tao sa laundry shop eh.  Ikain ko na lang daw siya.

Dei:  Ganon ba?  O sige na kumain na tayo at lalamig ang sinangag.

Denver:  Dean, sana pinilit mo munang magagahan si Tisoy.

Dean:  Pinilit ko Tito, nagtataka nga ako kanina excited pa nga at nagtatanong kung ano kaya ang agahan tapos pagkabasa ng text nagpaalam na. Hindi kaya ikaw Rose ang nagtext sa kanya at pinaalis mo siya.

Rose:  Why would I do that?

Dean:  Kasi ayaw mong makipagkaibigan sa kanya. O hindi kaya nagdahilan lang yon na may nagtext pero wala naman at kaya lang umalis dahil nakita ka?  Sinusungitan mo ata eh.

Rose:   Of course not. I mean we are not as close as Leslie and I are but I am always nice to him.

Dean:  Alam mo Cous' minsan kasi alisin mo yang pagiging nega mo, naoobvious yata ni Tisoy na napipilitan ka lang makipagkaibigan sa kanya dahil sa akin at kay Leslie eh. I-feel mo naman na kaibigan din ang turing mo sa kanya para nararamdaman naman niya.

Rose:  You talk too much Dean, I didn't do anything. Why don't you just eat?!

Denver:  Darling, your cousin must be right you know.  Maybe he got to shy to join us because he knows you don't think he's a friend.

Dei:  Oo nga naman anak, why don't you give Tisoy a chance, if you can be friends with Leslie why can't you be friends with him? 

Dean:  Kasi Tita, mas matanda si Tisoy sa kanya iba ang life span ni Tisoy baka mamatay ng una kaysa sa kanya masasaktan lang siya. Ewan ko ba sa yo Cous... not everybody will leave you, you know. Iba sila Lolo.

Denver:  Oh tama na yan, sige na kumain na tayo.

Tahimik na lang na kumain ang mga ito.  Nagiisip si Rose, "bakit ako ang sinisisi? I didn't do anything."  Pero sinagot din niya ang sariling tanong. "That's the point Rose, you didn't do anything."

Kinabukasan ng linggo umattend ng Bible Study sila Dean at Leslie, may dala na ang dalawa ng Bible.

Tisoy:  Hey, welcome to both of you.

Leslie:  Hindi mo ba hahanapin si Rose?

Tisoy: Hindi, kasi alam ko this is not her cup of tea. 

Dean:  Pero nandyan siya sa labas somewhere kasi hihintayin pa niyang matapos si Dennis.

Tisoy: Ah ok, sige upo na kayo dito para makapagsimula na tayo.

Nagumpisa na nga sila binasa nila ang first reading ng araw na yon at yon ang pinagusapan at nirelate nila sa buhay.  Nang matapos magshare si Tisoy, nagpaalam itong magbabanyo at sinabi sa kanila na ipagpatuloy lang ang discussion.  Pero ang totoo hindi naman siya naiihi pero pakiramdam niya kailangan niya talagang lumabas.  Paglabas niya nakita niya si Rose na nakadungaw sa kwarto ng Choir.

Tisoy:  Hi! Nandito ka pa pala? Gusto mo pumasok sa loob?

Rose:  I might disturb them eh, they have started their practice na eh.

Tisoy:  Kung talagang gusto mo, wala namang problema don.  I'm sure, they'll be happy to have you.

Rose: Ok. 

Kumatok si Tisoy sa pinto at binuksan ito.

Tisoy:  Hi everyone!  This is Rose  sister siya ni Dennis. She wants to sit in and watch you.  Ok lang naman di ba?

Umoo naman ang mga nandon. Nagpakilala kay Rose ang head ng nagtuturo ng Choir.

Tisoy:  I'll go ahead ha.

Rose:  Yah. Thanks!

Makalipas ang ilang araw, nagtext si Rose kay Leslie... "Best, what are you doing?  I'm bored."

Sumagot naman si Leslie,  "Naku Best, nandito ako sa Laundry shop nagpapatulong kasi si Mama eh kulang kasi sa tao."  Makalipas ang isang oras dumating si Tisoy. 

Tisoy:  Tao po!

Rose: Hello!

Tisoy:  Busy ka?

Rose:  No naman.

Tisoy:  Si Tita Dei nandyan?

Rose:  Wala eh, she's with Papa sa office, she needs to take care of something eh.

Tisoy:  Wala akong magawa sa bahay eh. Naghahanap sana ng magagawa.  You want to watch a movie?

Rose:  No, I can't go out eh, Mama told me to man the house.

Tisoy:  Cool, manood na lang tayo ng movie sa laptop mo. May nahiram akong usb sa kaibigan ko ang daming movies. Ano, gusto mo?

Rose:  Ok lang, don't have anything to do naman eh. Wait, I'll go get my laptop tapos iconnect natin dyan sa TV para malaki yung screen.

Inayos ni Dei ang laptop, namili sila ng movie bago nagsimula, nagluto ng popcorn sa microwave. Magkatabi silang nanood ng movie at kumain ng popcorn sa salas.

Napapaisip si Dei... "Para namang sobrang coincidence na nabo-bored sya tapos dumating si Tisoy.  Isa pa, sabi ni Leslie, kulang ng tao sa Laundry shop eh bakit hindi nagpunta don si Tisoy?  Just like what he usually do?"  

Minsan naman, nautusan ni Dei na maggrocery si Rose.  Hinatid ito ni Mang Leo sa grocery at sinabi nitong babalikan na lang siya pagkatapos ng iba pang pinapupuntahan ni Dei.  Pero natapos ng maggrocery si Rose at mahigit isang oras na siyang naghihintay kay Mang Leo ng makita niya si Tisoy na lumalabas ng grocery.

Tisoy:  Oh nandito ka?  Sinong kasama mo?

Rose:  Noone, naggrocery lang ako, I'm waiting for Tatay Leo to pick me up pero wala pa siya eh. Hindi ko din macontact ang  phone niya, one hour na nga ako dito eh.

Tisoy: Tawagan mo si Mama mo, para malaman mo kung may susundo ba sa yo. O baka tumawag na sa kanya si Mang Leo.

Tinawagan nga ni Rose.  Napagalaman niya na nasiraan si Mang Leo at wala din naman ang sasakyan ng Papa niya dahil nasa opisina ito.

Tisoy:  Sabihin mo kay Tita, Sabay na tayong uuwi. Huwag kamo siyang magalala.

Yun nga ang sinabi ni Rose sa kanyang Ina.

Tisoy: Sabay na lang tayo. Mabuti pa mag-Grab-a-cab  na lang tayo, sa dami ng pinamili mo hindi tayo pwedeng magcommute eh.

Rose:  Ah ok sige. Wait I'll  find a grab.

Kumontak na ng grab-a-car si Rose, wala pang sampung minuto dumating ang sasakyan nila. Isinakay nila sa likod na compartment ang mga pinamili.  Nang masigurado ni Tisoy na naisakay ng lahat.  Pinagbuksan niya ng pinto si Rose at magkatabi silang sumakay.

Rose:  I'm sorry, naistorbo ata kita eh, tapos ka na bang mamili?

Tisoy:  Hindi, ok lang yon, tapos na ako. Pauwi na din talaga ako kaya nga lumabas na ako eh. Besides that's what friends are for di ba?  Kung nagkapalit tayo ng posisyon, ako ang mangailangan ng tulong, tutulungan mo din naman ako hindi ba?

Ngumiti lang si Dei at tumingin sa bintana napaisip,  "I'm not even sure that I would do the same Tisoy, you expect to much of me. Why can't you just give it up?"


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro