Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8 - Alinlangan

Makalipas ang ilang araw, dumating si Tisoy sa mansyon. Pinapasok naman siya ni Mang Leo ng hanapin niya si Dei.

Nasa salas ito ng bahay at naglilinis.

Tisoy:  Good morning po Tita.

Dei:  Oh, napadalaw ka?

Tisoy:  Wala pong magawa sa bahay eh, baka po may kailangan kayong ipagawa?

Dei:  Ikaw talaga Tisoy, wala namang masyadong gagawin dito.

Tumingala sa bubong ng mansyon at ng bahay nila Dei si Tisoy.

Tisoy:  Tita, kailan ho huling nalinis  ang alulod ng mansyon at ng bahay ninyo?

Mang Leo:  Matagal ng hindi Tisoy, naghahanap nga ako ng gagawa niyan kasi hindi ko na kayang gawin, alam mo na hindi na kasing lakas ng dati si Manong Leo mo, pati ņga bubong sa mansyon hindi ko magawa.

Tisoy:  O ayan Tita si Mang Leo na po ang nagsabi ha. Kaya ako na ho ang aakyat. Mang Leo, basta iabot lang ho ninyo ang mga gamit, habang summer dapat nagagawa yan para pagdating ng tagulan maayos na.

Dei:  Tisoy, mataas yan, baka naman mahulog ka.

Tisoy: Tita Dei, malakas ako sa Diyos isa pa ang dami kong padrino hindi naman siguro ako pababayaan ng Tatay ninyo at ni Señor dahil inaayos ko naman itong mansyon.

Dei:  Oh sige na, ikaw na nga ang bahala basta magiingat ka ha.  Tatay Leo paki alalayahan na nga ho si Tisoy.

Inilabas ni Mang Leo, ang hagdan, walis tingting at  garbage bag.  Kinuha ni Tisoy ang garbage bag, isinuksok sa bulsa ng sira-sirang pantalon. Itinuro naman ni Mang Leo kung saan makakaakyat ng madali si Tisoy.  Binitbit ni Tisoy ang hagdan at isinandal sa dingding ng mansyon at tsaka umakyat.

Tisoy:  Madali naman pala akyatin Mang Leo kasi my bahagdan dito sa bandang itaas na dingding.

Mang Leo:  Oo pero dyan sa bubong, magingat ka, matanda na ang bahay baka mamaya may mahina ng parte ng bubong magingat ka at siguraduhin ang mga tinatapakan mo.

Tisoy:  Opo.  Mang Leo, puno na nga ho ang mga alulod ng mga tuyong dahon tapos puro dumi pa ng mga ibon.

Nakita ni Mang Leo na iniladlad nito ang garbage bag at nagsimula itong pulutin ang mga tuyong dahon na nakasiksik sa alulod.  Kumakanta-kanta pa ito ng mga church songs.  Natawa na lang si Leo. Makalipas ang 45 minutes narinig naman niyang nagwawalis na ito. Narinig ni Therese at Evelyn ang pagwawalis sa bubong.  Nagpunta ito sa terrace at tinanong si Leo.

Therese:  May gumagawa ba sa bubong Leo.

Mang Leo:  Opo Mam, si Tisoy ho, naglilinis ng alulod at bubong.

Therese:  Dyoskong bata yan.  Hindi ba delikado dyan sa bubong Leo?

Mang Leo:  Hindi naman ho, ayun nga ho at umaawit pa  si Tisoy eh.

Eksakto namang lumabas si Rose, bitbit ang isang libro at nagpunta sa dulo ng garden kung saan may mga malalaking puno, naglatag ng picnic mat sa ilalim ng lilim ng puno at doon nahiga, isinuot ang headset niya at nagbasa.  Mahigit isang oras din sa bubong ng mansyon si Tisoy, nakalahati niya ang garbage bag ng mga basura na galing sa bubong.  Nang bumaba ito, inabutan ng malamig na tubig ni Dei.

Tisoy:  Mang Leo, Tita, ok na ho.  Mukhang magandang materyales naman ho ang ginamit sa bubong dahil wala naman akong makitang butas eh.  May tumutulo na ho ba sa mansyon kapag umuulan.

Mang Leo:  Parang wala pa naman.

Ininom ni Tisoy ang isang basong tubig at umakyat naman sa bubong ng bahay ni Dei, sa unahang pader umakyat si Tisoy. Nang magsimulang linisin kumanta-kanta na naman.  Nang mapunta siya sa bandang likod tsaka niya nakita sa ibaba si Rose.  Napangiti si Tisoy, ilang sandali niyang pinagmasdan lang ito.  Naupo siya at kinausap ang sarili, "Kapag sinuswerte ka nga naman may pampatanggal pagod pala dito eh, tignan mo Tisoy, kuntento na siya ng nakahiga sa ilalim ng mga puno at nagbabasa.  Hindi katulad ng ibang mayayaman, pashopping shopping puro lakwatsa."

Bigla din siyang natahimik ng marealized ang tinutumbok ng sinasabi niya - gusto niya si Rose. Pilit niyang iwinaksi ang naiisip at bumalik sa ginagawa. Nang matapos bumaba na siya. Dumerecho siya sa lababo sa kusina at naghugas ng kamay, braso at naghilamos. Inabutan siya ng tuwalya ni Dei.

Tisoy: Thanks Tita!

Dei: Naku ako ng dapat magpasalamat eh. Teka maupo ka muna at magmeryenda, tatawagin ko lang si Rose sa kwarto.

Tisoy: Tita nandoon ko ho nakita sa dulo sa ilalim ng malaking puno naka earphones ho ata kaya hindi kayo naririnig.

Dei: Ganon ba? Mabuti pa bitbitin mo na itong meryenda doon. Hindi nagbreakfast yon malamang gutom na yon. Paki na lang ha at para may kasabay ka na din kumain.

Tisoy: Sige po.

Bitbit ang tray na may lamang clubhouse sandwich, french fries at dalawang baso ng mango juice at isang pitchel ng iced water pinuntahan ni Tisoy si Rose. Nagulat ito ng makita siya at malakas na nagsalita.

Rose: WHAT ARE YOU DOIN' HERE?

Tisoy: Sinisigawan mo ako, galit ka ba?

Inalis ni Rose ang earphones niya at maupo.

Rose: No! Sorry napalakas lang boses ko.

Umupo din si Tisoy sa picnic mat at inilapag sa gitna nila ang tray ng pagkain.

Tisoy: Hi! Kanina ka pa tinatawag ni Tita para magmeryenda hindi mo ata naririnig kaya pinadala na lang dito para sabay na daw tayong kumain.

Pumikit si Tisoy at nanalangin, narinig niyang sumabay si Rose...

Tisoy at Rose:  thank you Lord for this thy gift which we are about to receive from thy bounty through Christ our Lord. Amen.

Pagmulat ni Tisoy nakita niyang nakatingin sa kanya si Rose.

Rose: What are you doing here?  Kasama mo si Dean?

Tisoy:  Hindi, nabobored ako sa bahay, walang ginagawa kaya naghanap ako ng gagawin.

Rose:  You found something to do here?

Tisoy:  Oo, kabababa ko nga lang ng bubong eh.

Rose:  You did what?

Tisoy:  Umakyat sa bubong at nilinis yung alulod para walang bara kapag umulan na.

Rose: My Mom made you do it?

Tisoy:  Ayaw nga eh, kaso si Mang Leo nabanggit niya na hindi pa nalilinis kaya pinilit ko si Tita.

Rose:  Why are you doing this?

Tisoy:  Gusto ko lang bumawi sa tulong na ginawa ng parents mo sa scholarship ko.  Dami mong tanong, kumain ka na nga. Hindi ka daw nagalmusal eh.  Didn't you know that breakfast is the most important meal of the day?

Rose: I know.

Tisoy:  Alam mo pala eh bakit hindi ka kumain?

Rose:  I ate some cornflakes, hindi lang nakita ni Mama.

Tisoy:  Tatagal ba yong cornflakes? Kumain na nga tayo.

Tahimik silang kumain, ng matapos.

Tisoy:  Oh bakit tahimik ka?

Rose:  Because I know you are  quiet when you eat. Alam ba ni Dean that you're here?

Tisoy:  Hindi. Bakit? ayaw mo bang pumupunta ako dito ng hindi siya kasama?

Rose:  It's not that, baka magtampo yon hindi mo siya niyaya eh.

Tisoy:  Hindi naman ako nagpunta para tumambay eh.

Rose:  Did Dean and Leslie mentioned that they are joining you on the Bible Study on Sunday?

Tisoy:  Sinabi nila yon?

Rose:  Seems so, nagenjoy daw sila eh.  They both like sharing what they think. It's a good idea that the Church taught of it.  You were good by the way.

Tisoy:  Not good enough to convince you to join though.

Rose:  No, its not you... its a me problem.  I don't like sharing my thoughts about anything.  I don't share them with my family more so to strangers.

Tisoy:  You like being alone?

Rose:  I'm just used to it, I mean the only companion I used to have is My Lolo Tatay and Lolo Daddy so... you know. Now, I am used to having Leslie  and Dean.

Tisoy:  Ayaw mong nakikipagkaibigan?  You've been here what 2 years, wala kang ibang kaibigan?  Like from school?

Rose:  Wala, nagagalit nga si Leslie eh.  Dami daw gwapo sa IS hindi ko siya pinapakilala. How can I eh I don't know any of them.  I mean, I know all my classmates names, we say hi or hello to each other or ask questions about school work but that's all.  I am far from being their friends. Unlike you.

Tisoy: Ako?

Rose:  I mean, you seem to easily get along with anybody.  All Dean did was buy some candles and he became your friend.  You are friends with everyone at the Bible Study. You seem to know each and everyone's life.

Tisoy:  You can be a friend to anyone.

Rose:  I'd rather not.

Tisoy:  Pwedeng malaman kung bakit?

Rose:  I don't want to get close to anyone then because eventually, they will leave anyway.

Hinawakan ni Tisoy ang kamay ni Rose.

Tisoy:  I will always be here for you. Hindi kita iiwan.

Rose:  Sinabi din yan ng mga Lolo ko but where are they now?

Tisoy: Eh di sa puso mo. For as long as you live by their example, for as long as you keep your love for them they will live in your heart and will never be gone. Hindi ka iiwan ng mga taong mahal mo at nagmamahal sa yo. Just believe.

Ngumiti si Tisoy, si Rose naman  natahimik at napatingin kay Tisoy ang nasa isip, "Why do you always have answers for everything, why do I like to believe you?"





















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro